"Where are you going?"
"Restroom." tumango ako saka bumalik sa pagso-solve sa aking yellowpad. We're having our Mathemathics in Modern World course on this afternoon. Dahil iniwan kami ng proof ay kung saan-saan na naman nakakarating ang mga classmates ko dahil sa kopyahan. I rolled my eyes.
Cheating on elementary to highschool was fine for me. But really? Until college? College teach us things what are essential for our future work. Kung college pa lang ay nangongopya na at hindi naman naiintindihan 'yung mga pinapagawa, paano na sila sa work? Wala namang magpapakopya sayo roon dahil iba-iba na ang trabaho kapag nasa kompanya na right?
Nang makita kong nakaalis na ng room si Terrence ay agad akong bumaling sa gilid ko at inilahad sa kaniya ang cellphone ko. Kunot ang mga noong tumingin ito sa akin.
"Type your number." Tumingin-tingin ako sa pinto dahil baka biglang pumasok si Terrence at mahuli ako.
"Why?"
"Just type it!"
Napipilitan niyang ibinaba ang kaniyang ballpen saka inabot ang phone ko at nagtipa roon. Nang iabot niya sa akin ay agad ko itong tiningnan at sinave sa aking contact. Bumalik siya sa ginagawa habang ibinabalik ko ang cellphone ko sa bag.
"Can I use your condo for Rencey's party?"
"Sure." I looked at him, scribbling on his paper. Payag na siya agad? Magtatanong sana ako kung totoo ba pero hindi ko na ginawa kasi baka magbago pa ang isip. Mahihirapan pa ako maghanap ng venue.
"Okay." Mula sa peripherals ko ay nakita ko ang pagpasok ni Terrence kaya nagmaamdali akong humarap sa notebook ko, kunyareng nagso-solve.
"What are you two talking?"
Rinig kong tanong niya. I imagine him having his brows in furrow. Paminsan chismoso rin talaga 'to e. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit sinasabi ng marami na tahimik siyang tao.
"Nothing," said Zyle.
I smile to myself. Sa tingin ko magkakasundo kami.
Nang matapos ang klase nagmamadali akong umalis. Hindi ko pa kasi nabibili 'yung ibang birthday decor. Nakaraan naman noong pumunta akong mall kasama si Zyle, balloon lang ang nabili ko dahil napakatagal kong maghanap ng ipangreregalo.
Nang makauwi ako sa condo ay pagod na pagod na ako dahil malayo pa ang pinanggalingan ko. Dahil biglaan lang 'yung paglipat ko ng university ay hindi pa agada ko nakahanap ng titirahan. Malay ko ba naman kasing mag-eenroll doon si Mason?!
Kaya ang hassle sa akin kapag umaga ang class hour tulad noong first day. Nag-aadjust pa lang rin naman ako. Maybe I'll look for a nearer condo or apartment. I just hope may mahanap ako since nag-start na 'yung pasukan.
It was actually the reason kung bakit ko inaway noon si Terrence. Ang usapan kasi, may irerecommend siya na apartment. E nakatulog siya, nakalimutan niya nang magpareserve. Nang tumawag siya, may nakakuha na raw. I rolled my eyes and shook the thoughts away.
I was lying on my bed when I decided to call Zyle. I need to inform him what time I'm going to go there. Baka pwede ko rin siyang maging kasabwat sa pag-iisip ng dahilan para hindi ako makita ni Rencey if ever na pupunta ako roon.
"Hello?" bati niya ng sagutin ang tawag ko. Garagal ang boses niya. Parang bagong gising lang. I looked at the time on my phone. It's only 10PM. Natutulog na agad siya?
"It's Cassidy."
May narinig akong ingay sa kabilang linya. Baka umaayos siya ng higa. "Hey, Ba't ka napatawag?"
"Did I wake you up?"
"It's fine. Ba't ka napatawag?" Ulit niya. I looked at the ceiling.
"About the surprise to Terrence... I'll come there by 10:00 AM."
"Sige. Pero sa mga ganong oras pabalik na siyang condo from gym. He might see you."
Hindi ba parang late na 'yung 10AM na pagbalik niya sa gym? I mean mostly kasi 6 or 7 and oras ng workout. So probably 9 dapat ang balik. I just shrugged the thought.
"I'll go earlier then. 9?" tanong ko.
"Okay."
"Okay."
+++
Maaga akong nagising kinabukasan. Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay dumiretso na ako sa condominium nila Zyle. I was on my pastel pink slipper, a denim short and a white printed shirt. A little make up on the face and put my hair in a bun. Mag-aayos pa lang naman kami so I think my outfit was fine. Sa condo lang rin naman ako ni Zyle.
I'm here. Going up.
I texted Zyle shortly to inform him I am on the parking lot. Kinuha ko ang paper bag na dala ko sa passenger seat saka dumiresto sa loob.
Pagpasok ko sa building ay palinga-linga ako. Mamaya kasi makita ako ni Terrence, baka malaman niya pa ang plinano ko.
Sumakay ako sa elevator saka pinindot ang floor nila. May iilan akong kasamang sumakay sa elevator at nakahinga naman ako ng makitang wala roon si Terrence. May ilang floor pang hinintuan ang elevator kaya napatagal ako roon.
Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya napatingin ako sa nag-text.
Kakalabas ko lang ng unit. I saw him waiting for the elevator.
"Shit!" I uttered and think of another plan. Nakita ko 'yung ibang kasama ko sa elevator na napatingin sa akin pero hindi ko na pinansin.
What should I do? I obviously can't panic now!
I looked at the screen that shows what floor I'm in. 3 floors before their floor. Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako kahit hindi pa naman dapat. Mabuti na lang at may bumaba sa floor na ito.
I rolled my eyes. Kaya nga ako hindi nagbo-boyfriend kasi ayoko nag-eefort ng ganito tapos gagawin ko naman pala sa bestfriend ko?
We'll it's kinda our thing na rin ata. We surprised each other on birthdays.
Pasalamat siya, nagawan niya pa ng paraan na i-surprise ako noong birthday ko kahit halata namang cake lang ang binili niya. Well, he admitted naman na may emergency daw talaga siya noong araw na 'yon. Nakaabot lang; and of course, because of Zyle. Sinabihan niya pala na dalin ako sa condo nito para doon isurprise.
Then now, this. I think Zyle was send to us to strengthen our friendship that almost end before.
I'm two floors beneath. Tell me when he's gone.
Tumambay muna ako ng ilang minute roon. Tumatalikod ako everytime na tutunog ang elevator kasi baka may bumaba tapos ay makita ako ni Terrence mula sa loob ng elevator.
I waited for Zyle's reply pero wala akong natanggap. Napakunot ang noo ko at napatigil sa paglalakad paikot sa floor na iyon. "Bakit ang tagal?"
Ilang sandali pa ay bumukas muli ang elevator kaya napatalikod ako pero bago ko pa magawa iyon ay nakita ko na si Zyle sa loob, walang kasama. He was wearing a black sweatshort and a white shirt. Naglakad ako palapit saka umandar 'yong elevator. Nakita kong napatingin siya sa dala kong paper bag.
"What's taking you so long?" tanong ko agad at magtataray sana kaso naalala kong humihingi nga pala ako ng pabor sa kaniya. "Akala ko nahuli na tayo," dugtong ko agad.
"He saw me out kaya sabi ko bibili lang ako ng pagkain sa baba." The elevator opened.
Dumiretso kami agad sa unit niya. Mahirap na, baka makita pa kami.
"Feel free to do whatever you want." I was about to raise my brow and throw him a sarcastic remarks but I remember I owe him for his condo.
Umupo ako sa sofa saka inilagay 'yung mga pwedeng isabit sa ceiling. Nakita kong umalis siya sandali at pagbalik ay dala 'yung mga balloon na napili ko kahapon tapos ay umalis ulit siya at pumunta sa kitchen. I smiled wickedly as I saw the pink balloons.
My eyes roamed around. I looked at the things on the frames on the wall. Nakita kong nagbaba siya ng juice sa center table at nagsalin sa nga baso.
Humarap ako ulit sa mga drawings na nasa harap ko. It was a line drawing of hands, women, flowers and other things that can be seen on a daily basis. The drawings are made up of a single line. 'Yung isang linyang iginuhit ay parang hindi hinayaan ng artist na itaas ang pangguhit na ginamit sa papel. Sa sulok ng mga naka-frame na drawing ay pangalan ni Zyle at pirma.
"You did this?"
Tumango ito. "Pati iyon?" Turo ko sa kabilang dingding at duon naman lumapit. It was black and white photograpy of different things. A rose, A kid in front of a fisher's boat, stairs and and buildings.
"Just some random photos I captured."
Tumango-tango ako saka bumalik ng upo sa sofa. I always envy those artists and their creativeness. They can do so much things and I love every result of their hardship. How I wish creativity loves me too. But through the years, I accepted already that maybe I'm not meant for it. I just need to be contented what I habe in order to be happy.
Isa-isa kong inilabas ang mga gamit saka nagsimulang lobohan ang mga balloon.
"Kumain ka na ng breakfast?" Napalingon ako sa kaniya na may hawak ng pulang bowl at nakasandal sa pader. Napakunot ang noo ko pero sinagot siya.
"Oo."
He raised a teaspoonful of something white and what was that? A meat? Nakita niya atang nakakunot pa rin ang noo ko at nakatingin sa kinakain niya kaya ibinalik ko sa pagbobomba ang atensyon ko. I looked ay my nails na mahawa at nakakorteng patulis. Sana hindi mabutas 'yung lobo rito.
"Gusto mo?" sinilip ko siya ng nakakunot ang noo. Lumapit siya sa akin at umupo sa pang-isahang sofa saka umurong sa dereksyon ko na nakaupo sa mahabang sofa. Napatingin ako sa bowl niya na puti pala ang kulay ng loob. I haven't seen a food like that before. Is that foreign? It was weird. Parang flakes na may meat na medyo basa.
"I ate breakfast," sabi ko na lang saka itinali 'yung isang lobo at kumuha ng panibago para ibomba iyon. "I ate oats earlier when I woke up."
"Anong oras ka ba nagising?"
"6:30." Kumunot ang noo niya.
"9:20 na. Dapat kumain ka na ulit." Napataas ang kilay ko sa tinuran niya habang nagtaas ulit siya ng isang subo ng kung ano man ang kinakain niya. Napahinto ako sa pagbobomba ay hinawakan ang pagitan ng pangbomba at ng lobo para hindi lumapas 'yung hangin. "Gusto mo? Or there's anything you want to eat so I can order?"
"It was really… weird," I said, thinking out loud, nakatingin pa rin sa kinakain niya.
"Try it. Masarap." Inilapit niya sa akin 'yung kutsara.
"I am not disabled." Kaya ko naman subuan 'yung sarili ko.
"Para lang hindi mo na bitawan 'yang lobo." Inirapan ko siya.
"Ano ba kasi 'yan?" I asked, my curiosity couldn't contain anymore.
"Try it first." Itinapat niya sa bunganga ko 'yung kutsara. Wait… this smells familiar... I was thinking what food it was when he moved the spoon away a little from me. Napatingin tuloy ako sa kanya.
We both have a frown look at each other; I was thinking while he was curiously asking why I haven't took the spoon in my mouth yet. Baka nangawit na rin siya kaya niya ibinaba 'yung kutsara.
He was frowning, but it vanished in no time like something entered his mind. "Laway conscious ka ba?"
Nanlaki ang mga mata ko. "What?! No! Maarte ako pero hindi naman ganon kaarte, 'no!" pagkasabi ko noon ay lumapit ako sa kaniya at isinubo 'yung nasa kutsara to prove him a point.
I tasted the food. It was smooth into my mouth. There's a mixture of something soft and a bit chewy, and something crunchy. Medyo maalat at oily.
He was looking at me the whole time I'm munching that tastily tablespoon of food. "Century tuna saka Skyflakes. Masarap 'di ba?"
Tumango lang ako saka binombahan ng isa pa 'yung lobo saka itinali para makainom ng juice na nasa center table.
"Gusto mo pa?"
Tumango ako ulit. "Bayaran ko na lang kung stock mo 'yon."
He smiled. Delighted that I liked the food. "'Wag na. bisita kita, 'no." Inilapag niya 'yung kinakain sa mesa saka tumayo. "Gawan lang kita."
Umalis siya at pumuntang kusina. Kumuha naman ako ng lobo at sumunod sa kusina habang nagbobomba. I wanna know kung paano ginagawa. Seems like I have a new food added to my cart.
The kitchen had a G-shape layout giving a small space to enter. The theme remains black and white. Puti 'yung mga cabinet at itim naman 'yung mga ibabaw. May ref rin sa dulo, oven, at kung anu-ano pang kasangkapan sa pagluluto. Hindi na ako pumasok at umupo na lang sa high stool sa harap ng counter. Nakita niya naman ako kaya doon niya na sa harap ko inilagay 'yung isa pang red na bowl.
Inilagay niya 'yung Century tuna saka nagdurong ng mga tatlong skyflakes, just enough para walang oil na matira. Hindi naman sobrang durog. May buo naman na sakto lang sa bunganga.
Nang matapos ay hinalo niya iyon ng maayos. All those time, nagbobomba naman ako ng lobo.
Napakunot ang noo ko. "That's all?"
Tumango siya habang kinukuha 'yung mga pinagbalatan at lata ng tuna. Itinali ko 'yung lobo saka bumalik sa sofa. Fortunately, I manage to carry the balloon, the manual pump and the bowl.
Pagkatapos naming kumain ay tinulungan niya na ako sa pagbomba ng balloons. Nang medyo marami na ay tumigil na ako saka kinuha 'yung iba pang birthday décor.
"Pwede pb akong magsabit dito? Sa ceiling lang naman ididikit saka adhesive so madali lang matanggal."
Tumango lang siya habang busy sa paglolobo ng letter T para sa name ni Terrence. Of course, I made sure that it was pink too.
Kinuha ko 'yung banderitas saka kumuha ng upuan sa may dinning table. Hopefully hindi magmark yung tape dahil puti talaga 'yung kulay ng wall niya.
+++
"Thanks."
Napalingon ako kay Zyle na na dala ang boxes ng pizza na pinaorder ko. Sinundan ko siya ng tingin nang dinala niya iyon sa dining table.
Nakahilata na ako sa sofa. Kakatapos lang namin ilagay lahat ng décor and it blend fine with the black and white theme of Zyle's unit. Tiningnan ko pa 'yung iba na nasa lapag na nalobohan na namin. Tumingin ako sa orasan ko at nakitang alas kwatro na.
Tamad na tamad akong lumapit ako sa dining table. Wala pang laman ito dahil mamaya pa ako magluluto para atleast medyo mainit pa. I already make an excuse to Terrence earlier that I will visit Fraille and we will just celebrate his birthday on Sunday. Sabi niya hindi naman kailangan but I insisted.
Kinuha ko ang isang box ng pizza at binuksan ito. I get a slice saka kinagatan at pumuntang receiving area. I pursed my lips.
"Zyle gusto mo?" bumaling siya sa akin saka ibinalik ang pag-scroll sa phone. We just took a break from decorating. I looked at the pink decorations. For sure, Terrence will love all these pink decors. Please note that I am being sarcastic. You know, sometimes it's amusing to piss someone. Lalo na kapag medyo tahimik. My wicked self laughed.
I ate the slice of my pizza at pagkatapos mag-check ng phone ay pumunta na ng kusina at nagsimulang magluto. Mabuti na lang at marunong rin palang magluto si Zyle kaya mas napadali ang ginagawa ko.
Alas siete na nang matapos na namin ang lahat. Nakaayos an ang décor at puno na ng pagkain ang dining table. May mga plato na rin. Sa gilid ay mga bote ng alak.
"Can I take a bath?" tanong ko sa kaniya saka pinakita ang paperbag. Gusto ko lang ma refresh after ng lahat ng ginawa namin na hinaluan rin ng pagtulala paminsan-minsan.
"Restroom is there. Feel free to use everything." Tumango ako at pumasok sa pintong tinuro niya dala ang ilang toiletries ko sa isang pouch at paper bag na may lamang damit. Yep, I planned for this kaya handa talaga ako. Sa gabi pa naman kasi talaga nakaplano 'yung surprise. Inagahan ko lang pumunta sa ganoon ay matapos at pwedeng unti-untiin ang gawa. I admitted to myself naman na mabagal talaga ako kumilos paminsan.
I get excited to the thought of showering na hindi ko na masyadong tiningnan ang design ng restroom na naglalaro lang rin naman sa black and white. I hurriedly took my clothes off and step under the shower and took a bath.
I instantly stepped out of the shower when I was done and remember something. I carefully made my way to the side of the sink for the paper bag, preventing myself from slipping and I almost smack myself when I forgot something. Inilabas ko na lahat ng gamit doon tulad ng mga damit ko at make-up pero wala talaga.
"Fuck, nakalimutan kong kunin kanina!" May gosh, Cassidy! Sa dami ng pwedeng iwan, towel pa!
I tried to look around and saw a drawer beneath the sink. May glass wall kasi mismo sa showerroom then the toilet and a small sink in front of the door with a mirror. Since it was elevated from the wall, I figured it was a cabinet behind the mirror.
Binuksan ko 'yon at nakakita ng mga unused toiletries. Mukhang mga bago pa nga dahil nakabalot pa. May mga pangbabaeng products rin. Napataas ang kilay ko. Para sa girlfriend niya siguro? Maybe that's why he rejected me noong tinanong ko siya makipag-sex. Baka may jowa. Damn. That night was really shameful, ngayon ko lang narealize! And to think that I thought I'll only meet him once!
I should probably ask him later. Being on a condo alone with opposite sex actually create a wrong idea to others. If he's in a relationship, it only means I can't come here alone. I should come with Rencey but today is a different story. Ayoko nang pagselosan ako dahil ng hindi ko naman intension.
Naalala ko 'yung friend ko sa US, lumayo 'yung loob niya sa akin dahil doon. Nang nalasing siya, she admitted she was jealous I was close to his guy. Since that, I'm always giving a thick wall between my guy friends na may girlfriend. Hindi naman sa may ginagawa akong masama, pero mas okay ng iwasan. It wasn't nice to give doubt to the people in the relationship.
Syempre maliban na lang kay Terrence.
Binuksan ko ang nasa ilalim ng sink saka nakakita ng mga tissue rolls at ilang panglinis ng restroom. Walang towel. Napangiwi ako. May isang putting towel na nakasabit pero sigurado akong kay Zyle 'yon… Pero sabi naman niya feel free to use everything, 'di ba?
I was battling on asking for a towel or just use his towel. But I ended up to the former. Baka naman may extra siya.
Binuksan ko nang maliit ang pinto at saka tiningnan kung nasa sala siya, ensuring na walang ibang parte ng katawan ko ang sumisilip. Wala siya sa sofa. Nasa tapat kasi ng living room ang banyo.
"Zyle!" I called out. Maybe he's in the kitchen or his room.
"Yeah?" Nakarinig ako ng pagsara ng pinto kaya naman nagsalita na ako agad bago siya makalapit.
"Do you have extra towel?"
"Meron. Ikukuha ba kita?" I heard him yell back. Thanks, goodness!
"Yes, please."
"Wait a sec."
Isinara ko na ang pinto at naghintay. Ilang sandali pa ay may kumatok. Binuksan ko ng kaunti ang pinto at iniabot ang towel.
"Thanks."
"Anytime."