Chereads / Online It Is / Chapter 25 - Chapter 13.0

Chapter 25 - Chapter 13.0

Chapter 13:

Abby's POV:

"Nagka-record na kayo dito sa barangay kaya 'wag na kayong uulit ha. Jusko mga kabataan nga naman oh, mapupusok." Pagbibilin ni kapitana Madison habang nandito kami sa barangay hall.

At kung minamalas nga naman kami oh. Napatagal pala ang pagbababad namin sa dagat at umabot kami ng alas dos ng madaling araw kung kaya'y naabutan kami ng mga tanod. Pinagbihis muna kami ng tuyong damit sandali at saka kami isinakay sa barangay patrol papunta sa barangay hall.

Pagkarating na pagkarating namin sa barangay hall ay naabutan namin si kapitana na mukhang kulang sa tulog dahil sa lalim ng paghikab niya habang nakaupo sa kaniyang opisina halata rin ang malalalim at maiitim niyang eyebags. 

Hindi kami pinagalitan o pinarusahan ng otoridad unlike sa ibang lugar. Pinagpaliwanag lamang kami kung bakit kami nasa dagat sa mga oras na 'yon at binilinan na huwag ng uulit dahil sa presinto na ang bagsak namin sa susunod na mahuli kami. Binigyan rin kami ng facemask pagkababa namin ng patrol, nakalimutan pala namin magsuot ng facemask dahil sa pagmamadali.

"Opo kapitana, akala nga po namin ay may nagaganap na sesyon ng kababalaghan kanina dahil umuuga ng marahan yung bangka." Nagsitawanan ang lahat dahil sa sinabi ng tanod na nakahuli sa'min maliban sa amin ni Rigel na nabalot ng kahihiyan.

Ilang beses namin tinangkang magpaliwanag, na nagpapalutang lamang kami sa dagat, nothing more, nothing less at may tali naman na nakatali sa'min to ensure our safety. Pero sa kabila ng pagpapaliwanag namin ay ang mga mapanuksong ngiti ng mga kagawad behind their face masks at mahabang homily ni kapitana which we understand naman dahil ginagawa lang nila ang kanilang trabaho.

O'diba, napaka-walastik ng gabi na 'to para sa amin ni Rigel. 

Nang matapos ang misa ni kapitana ay inihatid na kami pabalik ng rest house gamit ulit ang pink na patrol ng barangay.

Nang makarating sa rest house ay nakaramdam ako ng parang basa sa may bandang itaas ng aking labi. Pinunasan ko ito gamit ang aking hinlalaki, ugh runny nose, sisipunin pa ata ako ngayong quarantine. 'Wag naman sana.

"Ano sa'n 'to?" Tanong ko kay Rigel nang may iabot siyang gamot. 

"Medicine. Napasukan ba ng tubig ang utak mo that you forgot what medicine is?" Nakangising sabi niya. Aba't, akala ko ba ay gagawa siya ng paraan para magkaroon siya ng pogi points sa akin. Baka nga nagbibiro lang siya kanina, hays. "Kinuha ko 'yan sa medicine kit ng resort. Take it para hindi ka matuluyan ng sakit. Good night, dream of me aking girlfriend." Saka ito kumindat bago pumanhik sa kaniyang kwarto. Ahhhhh napaka-eksena mo talaga Rigel, walang mintis ang pagka-eksena mo.

~

"One, two, three, four, five, six, seven, eight, eight, seven, six, five, four, three, two, and one. Okay, break muna." Agad akong napahilata sa sahig nang sabihin ni Rigel ang magic word. Sa wakas! After so many many years, naperfect rin namin ang sayaw.

Pagkatapos naming maglinis ng rest house at ng resort ay naisip naming ipractice ang bagong dance craze challenge sa Peak-A. Well, wala naman kaming masyadong ginagawa kaya ayos lang kahit maka-ilang take kami ng video.

Actually, madali lang naman ang steps, kesyo si maeksenang nilalang ay napaka-perfectionist at dapat daw ay may twist ang gagawin naming challenge. As usual, Rigel and his buwis buhay tactics.

Ang lakas makagalaw palibhasa magaling na dahil sa sakit. Nang makauwi kami galing sa barangay hall nung nakaraang araw dahil sa nahuli kami ng mga tanod sa dagat ay nagkalagnat ang loko nung araw na din na 'yon. Syempre, ako lang ang kasama niya dito kaya matic na ako ang mag-aalaga. Mabuti na lang at naagapan ko ang runny nose ko kaya hindi ako nagkasakit kaya naalagaan ko siya.

Doon ko rin nalaman na napakahirap pala niyang alagaan kapag may sakit. Nagkalagnat at sipon lang, pero kung makaasta ay parang mamamatay na! Ayaw akong paalisin sa tabi niya, ang gusto ay bantayan ko siya dahil daw baka kunin na siya ni kamatayan. 

Mapili rin siya sa pagkain, kakainin lamang ang gustong kainin. May time na nagluto ako ako ng lugaw pero hindi niya bet! Ang gusto daw ay Stracciatella Soup, eh hindi naman alam kung ano'ng hitsura no'n at kung paano lutuin. Kaya nagsearch pa ako sa google ng recipe para lang maluto at maibigay ang gusto niya.

Nang maluto na ang soup ay umeksena nanaman siya! Jusmiyo marimar! Ang gusto ay magpasubo. Hindi rin daw siya makatayo kaya dapat alalayan ko sa kung saang lupalop man siya magpunta. Mabuti na lang ay hindi na siya nagpapasama sa akin na maligo, at kung nagkataon ay baka lunurin ko lang siya sa banyo sa sobrang gigil ko.

Sa pagkakaalala ko ay may lagnat at sipon lang siya pero ba't gano'n, daig pa niya ang disabled person na hindi makagalaw.

Napaka-OA niyang nilalang! Nakuu, naiisip ko pa lang ang hirap na pinagdaanan ko nung mga nakaraang araw ay naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagpauto ko sa mga eksena niya! Tapos heto nanaman kami, pinapahirapan nanaman niya ako!

Kung hindi lang maganda ang idea niya ay hindi ko sasakyan ang trip niya, hmmp!

"Aray! King*na ano 'yon! Arghhh, nakakainis ka naman. Pwede mo namang iabot 'diba?" Itapon daw ba naman sa akin ang malamig na bottled water. Tumama pa sa dibdib ko, ang sakit pa naman ng bagsak. Inirapan ko siya at padabog na umupo sa sofa.

"Oh ba't ka galit? Edi sorry, I didn't mean to to... throw it to your ano."

"Kasi naman, masakit. Tsaka pwede mo naman kasing iabot na lang 'diba. Alam ko naman na hindi kalakihan ang dibdib ko--"

"Oh, easy there aking girlfriend. I'm sorry okay? Why are you so grumpy?" 

Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. Oo nga naman, bakit ko nga ba ginagawang big deal eh nag-sorry naman na siya. 

"Ah ano, pasensya na pagod lang." Bumuntong hininga ako atsaka ininom ang tubig na bigay niya. I need to freshen up.

"Are you sure? Baka naman you have you monthly period--"

"Tunda ka pa Rigel. 'Wag kang eksena. Kaysa magsabi ka ng kung anu-anong bagay, why don't you make some meryenda para naman magliwanag ang paningin ko sa'yo dahil sa nandidilim ang paningin ko sa'yo ngayon." I smiled. Yung ngiting pilit at the same time ay gigil na gigil.