Chapter 24:
Abby's POV:
Pagak akong natawa dahil sa sinabi ni Rigel. Seryoso ba siya?
"Nice joke Rigel, nice joke." Saad ko, kulang na lang ay pumalakpak ako.
"I'm not joking."
"Wow Rigel wow! So, am I a joke to you then?" Napapalakpak at napatayo na talaga ako dahil sa amusement. "At sa tingin mo Rigel paniniwalaan kita ngayon? It's been five freaking years already Rigel! Sa tingin makukuha mo ako dahil lang sa gagawin mong explanation? Naka-drugs ka ba? Iniwan mo ako sa Bolinao without any single word coming from you, ni hindi ka nagpalaam, ni hindi ka nagbigay ng rason kung bakit bigla ka na lang nawala. Tapos malalaman ko na lang after a few days na ikakasal na kayo ni Steph kasi magkakaroon na kayo ng anak?" Ipinaypay ko ang kamay ko sa aking mukha para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng likido mula sa aking mga mata.
"A-Abby--"
"Don't touch me!" Malakas kong iwinaksi ang kamay ni Rigel nang balakin niya akong hawakan sa aking braso.
"Please Rigel, bakit ka pa kasi bumalik? Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan kong hirap para lang maialis yung nararamdaman ko para sa'yo. I-I tried everything, lahat ng paraaan para makontak ka noong araw nalaman kong umalis ka, pero hindi ako nagtagumpay dahil binlock mo ako sa lahat ng social media accounts mo pati na rin sa contact number mo. Muntik pa nga kitang sundan sa Texas eh, kaso naalala ko wala nga palang tayo." Pagak akong natawa.
"Na kaya ang bilis mo akong bitawan kasi pang-quarantine lang ako. Tapos saktong bumalik ka na sa ex-girlfriend mo pagkatapos ng quarantine. Ayos lang sa'yong iwan ako basta-basta kasi wala ka talagang balak saluhin ako." Madiin na sabi ko habang idinuduro siya.
"Hindi 'yan totoo Abby--"
"Oh shut up Rigel! Alam mo bang hindi ko na alam kung ano'ng paniniwalaan ko sa mga sinasabi mo eh. Sinaktan mo ako Rigel, sinaktan mo ako. Pinaniwala mo akong gusto mo ako, pinaniwala mo akong may puwang ako diyan sa puso mo. Pero nung umalis ka, you made me question myself. Totoo nga bang nagkagusto ka sa akin? Totoo nga bang nagkaroon ako ng puwang diyan sa puso mo? Totoo ba ang mga pinakita at pinaramdam mo sa akin?"
Bago pa ulit siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "I'm done for tonight. Past is past, masaya na ako ngayon kay Nich at sana ay ikaw rin kay Steph. Paki-lock na lang ang pinto 'pag aalis ka na."
Dali akong nag-martsa papunta sa taas, sa dati kong kwarto. Well, kwarto ko pa naman ito pero halos wala na nga lang masyadong gamit.
The moment I closed the door ay doon na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Yung sakit na naramdaman ko five years ago, parang isang malakas na alon na humampas sa buhangin sa tabing dagat.
The feeling is so painful yet so good dahil sa wakas ay nailabas ko na ang saloobin na kinikimkim ko sa mahabang panahon though, hindi lahat ay nailabas ko.
"Ate? Are you there? Are you okay?" Dali kong pinunasan ang aking mga luha nang marinig ko ang mumunting boses ng aking kapatid sa likod ng pintuan.
"Yes Pau, I'm here. Bakit gising ka pa? " Tanong ko nang mabuksan ko ang pinto.
"Are you crying ate?"
"A-Ah nope, I mean yes. Nanuod kasi ako ng k-drama kanina at ang pangit ng ending kaya naiyak ako." Pagpapalusot ko.
"Tsk, you shouldn't watch k-drama too much ate. Baka mamaya mag-binge watch ka nanaman at malate ka ulit sa trabaho bukas." Panenermon niya sa akin.
"Opo ma'am, hindi na po ako manunuod. Eh ikaw? Bakit gising ka pa?"
"I want you to sleep beside you tonight. Namimiss na kasi kita ate, hindi ka na umuuwi dito palagi sa bahay tapos lagi ka pang busy sa trabaho." Nakangusong sabi nito. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Iyon lang pala eh, edi tara na sa kwarto mo at tatabihan ka ni ate." Masiglang pag-aaya ko.
"Yehey!"