Chereads / SILENT SCREAM / Chapter 3 - Chapter 1

Chapter 3 - Chapter 1

Chapter 1

Naalala ko pa ang lahat, kung bakit ako naririto at kung bakit ako nakahiga sa matigas na kamang ito.

Ang aking pagpili sa aking kapalaran gamit ang lagusan na may dalawang kulay ay siyang kapagpabalik sa'kin sa mundong aking gustong balikan. Ang mundong aking sinilangan at kinalakihan.

Ramdam ko ang init sa aking mukha ngunit sobrang lamig naman ang sa aking katawan. At nang sandaling magmulat ako, nakita ko ang sabog sa galit na mukha ng aking ina habang nakakunot pa ang noo at salubong ang mga kilay na may hawak pang balde ngunit wala nang lamang tubig.

"Nanay!" natataranta kong sambit habang nagmamadaling bumangon at ayusin ang aking sarili. Basa na ang aking damit dahil sa tubig na ibinuhos ng aking ina sa'kin. "Pasensya na po."

Kinuha ko ang kanyang kamay upang magmano sana nang iwaksi niya ito.

"Kumilos kana nang makakain na tayo." Nakayuko lamang ako sa kanyang harapan habang pinipigilang ipahalata ang aking pang giginaw.

Matinis ang boses ng aking ina at mapapansin mo kaagad ang pagiging strikta nito. Madiin kung magsalita at palaging nang uutos na pagalit.

Umalis na siya sa aking harapan na nakapamewang at umupo sa may bakod at ipinagpatuloy ang pakikipag chismisan sa kanyang mga kumare.

Napangiti naman ako habang pinagmamasdan siya. Namiss ko siya, namiss ko ang aking ina.

Masaya siya ngayon habang nakikipagtawanan sa mga kausap niya sa kabila ng kanyang sakit. Oo, may sakit siya. At yun ang dahilan kaya niya ako iiwan.

"Good morning Nay." nakangiting bulong ko sa hangin habang nakatingin sa kanya.

Nagmadaling inayos ang higaan, nilinis ang maliit naming bahay at inayos ang sarili bago pumunta sa tindahan at nangutang para may makain sa agahan.

"Utang nanaman Soliva! Kababayad mo lang kagabi, utang nanaman!? Por dyos por santo! Hindi na kayo napagod kaka-utang sa mga kapitbahay niyo!" Nakagat ko nalang ang aking pang ibabang labi habang nakatingin sa ibaba.

Pati ikaw ay na miss ko, Aling Medri.

"Oh! Iyan! Kalahating kilo lang ang pwede mong utangin at isang sardinas lang! Mga walang pakinabang sa lipunan, puro lamang utang." dagdag pa nito habang hindi bukal sa loob na inilalagay sa aking harapan ang bigas at sardinas.

"Maraming salamat po." nginiti-an ko siya at kinuha ang mga inutang. "Mamayang hapon ko po itong lahat babayaran. Makakaasa po kayo Aling Medri."

"Aba'y dapat lang! Dahil kung hindi, kukunin ko yung mga gamit niyo!" Hindi nalang ako sumagot sa kanyang sinabi sa halip ay binati ko nalang siya, baka masama lang ang gising.

Pero parati namang masama ang gising niya Soliva.

"Magandang araw po." At pagkatapos ko siyang bati-in ay nagmadali na akong umuwi ng bahay at inihanda ang aming agahan.

Ito ang namiss ko, namiss kong pagsilbihan ang aking cute na ina. Oo, cute siya para sa akin. Mukha kasi siyang teddy bear na human size dahil sa laki at hugis ng kanyang katawan. Pero kahit ganyan siya, mahal na mahal ko siya.

Pilit kong huwag tumulo ang aking luha habang naghuhugas ng kanyang pinagkainan at siya naman ay nakaupo ng maayos sa upu-an na nasa harap ng lamesa. Nakapikit pa ang kanyang mga mata na animo'y inaantok matapos ang kumain.

Napatawa nalang ako nang mahina, ang dami mo kasing kinain nay. Halos wala nanga akong makain.

Pero wala naman akong paki-alam doon. Mabubuhay ako ng isang linggo na tubig at hangin lamang ang nagsusupply ng aking pangangailangan.

Ang mga natitirang butil ng kanin ay pinakain ko kay Naning, pusa ko. Nilagyan ko nalang ng tubig at asin para masarapan siya kahit papaano.

"Nay, aalis napo ako." paalam ko sa kanya.

"Aba't kailangan lang, para may pagkain tayo mamayang gabi!" Ngumiti ako sa kanya.

"Opo Nay. Dadalhan ko po kayo ng paborito niyong pansit." Halos tumulo ang sipon ko sa pagpipigil kong umiyak, alam ko na kasi ang eksenang ito. Batid kong pagbalik ko ay hindi na kita maaabutan.

Magmumukha ba akong baliw kung tatawa ako dahil para lang iyong sa mga dula dulaan ang kwento ng pagkamatay ni ina? Bumalik ako nang may dalang pansit pero wala na pala siya.

Niyakap ko siya at tumawa nalang ng kaunti dahil sa isiping parang baliw na iyon.

"May nakakatawa ba Soliva?" takang tanong niya pero bahid padin ang pagiging strikta sa boses nito.

"May naalala lang akong biro ng mga kaklase ko nay." natatawa talagang sabi ko. "Mauna na ako Nay."

Kinumpas naman niya ang kanyang kamay na parang pinapalayas ako kaya nginiti-an ko nalang ng malaki ang aking Nanay na nakakunot noo parin.

Ngunit ilang hakbang palang ang ginawa ko nang kusang bumalik ang mga paa ko papunta sa kanya at niyakap ko siya nang mas mahigpit.

"Mahal na mahal kita Nay." mahinang bulong ko dito sapat lang upang marinig niya, pinipigilan pading tumulo ang aking luha.

Bagay na hindi ko sinabi sa kanya bago umalis kaya lubos ko itong pinagsisihan.

"Hoy Soliva, umalis kana nga nang marami pa ang madala mong pagkain mamaya!" Tinapik niya ang balikat ko at dahil malalaki ang kamay niya at sobrang liit ng balikat ko, masakit iyon. Tumagos kasi sa buto dahil wala namang kalaman-laman ito.

"Sigi po. Byebye." kumakaway ko pang aniya.

"Sigi na, layas!" Pero nakakailang hakbang pa lamang ako, bumalik ulit ako at sumilip sa pinto na parang baliw.

Sinira ko ang mukha ko upang patawanin ang aking ina ngunit lalo lamang itong nakapagpadikit sa kilay niya kaya ngumuso nalamang ako.

"I love you Nanay."sambit ko dito bago nagsimulang maglakad ulit papalayo.

Gayunpaman, muling bumalik ang aking mga paa papunta sa bahay namin at nang tiningnan ko siya ay bigla na lamang may lumipad na sandok papunta sa'kin at, sapul! tumama sa ulo ko.

Napahimas nalamang ako dito at tsaka nginiti-an si Nanay ng malaki ngunit umabot na sa kili-kili ang pamemewang nito dahil sa inis.

"Umalis kana Soliva!!"

"Mahal kita Nay!!" Sinigawan niya ako kaya sinigawan ko din siya bago kumaripas nang takbo dahil pakiramdam ko ay sinusundan ako ng mga pingan, kutsara, tinidor, kaldero, kalaha, at maging kutsilyo.

Nang makarating na ako sa aking pinagtatrabahu-an ay nagsuot na agad ako ng aking malaki at mainit na suit upang magmukhang living Doraemon. Oo, isa akong mascot.

I entertain kids that are playing and enjoying their weekend here in the plaza.

Hindi naman mahirap ang trabahong ito, nagiging masaya panga ako sa tuwing nakikita ang mga kabataang nakangiti habang niyayakap ako at nilalaro ako.

I love kids.

Natawa nalang ako dahil may batang binigyan ako ng kanyang laru-ang baril barilan. Ang cute lang ngunit kahit sa pagpapakita ng kabaitan niyang iyon ay napapangiti ako.

Matapos ay pumunta muna ako ng simbahan bago ako bumili ng pansit na siyang paborito ng aking ina. May natitira pa namang singko pesos sa aking bulsa kaya't ibinili ko nalang ito ng pande-solid sa Matter Bakeshop upang malabanan ang humihilab ko nang tiyan.

"Oh my god! Help! Tulong me! Help me! Whaaa!! Help!" Agad na nagpintig ang taenga ko dahil sa narinig kong sigaw ng isang babae.

Naglalakad lamang ako sa madilim na eskinitang ito at batid kong wala masyadong dumadaan dito.

This is just a short cut to our house.

"Help! Whaaa!! Hmm..." Nang naramdaman kong parang binusalan ang bibig nang sumisigaw ay agad kong ibinaba ang aking mga pagkaing dala bago tinakbo ang lugar kung saan ko narinig ang sigaw na iyon.

Narinig ko nadin ang sigaw na ito noon ngunit nagsawalang bahala nalang ako dahil ayokong madamay ngunit pinagsisihan ko din ito kalaunan. Batid kong may magagawa ako at malaki ang tsansang maligtas ko ang babaeng iyon.

"Itigil niyo yan!" humihingal na sigaw ko sa kaniya habang karga karga na niya sa kanyang balikat ang babaeng may busal nanga sa bibig.

Mabuti nalang at nag iisa siya, kayang kaya ko 'to.

"At sino ka naman?" parang natatawa pa niyang sambit habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Kita ko ang pagmamaliit sa kanyang mga mata. "Babae."

Ano naman kung babae?

"Pero ang babaeng ito.." ngumisi ako sa kanya bago kinuha ang baril na nasa bulsa ko at dahan dahang kinalabit ito. Kita ko naman ang pagbabago ng hitsura niya, mula sa kaninang nangmamaliit, ngayon ay kinakabahan at natatakot na. "..ang kikitil sa buhay mo."

"WHAAA!!!"

Hindi ko maipaliwanag kung anong gagawin ko at kung anong magiging dapat kong maramdaman nang sandaling makitang wala sa sarili na tumakbo ang lalaki nang napakabilis at iniwan ang babae.

Parang nagblanko ang mukha ko na katulad doon sa mga nakikita kong cartoons na puro linya lamang ang mata at bibig.

"Hmm.." Kung hindi nagsalita ang babaeng aking tinulungan ay hindi pa siguro ako mababalik sa katinu-an.

Kaagad kong tinangal ang busal sa kanyang bibig at agarang lumayo sa'kin.

"Ew, don't touch me." Iniwaksi pa nito ang kanyang kamay. "You're dirty."

Hindi nalang ako sumagot sa kanya.

"But wait! You're so young to have a gun, it's illegal! I'll call the police." natatarantang sabi pa niya.

Hanep.

Sumagi sa isip ko na tama nga ang ginawa ko noon na hindi nalang siya tinulungan dahil ganito naman pala ang pag-uugali ng babaeng ito.

God helps you everyday without asking any return, so as His child, you should help too without asking any return.

Parang may bumulong sa'kin ng mga katagang sinabi ng pari sa kanyang misa kanina na siyang nakapagpabago ng isip ko.

Tama, tinulungan ako ng Panginoon kaya kailangang tumulong din ako sa kapwa ko.

"Hey! What happened baby, are you okay?" May isang magandang babae na halatang mayaman dahil sa dami ng alahas sa kanyang katawan at base nadin sa kasuotan niya na lumapit sa babaeng tinulungan ko at niyakap siya.

"Mommy, I'm so afraid and terrified. There's.. there's a man who's trying to harass me. Mom, I'm afraid." Yumakap din ang babaeng ito pabalik.

"Wait! Where's your gun, let me see." Hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang lalaki mula sa aking likuran. Mukhang mayaman din base sa kanyang kasuotan.

Tatango-tango kong pinagmasdan ang kabu-uan niya. Guwapo, matangad, may magandang pangagatawan, maputi, maganda ang medyo singkit niyang mga mata, makapal na kilay, may katangosan ang ilong, mapupula at—

"Don't stare at me!" Sa isang pitik ay nagawa niyang agawin sa'kin ang baril mula sa aking kamay at itinutok iyon sa aking mga mata.

Ay, maldito.

"Baby, put that!" natatarantang sigaw ng babaeng tinatawag na 'Mommy' nang tinulungan ko.

"No. Why do you have this? Did you know that this is illegal?" batid sa kanyang boses ang pagiging ma-owtoridad.

"Pero iniligtas ko lang siya." Dahan dahan kong tinuro ang babaeng aking tinulungan.

"Kita ko." Nakita mo naman pala. "But why do you have this?"

Nakatutok pa'din sa'kin ang baril at hindi ko na iyon nagugustuhan. Sila panga yung tinutulungan, sila pa yung ganyan.

Nakakawala ng respeto. Ganyan pala silang mga may kaya sa buhay?

Hinawi ko ang baril na nakatutok sa'kin at agad na kinuha iyon ngunit hindi ko nahila dahil mahigpit ang kanyang pagkakahawak dito.

"Akin na ang laru-an ko." malamig at walang ganang paki-usap ko dito.

Kita ko namang natigilan siya at nanghina ang pagkakahawak niya sa baril-barilang iyon kaya kinuha ko na ito at isinilid sa bulsa ko.

Walang umimik maski isa sa kanila at naghahari na ngayon ang katahimikan sa lugar. Bigla namang sumagi sa isipan ko ang sitwasyon ngayon ni Nanay.

Sigurado akong iniwan na niya ako.

Kaya naman nilingon ko ang babaeng aking tinulungan kanina at nginiti-an ito.

"Walang anuman." At umalis na ako matapos sabihin iyon.

Inaasahan ko na ito, ngunit bakit nasasaktan padin ako? Alam kong kukunin ngayon ang natitirang kasapi ng pamilya ko pero bakit hindi ko padin mapigilang hindi tumangis at umiyak sa sakit?

"Nanay, andami nitong pansit. Hindi ko kayang ubusin." Tumatawa lang ako upang maibsan ang sakit ngunit parang nadagdagan lang ito at pumepeke ang tawa ko.

"Nanay.. sana di nalang ako umalis kanina kahit na batuhin niyo pa ako ng kutsilyo." Niyayakap ko na ang nakahiga sa sahig kong ina na hindi na humihinga.

She has a heart disorder and her obesity triggers it that's why she died. She left me.

"Meaw.." rinig ko ang ngiyaw ni Naning habang lumalapit sa'kin at inilalapit pa ang ulo niya sa mukha ko.

"Wag mo'kong iiwan ahh.." parang baliw na bulong ko sa pusang ito.

Habang ang simoy ng hangin ay palamig nang palamig, ang mga luha ko'y tumutulo kasabay ng likidong nagmumula sa aking ilong na kung tawagin ay sipon, ako'y tumatangis sa pagkamatay ng aking pinakamamahal na ina.

Pero hindi panga nakaka isang segundo, ramdam ko ang sakit ng aking tiyan nang mag-ingay ito at humilab. Kaya naman kinuha ko sa supot ang pansit na aking dala at kinain ito habang umiiyak.

"Meaw.." Binigyan ko din si Naning.

"Merdena! Soliva!" umalingaw ngaw ang malakas na boses na iyon ni Aling Medri at ang anak niyang si Ate Jordy.

Makapangyarihan nilang pinasok ang bahay namin nang walang pahintulot at nag simulang nagsisisigaw.

"Ang utang mo Soliva, bayaran mo!" ang ina.

"Ang upa niyo sa bahay, tatlong buwan nang walang bayad Soliva!" ang anak.

Naiwan sa ere ang kamay ko habang may lamang pansit at bukas ang bibig na nakatingala sa kanila.

"Wag mo kaming tititigan Soliva! Ang bayad mo ang kailangan namin!" Ibinalik ko nalang ang laman ng aking kamay na pansit sa supot nito at kinuha ang pera sa aking bulsa at ibinigay sa kanila.

"Mabuti!" At malakas nilang sinarado ang pinto.

Huminga nalang ako ng malalim at pilit nilalabanan ang inis habang tinitingnan ang pusang ito na kinakain ang pansit na binili ko para kay Nanay.

Napapikit nalang ako ng mariin, pinipigilan nanaman ang nagkukumawalang luha mula sa mga mata ko.

Masakit mawalan ng ina, pero mas masakit mawalan sa pangalawang beses. Parang inuulit lang ang sakit na dulot nito sa una niyang pagkawala. Doble ang tama.

Niyakap ko ang aking ina at hinalikan siya sa pisngi.

Tumingala sa bubong na may butas at nakita ang ganda ng buwan na kahit di perpekto ay maganda parin. Nakita ang bitu-in na kumikislap sa kabila ng kadiliman.

Napangiti nalamang ako bago humugot ng malalim na hininga.

"This is just the start of my race."

"Teka!" bumalik ang boses ng mag-ina na siyang ikinabigla ko. "Condolence."

Bellevim