Chapter 24.5:
Abby's POV:
"Hmm~ ang bango naman ate!" Bungad ni Pau pagkarating na pagkarating nito sa kusina.
"Syempre, ako ang nagluluto kaya mabango." Ani ko habang hinahalo ang niluluto kong omelette for breakfast.
"Nonsense, mabango naman talaga ang omelette ate kapag niluluto kaya don't be so ma-feeling." Pambabara niya na nasundan ng mahaba at malalim na paghikab.
"Tsk, oo na. Ikaw talaga Pau, hindi mo man lang isupport si ate hmp!"
"Whatever ate. Can you make it a little bit faster? Malilate na ako ate, ano'ng oras na po hello? I'm time conscious ate, you know that." At saka ito pumangalumbaba sa lamesa.
"Duh, ang aga pa oh. Alas sais pa lang po Miss Time Conscious, at mamayang alas otso pa ang pasok mo. Ihahatid naman kita mamaya bago ako pumasok sa trabaho kaya chill ka lang kapatid okay? Anyway, gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas tutal patapos na rin ako dito sa niluluto ko."
"No need ate, I can do it myself. And nagbago na ang preference ko just so you know, I prefer fresh milk na than powdered milk." Tumayo ito at kinuha ang sinasabi niyang fresh milk sa ref. "By the way, what time did kuya Nicholas went home last night?"
Sandali akong napatigil sa pagsandok ng kanin. "Ahh umuwi siya agad kagabi nung makatulog ka."
"Of course, staying in one place with your ex would be so awkward."
"What? Ano'ng binubulong-bulong mo diyan Pau ha?"
"Wala po ate, ang sabi ko ay medyo maalat itong omelette mo ngayon. But it's okay, as long as it is edible."
Tinikman ko ang luto ko, tama nga siya, medyo maalat ang pagkakatimpla ko. Anyway, ayos lang naman daw sabi ng maarte kong kapatid.
~
"Bye Pau! Behave ka lang sa classroom niyo okay?" Saad ko nang makababa ang kapatid ko mula sa kotse. Quarter to eight pa lang, pero nakarating na kami sa school dahil ayaw nga daw niyang ma-late sa pagpasok.
"Okay, I'll do that." Nakangiting sagot nito. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay tinawag ko ulit siya.
"Yes ate?" Anito na may kasamang hair flip.
"Si mama ang susundo sa'yo mamayang uwian pero medyo malilate daw sila ng dating kaya ikaw, doon ka lang sa tabi ni manong guard mamaya habang hinintay si mama ha. Huwag kang sasama-sama sa kahit na sino." Tumawag kasi sa akin kanina si mama, at ang sabi niya ay pauwi na siya at siya na raw ang susundo ka Pau.
"Okay fine, don't worry."
Hinintay ko munang makapasok ng school ang kapatid ko bago umalis at pumasok sa trabaho.
~
"Good morning ma'am!" Bati ni Miss Castro bago ako makapasok sa aking opisina.
"Good morning din Miss Castro." Pabalik kong bati.
"Ahh ma'am, may babae po pa lang basta na lang pumasok sa opisina niyo kanina ma'am. Ang sabi ay hindi na daw niya kailangan magpa-appointment dahil isa daw siyang VIP. Pipigilan ko po sana kaso binigyan niya po ako ng durian candy kaya ayon po, pinapasok ko na po." Nahihiyang sabi niya, pero sinabi kong ayos lang dahil kilala ko naman na kung sino ang tinutukoy niya. Halata ngang sarap na sarap siya sa candy na bigay sa kaniya dahil nakita ko ang mga ilang piraso ng pinagbalatan sa desk niya.
Nang makapasok ako sa opisina ay halos maiyak ako sa tuwa nang makita ang dalawang malaking tote bag na nasa sofa.
Uwaaaaah! Pakiramdam ko ay naghuhugis puso ang mga mata ko sa ngayon.
"Ooooooooops!" Bago ko pa man mahawakan ang tote bag ay agad naman akong hinarangan ni Joyce.
"Bes naman eh!" Nakangusong sabi ko.
"Anong bes naman eh? Wala ka man lang lang utang na loob. Pasalubong agad ang nilapitan mo imbis na ako na kaibigan mo hmp." Umirap ito.
"Aww, 'wag ka na magtampo bes. Sige na nga, heto na oh i-huhug na kita." Dali ko siyang niyakap ng mahigpit at gano'n rin siya sa akin. "I missed you bes."
"I missed you too." Anito habang magkayakap kaming dalawa.
"So, pwede ko na bang buksan ang mga pasalubong mo sa akin?" Napatawa ito at tumango na lang.
"Kay bakla 'yang isang tote bag bes ha. Pupunta daw siya dito mamayang lunch, at dito daw kakain."
"Oh I see. Thank you girl!"
Bago ko ilabas ang mga pasalubong mula sa tote bag ay niyakap ko muna ito at inamoy-amoy. Oh 'diba parang tanga lang.
Marami rin ang laman ng tote bag, mayroong Durian candy na gaya na lang ng kay Miss Castro, Durian Pastillas, Durian de leche, Durian Tarts, at iba pang sweet delicacies na may durian flavor at mangosteen flavor.
Dang, nakakapang-laway naman. Mabuti na lang at hindi nakalimutan ni Joyce ang bumili ng pasalubong. I love her na talaga!
"Good morning mga bakla!" Muntik ko ng mabitawan ang mga hawak kong pagkain nang marinig ang malakas at matinis na boses ni bakla sa loob ng aking opisina.
"Ayy kabayo ka! Ahh giiirl! Ano ba ba 'yan, umagang-umaga ang ingay mo ha?" Pabalang na sabi ni Joyce halatang nagulat rin gaya ko. "Tignan mo tuloy oh, nabuhusan ng juice yung damit ko!"
"Eh sorry na bakla, maganda lang talaga ang umaga ko ngayon. At saka bakit ba lagi ka na lang nagugulat kapag nakikita mo ako? Hindi ka pa ba nasanay sa kagandahan ko?" Nag-beautiful eyes pa si bakla habang kumakaway na parang nasa pageant.
"Shunga, pa'nong hindi ako magugulat eh umagang-umaga nakakakita ako ng multo. Teka nga, akala ko ba ay mamayang lunch break pa ang punta mo dito?"
"Hmp, inggit ka lang sa beauty ko bakla. Anyways, inagahan ko talaga kasi baka dayain niyo nanaman ako ni Abby sa mga pasalubong. Teka, nasaan na ba yung pasalubong ko bakla? Iyon bang nasa tote bag na malaki?" Itinuro nito ang isang tote ba na nasa tabi ko.
"Bakit ka namin dadayain eh wala ka namang pasalubong?" Sabat ko. Tinignan ko ng makahulugan si Joyce at nakuha naman niya agad ang gusto kong sabihin.
"Oo nga, bakit may binigay ka bang pera sa akin para bilhan kita ng pagkain sa Davao?" Pagsang-ayon ni Joyce.
"Whaaaat?! How could you bakla! Wala ka man lang konsiderasyon para sa akin. Palibhasa ang paborito mo lang na kaibigan ay si Abby. Hmp, matapos lahat ng ginawa ko sa'yo, ito ang igaganti mo sa akin?" Nagtatampong sabi ni baklang Jackie na halatang fake
"So, sinusumbatan mo ako?!" Pagrebat ni Joyce.
"Oo! Sinumsumbatan talaga kita ng bongga!"
"Gusto mo bang isumbat ko rin lahat ng nagawa ko sa'yo right here right now?!"
At nagsimula nanaman po ang sigawan session ng dalawa. Oops, ako ata ang nagsimula ng bangayan.
Mga ilang minuto rin ang itinagal ng bangayan ng dalawa bago ulit magkasundo, o'diba ang lupit nila.
"I hate you Abby, sabi mo wala akong pasalubong. Pinagkakaisahan niyo nanaman ako." Nakangusong sabi ni bakla as he lift the tote ba na puno ng mga pagkain.
Natawa na lang ako at nag-peace sign. Kamusta na kaya sila ni Cheska? Nanliligaw pa ba siya dito sa baklang 'to?
"Wow! Ang dami naman nito bakla! Salamat ng marami!" Gaya ng naging reaksyon ko kanina ay gano'n rin ang naging reaksyon ni Jackie ngayon nang makita niya ang mga pasalubong.
"You're welcome bakla, basta ba jowain mo na si Cheska eh."
"Che! Tigilan mo nga ako bakla."