TEN YEARS AGO…
"NAGUSTUHAN mo?" kahit halata kay Sara na tuwang-tuwa ito sa regalo niyang bisikleta ay naisipan paring itanong ni Benjamin. Nasa likuran sila noon ng mansyon.
"T-This is too much!" nabasag ang tinig ni Sara doon.
"Hey! Ano ka ba, binigay ko ito sayo kasi gusto kitang mapasaya" aniyang natatawang hinawakan ang braso ng dalaga saka ito hinila palapit sa kanya. Noon na nga kumawala ang pinipigilan nitong mga luha.
"I-Iyon na nga eh, ang saya-saya ko Benjie. Sobra" anito habang nakangiting binubukalan ng luha ang mga mata.
Noon, sa pinakabanayad na paraan niya hinaplos ang luhaang mukha ng dalaga. "Kung alam mo lang, mas higit pa diyan ang gusto kong ibigay sa'yo" ang makahulugan niyang sabi. Gusto kong ibigay sa'yo ang puso ko, hindi ko lang tiyak kung tatanggapin mo.
SA narinig ay tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Sara saka mahigpit na yumakap sa binata. Hindi man niya masabi noon kung ano ang nararamdaman niya para kay Benjamin, ngayon tiyak na niya kung ano. In love siya sa binata, pero wala siyang lakas ng loob na aminin iyon dito. Kahit pa ang totoo ay nararamdaman din naman niyang espesyal siya rito.
"Ano, start na tayo?" nang pakawalan siya ni Benjamin mula sa pagkakayakap niya rito.
Excited siyang magkakasunod na napatango. "S-Sige, magbibihis lang ako" aniyang nagmamadaling tumakbo papasok ng back door.
"Alam mo ba, isa ito sa pinaka-paborito kong lugar sa buong mundo?" ang masayang winika ni Sara nang sabihan siya ni Benjamin na magpahinga na muna. Ang mga trees archway ang tinutukoy niya.
"Really? Pareho pala tayo, ako ito at ang Dalisay" si Benjamin saka iniabot sa kanya ang isang bote ng malamig na tubig.
Tumango siya saka uminom. "Ako din, ang Dalisay" aniya.
Umangat ang makakapal na kilay ng binata. Sa mga mata nito naroon ang kakaibang kislap na nakapagpabilis sa tibok ng puso niya. "Sige nga, why?" anito.
Napipilan siyang tumitig sa gwapong mukha ng binata. "H-Ha? Ano kasi eh" ang utal niyang sabi.
Noon malalagkit ang mga titig nitong humakbang palapit sa kanya si Benjamin. "I tried to resist what my heart feels for you. Pero hindi ko siya mapasunod, kasi sa'yo at sa piling mo lang nagiging tama ang lahat" hindi nagtagal nasa harapan na niya ang binata.
"B-Benjie?" anas niya habang nakatingalang natitigilan.
"Hindi ko alam kung tama itong sasabihin ko, ayokong masira ang tiwala sa akin ng Lolo mo pero talagang iba ka, hindi ka kagaya nila" ang makahulugang turan nanaman ng binata. Ang mainit nitong palad marahang dumama sa kaliwa niyang pisngi kaya wala sa loob siyang napapikit. "Sara" untag sa kanya ni Benjamin pagkuwan kaya siya napadilat. At sa pagtatamang iyon ng kanilang mga mata, bigla ay tila nakita niya ang sariling tumatanda kasama ang binata. Ang mga pangarap niya unti-unting natutupad kasama ito.
"Kailangan mo ba ng tulong? Gusto mo bang ako na ang magsabi kung ano ang gusto mong sabihin?" hindi niya napigilan ang tuwang humaplos sa puso niya saka pagkuwan ay natawa nang makita ang pag-aalinlangan at insecurity na gumuhit sa mga mata ng kaharap.
Noon amuse siyang pinagmasdan ni Benjamin, pagkatapos ay maluwang ang pagkakangiti itong nagsalita. "At anong alam mo sa totoong nararamdaman ko para sa'yo Miss Sara Medina?"
Nanunuksong iniikot ni Sara ang kanyang mga mata. "Sa tingin ko kaya kitang basahin kasi pareho lang tayo ng nararamdaman" aniya.
Sa sinabi niyang iyon ay biglang nagseryoso ang aura ng binata. Hinawakan nito ang kanyang braso saka siya hinila patungo sa kakahuyan. Isinandal siya nito sa katawan ng isang malaking puno saka siya pinakatitigan. Nagsimulang ragasain ng kaba ang dibdib ni Sara. Sa isang iglap ay parang nawalang lahat ang lakas ng loob na mayroon siya kanina. Pakiramdam niya kasi kayang-kaya siyang tunawin ng mga titig nito.
"Now tell me, ano iyong sinasabi mo kanina?"
Hindi siya nakapagsalita at sa halip ay napalunok lang at nanatiling nakatingala sa lalaki. Nang hapitin nito ang kanyang baywang ay malakas siyang napasinghap. Binalak niyang pakawalan ang sarili mula rito kaya inilagay niya ang dalawang kamay sa dibdib ng lalaki pero natigilan siya nang makapa iyon. Lalo tuloy siyang kinabahan.
Nang umangat ang sulok ng labi ni Benjamin ay nag-init ang mukha niya. "Tell me Sara, nagka-boyfriend kana ba?"
"H-Hindi pa" aniya.
Nakangiting inilapit ng husto ni Benjamin ang mukha nito sa kanya. "Kung sakali bang hingin ko ang first kiss mo, ibibigay mo?"
Hindi niya inasahan ang tanong na iyon kaya nanlaki ang kanyang mga mata. "W-What?"
Mahinang tawa ang naglandas sa lalamunan ni Benjamin. "What do you think?" tanong ulit ng binata saka hinagod ng tingin ang kanyang mukha at sa kalaunan ay tumitig ng matagal sa kanyang mga labi.
Napalunok si Sara. "H-Hindi ako marunong" ang tanging nasabi niya kaya lihim niyang pinagalitan ang sarili.
Lumapad ang pagkakangiti ni Benjamin doon. "Mahal kita."
"Mahal mo ako?" ang hindi makapaniwala niyang ulit sa sinabi ng binata.
"Akala ko ba kaya mo akong basahin?" si Benjamin na kinurot pa ng bahagya ang tungki ng kanyang ilong. Napapahiya siyang nagbaba ng tingin kaya mabilis na itinaas ng lalaki ang kanyang mukha saka siya tinitigan ng mata sa mata. "listen, hindi ko sinasabi ito dahil gusto kong mahalin mo rin ako. Sinasabi ko ito kasi ito ang nararamdaman ko, at pakiramdam ko kapag kinimkim ko pa, sasabog na ang dibdib ko."
"I-I understand" aniyang napangiti.
"I cannot promise you the sun, the moon and the sky. Kasi hindi naman sa akin ang mga iyon. Pero ang buong puso ko, kayang-kaya kong ibigay sayo, forever" pagpapatuloy ng binata.
"You don't have to, kasi I have the sun in your smiles. The calmness of the moon with your face, and the sky in your hands. May bonus pa ngang stars eh, ang mga mata mo" ang masaya niyang sagot saka pagkatapos ay ngumiti.