Chereads / Online It Is / Chapter 30 - Chapter 15.5

Chapter 30 - Chapter 15.5

Chapter 15.5

Abby's POV:

"You're late ate."

"Duh, I'm just five minutes late."

"Kahit na, you should be here bago ang uwian. You know that I'm time conscious right? And you're the COO of our company so you should practice punctuality at all times." Napairap na lang ako sa sinabi ng magaling kong kapatid. Hays, heto nanaman po tayo sa sermon niya.

"Ok, ok. Whatever Paulita." Iginiya ko na siya papunta sa kotse bago pa madagdagan ang sermon niya.

"Duh ate, stop calling me Paulita. It's gross." O'diba mana sa ate, maatittude din ang loka. Pero mas maatittude siya syempre. Ang bait ko kaya.

Pero kahit lagi kaming nagbabangayan ay meron at meron pa rin kaming bagay na pinagkakasunduan. 

"Sinong gustong pumunta ng happy place?" Pakanta kong tanong habang nagmamaneho.

"It's Pauline Rocelle!" Masayang sigaw ni Pau at sala kami nag-apir na dalawa.

Ang happy place na sinasabi namin ay ang Mcdo. Mahilig kasi siya sa Happy Meal at sa Bluberry float na namana niya sa akin. But we still limit her consumption sa mga fastfood dahil mas gusto nila mama at papa na magkaroon ng healthy diet si Pau. O'diba daig pa ako ng bata kung makapag healthy diet. 

Nang makarating kami sa isang branch ng Mcdo malapit sa school ni Pau ay agad siyang humanap ng pwesto namin na mauupuan samantalang dumiretso naman ako sa counter para umorder.

Mabuti na lang at kaunti na lang ang tao ngayong hapon kaya hindi na ako nagtagal sa pila.

"Yehey! Thank you ate. I love you!" Hinalikan niya ako sa pisngi bago niya nilantakan ang spaghetti na binigay ko sa kaniya. Isa 'to sa mga gustong-gusto ko sa kapatid ko, malabing! Lalo na kapag may kailangan haha.

"Ate can you open this for me?" Sabay abot niya sa akin ng laruan na kasama sa happy meal niya.  Ngunit nang bubuksan ko na ito ay siya namang pag-ring ng cellphone ko.

"Wait lang Pau ha. Sagutin lang 'to ni ate."

"Ok sure."

"Yes babe?" Bungad ko sa kabilang linya.

"Hey babe, how was your day?" Sagot naman ni Nich (Pronounced as Nik) sa kabilang linya. He's my first and current boyfriend. We've been together for a year now.

"It was good. How about you?"

"Not really good. I have lot of errands to run, my body's aching from posing and posing and posing whole day. It's really exhausting, but I'm relieved now that hear your voice." He's a model and his career is hitting the top kaya gaya ko ay busy-busyhan din siya sa buhay.

"Sus bola. Anyway, ano'ng oras ka matatapos sa shoot?"

"Hmm, I think we'll be done after an hour. Why?"

"Ipagluluto sana kita mamaya sa bahay if that's okay for you." Madalang din kasi kaming magkita, I want a quality time with him. I missed him so much.

"Of course babe! No need to ask that. Basta ikaw." He chucked.

"Ok, see you later babe. I'll hung up na."

"Ok, I love you."

"I-I love you too..." Saka ko na pinatay ang tawag.

"Finish your happy meal na Pau because we're going to supermarket." Ani ko saka sumipsip sa straw ng float na inorder ko.

~

"Bye kapatid! Don't forget to review your lessons, okay?"

"Ok, sure ate. You too, don't stay up too late later, good night!"

"Oo naman, may trabaho pa ako bukas. Good night..." Hinalikan ko sa noo si Pau bago lumabas ng kwarto niya.

Nang makarating ako sa kusina ay sakto namang nagluluto si mama ng dinner.

"Hi anak, dito ka ba kakain ngayon?" Tanong ni mama.

"Hello ma, sa bahay na po ako kakain. Ipagluluto ko si Nich ng dinner."

"Really? That's good then, ihahatidan ko na lang kayo ng niluto ko para naman matikman niyo kahit kaunti." Ani mama. Tumango na lang ako bilang sagot. 

Actually ay 50 meters away lang ang bahay ko mula dito sa bahay nila mama na tinitirahan ko dati, bale nasa iisang subdivision lang kami. Kakasimula pa lang gawin ang bahay ko last year, which is 60% done pa lang ito, in no time ay matatapos rin ito. Hindi na ako lumayo dahil maganda naman dito sa amin. Safe at malapit sa kunpanya.

*Ding-dong*

Nang marinig ko ang doorbell ay agad-agad kong binuksan ang pinto.

"Hi babe!" Agad akong niyakap ni Nich pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay ko. "Mmm, I smell something delicious. Mukhang mapaparami ako ng kain."  

"Sus binobola mo nanaman ako Nicholai ha. O siya, tara na at kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain." Iginiya ko siya sa kusina habang nakapulupot ang braso ko sa braso niya. My gahd, namiss ko si boyfriend urghh.

"As expected from the famous Abby Dizon, napakasarap magluto." Nakangiting sabi ni Nicholai. 

"Muntik na ako kiligin kaso kay mama yung natikman mo, hindi yung luto ko." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Ngumuso naman ako at inirapan siya.

"R-Really? Look babe I'm sorry, my fault. I should've have known na hindi mo pala 'to luto." Napakamot siya ng batok. "Ito ba yung niluto mo?" Turo niya sa sinigang na niluto ko, tumango ako bilang sagot. 

"It's okay, hindi ko naman kasi sinabi na si mama ang nagluto niyan."

Ito ang gusto ko kay Nicholai, hindi mahilig makipagtalo. Laging siya ang nagsosorry kahit ako naman ang may kasalanan, lagi siyang nagpaparaya. Lagi din niya akong pinapaburan sa halos lahat ng bagay which I think is medyo hindi magandang tignan minsan. Baka isipin ng iba ay inu-under ko siya. Hindi kagaya ni Rigel na halos makipagtalo sa akin para lang iparealized na mali ako, na hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ako--- Ahh! You idiot self! Bakit mo nanaman naiisip ang mga bagay na hindi na dapat naiisip. Past is past, isaksak mo sa kukote mo 'yan. Stop thinking about unnecessary things.

"Mmm, it's delicious. Hindi maipagkakamaling mag-ina kayo ni tita dahil ang galing mo magluto."

"Sus, tigilan mo nga ako Nich. Ang tagal nating 'di nagkita, don't tell me bobolahin mo lang ako this whole time na nandito ka?" We both chuckled.

"Hindi kita binobola babe. I'm just stating the truth. And missed talking to you. Masama bang purihin ka?"

"Masyado ka naman kasi pumuri, kadalasan ay hindi na kapani-paniwala."

"Really? Well, that's me haha."

Nagtagal din ng halos tatlong oras si Nicholai sa bahay bago siya umuwi. Marami rin kaming napag-usapan, he's really fun to be with. Kaso ay hindi siya pwedeng magpuyat dahil may photoshoot ulit siya bukas sa Cebu, hindi ko naman papayagang maging haggard ang boyfriend ko sa kaniyang photoshoot. Ilalagay pa naman sa naglalakihang billboards ang pagmumukha niya, kaya dapat ay fresh siya. 

Syempre, iba na talaga kapag may boyfriend kang gwapo, you should deal with his abubots in life at hindi lang puro ang moment niyo together ang iniisip. Ito siguro yung sinasabi nilang mature relationship, yung hindi lang kayo puro landi kasi may mga responsibilities kayong kailangang gampanan sa buhay. You should help each other.