Chereads / Online It Is / Chapter 27 - Chapter 14.0

Chapter 27 - Chapter 14.0

Chapter 14:

Abby's POV:

Buong araw ko nang hindi nararamdaman si Rigel, nasaa kaya ang lokong 'yon? Simula kasi nang mag-walk out siya kaninang umaga ay hindi ko na siya nakita pa, hindi ko na nga rin siya nakasabay mag-tanghalian kanina at pati kaninang dinner ay wala din siya.

Gano'n ba siya kaaffected sa isusuot ko sa graduation? Nakakainis naman kasi eh, palibhasa ay lalaki siya kaya matic na polo na may long sleeves o 'di naman kaya ay may coat ang isusuot ng gaya niya. Unlike sa aming mga babae na ang daming ek-ek sa katawan, from head to toe ay dapat pinaghahandaan.

Isang buwan pa bago ang graduation pero abala na ako sa paghahanda. I still have some other errands to run for the next few days kaya hindi dapat ako tumunganga lang ngayon. 

Pinataasan ko ang temperatura ng aircon sa kwarto dahil medyo nilalamig ako. Malapit na magpasko kaya medyo bumababa na ang temperatura lalo na sa madaling araw at gabi.

Napatingin rin ako sa sa picture frame na sana side table ng kama, nakalagay dito ang litrato namin ni Rigel that was taken during the debut party ni Andrea. 

Napitlag ako nang makarinig ng parang may nabasag. Tumingin ako sa bandang pinanggalingan nito at iyon na lang ang pagkagulat ko nang makitang basag ang bintana!

Aish, don' tell me nantitrip nanaman ang mga bata at napagdiskitahan ngayon ang bintana ng kwarto ko.

Agad kong kinuha ang walis tambo at dustpan sa baba, mahirap na baka makadisgrasya pa ang bubog. 

Nang matapos kong walisan ay dahan-dahan kong binuksan ang bintanang nabasag.

Busy ako sa paglanghap ng sariwang hangin nang makarinig ako ng strum ng gitara somewhere. Lumingon-lingon ako sa paligid pero sa baba ko lang pala matatagpuan ang pinanggalingan ng tunog. 

Iyon na lang ang pagtaas ng kilay ko nang makita si Rigel together with the anim na tanods in Kamisa de Tsino with santan flowers in their hands. Si Rigel ang nasa unahan na siya namang may hawak ng gitara. Nakapwesto sila na parang letrang V.

Pfft, hindi ko pwedeng palagpasin ang moment na ito. Inilabas ko ang phone ko mula sa bulsa at madali silang kinuhanan ng litrato, medyo madilim sa parte kung saan sila kaya ginamitan ko ng flash. Kita ko ang gulat sa ekspresyon nila pero agad din namang nabawi at itinuloy ang pag-sway habang nag-iistrum si Rigel.

~Uso pa ba ang harana?

Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba 'tong mukhang gago?

Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba

Pfft, halata ngang kinakabahan siya. Medyo may nginig ang boses niya pero hindi na gano'n kapansin-pansin dahil maganda ang boses niya. 

~Meron pang dalang mga rosas suot nama'y

Maong na kupas

At nariyan pa ang barkada

Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along

At talagang bagay na bagay ang kanta nila sa attire nila. Pero imbis na rosas ay santan ang dala nila, at imbis na barkada ay mga tanod ang kasama. Imbis na barong, ay nakasuot sila ng Kamisa de Tsino.

~Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana para sayo

Wow may talent din pala ang qaqong 'to. Abot ang nota at may pakulot-kulot pang nalalaman! Pati mga tanod ay may talent din sa pag-sesecond voice. Wow, just wow.

~Hindi ba't parang isang sine

Isang pelikulang romantiko

Hindi ba't ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man

Sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas

Grabe naman, ako daw ang bidang artista. Oh well, nasa lahi 'yan pre. Artistahin talaga ako, charot! At ano daw? Siya ang leading man? Nagpapatawa ba siya? Haha, well pwede na hihi.

~Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana para sayo

~Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana para "Sa'yoOoOoOoOoooooooooOOOOOOOOOOOOOOOI! MAY GAGAMBAAAAAAA!"

Bigla silang nagkagulo sa baba nang tumalon-talon si Rigel sa puwesto niya at hindi mapakali. Pati ang mga tanod ay nagkakagulo na rin dahil kay Rigel.

Agad kong nilisan ang kwarto at bumaba para puntahan sila.

"Ayan iho, wala na yung gagamba, patay na." Sabi ng isang tanod nang makababa ako, habang si Rigel naman ay pawis na pawis at ang higpit ng kapit sa gitara. Hays, ang laki-laking tao, takot sa gagamba. Pfft, ang cute lang.

"Really sir? But where did it go? Kanina ay nandito lamang ang gagamba, pa'no po namatay?" 

"Naapakan mo kasi iho."

"WHAT!?" Pero bago pa gumawa ng eksena si Rigel ay hinawakan ko na siya sa makabilaang balikat.

"Kalmahan mo lang okay? 'Wag ka nang umeksena at gabi na. Kalma ka lang, kalma." Mahinahon na sabi ko. Huminahon naman siya at naging normal ang paghinga pero nagsisimula nanaman siyang mamawis. Nakapikit lamang ito at mahigpit pa rin ang hawak sa gitara.

"W-what are you doing?" Tanong niya nang makitang umupo ako sa harapan niya.

"Amin na 'yang tsinelas mo at aalisin ko ang patay na gagamba."

"No."

"Ay eksena, sige na dali. Para naman umaliwalas na ang mukha mo." Medyo natatawa pa ako habang sinasabi ang mga katagang 'yan.

"A-ako na." Inilayo niya ang paa niya mula sa akin pero lumapit ulit ako sa kaniya.

"Sus, kunwari ka pa. Kanina nga halos himatayin ka na sa takot. Baka matuluyan ka kapag hinayaan kitang ikaw tumanggal ng patay na gagamba sa talampakan ng tsinelas mo."

"Oo nga naman iho, ipatanggal mo na lang kay Abby, mas mabuti kung siya ang magtatanggal."

"Kita mo, pati sila manong umaagree sa akin."

"No, I won't let you. Mababawasan pogi points ko." Nyay! Pati ba naman dito ay pogi points pa rin ang iniisip ng loko kaya tumayo na ako. Siya ang bahala, 'wag lang siyang magkakamaling mahimatay kapag nakita niya ang patay na gagamba. "So, did you like it?"

"Ang alin?"

"The harana."

"Well, hindi gano'n kafluent ang pagkakakanta mo ng tagalog. Gusto ko yung pakulot-kulot mo at yung pag-strum mo ng gitara. Halatang hindi masyadong napaghandaan, pero pwede na." Ani ko habang nakahawak sa aking baba.

"We just practiced all of these kaninang umaga so it's kinda messy." Humawak ito sa kaniyang batok, halatang nahihiya. "By the way, flowers for you." Agad tumalima ang mga kagawad at isa-isang ibinigay ang mga boquet ng santan na hawak nila sa akin. May mga natatanggal na petals na, dulot siguro ng pagwawala nila kanina dahil kay Rigel na takot sa gagamba.

"S-salamat." Inamoy-amoy ko pa ang bulaklak na hawak ko, as if namang may maaamoy ako.

"So how's my pogi points?"

"Hmm... Harana check, outfit check, flower check, gitara check, props check, and character check! Ayos, ayos na ayos, kahit na umeksena ang gagamba ay malupit pa rin ang performance mo. Maliban na lang siguro do'n sa binato mong bintana ng kwarto ko." Napakamot siya ng batok pero nang maglaon ay nag-fist bump si Rigel at ang mga tanod. Ang iba ay maluha-luha pa, ano'ng meron?

"Hala manong bakit po kayo naluluha?" Nag-aalalang tanong ko. Baka kasi may problema sila.

"Kasi neng, masaya lang ako."

"Ahh tears of joy po... Bakit po kayo nalululuha sa saya?"

"Makakauwi na po kasi kami ngayon. Hindi na ako babarilin ng misis ko pag-uwi dahil hindi ako late dadating sa bahay. Nakakaiyak kasi ang baril niya, ratatat tatat ratatatatata boom boom boogsh!" Napa-face palm na lang ako dahil sa sinabi ni manong. Hays, akala ko pa naman kung ano na haha.