Chereads / Online It Is / Chapter 45 - Chapter 23.0

Chapter 45 - Chapter 23.0

Chapter 23:

Abby's POV: 

Agad kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa bahay namin na dati kong tinitirahan.

Nang makarating ako ay agad kong ipinarada sa harap ng bahay ang sasakyan at pumasok agad sa loob.

"Oh hey ate! You seem so uhh exhausted?" Salubong na bati sa akin ni Pau as I enter the living room.

"Paano ka nakauwi Pau? At sino yung lalaking sinasabi ng guard na kasama mo kanina noong uwian niyo?" Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at pumunta sa harapan ng tv habang nakapameywang dahil kating-kati na akong malaman kung paano siya nakauwi at kung sino ang sinasabing lalaki ni manong guard. Yung pakiramdam kasi na alalang-alala ako sa kaniya sa school niya na, tapos malalaman ko na lang na nakauwi na siya dito sa bahay at madadatnan ko na lang siya na nanunuod ng tv? Nasa'n ang hustisya do'n?

"Chill ate, chill. Why are you so tensed?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Of course, sumakay ako ng sasakyan to get home. Hindi naman ako pwedeng maglakad because it's so malayo." Pilit niyang tinitignan ang pinapanuod niya sa tv pero hinarangan ko pa rin ito.

"At kaninong sasakyan ka naman sumakay?" Oh sige, magtarayan tayo dito mahal kong kapatid.

"Mama told me that you'll be fetching me at school, but as usual, you're late. Luckily, kuya Nicholas saw me, and he volunteered to send me home. And hindi lang 'yan, he also treated me  a monster float." Inirapan ako nito the she flipped her hair.

"At sino naman itong kuya Nicholas na 'to Pau? Kung kani-kanino ka sumasama, pa'no kung bad guy pala itong Nicholas na 'to tapos mapahamak ka?"

"Hindi naman ako sasama kay kuya Nicholas if he is a bad guy. Look, he sent me home safely so he's not a bad guy at all. You're a judger ate, you should avoid having that kind of behavior." She has a point, pero kahit na! 

"And how can you be so sure na mabait talaga ang taong 'to?"

Napalakas ata ang boses ko dahil parang maiiyak na si Pau. Huminga ako ng malalim at tinabihan siya sa sofa.

"Look Pau, I'm sorry." I hugged her, at narinig ko ang mahina niyang paghikbi. "Ate is just worried about you. Dumating kasi ako sa school kanina at hindi kita nakita, tapos sabi ni manong guard ay sumama ka daw sa isang lalaki. Hindi mo rin sinasagot ang tawag ko kaya sobra akong nag-alala. Hindi ko rin kasi alam na half day lang pala ang pasok niyo."

"You are so mean kasi ate. I'm telling you na kuya Nicholas is not a bad guy but you don't believe in me." Sinisinok siya habang sinasabi ang mga ito. Aww, ang maattitude kong kapatid, umiiyak. 

"Shh, sorry na Pau. Gusto mo ba ipagluto kita to lighten up your mood?" Pag-aalo ko.

"No need to do that. I already cooked for her."

Tila ba ay napantig ang aking tainga sa narinig na boses na nagmula sa aking likuran.

"Ikaw nanaman?!" Hindi ko na naitago ang pagkagulat ko nang makita siya sa loob mismo ng pamamahay namin. "Bakit ka nandito?" I don't care if I seem so rude, eh sa hindi ko feel ang presence niya.

"Yes, Abby... It's me again." Ani nito habang naka-cross arms. "Come on baby Pau, your meryenda is ready. Eat it before it gets cold." Malambing na sabi nito kay Pau. Agad namang tumalima si Pau at pumunta na sila sa kusina.

Wow, feel at home na feel at home ang loko!

Sumunod ako sa kusina na may kasamang dabog.

"Ano'ng Abby? Bakit close ba tayo Mr. Petterson? At saka, kailan mo pa naging baby ang kapatid ko aber?" Mahinang sabi ko sa kaniya para hindi marinig ni Pau.

"Wala tayo sa trabaho Abby, so let's just be casual. And besides, ano namang masama kung baby ko si Pau? Gusto mo ba ikaw na lang ang baby ko?" 

"Aba't! Ang kapal naman ng  pagmumukha mo?" My gosh! Hindi ko siya kinakaya.

Kaysa sagutin ako ay inabala niya ang sarili sa pagseserve ng pagkain sa kapatid ko.

"Ate, why don't you join us? Kuya Nicholas' carbonara is so delicious. Come on, try it at hindi mo pagsisisihan." Nangiting sabi ng kapatid ko. So matagal na silang magkakilala, bakit ngayon ko lang alam?

Tatanggi pa sana ako, pero hindi nakiki-cooperate ang tiyan ko at rinig ang garulgol nito. 

Kita ko ang pagngisi ni Rigel kahit hindi ito nakatingin sa akin.

"Fine." I sat down beside Pau as Rigel put the carbonara on my plate. Wow, feel at home talaga.

Habang kumakain kami ay saka ko lamang napagmasdan ng mabuti si Rigel.

Halos wala pa rin namang nagbago sa kaniya, maliban sa mas nadepina ang physical features niya. Mas matured na siya tignan ngayon. Pero ang ugali, sa tingin ko ay halos wala pa rin nagbabago. Dala-dala pa rin niya ang maloko at maeksena niyang ugali.

Mas sumarap din ang luto niya, kumpara noong last time na natikman ko ang carbonara na ginawa niya. 

Iba talaga kapag pamilyado na.

"Done checking me out Abby?" Napitlang ako nang biglang tumingin sa akin si Rigel.

"I'm not checking you out, huwag kang assuming." Liar Abby, you're a liar. "I'm just wondering, kung bakit parang magakakilalang-magkakilala kayo ng kapatid ko gayong ngayon pa lang kita nakita, I mean noong nakaraang araw.

Napatango naman siya sa sinabi ko. "Oh about that, matagal na talaga kaming magkakilala ni baby Pau. Kapag may pinupuntahang party si tita na related sa business ay lagi kong nakikita si Pau na kasama niya, and that's where we became friends. Right baby Pau?"

Tumango si Pau. "Yes ate, lagi kong nakikita si kuya Nicholas sa parties na pinupuntahan namin at siya rin lagi kong nakakausap kasi puro adult ang kasama ni mama. He is so fun to be with kaya close na kami." So he is that Nicholas that Pau us talking about.

"Party? So matagal ka ng nandito sa Pinas? I thought ay kakarating mo pa lang nitong mga nakaraang araw?" Nakakapagtaka lang.

"Madalas ako dito sa Pinas for business purposes, pero balikan lang. This time ay medyo matatagalan pa siguro bago ako bumalik because I need to settle something first."

"Then that something must be so important." Mahina kong sambit at saka sumimsim ng juice.

"Yes, she's indeed a very important person to me."

"Person? Akala ko ba ay something? Bagay gano'n, like business matters."

"You seem interested Abby." May halong pang-aasar na sabi nito.

"Assuming ka nanaman eh noh? Parang nagtatanong lang." Inirapan ko siya at saka ipinagpatuloy ang pagkain.