Chapter 12.5:
Abby's POV:
"Alam mo ba, today is Pista'y Dayat." Ani ko habang nakatingin sa kalangitan. Tama si Rigel, kalmado nga ang dagat ngayon kung kaya'y nakakapag float kami with no worries tsaka nasa mababaw na parte lang naman kami.
"What is Pista'y Dayat?" Kagaya ko ay nakatingin rin si Rigel sa kalangitan. Kakatapos lang naman mag-star gaze nung nakaraang araw, at heto nanaman kami ngayon.
"Pista'y Dayat Festival is a celebration of thanksgiving here in the Philippines. Also known as the Sea Festival. It is a celebration of the harvest and the bounty of the sea. Originally a small beach festival, Pista'y Dayat has become Lingayen's largest celebration, attracting visitors from around the world. The event lasts for two weeks, and is marked by beautiful offerings on pristine Philippine beaches. We usually go here in Pangasinan to attend this amazing event. Siguro ay kung walang Covid-19 ay nasa Lingayen din kami ngayon."
"Hmm, I heard a lot about Lingayen from my Filipino friends. It is one of the things that I saw on their bucket list."
"Pero ayos lang na hindi ako nakapunta ng Lingayen ngayon kasi nandito naman ako sa Bolinao. And look oh, the stars from here are so mesmerizing, hindi ako magsasawang tignan ang mga bituin sa langit. I'm indeed trapped in a paradise." Itinaas ko ang kanang kamay ko at wari'y inaabot ang langit.
"Yes, this place is a paradise. But it is slowly becoming a heaven for me."
"Pa'no mo naman nasabi? Siguro kasi sobrang ganda dito ay pakiramdam mo nasa langit ka." Ibinaba ko ang aking kamay at ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa aking tiyan. Brr, nararamdaman ko na ang lamig.
"Because you're here with me."
"W-what? Ano'ng ibig mong sabihin? Baka umeeksena ka nanaman Rigel ah."
"I think I like you." Ano daw?
"Weh? Alam mo Rigel siguro ay dahil lang 'yan sa tubig dagat, baka nalagyan ang tainga mo at kung anu-ano na ang naiisip mo."
"No, that's not what I mean. I think I like you because that's what I am feeling."
"A-ah ano ka ba haha, baka kasi sa loob ng halos dalawang buwan eh ako ang kasama mo kaya ganiyan ang nararamdaman mo." Madalas ay ganiyan ang nararamdaman ng mga taong malungkot o lonely, mabilis maattach sa nasa paligid nila.
"I'm not lonely if that's what you're thinking. To be honest, I haven't felt lonely ever since I came here." Hinawakan niya ang aking kamay. At first, inaalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero hinigpitan niya lamang ito kaya hindi na ako nagresist kahit naguguluhan pa rin ako.
Bale magkawak kamay kami habang nakalutang sa dagat. Wow, HHWF ba ito? Holding hands while floating? Charot! Ipinilig ko na lang ang aking ulo dahil sa naiisip.
"Hindi ba'y kaka-break niyo lang ni Steph? Baka epekto lang 'yan ng break up niyo. Baka namimiss mo lang siya, o baka naman ay gusto mo pa rin siya--"
"When I say I like you, I mean it. I'm telling you this for you to be aware of my feelings for you. I'm not asking anything in return but I just want you to let me like you. And when I like someone, it means, I like that someone only. Only her, no third wheel. I'm just gonna stick to her and wouldn't look for someone else."
"Bakit mo naman ako gusto?"
"I don't know. Maybe because you're you." Huh ano daw?
"Pa'no 'yan, kung totoo ngang may gusto ka sa akin eh hindi naman kita crush. Ni hindi ka nga kasama sa top 10 crushes ko. Hindi kita iiwasan kasi hindi naman na tayo mga bata para sa mga ganiyang galawan. If you're asking me to just let you like me, edi ayos lang. Basta ba, alam mo limitasyon mo. Tsaka 'wag mo ring babalaking gapangin ako sa gabi dahil marunong akong sa self-defense and you'll be dead kapag ginapang mo ako." Ewan ko ba, imbis na mailang ako ay natatawa pa ako sa mga pinagsasabi ko. Siguro nga'y gano'n talaga kagaan ang loob ko kay Rigel.
"Silly, as I have said, it doesn't matter if the feeling is not mutual. But of course, I'll try my best to be on the top of you crush list. And don't you worry, hindi kita gagapangin, baka masampolan mo ako ng pinagmamalaki mong self-defense, baka nga mamatay ako at hindi ko na madagdagan ang pogi points ko sa'yo. Saka na lang kita gagapangin kapag magpapagapang ka na." Aniya at humalakhak.
"Ano?!"
"Just kiddin'. 'To naman hindi mabiro."
Well, nagkakaintindihan naman pala kami. Pero naiisip ko pa lang kung paano siya dadamoves ay hindi ko mapigilang maexcite-- Aish! Ano ba Abby, akala ko ba hindi siya kasama sa crush list mo? Bakit naeexcite ka sa mga gagawin niyang moves?
Kalma lang self, tandaan mo, dalagang Pilipina tayo. Hindi tayo marupok. Kung gusto ka niya, ibig sabihin ay pang-malupitan ang charm mo. Kita mo nga, si Rigel Nicholas Petterson ng Texas, ikaw ang gusto? Oh my gosh, unbelievable. Pero legit, hindi pa rin mawala sa isipan ko na baka pinagtitiripan lang niya ako
"Siguro ay nabawasan na agad ang pogi points ko."
"Ha? Pa'no mo naman nasabi?"
"Of course, I confessed right here right now. It's not romantic at all. Ni flowers ay wala ako." Medyo lumungkot ang boses niya. And with that, nag-iba na ang ng pwesto. Kung kanina ay naka-horizontal back float ako, ngayon naman ay naka-vertical back float na.
"Sino'ng maysabing hindi romantic?"
"So is it romantic?" Ginaya niya na rin akong naka-vertical back float at binitawan ang aking kamay. Humarap ito sa akin at dumistansiya ng mga isang metro mula sa'kin.
"At sino rin ang maysabing romantic?"
"Then what?" Ngumuso ito.
"Ewan haha."
"What?"
"Ang sabi ko ay ewan ko. Hindi ko alam. Hindi romantic at hindi rin unromatic, siguro ay nasa gitna lang."
"So my confession is a bit romantic and at the same time a bit unromantic?"
"Siguro gano'n nga haha."
But little do know that confessing your feelings under the moonlight and thousand stars in this cold calm ocean is one of the most fantastic moment of my life.
Naghari ang ilang minutong katahimikan hanggang sa...
"MGA TANOD 'TO, SINONG NANDIYAN AT ANO'NG GINAGAWA NIYO DITO SA DAGAT DIS ORAS NG GABI?"