Chereads / Online It Is / Chapter 46 - Chapter 23.5

Chapter 46 - Chapter 23.5

Chapter 23.5:

Abby's POV:

"Kailan mo balak umuwi?" Taong ko kay Rigel habang nasa cellphone ang atensyon. As I have said, maaga akong natapos kanina sa trabaho kaya may time ako ngayon para dumutdot at mag-scroll sa social media accounts ko.

Alas siyete na ng gabi at tulog na si Pau, napagod kakalaro kasama si Rigel. Nag-mall pala sila kanina nung uwian ni Pau, kaya ayon, bagsak ang magaling kong kapatid.

Bukas pa ang uwi nila mama at papa kaya dito muna ako mag-iistay para may kasama si Pau.

"Ouch! Pinapaalis mo na ako agad? Grabe ka naman Abby." Aniya habang hinahawakan ang kaliwang dibdib niya, umaaktong nasaktan dahil sa sinabi ko.

"Ouch ka diyan, gabi na oh. Helloo?"

"Ang taray mo pa rin talaga." He chuckled. "Don't worry, aalis din ako mamaya."

Aba, pa'nong hindi ako magtataray kung nandito ka?

Ilang minutong katahimikan ang naghari bago ako tumayo at dumiretso sa kusina. I feel like I need something to quench my thirst.

"Alcoholic ka na pala ngayon?" Salubong ni Rigel nang makabalik ako habang nakatingin sa wine glass at bote na may lamang red wine.

"Hmm, sakto lang. A glass of red wine after a whole day of stress is heaven. Want some? Ito oh dinalhan kita ng baso, para naman hindi ako magmukhang rude sa BISITA." Diniinan ko talaga ang pagkakasabi ng salitang "bisita." Umupo ako sa sofa at saka nagsalin ng alak sa aking baso. I actually don't like the taste of red wine, it's just that it gives my body the chill na kailangan ko pagkatapos ng buong araw na trabaho.

Habang nilalaro-laro ko ang alak sa aking baso ay nagsalin na rin siya sa kaniyang baso.

"Anyway, thanks for fetching Pau earlier." Sinserong sabi ko. Totoo naman, I owe him kahit na sobra akong nag-alala. Mas gugustuhin ko pa namang siya ang nakasama ng kapatid ko kaysa mapahamak ito.

"Maliit na bagay, and Pau is so precious to me, so it's my pleasure." Kumindat ito sa akin. Naks, kung makakindat parang hindi pamilyado ah.

Magsasalita pa sana ako nang biglang mag-ring ang phone ko.

"Please excuse me." Paalam ko kay Rigel bago ako lumabas ng bahay para sagutin ang tawag.

"Hey babe..." Bungad ko sa kabilang linya.

"I miss you babe." Sagot ni Nich sa kabilang linya. "Nakauwi ka na ba?"

"Ah oo, kanina pa. Maaga ko kasing tinapos ang trabaho para sunduin si Pau. How 'bout you?" Hindi ko na binanggit ang tungkol kay Rigel dahil hindi naman ito mahalaga.

"That's good then. I just woke up and nagluluto ako ngayon ng breakfast." 

"Oo nga eh, rinig ko ang pagsandok mo. But be careful okay? Bawal masugatan o mapaso ang gwapong model." 

"Grabe babe, natututo ka na sa mga banat ko ah." He chuckled. "I wish you were here babe."

"Sus, gusto mo lang ako na ipagluto ka eh."

"Syempre babe, hindi ko ipagpapalit ang luto niyo ni tita sa mga pagkain dito. Kaya nga nagluluto ako kasi namimiss ko na ang pinoy foods." 

"Kaya galingan mo diyan babe, para makauwi ka na dito at maipagluto kita." 

"Yes babe, of course! I am so excited to see you soon."

Marami pa kaming napag-usapan ni Nich. Ewan ko ba sa lalaking 'yon, hanggang sa pagligo ay dala-dala ang cellphone. Para na kaming call center agents. 

Mga 40 minutes din ang itinagal ng pag-uusap namin bago kami magpaalam sa isa't-isa dahil paalis na daw siya papuntang trabaho.

Nang makabalik ako sa sala ay 'yon na lang ang pagtaas ng kilay ko nang makitang nakahiga na si Rigel sa sofa habang hawak sa kaliwang kamay ang walang lamang baso ng alak.

Sinipat ko ang bote ng alak at napagtantong wala na itong laman! Ang duga, kakabukas ko lang nito at ang unti pa ng nainom ko tapos inubos niya?

Aish! Kahit kailan talaga!

May balak pa atang makitulog ang isang 'to dito sa bahay. 

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa bote, making sure na hindi siya magigising.

"That should be me." 

Muntik ko ng mabitwan ang baso nang bigla siyang magsalita. Mahina at paos ang pagkakasabi nito, pero sapat lang para marinig ko.

"What are you talking about? Lasing ka na talaga at kung anu-ano ang pinagsasabi mo." Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

"A-Ano ba Rigel, bitaw. Baka mahulog ko 'tong baso at mayari ako kila mama. Naubos na nga yung alak, tapos makakabasag pa ako tsk." Mahina kong tinabig ang kamay niya at dali-daling pumuntang kusina dala ang mga baso at bote ng alak.

"I heard it all." 

"Ay kabayo! Letse ka Rigel, bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot?" Kaloka naman 'to. Bigla ba naman siyang sumulpot sa likuran ko habang nagsasalin ako ng tubig, mabuti na lang at mahigpit ang pagkakahawak ko sa pitsel.

"And it hurts."

"Ha? Ano'ng pinagsasabi mo? Oh heto, inom ka ng tubig para mahimasmasan ka. Kung bakit mo kasi inubos yung alak, tapos ngayon kung anu-ano ang sinasabi mo." 

Pero imbis na inumin ang tubig na inabot ko sa kaniya ay ipinatong niya lang ito sa lamesa.

"H-Huy, ano ba Rigel. Lumayo-layo ka nga sa akin, lasing ka na oh." Pero tuloy pa rin siya sa paglapit sa akin, habang ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa maramdaman ko ang sink sa aking likuran. 

"Gag*, pag hindi ka lumayo Rigel, ako mismo ang puputol ng kinabukasan mo right here right now." Sabay pakita sa kaniya ng kutsilyong nahablot ko sa kung saan.

Pagak siyang tumawa at saka itinaas ang dalawang kamay. Umatras ito at sumandal sa lamesa. 

*Sigh* 

Inilagay ko ang kutsilyo sa lababo at umupo sa isa sa mga upuan sa kusina. 

"Matapang ka pa rin talaga Abby." Nakangising saad ni Rigel, pero hindi sa aking nakatingin.

"Aba syempre, ako pa. Hindi ka na nasanay." 

"Hindi naman talaga ako nasanay eh."

"Teka, ano bang problema mo ha. Bakit ba ang weird ng mga sinasabi mo?" Medyo naging mataray na ang tono ko.

"Weird bang maging malungkot ako kasi masaya ka na ngayon?" This time ay tumingin na siya sa akin. Dim lang ang light dito sa kusina pero kita ko pa rin ang mata niyang napakaraming sinasabi. Halu-halong emosyon ang nakikita ko mula sa mga ito.

Why Rigel? Why are you saying these things to me?

"Weird talaga, syempre ikaw ang nang-iwan eh, ako nga dapat ang bitter kasi ako yung naiwanan, but I have no time for that. Tsaka ano pa bang pinuputok ng butchi mo? Eh 'diba pamilyado ka na? Kaya kung ako sa'yo, itigil mo na 'tong ginagawa mo Rigel, at kung ano man ang plano mong gawin ay huwag mo ng ituloy."

"Wala kang alam Abby, wala ka talagang alam." 

"What?" Naguguluhan talaga ako. Ano'ng sinasabi niyang wala akong alam?

"Kapag ba sinabi ko sa'yo ang dahilan kung bakit kita iniwan five years ago ay babalik ka sa akin?"