Chapter 2
Mabuti na lamang at may back-up si Nanay na Saint Peter kaya nalibre ang libing niya, kaagad din siyang nilibing kinaumagahan din nang gabing iyon.
Today is one of the best days of my week, Monday. It is where it all started.
Simula na nang klase at nasisiguro akong maraming mga pagbabago sa araw na ito.
Nang magsimula na ang klase, tahimik lamang akong nakikinig at nagsusulat sa gilid. Hindi ako masyadong napapansin sa klase pati nadin ng guro namin. Nasa pinakalikod kasi ako at sa pinakagilid.
Ganito parati ang takbo nang buhay ko noong una, pero susubukan kong baguhin ito dahil nang bawi-an na ako ng buhay, lubos ko itong pinagsisihan.
"Okay, recitation! One by one." At kagaya nga nang inaasahan, lahat ay umangal sa sinabi ni Mam. "No, that's final. Kinawo, you're first."
Sinimulan na ni Mam sa pinakaunahan at papunta na iyon sa likuran. Nababatid kong mahihirap na ang itatanong sa'kin dahil nasa hulihang bahagi ako kabilang kaya naman normal lang para sa'kin ang kabahan.
Tahimik ang lahat at nakikinig lamang sa mga tanong ni Mam at sagot ng aking mga kaklase. Ang dalawang katabi ko naman ay purong nag su-study din.
"Terrence, Joana, pwedeng pakita rin ng notes niyo?" bulong ko sa kanila upang hindi marinig ni Mam. History class pa naman 'to at mahina talaga ako sa history.
Ngunit makailang beses ko nang tinawag ang dalawa kong katabi, hindi parin nila ako nilingon o binalingan man lamang ng pansin kahit konte.
Baka hindi ka lang nila naririnig Soliva, tutok kasi sila sa pag-aaral.
Ngumiti nalang ako at bumuntong hininga.
Mabuti yan, mag-aral lang kayo nang mabuti.
At inalis ko na ang tingin ko sa kanila't bumaling nalang sa kabilang gilid ko kung saan makikita mo ang labas ng silid, ang mga puno at halaman, bulaklak, ang puti na mga ulap at bughaw na kalangitan.
Ang ganda ng panahon ngayon. Hindi masakit sa mata ang init ng araw dahil nadin sa mga ulap na nakatakip dito.
Nakakagaan ng loob pagmasdan sila. Pati sila ay namiss ko. Kaya gustong gusto kong mabuhay. Pero alam kong hindi nalang din ako magtatagal dito.
Bumuntong hininga muna ako bago pinikit ang aking mga mata at pilit pinapakingan ang mga bulong ng hangin.
"Asraydo!" napabalik nalang ako sa realidad nang marinig ko ang aming guro na tinawag ang huling pangalan ko sa maling paraan.
Marahan naman akong tumayo at pinilit na labanan ang kabang nagsisimula nang maghari.
"Asredo po Mam," ngiting sabi ko sa kanya.
"Whatever." Namiss ko rin ang pagka strikta ng guro naming ito.
Kaya ako hindi nakakatulog sa klase niya kahit na puyat ako dahil sa angking galing nito kung magsalita. Pasigaw na pagalit siyang magsalita kaya natitinag ka talaga at hindi ka maaaring matulog dahil siguradong magbibilang ka talaga ng bituin pagkagising mo.
Tinanong ako ni Mam ngunit hindi ko ito masyadong narinig dahil sa ingay ng klase.
"Ano po Mam?" pagkaklaro ko rito pero hindi ko parin dinig ang mga sinasabi niya.
"Bingi kaba!?" normal na boses lang niya 'yan.
Dahil sa pasigaw na tanong ni Mam na iyon ay nabawasan nang kalahating porsento ang ingay ng classroom namin. Walang bumabaling ng tingin sa'kin at parang silang lahat ay may kanya kanyang buhay. Parang walang sumasagot dito sa recitation ni Mam kung sila ay umasta.
Pero ang kailangan dito ay makasagot ako.
"Base sa iyong kaalaman, ano ang Confucianism." Literal na nanlaki ang aking mga mata dahil sa tanong na iyon ni Mam.
Ang alam ko lamang ay si Confucius ang nagtayo 'non.
"Walang sagot? Okay, wala ding mar—"
"Sandali Mam," pigil ko sa kanya. Noong unang buhay ko, hindi ko ito nasagot kaya hindi na ako papayag na hindi ko pa ito masagutan ngayon. "Base sa aking kaalaman, ang Confucianism ay itinayo ni Confucius na isang pilosopo. Galing iyan sa China at.. at sinusunod nila ang mga turo niya."
Tinangu-an na ako ni Mam kaya naman umupo na ako.
"Go Terrence.." mahinang sabi ko sa katabi ko, pampalakas loob. "Go Joana."
Binalingan lang nila ako ng tingin at tsaka nginiti-an, wala man silang sinabi ngunit sapat na iyon para sa'kin.
Dumeretso na ako sa canteen upang bumili ng tubig, recess time na kasi namin ngayon.
Nakita ko naman ang mga kaklase ko sa Circles na nag-uusap kaya pumunta muna ako doon.
"Hi classmates!" magiliw kong sabi sa kanila habang nakangiti ng malawak. "Pwedeng dito muna ako? Papahangin lang muna."
Nginiti-an nila ako at tsaka na ako umupo sa isang bilog doon.
This is a part of the Centertian High School na kung saan ang mga estudyante ay umuupo at nagpapahangin, dito tumatambay at nag uusap nang kung ano-ano. Circles ang tawag namin dito dahil nga sa puro bilog ang makikita mo rito. Bilog na mesa, bilog na mga upu-an, at maging ang mga desenyo ay purong bilog din.
Kawawa naman ang may phobia sa mga bilog.
Pero dahil sa maganda ang design at napaka bubbly, madalas puno ito ng mga samutsaring highschool students sa paaralang ito.
Centertian High School is the only Public Highschool in Halthian. May Centertian Elementary School din ito at nasa tapat lamang nitong High School.
"Ano ang pinaguusapan niyo?" curious na tanong ko sa kanila ngunit inintindi ko nalang na hindi kaagad nila nabigyang pansin ang naging tanong ko dahil nadin sa maingay sila at nagtatawanan.
Marami silang mga sinasabi na hindi ko alam at wala akong idea. Nagtatawanan sila kaya nakikitawa nalang din ako. Kapag tatahimik sila ay tatahimik din ako. Kahit wala akong naiintindihan, gusto ko silang pakisamahan kaya nag pretend nalang akong may naiintindihan ako sa mga sinasabi nila.
"Did you know, may transferee dito na galing sa HIS-Ella." rinig kong sabi ni Joana.
Binalingan naman siya ng lahat.
HIS-Ella is the famous private school dito sa Halthian. Mga magaganda at guwapo ang mga estudyante doon at mga matatalino, ngunit balita ko ay mga snob sila. Hindi namamansin nang mga hindi nila kauri. Pero naiintindihan ko naman iyon dahil baka pagalitan sila ng kanilang mga magulang kapag nakipagsalamuha sa mga nasa public o di kaya, may mga personal silang rason.
"Guwapo ba?" si Nicie.
"Hindi panga alam kung babae o lalaki." sambit ni Terrence rito. "Maganda ba Joana?"
Natawa nalang ako nang bahagya sa inasta ni Terrence. Mahilig talaga siya sa mga magagandang babae. Siguro, halos lahat ng mga lalaking kaklase ko ay hilig jan. At ang mga babaeng kaklase ko naman ay mahihilig sa guwapong lalaki.
Ako? Wala kasi akong paki-alam noon. Oo, noon. Kasi sisimulan ko nang pag-aralang paki-alaman sila ngayon.
"Haha! Tama si Nicie. Gwapo 'to girl." kumpirma ni Joana kaya naman agad na inilabas ng ilang kababaihan ang kanilang cellphone.
Nahihiya akong ilabas ang cellphone ko hindi dahil sa keypad lamang ito kundi, dahil baka pagtawanan nila ako na nasa pinakahuling maaari nilang gawin sa isipan ko pero meyron pading posibilidad.
Siguro hindi yung tawa na pangungutya, pero pwedeng yung tawa na nang-aasar.
"Dali. Pangalan niya para i search ko na sa fb at i friend. Baka friend ko na nga siya eh. Hehe.." ngiti ngiting sambit ni Lacey.
Kita kong kinuha ni Joana ang cellphone ni Lacey at nagpipipindot doon hanggang sa ipinakita niya sa amin ang mukha ng lalaki.
"Oh my gosh! Wafo siya girl! Mamahalin talaga kahit tindig lamang." boses ni Nicey.
Kita kong napangiwi si Terrence maging si Kevin at iba ko pang kaklaseng lalaki dahil ang mga kababaihan ay nagsimula nang i search ang pangalan nito at nagtititili. Sinimulan na nilang purihin ang artistry ng Panginoon.
Maging ang mga lalaki ay nakikitingin nadin sa screen ng cellphone ng iba kong babaeng kaklase at nakikisiksik 'din ako.
"Patingin daw ako Lacey." sabi ko dito dahil hindi ko ito kita. Ang reflection lamang ng kalangitan ang nakikita ko.
"Patingin ako Nicey," bumaling nalang ako sa isa ko pang kaklaseng animo'y kinikilig sa guwapo raw na hitsura ng lalaki.
Pero nabigo parin ako, hindi ko ito nakita dahil hindi ako makasiksik.
Napangiti nalamang ako.
Makikita ko naman 'yun, siguradong magiging sikat 'yan eh. Basta galing ka sa Private at pumunta ka sa Public ay pagpipyestahan ka talaga na parang artista.
Hindi naman sa ganoon na talaga kalaki ang paki-alam ko sa lalaking galing sa HIS-Ella pero narinig ko lamang na Grade 11 daw ito. Natuwa naman ang mga kaklase ko dahil isang taon lamang daw ang pagitan nila. Natuwa rin ako hindi dahil sa kaparehas nilang dahilan ngunit sa kadahilanang masaya ang mga kaklase ko.
I don't know. I just even can't explain it. But when I saw them being happy, I'm happy too. No, not just happy, but happier.
"Miss, dito ka nalang umupo." pagbibigay ko sa pwesto ko doon sa babaeng taga kabilang section.
Nandito sila sa classroom namin dahil may announcement daw para sa buong Grade 10 at dito sa room namin napiling i-held ang announcement.
"Kahit na June palamang, I wanted our Grade level to be prepared by the different contest. May school base at ang mananalo ay ipapadala para kalabanin ang ibang schools and it's a privilege right?" dinig kong announce ni Mam Danirie, siya ang head sa lahat ng Grade 10 teachers.
Nakatayo parin ako at nakangiting tiningnan ang babaeng pinapaupo ko sa pwesto ko kanina.
"Salamat," mukhang nahihiya pa atang sambit nito pero ngiti-an ko nalamang siya at sinenyasang ayos lamang, na wag siyang mahiya. Parehas lang kami.
Kahit na magkaiba ang section namin dahil nabibilang ako sa unang section, naniniwala akong pare-parehas lamang kami. Because everyone deserves to be treated fairly.
Nakatayo lamang ako sa gilid habang naka sandal sa pader at nakikinig sa mga announcements.
Sinabi ni Mam Danirie ang lahat ng contest at isa lamang ang nakapukaw sa atensyon ko sa lahat ng mga iyon.
Ito ay ang Radio Broadcasting.
"So, who's willing to join RB?" sa wakas ay tinanong na ni Mam.
"Si Lacey Mam oh." rinig kong sabi ni Kevin. Kita ko naman ang pagbusangot sa mukha ni Lacey dahil dito, halatang ayaw niya.
"Ako nalang Mam." presinta ko sa sarili habang nakataas ang isang kamay.
Binalingan naman ako nang tingin ni Mam at tsaka tumingin ulit sa kapwa ko estudyante.
"Wala nabang iba?" tanong niya rito. "Kailangan kasi ay tatlo kayo."
"Kami nalang Mam." kita ko ang groupo nina Angel, Rose at Lovely na inirepresenta ang mga sarili. Magkakaibigan ang tatlong 'yan at sobrang close nila sa isa't isa.
Best friend goals. Mabuti 'yan, mas magiging malapit kayo sa isa't isa.
Napangiti naman ako sa isipin kong iyon.
"Tatlo kayo?"
"Yes Mam."
"Pero gusto niya ring sumali." Nakaturo si Mam sa'kin.
"Ah, okay lang po Mam. Sila nalang po." ngiting sabi ko rito.
"Sigurado ka?" Tumango ako sa kanya. "Ganito nalang, puntahan niyong apat si Sir Hans mamaya pagkatapos nang klase at siya ang pipili kung sino sa inyo ang irerepresenta ng grade level na'tin, okay?"
Nakangiting tinangu-an ko naman ito at nang balingan ko ang tatlong magkakaibigan ay mukhang hindi sila masaya sa naging desisyon ni Mam, pero ngumiti parin sila na halatang pilit naman.
Alam ko kasi na gusto nilang sila lamang tatlo dahil sa paraan ni Mam, may pag-asa paring masali ako.
But don't worry, I won't let that happened. Kahit na gusto kong maging Radiobroadcaster this sa una at huling pagkakataon, hindi rin naman makakayanan ng konsensya ko kapag nagsasalita ako doon sa radio kasama ang dalawang magkakaibigan pero naiwan ang isa.
Madaling natapos ang araw at ganoon padin, wala parin akong kasama. Maging sa pagpunta ko sa room ni Sir Hans ay ako lamang mag-isa.
Humihilab na ang tiyan ko pero dahil wala na akong kahit piso lamang pambili ng tubig, tiniis ko nalang ito at puro lunok nalamang ng laway. Kailangan ko ang sampong pisong nasa aking bulsa upang makauwi.
Nauna ako sa tatlong magkakaibigan na iyon dahil may trabaho pa ako para makapasok padin bukas. Nagmamadali ako dahil sa gutom na ako at gusto ko nang umuwi pero dahil sa pagmamadali kong iyon, hindi ko na namamalayan ang mga nakakasalubong ko at may nabanga na pala ako.
"Pasensya na po," nagmamadali kong sabi habang nakatungo, humihingi ng pasensya.
Agaran din akong nagmadaling umalis ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang pigilan niya ako at hawakan ang aking braso't pinaharap agad ako sa kanya.
Literal na nanlaki ang aking mga mata at kung hindi ko pa napigilan ay umawang na ang aking bibig sa gulat.
Ang tindig niya, ang tangkad niya, ang tuwid niyang buhok, maputing balat, sinkit na mga mata, matangos na ilong, at medyo makapal na mapulang labi niya. Halatang halata ang antas ng katayu-an niya. Mayaman ito. Ngunit hindi iyan ang ikinagulat ko.
Ito ay dahil sa kilalang kilala ko ang mukhang ito kahit gabi ko itong unang nakita.
Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang biglaang pagbilis nang tibok ng puso ko lalo na nang magtama ang mga mata namin at naramdaman ko rin ang lakas at higpit nang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit hindi naman ako nasasaktan dito.
Why? Why is my heart acting like this? Why is my heart beating like this?
"You." narinig ko ulit ang boses niya, ang may pagkastriktong boses niyang lalaking lalaki na mas nakapagpabilis pa nang tibok ng puso ko.
"The woman with gun."
—
Bellevim