Chapter 2
First Meeting
Pagmulat ko ng aking mata isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa akin. Muntik na akong mapasigaw ng mapagtantong nasa bahay nga pala ako ni Lola dito sa Batanes at wala na sa bahay namin.
Ninamnam ko muna ang malambot kong higaan habang nakapikit ng maalala ko ang nangyare kanina.
"Gising na po mam," saad ng isang boses kasabay ng mahinang pagtapik nito sa aking braso.
Unti unti naman akong napamulat at bumungad sa akin ang muka ni kuya Jonathan na nakangiti. Kahit wala pa sa wisyo ay nginitian ko na lamang siya pabalik. Hinagilap ko agad ang cellphone na nasa bag lamang.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung anong oras pa lang. Alas tres ng madaling araw. Seriously, 3 am in the morning.
"Ok lang ba kayo mam?"
Tumango na lamang ako rito bilang tugon dahil hindi pa rin ako makapaniwalang alas tres pa lang. I should be sleeping still, but what could I do nandito na kami.
"Mag ayos ka na po, bababa na ang eroplano."
Nagtanggal muna ako ng muta bago nag ayos ng sarili. I'm awake now at hindi ko alam kung paano ako makakatulog uli kapag nasa bahay na ako ni lola. Sana naman makatulog agad ako.
Suot ang bag pack, agaran na akong bumaba dahil si kuya Jonathan na ang magdadala ng aking maleta. Namangha ako sa ganda ng bahay ni lola rito.
Gawa ito sa bato katulad ng Ivatan's houses ngunit kakaiba siya sa normal na mga bahay ng Ivatan. May 2nd floor siya at eleganteng tignan kahit itim lang ang kulay ng kabuuan. Tipikal na bahay ang itsura ngunit yari sa bato. May tatlong baitang na hagdan bago makarating sa pinto. Marami ring bintana lalo na sa ikalawang palapag at mayroon ding terasa rito.
Pagpasok ko mas lalo akong namangha dahil sa moderno at makalumang disenyo nito. Malawak ang kabuuan. Ang sofa ay gawa sa kawayan na mayroong foam. Karamihan sa burloloy ay hamak sa kultura ng mga tao rito na nagbibigay ganda sa bahay. Ang hagdan patungong ikalawang palapag ay gawa sa marmol na kulay abo, na hindi ko naman napigilan ang aking sariling gamitin paakyat sa ikalawang palapag.
Nakita ko agad ang isang kahoy na pinto na may nakaukit na 'Dyreen'. Agad ko naman itong binuksan at hindi ko na naman napigilang mamangha. Ang ganda ng loob ng kwarto bagay lamang sa akin.
Napamulat ako bigla ng marinig ang pagbukas ng pinto. Napabangon ako bigla ng maaninag ang isang lalaking nakasando lamang at cargo shorts.
Bilang reflex action pinagbabato ko ang lahat ng mahawakan kong bagay sa kanya. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito sa loob ng bahay ni Lala dear ko.
"Teka lang naman miss..." sabay ilag sa binato kong alarm clock, "Tigilan mo nga ang kakabato sa akin."
Hindi ko siya pinakinggan at patuloy pa rin ang pagbato ko sa kanya. Hindi ko naman alam kung masamang tao siya o ano. Ang mahalaga maproteksyunan ko ang sarili ko sa kanya. Masama man o mabuti dapat hindi siya pumapasok sa loob ng bahay ng may bahay.
Napatili at napapikit ako ng biglang may tumulak at dumagan sa akin. Buti na lamang at sa kama ang bagsak ko kung hindi paniguradong masakit ang likod at puwetan ko nito.
"I told you to stop Miss and yet you don't listen."
Tinitigan ko siya ng matalim, "Umalis ka sa ibabaw ko, kung hindi sisigaw ako."
"Sumigaw ka ok lang na---"
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh--"
Natahimik ako ng biglang may malambot na bagay ang sumakop sa aking labi. Tinitigan ko lang siya ng matalim sa ginawa niya. Sa tingin niya ba nakakatuwa na ilagay niya ang kamay niya sa bibig ko. Paano pala kung saan niya inihawak ang kanyang kamay? Paano pala kung inihawak niya sa tae or sa putik? Worst kung sa ano niya. Fuck! Ang dugyot ng lalaking ito.
Natigil ako sa pag iisip ng karumaldumal na mga bagay na iyon ng magsalita siya.
"Tatanggalin ko itong kamay ko pe--"
"Dyreen gising na... Di niyo naman sinabi ni Lucas na gagawa na kayo ng baby. Sana sinarado niyo muna ang pinto dahil ayaw namin makakita ng live show," saad ni kuya Nathan bago dahan dahang isinasarado ang pinto.
"Galingan mo Lucas, gusto ko kambal agad inaanak ko sa inyo." bilin nito bago tuluyang isarado ang pinto.
Hindi ako nakakibo sa sobrang gulat pero ng mahimasmasan na at nakita ang ayos namin nitong kung sinong lalaking ito. Naitulak ko agad siya dahil ang awkward ng posisyon naming dalawa. Nakahiga ako sa kama at nasa ibabaw ko ang lalaking di ko naman kilala.
"Arghhhhhh. It's not what you think kuya Nathan," gigil kong sigaw ngunit wala naman akong narinig na tugon kaya matalim ang titig kong binalingan ang lalaking ito.
"At ikaw naman lalaki ka..." sabay turo sa lalaking nakaupo sa sahig dahil tinulak ko, "Anong karapatan mong daganan ako at itakip iyang marumi mong kamay sa bibig ko?"
"Alam mo miss," saad niya at tumayo. "napakaingay mo. Ang sakit sa tenga ng boses mo, sa totoo lang."
Naningkit ang mga mata ko sa pang iinsulto niya. Walanghiya na ito, ang kapal sobra.
"Hoy lalake ang kapal ng muka mong insultuhin ako. Samantalang ikaw nga itong basta basta na lang pumapasok sa kwarto ko. Hindi ka man lang marunong kumatok at binuksan na lang basta basta ang pinto. Hindi ka ba tinuruan ng good manners sa inyo?"
"Alam mo miss ito kasi ang kwarto ko sabi ni Lola Ann. Kaya malamang bubuksan ko na lang ang kwartong ito, kasi ito ang kwarto ko."
"Hindi ka ba nagbabasa ng pangalan sa may pinto. Diba nakaukit yung pangalang "Dyreen" meaning kwarto ko ito. At tsaka hindi pa ako nakakaget over sa pagtatakip mo sa bibig ko, walang hiya ka. Malay ko ba kung saan saan mo hinawak iyang kamay mo. Paniguradong marami ng bacteria itong bibig ko dahil sa kalokohan mo. At huwag na huwag mong isiping absuwelto ka na sa isa mo pang kasalanan. Aba kuyang hindi ko alam kung saan galing, dinaganan mo lang naman ako. Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng ---"
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. P-puta... hinalikan ako ng walanghiyang ito. A-ang kapal ng muka niya.
"Ang daldal mo naman Reen. Ayan edi natahimik ka rin sa ginawa ko. Infairness ang lambot ng labi mo ah. Bumaba ka na dahil kakain na ng umagahan. And by the way hindi kuyang hindi ko alam kung saan galing ang pangalan ko I'm Lucas Klero Villa, see you around Reen."
Tulala pa rin ako hanggang sa makalabas siya ng pinto. Ang first kiss ko na iniingatan ko nakuha lang ng talipandas na Klero na iyon.
"Arghhhhhh! Fuck you Klero jerk," sigaw ko sa sobrang inis.
"Later baby Reen, kapag gabi na. Huwag kang masyadong excited sa katawan kong yummy." balik sigaw nito na mas lalong nagpainit sa ulo ko.
"Arghhhhhh," I shout out of frustration. Umagang umaga nabibwisit ako dahil sa Klero na iyon. I even don't know bakit siya nandito sa bahay ni lola or kung bakit siya pinatuloy ni lola rito.
That pervert jerk na mahangin at gwapong gwapo sa sarili... makakaganti rin ako sa kanya. Kapag nagkrus ang landas namin ng jerk na iyan sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kanya.
Napabuntong hininga na lang ako ng marinig ang pagtunog ng aking tiyan. Wrong timing naman ang pagkadama ko ng gutom. Pinaplano ko nga kung paano ko gagantihan ang talipandas na iyon. But first I need energy para makaganti ako sa talipandas na iyon. And food is the right nutrient para magkaroon ako ng energy.
Wait for me food, mama will come to eat you.