Chapter 15:
Abby's POV:
"Good morning Mr. Tiong, may I ask about the upcoming event with the De Veras? Yes, the flow of the program... How about the guests and the sponsors? Okay, okay, thank you Mr. Tiong."
Pagkababa ko ng telepono ay ang paghilot ko sa aking sentido. Damn, ang sakit ng ulo ko. Hindi pa ako nakakatulog ng maayos since last week. I have to run a lot of errands para sa event na magaganap this weekend.
Gustong-gusto ko nang humilata sa kama at matulog ng matulog hanggang sa mawala ang pangigitim ng eye bags ko. Mabuti na lang ay long lasting ang bigay na concealer ni Jackie sa akin at kahit papaano'y hindi gano'n kahalata ang dinadala ko.
Isinarado ko muna ang laptop na nasa harapan ko at sumandal sa swivel chair. Pinagmasdan ko ang gabundok na mga papel na nasa lamesa, matatapos ko ba 'to hanggang bukas?
Syempre, oo naman. Matatapos ko 'to bukas na bukas rin. Pero sa ngayon ay kailangan ko lang munang i-relax ang sarili ko para may energy ako mamaya na magpuyat at asikasihuin ang mga dapat asikasuhin.
Ipinikit ko ang aking mga mata, pero imbis na kadiliman ang makita ko ay bagkus mga ala-ala ng nakaraan.
It's been six years since the last COVID 19 pandemic outbreak changed the lives of every people in the whole world, and five years since I started working here in the company. Lahat ng paghihirap na dinanas ko sa loob ng limang taon ang dahilan kung bakit ako nahihirapan ngayon haha.
I am now the Chief Operating Officer ng CosmiCandy Corporation (CCCorp), ang aming kumpanya. Pero hindi agad ako naging COO pagkarating ko dito sa kumpaya. Nagsimula muna ako sa pinakamababang posisyon hanggang sa na-promote ng na-promote at narating ang pwesto kong ito on my fourth year being here. Nanatiling si mama pa rin ang CEO ng kumpanya, for the past years which led the company to the top.
Our company is now the leading chocolate manufacturer here in the Philippines and one of the most largest manufacturer in Asia. Mabilis ang naging paglago ng kumpanya for the past years. We also manufacture baked products such as cookies, cakes, milk shakes, drinks and many more. It's just that candy chocolates are our specialty.
I stopped being brand ambassador simula ng magtrabaho ako dito; In-unstall ko na rin ang Peak-A app nang maging COO ako dahil masyadong stressful ang trabaho ko. Mahirap iwanan ang mga bagay na halos naging parte na ng buhay mo, pero minsan ay kailangan mong patatagin ang sarili mo at yakapin ang pagbabago. Lalo na ngayon na hindi na ako basta teen ager lang, 26 anyos na ako at maraming responsibilidad na kailangang gampanan.
Well, hindi lang ako ang nagbubusy-busyhan sa buhay ngayon dahil pati sila Jackie at Joyce ay todong-todo rin ang performance sa kanilang mga career. May sarili ng photography studio si Joyce at malapit ng mag-open ang ikatlong branch nito sa Mindanao sa susunod na buwan. Habang si Jackie naman ay proud sa kaniyang JKostemiks Inc. na siyang tinatangkilik lalo na ng mga kabataan ngayon lalo na ang sikat na sikat niyang shades ng lipsticks.
Madalang ko na silang makita but we still getting in touch with each other kapag hindi kami gano'n ka busy. Minsan ay magkikita-kita kami para lang gawin ang mga nakasanayan; si Joyce na siyang photographer, si Jackie na make-up artist, at ako naman bilang model. But as I have said, madalang na lang mangyari 'yon. Madalas ay sa videocall ko na lang sila nakakausap dahil pare-parehas kaming may hectic na schedule.
Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko.
"Hello ma, what's up?" Bungad ko sa kabilang linya.
"Heto anak, ayos naman. Kamusta ka diyan?"
"Duh ma. Para kayong ewan. Nasa taas lang naman mismo ng opisina ko ang opisina niyo. Ba't hindi niyo na lang po ako tawagin diyan o ikaw po ang pumunta dito?"
"Sungit mo naman dear. Kinakamusta ka lang naman. Tsaka hightech na ako ngayon, kung pwede namang tawagan ka, bakit pa ako magpapakapagod bumaba para kausapin ka?"
"Whatevs ma. So, why did you call po ba?"
"Oh about that, uuwi ka ba mamaya?"
"Hindi ko pa po alam ma, marami po kasing paper works. Ba't niyo po natanong?"
"Ah papasuyo sana ako kung pwedeng pasundo si Pau mamaya sa school? May meeting pa kasi ako mamaya so malilate ako ng uwi, pati ang papa mo ay malilate ding umuwi
"Oh I see. Yes, sure. Tapusin ko na lang po ng maaga itong kalahati ng paper works at balikan ko na lang bukas ng umaga."
"Ok dear. Thank you and take care! I love you."
"You too ma, I love you too."
Nang maibaba ko ang cellphone ko ay nagbinat-binat muna ako ng buong katawan. Well I guess kailangan kong magbanat ng buto, now na, para maaga akong makapunta sa school at masundo ang pinakamamahal kong kapatid.
Yes, right. Ang dating nag-iisang unica ija nila mama at papa ay naging dalawa na. Five years ago, during the quarantine ay nakabuo ng milagro ang mga magulang ko. Fantastic right? Kailangan pala ng ilang buwan na masolo nila mama at papa ang bahay para mabigyan ako ng kapatid.
The next year after ng quarantine ay ipinanganak ni mama ang aking cute na cute na kapatid na si Pauline Rocelle; Pau for short.
Naku, napakamaligalig ng batang 'yon. Kung umasta ay parang matanda. Imbis na ako ng manermon sa kaniya ay ako pa ang sinesermonan niya, daig pa nga niya si mama kung sabunin ako. Syempre, ako naman ay tamang banlaw lang.
Nang matapos ko ang kalahati ng mga paper works ay agad akong nagbihis ng casual attire dahil mainit sa labas lalo na kung isusuot ko itong uniporme ko sa trabaho.
After 10 minutes of driving ay nakarating na ako sa school na pinapasukan ni Pau. Five years old na siya at nasa kinder na.
Nasa gate pa lang ako ako kita ko na ang kapatid kong naglalakad kasama ang sa tingin ko ay mga kaklase niya.
"Pau!" Tawag ko sa kaniya sa malayo, hindi na nakatawag ng pansin ng marami ang pagsigaw ko dahil maingay ang paligid. Agad siyang napalingon sa pwesto ko at kinawayan niya ako. Nagpaalam na siya sa mga kaklase niya at dumiretso sa kinaroroonan ko.
"Hi Kapatid kong--"
"You're late ate." Aniya habang naka-cross arms.