Chapter 3 - Drizzle 2

"Where are we going?" tanong niya agad ng makapasok ako sa sasakyan.

"Oh..." naglikot ang tingin ko sa paligid. "I actually don't know."

I blinked and realized that I didn't have a plan. Well, I do have. Hindi lang natuloy dahil I wasn't important enough. I absent mindedly rolled my eyes. Hindi ko talaga siya papansinin. Makikita niya.

Nagulat ako ng bigla na lang umandar ang sasakyan. Ikinabit ko agad ang seatbelt at tiningnan ng masama ang nasa driver's seat. Mukha naman siyang walang paki kaya sumandal na lang ako at tumingin sa labas.

"Why am I even with you?" I said, thinking out loud.

"To celebrate your birthday."

"Yeah right." Napatingin ulit ako sa sa labas. "Can we play the stereo?"

Tiningnan ko siya mula sa peripheral vision ko. Hindi siya umimik pero binuksan ang radyo.

"Thanks. Lipat ko ha?" tanong ko dahil nagsasalita lang 'yung DJ. Saka ko lang nalaman na 12:30 AM na pala dahil sa isang advertisement. Tumango lang siya kaya naman pinindot ko 'yung next button. I pressed next until a familiar song played. I smiled.

"...Having no regrets is all that she really wants..." I sang. One Direction songs really calmed me. I closed my eyes for while, saka sumabay sa kanta. When the chorus came, I opened my eyes then looked at the guy on my side. I don't even know him... Am I this lonely tonight?

Ipinalig ko ang aking ulo. Don't go there.

He was looking seriously on the driveway, but he glanced on me at times. I noticed his eyes go down from my eyes to my body and settled on my mid when we stopped because of the traffic light.

I raised a brow. "Head's up, perv."

Tumingin ito sa mga mata ko bago ibinalik sa daan ang tingin. Nag-drive siya ulit habang tumitingin lang ako sa labas. The asleep city moved pass through my eyes. Sarado na ang mga buliding at may iilang ilaw lang na bukas. The smell of a man's perfume linger on my nose. Like he's scent was all over his car I can't even smell my own perfume.

Napakunot ang noo ko nang huminto kami sa isang convenient store.

"What. The. F?" Dito lang ako sa birthday ko?!

"I'll just buy something," pagkasabi niya noon ay bumaba na siya. I looked at him as he entered the store. Parang natuwa naman ako sa narinig sa kanya. Mabuti nilinaw niya. Kung dito lang pala ako sa birthday ko, mas mabuti pang umuwi na lang ako and cook for myself.

I just shrugged and looked at my ringing phone. Napairap ako ng Makita ng Caller's Name.

"Oh, no Terrence. You're receiving invisible treatment."

Inintay kong matapos ang pag-ring saka siya b-in-lock. I smiled wickedly at saka ko naman narinig ang pagbukas ng pinto ng sasakyan.

He turned the lights on saka ko nakita ng binili niya. "Ice?" I asked curiously.

Tumango lang siya sa akin saka may kinuha sa likod na bulsa ng pantalon niya. Napakunot ang noo niyang tiningnan ang panyo na parang may mali roon. lumabas muli ng sasakyan saka pumunta sa likod ng kotse. Pagbalik niya ay may hawak na siyang maliit na paper bag habang hawak niya pa rin 'yung plastic ng ice.

Inilagay niya 'yung paperbag sa upuan niya bago pumasok. May kinuha siyang face towel sa paper bag at kumuha rin ng yelo, Binalot niya 'yung yelo sa towel saka inabot sa akin.

"For your arm."

Napaawang ang labi ko habang tinitingnan siya saka 'yung inabot niyang towel sa akin na parang cold compress. I looked at my arm saka ko lang naalala 'yung kapit ni Garry sa akin. Saka ko lang naramdaman ang sakit mula roon.

"Thanks." A new song played in the background. Tahimik ko 'yong kinuha gamit ang kanan kong kamay saka marahang idinampi sa aking pasa sa kaliwang braso upang hindi ako masaktan.

"Include your knuckles too." Nang iangat ko ang tingin sa kaniya at nakatingin siya sa aking mga kamay na may hawak ng towel. Tumikhim siya nang mapansing natigilan ako saka muling may kinuha sa paper bag. A white shirt. Tinupi niya iyon sa gitna.

"Here. Move your arms para hindi ka mabasa." Iniangat ko ng kaunti ang aking mga braso. Inilatag niya 'yung shirt sa lap ko saka kunuha 'yung plastic ng yelo at inilagay sa likod ng sasakyan sa may lapag.

Pinaandar niyang muli ang sasakyan saka kami ulit nanahimik.

"How did you know Terrence?" I started a conversation. Well, he's our common denominator so we can surely talk about it.

Sasagot sana siya kaso agad ko siyang pinigil. Ininaas ko pa ang aking kamay para sumenyas na huwag siyang magsalita.

"Wait. Hindi ko pala siya kilala. So why am I with you kung pareho kayong stranger sa akin?" Nagtaas pa ako ng kilay sa kaniya.

He glanced at me, amused before looking in front. A smile slowly tugged on his lips at parang hindi siya makapaniwala sa inasta ko. Napataas ako ng kilay. Did he just find it funny? My stubborness?

Unfortunately, I am well aware that I am stubborn sometimes. Lalo kapag inaaway ko si Terrence.

The ice melted kaya kumuha ako ulit sa likod at inilagay ulit sa towel. The shirt on my lap was wet by the droplets bridging on my elbow but at least, my dress was dry.

"Is this your shirt?" tanong ko saka nguso sa nakapatong sa mga hita ko.

"Yup." Iniliko niya ang sasakyan. I figured maybe it's was his extra shirt.

He's phone rang at tiningnan niya iyon saglit bago ilagay sa dashboard. "Saan mo gusto sa birthday mo?"

"Mall," iyon na lang ang nasagot ko. Nawalan na ako ng gana mag-club.

"They're close."

"I know."

"So saan?"

I looked at him blankly. Nagpapaiklian ba kami ng sagot nito? Imbis na sabihin pa ang iniisip ko ay napabuntong hininga na lang ako saka napasandal sa head rest at tumingin sa labas. It's already 12:45 AM. It's obviously not my birthday anymore. And why am I even dragging a stranger with me on my birthday again? I sighed.

"Just drop me somewhere safe."

Bumagal ang sasakyan. Wala rin namang masyadong sasakyan sa daan kaya kahit huminto siya sa gitna ay ayos lang.

"I thought we'll celebrate?"

I turned to studied him. He looks good. Just my standard guy. "Do you want to lay me?"

Tuluyang huminto ang sasakyan nang pabigla. Muntik pa akong tumilamsik paharap, mabuti na lang at may seat belt. Minsan talaga kapag mamamatay ka na, mapapansin mo 'yung importansya ng mga maliliit na bagay.

"Ingat naman!  Kakabirthday ko lang, o!"

Tumitig siya sa akin ng ilang sandali bago magsalita. Mukhang pinag-aaralan kung seryoso ba ako sa sinabi ko. "No."

Tumango ako. Saka muling sumandal at pumikit. Inihinto ko na ang paglalagay ng yelo nang matunaw 'yung huli. Hindi ko pinamukhang medyo na-offend ako. Gusto ko mang isumbat ay baka ibaba na lang ako nito kung saan. Mas mabuti kung pipigilan ko muna 'yumg bunganga ko.

But Damn! My ego, was wounded! I rolled my eyes to myself.

Am I this low, now? Am I this desperate not to go on my empty unit?

How I wish my family was here with me. Or my real friends. But they are all in US. I sighed. I should make friends this coming school year. Fucking Terrence can now leave me. I need somebody else...

Naramdaman kong gumalaw ulit ang sasakyan kaya naman napadilat ako. May iilang building na sarado na ang nadaraanan namin. Umayos ako ng upo nang may makita akong banko sa 'di kalayuan.

"I'm fine there," sabi ko sabay turo sa may bangko. Hindi siya umimik kaya hinintay ko na lang na huminto siya. I think it's safe naman. I'm sure may cctv roon.

"Dito lang a-"

Pero nalagpasan na namin iyon. Agad akong humarap sa kaniya. "Stop!"

Pero nagpatuloy lang siya. Hindi man lang lumingon sa akin. I crossed my arms on my chest kaso nasagi 'yung pasa ko kaya muntik na akong mapasinghap buti na lang nakagat ko ang aking labi.

"Hey!"

"Will you come with me when I lay you?"

Napaawang ang labi ko. He's still driving to who knows where. Nang ma-realize ko kung anong sinabi niya saka ako na napairap. "Men," I whispered to myself. "Of course. Basta wala kang AIDS."

I was shocked when I heard him laughed. Kumunot ang noo ko. Dahil hindi siya nakatingin sa akin ay hindi makita ang kaniyang mga mata.

"What's Funny?"

"Nothing. Terrence just gave me a heads up."

One of my brows rose. "What did he say?" Malaman ko lang na sinisiraan ako ng lalaking 'yon, naku! Sabunot siya sa akin! "Who's Terrence anyway?"

Nakita kong napapailing siya pero hindi na sumagot.

"Where do you live?"

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"I'll drive you home after."

"Not in the morning?"

"It's already morning." Tinitigan ko siya nang masama.

"I'm talking when the sun is up."

"Nope."

Kumunot na lang ang noo ko saka sinabi sa kaniya ang address dahil hindi ko na naiintindihan ang nangyayari. Kasalanan 'to lahat ni Terrence, e.

Huminto kami sa isang 24/7 na fastfood restaurant. Talaga ba? Dito kami?

Dahil walang drive thru ay nagpark siya sa gilid. Tinanggal niya ang seatbelt saka tumingin sa akin.

"Tara." Pagkasabi niya noon ay lumabas na siya at dumiretso sa loob. Bumaba na lang rin ako saka sumunod. Better than nothing. Kahit gusto ko sa five star hotel sana.

Nakapila na siya sa harap ng counter ng makapasok ako. Agad akong lumapit sa kaniyang gilid.

"Maghahanap akong upuan." Tumango lang siya kaya umalis na ako at inilibot ang tingin. Hindi ganoon karami ang mga tao dahil anong oras na rin. May iilang estudyante rin akong nakita na nag-aaral sa sulok habang 'yung iba, nag-uusap lang.

Naglakad ako sa bakanteng table na may apat na upuan malapit sa glass wall. Mabuti na lang talaga tapos na ang klase namin at bakasyon na next week. My family will then have they're vacation here. I won't feel the emptiness again.

Pagkaupo ko ay nakita ko ang isang wall na may picture ng babae na nakangiti at kinakain 'yung pagkain sa fastfood na ito. I smiled knowing how successful the career of my cousin was. She deserves it anyway. Fraille's parents died in an accident kaya naman noon ay palipat-lipat siya ng tirahan dahil nagliliparan pa-US ang mga tita naming tinitirahan niya. Pero recently when she started her career, the first thing she bought was a house for herself.

We raised like that. To be independent. Even some of my cousins are managing their own small business without their parents help.

I busied myself looking out to the cars passing the restaurant. My elbow was on the table while I buried my chin on my hand. Maliwanag ang daan dahil sa mga street lights pero iilang sasakyan lang ang dumadaan. Madilim pa rin sa laabas.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag-usad ng upuan. Hindi ko siya tiningnan pero alam ko na nakaupo na siya sa tapat ko.

"Give me your hand."

Doon lang ako napalingon sa kaniya. Napaangat ang kilay ko. Sa mesa ay may tray kung saan nakalagay ang order number namin at saka isang basong puno ng yelo. May tissue rin sa gilid. Mukhang hihintayin pa namin ang inorder niya.

"What's that?" tanong ko habang tinuturo pa ang basong puno ng yelo. Tiningnan niya lang ako bago nagsalita ulit.

"Your hand."

"Why?" I asked curiously while my brows was in a furrow.

"Basta."

I rolled my eyes on him and offered my left hand. "The other one."

I sighed expressly before bridging my hand between us.

"Now what?" mataray kong tanong. Hindi ko kasi malaman kung anong trip ng isang 'to.

Hinawakan niya iyon saka inilapit sa kaniya ang basong may yelo. Kumuha siya ng isang ice cube roon. Muntik pang malaglag dahil dumulas ng kaunti sa kaniyang kamay. I looked at him as he seriously draw the ice closer to my knuckles. I almost forget about that. It was still swollen and red from the punched I made earlier.

"Tell me when it hurts."

"I can do that." He raised his head to looked at me for a second before returning his attention to my knuckles. Hindi niya ako pinansin kaya inirapan ko siya. This day was tiring so pinabayaan ko na lang siya sa trip niya.

The ice watered as it melted to the heat of our hands. He fished another cube of ice and rub it to my hand once more. Tumingin na lang ako ulit sa labas o kaya naman ay sa paligid. A mellow music was played inside the restaurant. Some whispers are also audible to our table.

"Did you always do that?"

I turned to him. "Punching a guy? Depends if he's an asshole," diretso kong sabi.

"Not that. The other one. Asking a guy to lay you."

"Not really. You're a first time, actually since you're a total stranger."

I've done a one night stand. Ask for FuBus but I knew them first-Well, at least I knew their name. Not that it was important. But I think I should know what name I'll scream.

It wasn't a habit but I think it's natural. Everyone have their needs. Hindi lang naman ang mga lalaki. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit big deal sa iba kapag marami na ang nakasex ang isang babae. Pantay-pantay lang naman ang babae at lalaki, so bakit hindi big deal kapag lalaki ang marami nang experience? Having sex with different man doesn't make you a bad person as long as you're not spreading a disease. But having sex to different people while in a relation is a different thing.

Maybe it was because of the culture. But still, one shouldn't let the society judge him as if they didn't do the same thing. Almost lahat naman ata,  makikipag sex.  Napaaga lang sa iba.

But I respect their belief naman and I didn't really push my opinion on them. I believe we all have our opinion and we should respect that. If you don't want to have sex, then don't. But that doesn't give you the right to judge others that already had.  We should just let other lives be. Hindi rin naman ako 'yung tipo na inaaraw-araw 'yon.

Dumating ang isang crew sa gilid namin ay may dala itong dalawang plastic bag. Kinuha nito ang tray at iniabot na rin ng kasama ko 'yung baso. Nagpasalamat siya saka pinunasan 'yung kamay ko ng tissue ganoon rin 'yung kamay niya saka siya tumayo. Umalis na 'yung crew saka ako tumingin sa kaniya nang nagtataka.

"Sa condo tayo," simpleng sabi niya saka hinawakan iyong dalawang plastic sa magkabilang kamay. Natakam ako nang makita ang isang bucket ng chicken.

Nauna akong maglakad sa kaniya.

"You're not threatened by me?" He asked out of nowhere nang makalabas kami. Iniabot niya sa akin ang isang plastic ng malapit na kami at kinuha ang susi sa kaniyang bulsa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Should I?" The car make a sound.

"I think I should. You knew how to punch hard." Binuksan niya ang pinto sa likod at inilagay ang hawak niyang plastic bago humarap sa akin.

Our gaze met and I can't help it but to smile. He stared at me amused. Tulala pa siya nang iniabot ko sa kaniya ang dala ko bago siya iniwan at umikot papunta sa passenger seat. I just received a compliment but why am I smiling like this?

Huminto ang sasakyan sa isang familiar na building kaya napalingon agad ako sa kaniya. Pinatay niya ang makina nang nasa parking lot na kami.

"Dyan nakatira si Terrence," I said.

Tiningnan ko siya ng masama pero hindi niya iyon pinansin at umikot sa likod para kunin ang pagkain dala ang cellphone niya at parang may ginagawa roon.

Sumandal ako sa upuan at nagmamaktol na tumingin sa harap ng sasakyan. Hindi ako baba. Galit ako sa kaniya dahil hindi niya ako sinipot sa birthday celebration ko sana. I'm not going to his unit.

Narinig ko ang pagsara ng pinto sa likod. Ilang sandali pa ay may nagbukas na ng pinto sa gilid ko.

"I'm going home. I'm not going to Terrence'."

"We'll go to my condo. C'mon."

Nagulat ako nang bigla niyang hatakin ang kaliwang kamay ko hanggang sa makarating kami sa elevator. I looked at him murderously as he pressed the button indicating on what floor he lived.

"We're neighbors."

Mapanghuga ko siyang tiningnan. "You're close?" Tumango ito.

"We're not having sex then." Matapang na sabi ko.

It's my rule. Friends, friend of friends, or a family member of friends are off limits. I don't want complications just because of short-live pleasure.

"It's fine. I'm not interested anyway."

My mouthed fell open as I looked at him shocked.

"So what are you implying, huh? That I am not attractive enough?"

My gosh! He's unlocking a lot of first on my list! How dare him! "Kapag hindi maganda 'yang sasabihin mo, magwa-walk out talaga ako. Umayos ka," babala ko.

Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya hanggang sa tumunog na lang ang elevator. Agad siyang lumabas kaya napatingin ako sa kaniya.

"What the!" Hindi niya talaga ako sasagutin?!

Lumapit ako sa mga buttons at pinindot ang ground floor. "I'm leaving!" Sigaw ko kaya siya huminto sa paglalakad. Mabuti na lang at madaling araw na kaya wala ng tao. He turned around to face me and I rolled my eyes on him. The elevator was about to close and I smirked as I saw a glimpse of him running to my direction before it close.

Unfortunately, he managed to press the down button making the elevator opened again. The smirk on my face vanished. He dragged me out and stopped in front of Terrence's door.

"Hindi ako papasok sa condo ni Terrence. Hindi kami bati," parang batang sabi ko. Hindi siya sumagot. Instead, binuksan niya ang katapat na pinto nito.

"You go in first."

I studied him for a while before entering his studio type unit. Everything's white with black and gray accent. The living room have a two single sofa and a long one both in color of gray. Black pillows with line design rest above it. In the middle was a white coffee table made of woods. Walls was decorated with minimalist paintings in black.

On the side of the living room was the bathroom based on the sign I saw on the door. Next to the Living room was the dining room. Pero hindi ko na masyadong napansin ang detalye noon ng may marinig akong tumutugtog.

"Happy Birthday to you..." The I also heard the door being closed behind me. Tiningnan ko 'yung nasa likod ko pero andoon pa siya. Humarap ako muli para makita si Terrence na sumasabay sa tugtog. Sa kamay niya ay isang chocolate cake na may kandila sa tuktok.

I rolled my eyes on him at lalabas na sana pero nahablot niya ako sa baraso kaya napapitlag ako dahil nahawakan niya 'yung pasa ko. Agad niya akong nabitawan at tiningnan ang baraso ko. Kitang-kita ko kung paano magseryoso ang mukha niya at tumingin sa akin. The song wasn't finished yet.

"Who did this?" The familiar cold tone he used to other people didn't escaped my ears. He never used that tone to me. Or maybe I am just used to it but there's something in his voice. I knew that he was overprotective of me, but I don't want to talk about it now.

Hinatak ko ang kamay ko sa kaniya. "That's what I get when you never show up, asshole."

"Language." I rolled my eyes at him. Kulang na lang maging tatay ko siya.

"Remember you allowed me to call you that if you are being one?" I reminded him and give him a sarcastic smile. Frustration was evident on his face. I glanced at his friend looking at us.

He sighed but never leave my sight. "I'm sorry then. Let's just celebrate?"

I rolled my eyes. Ano pa nga ba? Alam na alam niya talaga na marupok ako sa mga kaibigan ko.

We ate the food we bought on the fastfood restaurant. We talked everything under the moon and our plans on vacation. I never opened what happened in the club since I knew it will just ruin the mood. I obviously forgot about the invisible treatment for Terrence and the embarrassing things I've done to his friend.

"Hey," tawag ko sa kaibigan niya. Napatigil sila sa pag-uusap at tumingin sa akin. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "Cassidy, you?"

Ibinaba niya ang canned beer na hawak saka ipinunas ang kamay sa pantalon bago inabot ang kamay ko. "Zyle," sabi nito pero ng ngumiti siya ay may napansin akong kakaiba. It's just that, there's something that changed on him when I asked about their summer vacation plan.

Alas kwatro na nang magsabi akong inaantok na ako. Bilang birthday ko raw ay sila na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Kumapit ako sa braso ni Rencey ng palabas na kami. Nasa kamay ko nag heels ko dahil hindi na masyadong komportable ang paa ko ng ganoong oras. Nakapaa akong lumabas ng unit niya.

"Thanks, dude." Tinanguan siya ni Rencey.

"Sure, anytime." Humikab ako kaya napatingin sila sa akin. Napagkasunduan na kasi namin na sa unit ni Rencey na ako matutulog. Bumaling ito sa akin saka ngumiti. "Goodnight."

I thought he's a snob.  Tahimik kasi sa kotse pero naisip ko baka kasi hindi pa kami magkakilala noon.

He didn't know how thankful I was that I met him today. Without him,  I would be probably awake,  overthinking things.

Tumingin ako sa kaniya saka kinalas ang kapit sa braso ni Rencey. I moved closer to him and tiptoed then planted a small kiss just beside his lips.

"Thanks and goodnight."