Chereads / Online It Is / Chapter 40 - Chapter 20.5

Chapter 40 - Chapter 20.5

Chapter 20.5:

Abby's POV:

*Ring* *Ring* *Ring*

Tamad kong pinindot ang intercom at agad kong narinig ang boses ng aking sekretarya mula dito.

"Ma'am, nandito na po ang marketing manager at ang bagong endorser." Mahinahon niyang sabi.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Okay, kindly please let them in Miss Castro."

Nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng opisina ko ay siya ring pagharap ng akinh swivel chair sa dalawang taong kakapasok lamang.

"Good morning ma'am!" Masayang bati ng Marketing Manager na si Miss Castillo na siyang sinundan rin ng kasama niya.

"Good morning Miss Dizon." Casual na bati ni Rigel, or should I say, Mr. Petterson? Lihim akong natawa dahil sa naisip.

"Hmm, good morning to both of you. Please have a seat." Iginiya ko sila sa sofa na nasa harapan ng table ko. Agad naman silang tumugon sa aking sinabi. "Before anything else, what do you prefer? Coffee, juice, tea, or just water?" 

"Coffee for me ma'am. How about you Mr. Petterson?" Ani Miss Castillo.

"Just water." 

"Okay then. Please wait a minute." 

Nang maiserve ko ang drinks nila ay saka lang din ako umupo sa sofa. Bale napapagitnaan namin ang isang maliit na glass table. Nasa kaliwa ko si Rigel at nasa kanan ko naman si Miss Castillo, at silang dalawa ang magkaharapan.

Bago pa man magkaroon ng dead air ay sinimulan ko na ang magsalita. "So Miss castillo, since you already got in here in my office, I'm sure na mayroon ka ng naihandang plano at processes para sa advertisement na gagawin natin with Mr. Petterson."

"Ah yes ma'am! Naihanda ko na po ang lahat, all we need to do is discussed those to you ma'am dahil tapos ko ng inexplain ito kay Mr. Petterson." 

"Hmm good. Okay then, you may now start Miss Castillo."

Habang nagsasalita si Miss Castillo ay tamang tango lang ang ginagawa ko. Ewan ko ba, nakatingin ako sa kaniya pero hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. Para bang yung lumalabas na mga salita sa bibig niya ay pumapasok sa isang tenga ko at lumalabas din lang agad sa labas.

Mabuti na lang kahit papaano ay nakumbinsi ko ang aking inner self na mag-focus sa mga sinasabi ni Miss Castillo at naintindihan ko ang mga key points.

Fudge self, umayos ka!

Ilang beses kong palihim na kinurot ang sarili ko para lamang mapigilang hindi lumingon at matignan si Rigel.

Damn, ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Gamit ang aking rear view sight ay kita ko kung paano siya umupo na wari'y feel at home na feel at home! Naka-dekwatro habang nakasandal sa sofa at nakapatong ang magbilang braso sa sandalan ng sofa.

Hindi ata nakikinig ang loko. 

"That's all ma'am." Napabalik na lang ako sa realidad nang sambitin ito ni Miss Castillo.

"Ahh, yes. Thank you for that Miss Castillo. So bale kailan ang shooting?"

"This weekend na po ma'am. I already have arranged lahat ng kakailanganin at as usual ma'am, isinakto ko po ang oras ng shoot sa free time niyo."

"Then that's good." 

"How about me Miss Dizon, hindi mo ba ako kikilatisin? I heard that pihikan ka raw sa pagpili ng mga endorser ng products CosmiCandy, so I am expecting some sort of interrogation or you know, an interview from the COO." Umayos ito ng upo at diretsong tumingin sa akin.

Ningitian ko muna siya bago sagutin. "As far as I remember Mr. Petterson, I am not the one who picked you for this advertisement, but the CEO did. I trust the CEO's choice, so I will no longer conduct an interview, unless you want to." Damn, did I sound so rude? 

"Of course, who wouldn't? It is indeed a pleasure to be interrogated by the COO." Aba, napakatapang mo naman boi.

"Hmm, nice. That's the confidence Mr. Petterson. But maybe, we could do that some other time dahil marami pa akong inaasikaso ngayon. For now, let Miss Castillo assist you all through out the process.  I'll be checking on you sa shoot so be prepared." Ngumisi ito at saka tumango.

Mga ilang minuto rin ang inilagi nila sa opisina dahil may mga kinailangan pa akong iclarify sa mga sinabi ni Miss Castillo. But after that ay agad na rin nilang nilisan ang opisina at ako na lang ulit ang naiwang mag-isa.

Pagkasara na pagkasara ng pintuan ng opisina ay bigla akong nakaramdam ng panlalambot ng aking mga binti at pabagsak akong napaupo sa sofa. 

Agad kong nilagok ang isang baso ng malamig na tubig na sinerve ko kanina kay Rigel pero hindi niya ginalaw.

Damn, my heart is beating so fast. 

What just happened? 

Bakit naging distracted ako sa presence niya? For petes sake self! Matagal na kayong walang komunikasyon sa isa't-isa, matagal ka ng nakamove-on sa kaniya. So don't be stupid. 

Nang medyo kumalma ako ay naisip ko na siguro ay dahil ito ang una naming pagkikita matapos ang ilang taon, ay natural lamang ang naramdaman kong pagkabigla.

Oo, siguro nga ay dahil lang do'n. No more, no less. Kapag sa susunod na pagkikita namin ay hindi na siguro ako gan'to ka-tense.

Nang tawagan ko sila Joyce at Jackie ay 'yon na lang ang panlulumo ko dahil hindi sila available. Si Joyce ay kasama si Jherwin at nagdadate sila ngayon, well, good for them dahil matagal-tagal din silang hindi nakapag-date. Samantalang si Jackie ay ewan ko ba, choppy kasi ang call kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, kaya pinatayan ko na lang ng tawag.

At the end, it's just me, myself, and I. Buong araw akong nasa opisina at inabala ang sarili sa trabaho na agad ko ring natapos. 

*Knock* *Knock* *Knock*

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok. Damn, nakaidlip pala ako. Nang sumulyap ako sa glass window ay madilim na, mag-aalas nuwebe na pala ng gabi. 

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Manong guard. 

"Nako ma'am, sabi ko na nga po ay nandito pa kayo. Pasensya na po, nagising ko po ba kayo?" Napakamot si manong guard ng batok.

"Ahh ano ba kayo sir, ayos lang po. Actually ay salamat po dahil kumatok kayo, dahil kung hindi ay malamang bukas na ako magigising." Hinayaan ko lang na nakabukas ang pinto habang inaayos ko ang mga gamit ko. Nasanay na rin ako kay manong guard dahil siya ang lagi kong tagakatok lalo na kapag ginagabi ako sa trabaho o 'di naman kaya ay nakakatulog ako. 

"Wala po 'yon ma'am. Nakita ko po kasi sa parking lot na nando'n pa ang kotse niyo kaya napagtanto ko po agad na hindi pa kayo nakakauwi. Pero ma'am, palagi po ata kayong pagod sa trabaho. Madalas na rin ang pagtuloh niyo dito sa opisina." Halata sa boses ni manong guard ang pag-aalala. Naku, itong talaga si manong, napaka-caring, pero madalas ay sinesermunan ako dahil sa labis na pagbababad sa trabaho.

"Kayo po talaga sir, hindi na kayo nasanay sa akin. Alam niyo naman pong, ayaw kong masyadong naiistress si mama kahit siya ang CEO. Hands on po kasi sila kay Pau kaya kung pwede nga po ay hindi ko na sila pagtrabahuin at ako na lang po ang gagawa ng lahat."