Chapter 17.5:
Abby's POV:
Pagkapasok na pagbaba ko pa lang mula sa kotse ay nagsilapitan na agad ang mga media. Nakakasilaw ang magkakasunod na flash ng mga camera kaya pangiti-ngiti lang ako at mas pinasingkit ang mga mata para hindi maipahalatang sumasakit ang mata ko sa liwanag na naggagaling sa mga flash.
"Ms. Dizon, bakit po ay mag-isa niyo lamang pumunta dito sa venue?"
"Ms. Dizon, wala po ba kayong date ngayong gabi?"
"Ms. Dizon, nasa'n po ang date niyo para ngayong gabi?"
"Ms. Dizon, bakit hindi niyo po kasama ang boyfriend niyo ngayong gabi?"
"Ano po ang masasabi niyo patungkol sa event ngayong gabi?"
"Sino po ang designer ng dress niyo para ngayong gabi?"
Dahil sabay-sabay silang nagsasalita ay hindi ko alam kung sino ang uunahin kong ieentertain so I just kept silent at ningitian na lamang sila.
Habang naglalakad ako sa red carpet ay iginigiya ako ng mga usher na naka-assign at hinaharangan mula sa mga media.
Ngayon ang Anniversary ng kumpanya ng malapit na kaibigan ni mama. And with that, I came here as her representative dahil may sakit si Pau at mas gusto nila na silang dalawa ni papa ang mag-alaga sa kaniya.
The company is indeed a big time. Napaka-galante ng event na 'to. Mula sa designs ng venue hanggang sa mga taong nasa paligid ay nagsusumigaw ng karangyaan.
Nang makarating ako sa photo booth, I just simply posed in front of the cameras emphasizing my dress' slit. Kahit ayaw ko man gawin ang pose na 'to, ay ginawa ko pa rin nang makita kong pinanlakihan ako ng mata ni Joyce.
Oo nga pala, isa pala siya sa photographer para sa event na 'to. Silang dalawa ni Jackie ang pumili ng susuotin kong dress para sa event ngayon kaya dapat lang daw na maganda ang anggulo ko sa camera ni Joyce.
Narinig ko ang pag "woah" ng mga tao sa paligid when I seductively posed in front of the cameras. From the way I smile, to the way my hand touch my waist, I made sure to satisfy Joyce and of course ay si Jack na nasa isang tabi.
Kita ko mula dito sa kinatatayuan ko ang pagtaas ng kilay ni Jack at ang mukhang nagsasabing kailangan kong umayos dahil malilintikan ako 'pag hindi ko sinunod ang sinabi nila sa akin ni Joyce.
*Sigh* ang hirap talaga magkaroon ng utang na loob sa dalawang 'to. Sila ang pumili ng susuotin ko at si Jack naman ang aking hair and make up, so I have no choice but to follow their command.
Nasa last pose na ako nang maramdaman kong may humigit sa beywang ko. Pagkatingin ko ay 'yon na lang lang ang paglawak ng ngiti nang makita si Nich na nakangiti na sa camera ngayon.
"You made it." Masayang bulong ko sa kaniya.
Agad rin akong ngumiti sa camera, yung ngiting matino dahil nandito si boyfriend. Dahil sa ginawa ni Nich ay mas lalong umingay ang media at mas bumilis ang pag-flash ng mga camera.
Nang matapos ang turn namin sa photobooth ay agad akong hinigit ni Nich at hinalikan ako sa pisngi.
"Na-late lang ako ng kaunti, nakagawa na agad ng eksena ang maganda kong girlfriend." Nanggigigil na sabi ni Nich habang inaamoy ang buhok ko. "Hmm, you smell so good."
"Che, tigilan mo nga ako babe. Ang daming media oh, baka maka-agaw tayo ng pansin." Kinurot ko siya sa tagiliran pero hindi man lang ito umubra at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa aking beywang.
Nang makarating kami sa aming designated table ay nakita ko rin si Jackie na nakaupo sa isa sa mga upuan.
Bakante ang katabing upuan ni Jackie kaya sa kaniya na ako tumabi. Nasa kanan ko siya habang sa kaliwa ko naman ay si Nich.
Habang nakikipag-kwentuhan si Nich sa katabi niya, which is I think ay co-model niya, ay nakipag-chikahan din ako kay Jackie.
"Ganda natin ngayon bakla ha." Panimula niya. Sus, if I know ang ibig niyang sabihin ay "Maganda ka dahil sa akin."
"Syempre, ako pa. Ikaw rin kaya..."
"Ano? Maganda rin ba?" Isinukbit niya sa kaniyang tenga ang kunwaring mahabang buhok niya at saka kinagat ang labi.
"Eww ka bakla. Ang laswa mo. Ang gwapo mo diyan sa suot mong tux pero pabebe ang galaw."
"Syempre, I dressed up well para naman maka-attract ako ng mga fafa dito sa party. Anyways, maka-agaw atensyon kayo ni Nicholai kanina."
"Eh kasi naman. Akala ko ay hindi na siya makakapunta dito sa party tapos nung nasa photobooth na, ay bigla siyang sumulpot. Edi syempre tuwang-tuwa ang lola mo." Napatingin ako saglit kay Nich habang nakikipag-kwentuhan siya. Dahil malapit lang kami sa isa't-isa ay kita ko ang eyebags na nagtatago sa ilalim ng concealer.
If I'm not mistaken ay kakauwi lang niya mula sa isang photoshoot tapos pinilit niya lang humabol para sa akin. Damn, ang swerte ko naman sa jowa ko.
"Halata nga bakla. Ang swerte mo kay fafa Nicholai, haynako kung ako sa'yo ay susunggaban ko na 'yan bago pa maagaw ng iba. Raaawr!"
"Ikaw bakla, tigil-tigilan mo ako sa mga paganyan-ganyan mo." Saka ko siya inirapan. Itong baklang 'to talaga kung anu-ano ang lumalabas na kalaswahan sa bunganga.
Nang magsimula ang program ay hindi na namin naituloy ang chikahan namin ni bakla at nag-focus na lang sa event.
Habang umiinom ako ng juice gamit ang kanan kong kamay ay naramdaman kong pinagsiklop ni Nich ang kamay niya at ang kaliwang kamay ko.
"I'm sleepy." Aniya ng may pamumungay ang mata atsaka humikab. Kawawa naman ang babe ko.
"Here." Tinapik ko ang balikat ko at sinenyasan siyang sumandal dito. Pero imbis na sumandal ay umiling ito.
"Ayo'ko. Mabigat ulo ko baka mangawit ka. Ayaw ko naman na gawin kang unan dito sa event."
Inirapan ko siya at ako na mismo ang nagsandal ng ulo niya sa aking balikat.
"Huwag ka ng makulit. Matulog ka na lang, dahil may photoshoot ka pa bukas. Bakit kasi araw-araw ka na lang may photoshoot, ayan tuloy lagi kang pagod at puyat." Humalakhak lanng siya ng mahina at pagkalipas ng ilang sandali ay ramdam kong tulog na siya.
"Gusto mo bang palitan kita? I know nangangawit ka na bakla." Buong ni Jackie out of nowhere.
"Hmmp, 'wag ka ng umasa pa bakla. Kahit pagod at naiihi na ako ay hindi ko ipapaubaya sa'yo si Nicholai. Baka gahasain mo lang siya o 'di naman kaya ay gayumahin habang wala ako sa tabi niya. Dinilaan ko pa siya bago haplusin ang takas na buhok ni Nich. Medyo humahaba na ang bangs niya.
"Edi 'wag. Pero sana naman bakla, makiramdam naman kayo. Kita mo nga oh, ang daming single dito sa paligid tapos tapos tapos.... Kaunting konsiderasyon naman po para sa mga single."