Chereads / Remnants Of The Past / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 6

Grab Girl

Naalimpungatan ako ng marinig ang sunod sunod na katok galing sa pinto.

"Saglit lang babangon na." mahina kong turan ngunit hindi pa rin tumitigil ang taong iyon sa pagkatok.

Pupungas pungas akong lumapit sa pinto para buksan. Naghihikab pa nga ako ng mabuksan ko na ito. Daglian ko ring sinarado ng makita kung sino ang nasa labas ngunit hindi ko pa nailalapat ang pinto iniharang na niya ang kanyang paa.

"Saglit lang naman Reen, kibuin mo na kami ni Nathan. Pangako hindi ka na namin tatawagin sa pangalan mong iyon."

Pinagpatuloy ko lang sa pagsara ang pinto ngunit dahil  wala pa ako sa wisyo hindi ko maibigay ng buo ang aking lakas kaya naman nakapasok ang damuhong si Klero.

"Reen naman pansinin mo na kami. Tatlong araw mo na kaming di pinapansin, gusto lang naman namin ikaw makasama sa pista mamaya."

Tatlong araw na ang nakakalipas magmula ng masugatan ako sa kamay at makuha namin ang dalawang clues. At tatlong araw ko na rin silang hindi pinapansin dahil pinapalamig ko muna ang aking ulo.

Sa totoo lang hindi na ako inis sa kanila, hindi ko lang talaga sila pinapansin kasi ang saya nilang tignan habang sinusuyo ako. Nakakasatisfied kasi silang pahirapan hahahaha.

"Reen nakikinig ka ba?" pag agaw niya sa aking atensyon.

"Ano ba iyon? May sinabi ka ba?"

"Oo, sabi ko patawarin mo na kami ni Nathan. At sumama ka sa amin makipista mamaya."

"Sige, anong oras ba magaganap iyon?" pagpayag ko dahil nakalimutan ko na rin kung anong pakiramdam ang makipiyesta.

"Talaga pinapatawad mo na kami?"

"Nope pero sasama ako mamaya sa pista."

Nanlumo siya sa sinabi ko pero kalauna'y sinagot pa rin naman ang tanong ko. "Ala una ng hapon ang simula ng parada sa plaza at may sayawan naman kinagabihan. Maghanda ka na lang bago sumapit ang ala una ng hapon. Sige alis na ako. Sana patawarin mo na kami." sambit niya bago isinarado ang pinto.

Napatalon ako ng ilang ulit dahil sa excitement na nararamdaman. Gusto ko na uli maranasan ang ganitong uri ng pagtitipon sa isang bayan. Halos dalawang beses ko lamang ito naranasan ng umuwi kami nila mama sa probinsya nila. At ang dalawang beses na pag uwi na iyon ay hindi na nasundan pa.

Ano kayang pista ang mayroon dito sa Batanes? Sana naman masaya at nakakaaliw. Gustong gusto ko talaga ang dumadalo sa mga pista, pakiramdam ko mas lalo kong nauunawaan ang kultura ng aking lahi.

Hinagilap ng mata ko ang aking telepono, at agaran ko itong dinampot ng matagpuan. Alas otso en punto, ang eksaktong oras na bumungad sa akin pagbukas ko rito. Napapikit ako sa isiping masyado pang maaga ngunit hindi pwedeng ganito ang katamarang maramdaman ko.

Bakit hindi? Isipin mo na lang na isa itong bakasyon kaya pwede ka pang matulog. Ang bulong ng isipan ko.

"Argh! Huwag kang makinig sa utak mo Dyreen. You should doing something better kahit wala ka sa Manila. Don't listen to that demon in your head. Huwag kang magpademonyo riyan. Calm down ang breath." pagpapakalma ko sa sarili. I manage my breathing to keep me calm and relax.

Humiga na lang uli ako para mas madama ang pagpapakalmang aking ginagawa. Little did I know habang kinakalma ko ang sarili nararamdaman ko na rin ang pagbigat ng talukap ng aking mata. I tried to keep myself awake but I can't succumb the darkness that are engulfing into my consciousness.

Nakaharap ako sa salamin habang nag aayos ng sarili. Napangiti na lang ako ng matapos kong ilagay ang lipgloss. I'm perfectly done.

Hinablot ko ang sling bag na nakalagay sa kama at mabibilis na hakbang ang ginawa ko patungo sa pinto.

Napataas ang kilay ko ng makita sa labas si Klero. Napatulala ito sandali pero mabilis ding nakabawi. I thought I see a glimpse of admiration in his eyes, or maybe it wasn't.

"Ano, ano kakatok na sana ako para tawagin ka. Aalis na kasi tayo." Tinanguan ko na lang siya at nginitian.

"Tara na?" aya ko rito at naglakad na pababa.

Hindi pa ako nakakababa ng tuluyan ng may maliit na ipo ipong tumakbo papunta sa akin. "Tita Dyreen, I miss you!" matinis nitong sigaw.

Nailagay ko na lamang ang kanan kong kamay sa ulo nito. My sweet nephew is still sweet just like a candy.

"I miss you too, baby Diem."

"Titaaaaa si Diem lang ba namiss niyo? How about me?" pagmamaktol ni Atlas na ikinangiti ko na lang.

"Of course not Atlas. Come here and let your tita Dyreen hug you."

Patakbo itong lumapit sa akin at nakiyakap na rin sa amin ni Diem. Ghad! How I miss these twins. They are the main source of my happiness way back I'm too stressed reviewing for the board exam.

"Kids stop that, magsisimula na ang Kulay Festival. Ayokong malate sa ceremony, kaya bumitaw na kayo riyan sa tita niyo." Agad naman silang bumitaw sa akin matapos mapagsabihan.

"Let's go. Marami na ring tao na naroroon." aya ni kuya Nathan sa amin.

Sumunod na ako sa kanila sa paglabas at agad na ring sumakay sa kotse. Nakita ko pa na isinasarado ni Klero ang pinto bago nagtungo sa sasakyan.

Napasimangot na lang ako ng buksan niya ang pinto sa aking pwesto. Umusog na lamang ako kahit labag sa aking kalooban, upang magkaroon siya ng pwesto. Napakamalas ko naman at siya pa ang katabi ko.

May kalayuaan din ang baranggay na kinalalagakan ng bahay ni lola kaya halos dalawampung minuto rin ang oras ng aming byahe. Nakamamangha ang mga palamuting nakasabit sa bawat bahay na aming naraanan. Mas lalong naging makulay ang mga palamuti ng makarating kami sa kabayanan.

Kaya siguro Kulay Festival ang tawag sa pista rito sa  Batanes dahil patungkol sa iba't ibang kulay ang pistang ito.

"Narito na tayo. Bago bumaba at makipista, Diem, Atlas huwag kayong lalayo sa amin ng Daddy niyo." bilin ni ate Athena. Sabay na tumango lang ang dalawang bata sa kanya.

"Baba na." turan ko sa katabi ko na tumingin lang sa akin. Is he dumb? Seriously!

"Sabi ko baba na, nandito na tayo sabi nila kuya Nathan."

"Chill lang Reen, bababa rin naman ako wag kang magmadali." Inirapan ko lang siya sa naging sagot niya at bumaba na ng makababa na siya.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng masilayan ang labas. Napakaraming makukulay na banderitas ang nakasabit. Napakakulay ng kanilang pista, paniguradong masisiyahan ako nito.

Napatingin ako sa aking kaliwa nang biglang may  kumalabit sa akin. Itinaas ko na lamang ang aking kilay na tila nagtatanong kung bakit niya ako kinalabit. Mabilis niyang itinuro ang papalayong pigura nila kuya Nathan at ate Athena kasama sila Diem at Atlas.

Marahas kong hinawakan ang braso niya bago tumakbo nang mabilis palapit sa pinuntahan nila kuya Nathan. Sa kasamaang palad napasiksik kami ni Klero sa maraming tao na hindi ko alam kung saan nanggaling. Parang kanina lamang ay kakaunti lamang ang naroon.

Nakarinig ako ng musika ng banda na nanggagaling sa may parteng likuran kung kaya naman naibaling ko ang paningin ko rito. Alam ko na kung bakit dumami ang mga tao sa pwestong ito, nagsisimula na pala ang parada.

Gustuhin ko mang manood ay hindi pa pwede sapagkat kinakailangan pa naming mahanap ni Klero sila kuya. Paniguradong maganda ang pwesto nila para mapanood ang parada.

Nagpatuloy ako sa pakikipagsiksikan ng maalala kong hawak ko nga pala ang braso ni Klero. Kumabog ang dibdib ko ng makita ang isang may itsurang lalaki na malaki ang ngising nakapinta sa kanyang labi. Hindi ito si Klero, kaya naman napabitaw ako rito bago tumalilis ng takbo.

Makailang beses akong humingi ng tawad sa mga taong naaapakan ko ang paa. Mabilis pa rin ang pintig ng puso ko, marahil sa kaba, pagod sa pakikipagsiksikan at pagtakbo sa lalaking hindi ko kilala ngunit hinawakan ko ang braso.

Habol ang aking hininga ng makalabas sa napakaraming tao na iyon. Napapikit na lamang ako at napabuga ng hangin sa kalawan dahil sa sobrang pagod na nadarama. Sometimes fiesta is not fun.

"Dyreen?" Napamulat ako bigla ng may tumawag sa pangalan ko. Napakamapagbiro naman nga ng tadhana. How come she's here?

Nagtatakbo ito palapit at niyakap ako nang napakahigpit. "Oh my gee! Dyreen you're here... waaaahhh pakiramdam ko magiging exciting ang bakasyon ko nito sa Batanes."

Ikinalas ko agad siya sa pagkakayakap ng maramdaman ang unti unting pagkawala ng hangin sa aking dibdib. I don't want to die yet with a headline on the news "Babae Namatay, Dahil Sa Yakap", that's not so cool cause of death.

"Papatayin mo ba ako Krishna Luisa Ferrer?"

"Arghh! I hate you Dyreen. Sabing wag mo akong tatawagin sa full name ko ih." pagmamaktol niya na akala mo batang inagawan ng candy. There she goes again acting like a child by stomping her feet to the ground. Akala mo naman may magagawa iyon.

"Stop being childish Krishna, hindi bagay sa edad mong 29 years old. Napaglipasan ka na nga ng kalendaryo, nag aasal bata ka pa riyan... paano ka makakahanap ng asawa kung ganyan ang inaasta mo?"

"Yeah right... here we go again sa napaglipasan ng kalendaryo na iyan. At least I have a boyfriend and we're planning our wedding, eh ikaw wala pa rin hanggang ngayon." masungit niyang saad na ikinalaki ng mata ko. She have a boyfriend? At wala akong alam doon.

"How come you have a boyfriend? Tapos wala akong alam doon Krishna? I'm your best friend or what you called that... pero bakit di mo sinabi?"

Inirapan lang ako nito. "Maraming beses ko ng sinabi sa iyo pero mukang laging lutang ka kaya hindi mo ako iniintindi. By the way bakit nga pala nasa Batanes ka? Hindi mo naman sinabi sa aking dito ka magpupunta ng magfile ka ng leave, edi sana sabay na tayong pumunta."

"Long story Krish, pero nandito lang ako to freshen up. Alam mo na Manila is too suffocating, I need to take a break and breath some fresh air."

"You're in the right place. I'm glad to welcome you at my beautiful province Batanes." nakangiti niyang sambit habang nasa taas ang dalawang kamay na tila may tao siyang sinasalubong.

"Alam mong nakakahiya iyang ginawa mo?"

"Ahm, oo?"

"So aware ka rin namang marami na ang nakatingin sa iyo," turo ko sa iilang tao na nakatingin sa amin, lalo na kay Krishna.

Naibaba niya nang mabilis ang mga kamay bago ako hilahin sa isang tabi. Natawa ako sa inasal niya.

"Geez! Nakakahiya iyon... ba't di mo ako pinigilan kanina?"

"Ang kyut mo kasi tignan kaya di na kita napigilan at hindi ko rin naman alam na gagawin mo iyon."

Natawa na lang siya sa sinagot ko. "So Dyreen, nasaan pala ang mga kasama mo? Hindi ka naman siguro nag iisa diba? Maliit lang ang Batanes pero maliligaw ka pa rin dito."

Napatampal ako sa aking noo ng maalala ang mga kasama ko. Marahil natuwa ako masyado ng makita si Krish kaya nakalimutan ko sila kuya Nathan, ate Athena at Klero. Napatampal uli ako ng isa pang beses. Nagkahiwalay nga pala kami ni Klero, paano pala kung naligaw na iyon kasalanan ko pa. Kargo de konsensya ko pa kung may mangyareng masama sa kanya.

"Ayos ka lang ba Dyreen? Bigla kang nanlumo riyan?"

"Kasi Krish, nawawala ako... hindi ko alam kung nasaan na sila kuya Nathan, ate Athena at lalo na si Klero dahil nagkahiwalay kami kanina."

"Wait, wait, wait. Klero?"

Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Yup... Klero!"

"Klero? As in Lucas Klero Villa?"

Tumango ako sa kanya kahit nabubuo na ang samut saring tanong sa utak ko ng banggitin niya ang buong pangalan ni Klero. Paano niya na nalaman? Are they ex lovers? Or best friend? O baka naman magfiance na tinakbuhan ang isa bago sila ikasal?

"Alam ko ang tumatakbo riyan sa utak mo Dyreen kaya pwede ba pakitigil na iyan. Lucas was my cousin and Villa family is one of our relatives. Hindi ko rin alam paano, basta malayo namin silang kamag anak."

Nakahinga ako ng maluwag ng mawala ang mga agam agam sa aking isipan. They are just relatives nothing more than that.

"Hindi ko alam na pumayag na pala si Lucas na tawagin siyang Klero. He hates that name ever since when we are a child. Every reunion, if some of our cousin will call his that name... well hindi sila pwedeng umuwi ng walang pasa o black eye sa mata. Madalas napagagalitan si Lucas nila tita dahil napakachildish ng dahilan kung bakit ayaw niyang tawagin siya sa pangalan na iyon."

"Wala naman siyang binanggit na ganyan sa akin. And I'm glad na hindi niya pa ako nabubugbog sa pagtawag ng ganoon hahahaha. He really hates that name para magawa niya ang mga bagay na iyon."

"He truly is. Kaya nga walang nagtatangka na tumawag sa kanya ng ganoon. Ikaw pa lang ang kauna unahang tao na alam kong pinayagan niya."

Napatawa naman ako sa sinabi niya, nagkakamali lang siya siguro. "Ano ka ba Krish, hindi naman big deal iyon at paniguradong hindi lang ako ang nag iisa. Malay mo nagbago na iyon at gusto na niya sa pangalan niyang Klero."

"I do hope... If isn't,  well you're really an exception and that's really fishy."

Inilingan ko na lang siya. That's too impossible, paniguradong nagustuhan na lang ni Klero out of the blue ang pangalang Klero. Damn Dyreen don't think of that much kailangan mo pa silang hanapin or else mawawala ka na lang sa Batanes.

"Krish?"

"Hmmm..."

"Ano kasi... baka pwede mo naman akong samahan silang hanapin?" nahihiya kong tanong.

"Sure, ayoko naman na mawala ka rito sa Batanes. Aayain pa kita sa Sabtang Island kung saan ako nakatira at sa Itbayat Island kung saan naman ako lumaki. Kaya tara na, for sure nandoon lang sila sa plaza nitong lugar. Doon ang opening ceremony ng Kulay Festival." At hinatak niya na ako papunta sa direksyon ng mas maraming palamuti.

"Krish matanong ko lang habang hindi pa tayo nakararating sa plaza."

"Ano 'yun?"

"Ano ba ang mayroon sa Kulay Festival? Is the festival about colors?" usisa ko.

Sumingkit ang mata ko ng marinig ang malakas na pagtawa ni Krish. "May mali ba sa sinabi ko? Hindi ba tungkol sa kulay ang festival na ito?"

Mas humagalpak pa siya ng tawa sa mga sinabi ko. Halos mamatay na siya kakatawa at nakahawak pa ang mga kamay niya sa kanyang tiyan. Hinayaan ko na lang siya sa kanyang pagtawa dahil paniguradong titigil din naman siya.

"I never thought you have a funny side like that Dyreen. Kulay Festival is not a festival about colors. Kulay Festival means "anything dried", this festival highlights the simple yet colorful food heritage of the Ivatans. The festival is a five day feast and it's main objective is to introduce locally manufactured and processed food  products like dried products such as onion, garlic, rice, corn and fish among others to local and foreign tourist visiting the province. They also held a traditional games such as Kalasag, Kadang-Kadang, Karirit, Maninadis,  Gavu and Palang as a highlight sports of the festival, for the youth and also for the tourist. Also Palo Palo is performed simultay by the three groups: the adults, the teens and the elementary children."

"Woahhhhh you know a lot about the festival," pagpuri ko.

"Of course minsan din akong naging tour guide rito kaya naman ---"

"Dyreen!"

"Krishna!"

Napalingon ako sa boses na pumutol sa pag uusap namin ni Krish. I feel alive when I see the person who called me, it's kuya Nathan. Tila nabunutan ako ng tinik ng makita na sila.

"Saan ka ba nagpunta? Nag alala kami sa iyo lalo na ng sabihin ni Lucas na nagkahiwalay kayo kanina," sermon niya sa akin.

Napayuko na lang ako. "Sorry na kuya, sinusundan lang naman namin kayo tapos nahiwalay ako kay Klero kasi biglang dumami 'yung mga tao. Sorry po hindi na mauulit."

"Ok na, nag alala lang kami sa iyo Dy kasi hindi ka pa naman pamilyar sa lugar na ito. Wala ka pang isang linggo rito at hindi naman kayo ipinapasyal ni Nathan. We're just worried about you, we're not angry." masuyong sambit ni ate Athena.

Napangiti ako rito at napayakap. I miss hugging her honestly, she's my comfort zone.

Napakalas ako kay ate Athena ng tawagin ni Krish. At ng mapalingon ako sa gawin niya nanlaki ang mga mata ko sa lalaking nasa kanyang tabi.

"Ikaw?" sabay naming sigaw.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Krish habang nanunuring nakatingin sa akin.

"No!" sagot ko habang yes naman ang sa kanya.

"So ano ba talaga?" usisa niya habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ng lalaking aksidente ko lang namang nahatak kanina.

"No, I don't know her personally but yes dahil siya yung sinasabi ko sa'yo na si Grab Girl... yung ---"

"Anong sinabi mo na tawag mo sa akin?" pagsusungit ko rito.

"Grab girl, kasi diba hinatak mo ako kanina na akala mo magkakilala tayong dalawa at close. So grab girl ang tawag ko sa iyo." paliwanag niya na nakapag painit sa ulo ko. Aba at sinusubukan nito ang pasensya ko.

Sasabunutan ko na dapat ang lalaking kaharap ng may humawak sa kanan kong balikat. Napatigil ako at napatingin dito. Hindi ko na lamang itinuloy ang balak dahil sa paraan ng pagtitig nitong sinasabing 'kalma lang Dyreen, wag mo ng patulan pa!' kaya nanahimik na lang ako sa isang tabi.

"Naumid na yata ang dila mo grab girl... pero kahit ganoon you're still beautiful and definitely my type."

Inirapan ko na lamang ito bilang ganti dahil tama naman si Klero hindi ko na dapat pinapatulan ang pang aasar nito. Lalo na at Isa itong ypical womanizer that I should be aware of, well hindi naman siya uubra sa akin.

Nginisihan lamang ako nito sabay kindat. "Palaban... a biggest challenge that will entertain me. I'm Jericho Garcia ang hinatak mo kanina grab girl. You can drag me anywhere you like... basta hahatakin mo ring ang puso ko palapit sa puso mo parang maging tayo sa dulo."

"Sorry you're not my type!"

--------------------------------

Credits to the owner of the information about Kulay Festival. Thank you for sharing the information.

Pasensya na po sa hindi maayos na pagkakadescribe ng paligid, medyo sinadya ko po iyan since hindi pa po ako pamilyar sa Batanes. Again pasensya na po. I will edit this chapter kapag nagkaroon na ako ng time. I truly believe the quote I once read "You can edit a bad chapter but you can't edit a blank page." not the exact quote pero parang ganun na rin naman hehehehehe.

Enjoy reading!

•Riyan Kez