Chereads / Online It Is / Chapter 36 - Chapter 18.5

Chapter 36 - Chapter 18.5

Chapter 18.5:

Abby's POV:

"Ano ba kasing trip mo ngayon? C'mon babe, spill it out." Natatawang sabi ko habang hawak ang kamay ni Nich na nakatakip sa aking mga mata.

"No. It must be a surprise babe. Okay, here it goes. Sit here babe, dahan-dahan lang..." I did what he asked me to. 

"Ayan, nakaupo na ako. So ano na?" Napairap ako ng palihim.

"Wait lang babe, 'wag excited." He chuckled.

"Okay, here it goes. 1, 2, 3! Happy Anniversary babe!" 

It took me a few seconds to adjust my sight matapos niyang tanggalin ang kamay sa aking mata.

Then I saw Nich in front of me, smiling so wide while carrying a bunch of roses. 

"Wow babe, thank you." I gladly accepted the flowers then kissed his cheeks. Nakita kong namula si Nich na siyang ikinangisi ko.

I hugged him tight and burried my face on his chest. He also did the same, he hugged me tight at ipinatong ang kaniyang baba sa aking ulo.

"I'm sorry babe." Malungkot kong sabi.

"Hmm? Para saan naman?" Malambing na tanong niya, hala mas nakokonsensya tuloy ako.

"I actually forgot about our anniversary. I'm such an irresponsible girlfriend." Ang boba ko talaga, how could I forget this important day. You gotta get a rip of yourself Abby.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at saka ako hinawakan sa magkabilaan kong balikat.

"Hey, don't say that. It's okay babe. Mas gusto ko nga 'yon atleast 'diba may effective ang surprise ko kasi hindi mo pala alam kung ano ang araw ngayon." He's trying to console me, pero hindi ito umepekto dahil disappointed pa rin ako sa sarili ko.

"Pero kahit na." I pouted.

"Ayos lang babe ano ka ba, naiintindihan ko naman dahil busy ka these past few days sa kumpanya niyo. Isipin mo na lang na pambawi ko ito sa'yo dahil halos wala na akong time para sa'yo." Ewan ko ba, dahil sa sinabing 'to ni Nich, mas lalo akong kinokonsensya kasi sa totoo lang ay lagi siyang naglalaan ng time para sa akin kahit super busy siya. Kahit pagod na pagod siya ay isang tawag ko lang sa kaniya, nandiyan na siya agad. Lagi siya ang nag-aadjust para sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko at biniyayaan ako ng boyfriend na gaya ni Nich.  

"O-okay. Pero teka, nasaan tayo? Hindi naman ito yung place mo ah." Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Ang ganda naman ng bahay na 'to, kanino kaya 'to? Ang linis ng paligid at mukhang bago ang mga muwebles.

"Yes, this is not my place because this is OUR place." Our place, wow naman--

"What? Ano'ng sabi mo?" Naguguluhang tanong ko. Mali ata ang pagkakarinig ko.

"I said, this is our place. Sa ating dalawa ang bahay na 'to."

"B-but why? I mean, I didn't know about this." Ngayon lang ako nakapunta at nakaapak sa lugar na 'to.

"Syempre, hindi ko talaga pinaalam sa'yo para masurpresa ka. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako napapagod tumanggap ng projects. Gusto kong bigyan ka ng bahay bago tayo magpakasal." 

"Pero--" He cut me off.

"I know babe, I know. Alam ko naman na kahit hindi mo sabihin, kahit hindi natin napag-uusapan ay alam kong hindi ka pa handa para sa kasal. And I am more than willing to wait babe. It's just that, I want to plan our future as early as possible." Damn, why are you like this Nich. 

I'm speachless. Hindi ko alam na habang ang iniisip ko ay ang pang-sarili ko lamang, si Nich naman ay iniisip ang para sa aming dalawa. Habang nag-iipon ako para sa sarili kong bahay, si Nich naman ay pinapagawa na pala ang magiging bahay namin.

A tear fell from my left eye. Once again, I hugged my boyfriend tight. As I repeatedly saying "Thank you", I suddenly felt something in my chest. Something that I know is a traitor. 

Damn, why am I feeling this way? 

I shouldn't feel this way.

I love Nich, but something isn't right.

There's something wrong with me, I know.

~

Tutal nandito na rin lang kami sa bahay "daw namin" ni Nich ay napag-desisyunan niyang i-tour ako sa buong bahay.

Ang una naming pinuntahan ay ang sala, which is kung saan ibinigay sa akin ni Nich ang bulaklak. Ang pangalawa naman ay ang mga kwarto; Isang master's bedroom, dalawang guestroom, isang maid's quarter, at isang kwarto para sa magiging "baby" daw namin. 

Nang matapos kami sa mga kwarto ay sumunod ang kusina, at ang panghuli ay ang mini garden na nasa rooftop. Well, expected ko na ito dahil mahilig si Nich sa mga halaman.

All in all, maganda ang interior design ng bahay, simple lang siya pero elegante. Sakto lang din ang space, hindi ito maliit at hindi rin gano'n kalaki. 

"Here." Alok ko kay Nich ng binaon naming sandwich. Ang sabi kasi niya ay magpipicnic date lang kami, pero hindi ko naman alam na dito pala kami magpipicnic sa pinagawa niyang bahay! 

Nang matapos naming libutin ang buong bahay ay sa garden sa roof top namin naisipang mag-picnic. May fake grass doon kaya ay naisipan naming dito na lang maglapag ng kumot at kainin ang mga baon namin.

Mabuti na lang ay medyo makulimlim ngayong hapon kaya hindi na masyadong mainit ang sinag ng araw.

Nakaupo ako  sa kumot habang si Nich naman ay nakahiga at nakaunan siya sa hita ko. 

"Stop staring." Ani ko sabay subo ko sa kaniya ng sandwich. Pagod daw kasi siya kaya hindi makakain mag-isa, jusko.

"Why would I? Masama bang titigan ang magandang si Abby Dizon?" Then he pouted.

"Nakakailang syempre duh."

"Naiilang ka kapag tinitignan o tinititigan kita, eh bakit ako hindi naiilang kapag tinitignan mo ako?"

"Aba malay ko, bakit nga ba?"

"Hindi ako naiilang pero nakakaramdam ako ng lungkot, hindi ko alam kung bakit. Strange isn't it?" Umiwas ako ng tingin, pero ramdam ko ang titig niya sa akin. 

Napalunok ako nang muli ko siyang tignan.  His eyes are full of sadness.

"I-I don't know. Siguro kasi pagod ka palagi kaya nalulungkot ka." Damn Abby, anong klaseng rason 'yan.

"Siguro nga, pagod lang ako." Then he shut his eyes. 

Ilang sandaling katahimikan ang namutawi bago siya muling magsalita.

I don't know why, but I felt hurt when he say "I love you Abby."

But then I felt guilty when I answered "I love you too Nich."