Chapter 8 - Drizzle 7

Advance Communication was another subject the three of us was taking together. Kakatapos lang mag-discuss ng prof and we had a group project for our midterm. Since the grouping was done randomly, hindi kami nakapili ng kagrupo. But fortunately for me, kagrupo si Zyle.

Dahil irregular student kami, at block naman 'yung mga kagrupo namin, it was planned to be done on a weekend. Ayos naman sa sched ng lahat kay ng matapos ang meeting ay lumabas na rin kami.

"Should we wait for T?" I rolled my eyes while we're walking on the hallway. They've been calling each other by the first letter of their name recently. Nang tinanong ko kung bakit, tinatamad araw silang banggitin ang pangalan ng isa't isa. Like hello! Parang sobrang daming syllable naman ng pangalan nila!

I saw some students glancing at us. Zyle was pretty popular since he's been writing on an online flatform and one of his stories was soon to be published. He was also part of the official theater of the university kaya naman familiar talaga ang mga tao sa mukha niya dahil requirement daw iyon sa ibang course na manood. Well he really got the looks kahit naman he has stubbles on his face. It's an understatement why girls are gawking on him.

Maski kapag si Terrence ang kasama ko ay napapatingin ang iba sa amin. He was known by his cold stares naman. Ewan ko ba. Nasabi lang ng isang kaklase ko. Tinatanong ano daw meron saming tatlo.

Syempre, hindi naman ako magpapahuli. I've been a freelance model before. Pinipilit lang ako ni Fraille dahil need raw nila ng isa pa and showed the photographer a picture of me. It all started there. Sometimes, I still accept offers lalo na kung wala naman akong ginagawa. It's where I've met Garry actually.

People looking at us wasn't a big deal for me. Ano bang mapapala ko pag inintindi ko sila?

"I think so. Daan muna akong library, may hahanapin lang ako na libro. Titingnan ko muna kung may copy doon. Saka na ako bibili kapag wala."

"Samahan na kita."

Naglakag kami papuntang library. Iniwan namin ang gamit sa parang baggage counter saka dumiretso na sa loob. Dumiretso ako sa mga books pang Business Management. The librarian told us that they are cleaning kaya baka mahirapan ako pero sabi ko ay okay lang.

I saw pile of books stacked up instead na nakaayos sa shelves. Medyo nahirapan tuloy ako dahil hindi ko makita ang mga tittle ng books.

Tumingkayad ako para sana kunin paunti-unti 'yung nasa taas para makita ko yung tittles nang may marandaman ako sa likod ko. I turned around and saw Zyle so close to me. He was looking at those books while I'm just watching him. Zyle aimed for the first three books at ngumiti sa akin. Hindi man lang nailang sa lapit namin.

"I wasn't that bad to ask for help, you know." Inirapan ko lang siya saka kinuha 'yung tatlong libro sa kaniya. I looked at it pero hindi iyon ang pinapahanap sa amin. Since nabawasan na ay naabot ko na ang sumunod na libro kaso hindi rin yon. I get another two thick book ng biglang may umagaw ng apat na libro na akip ko.

"I'll hold it."

"I can do it." I hold the books tighter.

"Of course, you can. May sinabi ba akong hindi? Give it to me, para madali ka nang matapos." Kinuha niya muli ang mga libro kaya binigay ko na lang.

Makalipas pa ang ilang minute ay nakita ko na ang hinahanap ko. Kumuha ako ng apat na libro saka iyon binalik sa self at kumuha ulit ng tatlo pagkatapos para gumaang naman 'yung dala niya. Nang lumingon ako ay nakita ko siyang nakatanaw kaya tinaasan ko siya ng tingin bago muling kumuha ng libro. Nang kaya niya na ay siya na ang naglagay sa lalagyan.

Hiniram ko ang libro at dumiretso na sa labas dahil nasa cafeteria na raw si Terrence. Pero bago kami bumaba ay pinuntahan namin ang locker ko sa kaparehong floor kung nasaan ang library. Habang yakap-yakap ang libro ay binuksan ko ang aking locker.

"You're reviewing?"

"Will have an early midterm next week since wala 'yung proof for the midterm week." I sighed. I looked at my locker with some 1D posters before drawing my eyes to a pink mail envelope seating on the top of my books. Napakunot ang noo ko at sinuri ito pero ng makita ko pa lang na may puso ay nilukot ko na at hindi na nag-abalang basahin pa. Kinuha ko ang librong kailangan ko ay isinara na 'yung locker.

"Ba't mo nilukot?" Kunot ang mga noo niya habang nakatingin sa nilamukos kong papel.

"Wala lang 'yon." Lumapit ako sa basurahan at itatapon na sana nang pigilin niya ang kamay ko.

"He gave effort, at least basahin mo." I rolled my eyes on him knowing he actually knew that I am holding a fuckin' love letter. Ano kami, high school?!

I pulled my hands on him at ibinato sa kaniya 'yung papel. " 'Di ikaw magbasa."

Naglakad na ako paalis roon habang yakap-yakap ang dalawang makapal na librong hawak ko. Nakasunod naman siya sa akin agad at pumantay sa paglalakad ko.

"Ibang klase pagiging moody mo ngayon. Meron ka?"

My mouth almost fell because of what he said. I looked at him with an annoyed look. "The fuck?!"

"Language," he said, mimicking Terrence tone.

I looked at him pointedly with utmost annoyance. "Problema mo ba sa akin?"

Hindi ko na siya hinintay sumagot at umalis na sa harap niya. Naririnig kong tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Huminto ako sa harap ng elevator at pinindot ang down button.

"I'm receiving invisible treatment already?" tanong niya agad ng huminto sa gilid ko. Hindi ko siya pinansin at pinanood lang ng pagbaba ng elevator hanggang sa tumunog ito. Ibig sabihin ay nasa floor na namin. Maraming tao sa loob at siksikan pero mukhang kasya pa naman ako. I stepped inside but Zyle also stepped in. Hindi naman tumunog ang elevator para magwarn an puno kaya humanap siya ng pwesto dahil natatamaan ng sensor 'yung bag niya. Tumagilid siya, nakaharap sa akin.

Sumara ang pinto. Tumingala ako para tingnan 'yung monitor nang may maramdaman ako sa may bandang pangupo ko na gumalaw. I shrugged it off kasi siksikan naman at hindi maiiwasan iyon. Bumaba ang elevator at bumukas sa susunod na palapag. May lumabas mula sa gitna kaya napasiksik ako sa gilid. Bago umatras palikod. Nasa gilid ko pa rin si Zyle pero ang ikinataka ko ay nakaharap pa rin siya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at umayos ng tayo dahil may mga papasok. Napunta kami sa bandang gitna at napuno ulit ang elevator.

Tahimik ko pinapanuod ang pagbaba ng numero ng elevator ng bilang may magsalita.

"Uy pre, anong ginagawa mo?" Dahil tahimik sa elevator ay halos lahat kami namalingon kay Zyle na nagsalita. Nakalingon ito sa likod ko at saka ko lang sinundan ng tingin ang lalaking tinutukoy niya. Kumunot ang noo ko at magtatanong pa sana kung anong meron pero biglang tumunog ang elevator at bumukas ang pinto.

Umalis ang dalawang lalaki babae sa harap ni Zyle pero napansin kong napatitingin pa rin sila sa loob. Hinatak naman ako ni Zyle papunta sa harap niya. Napakunot ang noo ko saka sumilip sa kaniya.

"Ano meron?" tanong ko nang walang pakialam kung rinig sa buong nasa elevator 'ung usapan namin. Kahit naman bumulong ako, ganoon rin, may makakarinig rin so bakit ko pa ibubulong? I felt some students looking at us.

"Wala naman. Manyak lang 'yung nasa likod mong naka-green na bag." Nangpagkasabi niya noon ay alam kong hindi lang ako 'yung naghanap ng may green na bag. Nakita ko pang lumayo yung ibang malapit sa kaniya babae man o lalaki. Yumuko ito at nang magbukas ang elevator ay agad na lumabas. Napailing na lang ako. Napahiya siguro.

"Thanks." I said to Zyle nang mapunta kami sa ground. Tumango lang siya. Naglakad kami sa cafeteria. Nakita namin si Terrence na nakaupo sa usual spot namin. Tumingin ako sa paligid. He was busy on his phone kaya hindi niya nakitang may nakatutuk na cellphone sa kaniya.

I rolled my eyes. Simula ng tinanggal niya ang salamin niya na 'disguise' daw ay mas marami na 'atang nahuhumaling sa kaniya. I smirked to myself when a silly idea came into my head.

I hopped while making my way to Terrence, leaving Zyle behind. I even felt his eyes on me pero binaliwala ko lang. Pumunta ako sa likod ni Terrence saka siya hinalikan sa pisngi. Hindi man lang siya nagulat at tumingin lang sa akin bago ibinalik sa cellphone ang tingin. Tumingin ako sa katapat na table na ngayon ay nakatingin sa akin. I raised an eyebrow to them.

"Where's Z?" Napalingon ako kay Terrence.

I rolled my eyes. "Ako 'yung nandito si Z hinahanap mo?" Napahinto ako ng maisip ang nasabi ko. "OMG nahahawa na ako sa first letter nickname n'yo!"

Nang makita ko si Zyle ay umikot na ako sa harap ni Terrence at doon umupo.

"How's calc?" I heard Zyle asked Terrence. Inilagay ko ang bag ko sa bakanting upuan sa gilid ko. Nasa pang-apatang table kasi kami. Lumapit sa vacant seat si Zyle at inusog ang bag ko para ilagay 'yung sa kaniya. Si Terrence, ewan ko. Nagbabag ba 'to?

"Still merciless."

Nag-order kami ng pagkain at nagkwentuhan lang ng mga majors namin. Paminsan ay pinagtutulungan pa rin nila ako kaya iniirapan ko na lang sila. Mukhang nakahanap sila ng pagtitripan.

+++

Dahil Sabado ay tanghali na akong nagising. Naghanda ako ng lunch at nagbihis na rin pagkatapos. After lunch and usapan pero dahil filipino time at nagpalate ako ng kaunti. Bumaba ako sa parking dala ang mga gamit ko at reviewer pero nanlaki ang aking mga mata ng makita kung anong nangyari sa kotse ko.

Umikot ako sa aking kotse. The tires are flat. Hindi lang isa dahil apat! May neon green din na spray paint na ginamit at napaawang ang labi ko ng mabasa ang salita sa harap ng kotse.

"Die Bitch." Naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa aking katawan. I felt a lump on my throat as I fished my phone on my bag. My heart beats erratically.

I took a picture of my car on all side and get out of the parking lot hurriedly. Being alone on this huge place wasn't the best situation. I had beading sweet when I got out of the parking lot at makarating sa lugar na maraming tao. Binuksan ko ang phone ko at nagsend lang ng dalawang message na may tig-isang letter kay Terrence.

O

X

Agad na tumunog ang cellphone ko at sinagot agn tawag nang makitang si Terrence iyon.

"This line won't be tapped. Are you okay?"

Tumango ako kahit na nararandaman ko pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ko. "Oo."

I heard him sighed. His voice sounds worried. "Sorry, Cass. Nadadamay ka na naman. Kaya ayaw kitang palipatin ng school. Nasaan ka ba?"

"Sa tapat ng condominium... Terrence, I'm scared..." I admitted. There's no denying to Terrence. He knew everything to me and it was fine. He was the only one who can get in my walls. He's the only one I trust myself so much.

"Nasaan ka?"

"No need," sabi ko agad dahil baka pumunta siya rito. "Gagawa kami ng project. I'll just get a grab."

"Cass, 'wag makulit," he said in a warning tone.

"I promise, I'll be fine." Napatingin ako sa relo ko. "Late na ko Rencey. I'll call you later."

Hindi ko na siya hinayaang umalma. I sighed and book for a grab.

+++

Gabi nan ang matapos kami sa ginagawawang project. Pinilit na rin kasi namin tapusin ngayon para hindi hassle at focus na lang sa kaniya-kaniyang majors.

"Fel, magpahatid ka na. anong oras na."

"Rizz, saan ka ba?"

"Chin, ikaw?"

Napairap ako dahil ang tagal nila magdesisyon kung sino ang maghahatid sa kung kanino dahil pauwi na at gabi pa. Delikado na raw kasi kaya the guys are insisting kung saan-saan ang mga bahay habang nananahimik lang ako.

"I'll go na," sabi ko na lang kaya napatingin sila sa akin. Parang doon lang nila nalaman na nandoon ako. Hindi ko na sila inintay dahil lumabas na ako sa bahay ng kagrupo namin. Zyle wasn't there dahil nag-CR muna bago umalis. Nabagot na lang ako sa usapan nila ng hatiran.

I started walking out of the village. Sa gate na lang ako mag-aabang mg grab since hindi ko rin dala ang sasakyan ko.

Umihip ang hangin kaya napayakap ako sa sarili. Madilim na pero may mga streetlight naman. Wala na ring kotse sa daan pero may iilang dumadaan. The silence was deafening. Then I remember what happened to my car. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan at naglakad ng mas mabilis. Lumilingon-lingon ako sa paligid. Wala namang tao. This was an exclusive village, so I bet there's CCTV everywhere, right?

Lumingon ako sa likod. Malayo-layo na rin ang nalakad ko.

Horrific thought ran to my mind. I walk faster hanggang sa makarinig ako ng sasakyan sa likod. Bumusina ito kaya napagilid ako bigla saka ito nilingon. Huminto ito at tumingin ako nang bumukas ang pinto sa driver's seat. I was preparing myself if something was about to happened but I relaxed when I saw who it was.

"You shouldn't leave," bungad agad niya sa akin. I rolled my eyes.

"I need to leave. Magrereview pa ako. Saka ang tagal kaya nila."

"They're talking about who will send the girls at home. They're thinking about your safety-- "

"You mean the safety of the girls left there?" Napailing ako. "No Zyle, I can't wait any longer. The more I stay there, the more dangerous for me."

"They are thinking of everyone's safety, not just their block mates." I rolled my eyes.

"Then, why did no one stopped me from leaving alone?"

"I'm here."

"Because you're my friend."

"That's it. I am your friend so you should have stayed." He looked at me with the frown. "If it was Terrence who's with you, will you leave alone?"

Napatigil ako saka napaiwa ng tingin sa kaniya. "No."

"Why do you leave now, then?"

I looked at him frustrated. I don't what to compare friends because that wasn't good. But Terrence... he was like my super bestfriend.

Napailing ako. Not wanting where this conversation was going and before I even have realizations. "I'm going home." Tumalikod na ako sa kaniya at nagsimulang maglakad. Nakikita no naman na 'yung entrance ng village. Malapit lang naman.

Nagulat ako ng hablutin niya ang siko ko. "Don't you think I wasn't worried when you left?"

Napaiwas ako ng tingin pero hinawakan niya ako sa baba. "I am now your friend too. Hindi na lang si Terrence." He sighed. "Masanay ka na rin sa 'kin, okay?"

+++

We go to the nearest coffee shop kasi kailangan ko pang magreview. He insisted na samahan ako at hindi na ako nakipagtalo. Marami pa akong aaralin at siguradong hindi sapat ang buong araw bukas para matapos ang lahat.

I was reading the last slide on my laptop ng napatingin ako sa kaniya. He was tapping on his phone. May ka-text 'ata. Tapos ay naalala kong may girlfriend nga pala siya.

"Hey." Napaangat ang tingin niya sa akin. "Nagpaalam ka ba sa girlfriend mo nandito ka at may kasamang babae? Nako, I don't want complications." Humigop ako sa hot chololate na inorder ko. May slice ng chocolate cake sa gilid ng mesa malapit sa akin at nandoon rin ang inorder na frappe ni Zyle.

"I don't have a girlfriend."

Napakunot ang noo ko. "Akala ko ba meron?"

"Yeah. But we haven't had a breakup." Napailing ito. "I actually don't know my status." Sumubo siya ng bread roll na binili niya. "Kailan ka lilipat kay Terrence?"

Nang maalala ko 'yung nangyari sa kotse ko ay napasandal ako sa inuupuan ko. Kaya ba gusto niya akong tumira sa unit niya?

My brow arched."Kunyare hindi napansin na iniba mo 'yung topic." I smiled sarcastically. "Not sure. Siguro hindi ko na tatapusin 'yung rent ko sa unit." After what happened earlier at wala man lang report na nangyari? No thanks kahit libre pa ang pagtira doon.

"Don't you have things to do?"

"Ginagawa ko na ngayon."

Napakunot ang noo ko. "On your phone?"

Tumango ito. "I'm just editing my manuscript."

Umalis ako sa pagkakasandal sa upuan at itinulang ang laptop ko sa kaniya. "I'm done, you can use my laptop."

"You sure?"

Tumango lang ako at kinuha na 'yung libro na hinirap ko sa library. Kinuha naman niya 'yung laptop. Uminom at sumilip ako kay Zyle. Nakatingin ito sa akin. "Bakit?"

Tumayo pa ako para makita kung anong meron sa laptop. Sasabihin ko sana na isara niya na lang 'yung mga bukas ng window pero ng makita ko ang screen ay nasa desktop naman na.

"Oh..." I get it. "That was taken by Rita, one of the photographers I've work with. I'm freelancing as a model."

The desktop background of my laptop was a photo of me, sitting on the ground with my legs bend in front of me making my knees in front of my chest. My feet were in an X position making my private part hidden. I was naked and the photo was filtered in black and white.

He was just looking at me then back to the photo. "Ganda ko 'no?"

Hindi siya sumagot at isinaksak ang phone niya sa laptop ko. I rolled my eyes. "Edi wag!"

Bumalik na lang ako sa pagbabasa ng libro at ilang reviewer. Huli kong tingin sa orasan ay hating gabi na. Mabuti na lang at 24/7 ang coffee shop na ito.

The coffee shop was full of aesthetic decorations and lightning. A smoothing song was played, and the smell of coffee was all over the place. Marami ring estudyante na gaya namain na busy sa pag-aaral.

"Can I download a file here? Buburahin ko na lang pagkatapos." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ang sa pagbabasa. Kitang nagrereview 'yung tao, istorbo.

"Hey... "

"Hey Sidy, I'll download a file, okay?" Hindi ko pa rin siya pinansin lalo ng ng marinig ko ang tawag niya sa akin. Kung sa tingin niya papatulan ko siya, bahala siya!

Napatuloy ako sa pagbabasa. Teka, asan na ba 'yung highlighter ko?

Hinanap ko sa mesa 'yung highlighter. Pinagtataas ko lahat ng papel at notebook na nakakalat hanggang makita ito na nakaipit sa libro.

"Cassidy." Napalingon agad ako sa kaniya. It was his first time blurting my name and it sounds...good from his mouth. Nakatitig lang siya sa akin. Seryoso.

"What?!" naiinis na tanong ko. He was still looking at me, not even blinking.

"Oo na."

Kumunot ang noo ko. "Anong oo na? Tinanong ba kita kung gusto kitang maging jowa?" pabalang kong sagot. Kitang nagrereview 'yung tao-

"Oo na, ang ganda mo."