Chapter 9
Two Clues
Kakatok na sana ako sa pinto ni Klero nang bigla nitong iniluwa ang taong kailangan kong kausapin. Napatulala ako sa nasaksihan ng aking mata ngunit mabilis ko ring inalis sa isipan ang nakita at itinuon ang mata sa kanyang mukha.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya itinaas ko ang kanang kamay at ipinorma itong kumakaway. Sinabayan ko na rin ng isang pilit na ngiti upang mas maging makatotohanan kahit ang totoo'y naiilang ako sa kanyang wangis.
"Good morning Reen!" paos niyang pagbati na animo'y nagconcert siya ng matindi. "Ano pala ang ginagawa mo sa tapat ng kwarto ko?"
"Pwede ba bago ko sagutin iyan magbihis ka muna." Itinuro ko ang kahubadan niya habang nanatili ang aking matang nakatingin sa muka niya. Ayokong magkasala ang mga mata ko ng dahil lang sa katawang nakahain sa aking mata.
Sumilay ang isang ngisi sa labi nito at dahan dahang humakbang papalapit sa akin. Namuo ang butil butil na pawis sa aking noo habang humahakbang palayo. Kumawala ang isang nakabibinging tili galing sa akin nang mabilis niyang mahawakan ang braso ko at hatakin papasok sa kwarto niya.
Napapikit na lamang ako sa sobrang bilis ng mga pangyayare. Naramdaman ko ang pagtama ng aking mukha sa isang matigas na bagay. Napadilat ako ng marinig ang likhang ingay ng sumaradong pinto at tumambad sa akin ang isang walang kasuotang laman kung saan nakasubsob ang aking mukha.
Nanlalaki ang aking matang hindi makapaniwala sa nasaksihan, nasilayan ng aking mata ang katawan niya at hindi lamang iyon sapagkat napasubsob ako rito.
"Dyreen..." tawag nito sa akin upang iangat ko ang aking ulo at salubungin ang kanyang matang nakahahalina. Heto na naman ang kanyang matang pilit akong binabato balani.
Napakaganda ng kanyang mata ngunit hindi ako pwedeng magpadala rito. Tanda ko pa ang kalokohang ginawa niya kahapon sa akin at hindi ko iyon mapapalagpas.
Upang hindi uli ako mailagay ng kanyang mata sa ilalim ng kung ano mang salamangka mayroon ito, ginawa mo ang sinasambit ng aking isipan. Dahan dahan kong inangat ang mga kamay at ipinatong sa kanyang leeg.
"Dy-dyreen..." putol putol niyang daing bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko at marahas itong alisin.
Prente akong umupo sa kama habang tinitigan ko lamang siya sa kanyang patuloy na pag ubo at pagsagap ng hangin sa aking harap. Naipaikot ko na lang ang aking mata dahil sa kanyang reaksyon. Hindi naman mahigpit ang pagkakasakal ko sa kanya para mag inarte siya ng ganyan.
"Tapos ka ng mag uubo riyan?" pang aasar ko sa kanya. Sinuklian niya lamang ako ng isang matalim na titig habang hinahagod hagod ang leeg.
"Bakit mo naman ako sinakal Reen?" mariin niyang sambit. Matalim pa rin ang mga tinging kanyang ipinupukol habang nakakuyom naman ang kanyang kaliwang kamay.
Nginisihan ko siya at inilagay ang hintuturo sa aking sentido habang iginagala ang mata paikot sa kwarto. "Hmmm... Let me guess," wika ko habang umaarteng nag iisip. "Siguro kasi sabi ko kahapon sasakalin kita kapag nakita kita," walang buhay kong pahayag na ikinakunot ng noo niya.
"Seriously Reen?! Dahil lamang doon kaya mo ginawa iyon? You're really an unbelievable woman." saad niya habang pailing iling na nakatingin sa akin.
"Well, thank you for your compliment but I don't need those. Matagal ko ng alam na unbelievable ako. And that's what makes me unique from the others." Napanganga ito sa sinagot ko sa kanya at basang basa sa muka nito ang pagkainis at pagkamangha sa sagot ko.
Sabagay sino nga bang matinong tao ang isasagot ang ganoon sa iyo samantalang naiinis ka na nga. Syempre madali lang ang sagot, edi ako!
"Hindi naman iyon ang ipinunta ko rito. Narito ako para sa clues na nahanap natin sa golden clock. Ang kwento sa akin ni ate Athena ibinigay niya raw sa iyo ang mga iyon habang ako ay tulog."
Napansin ko ang paglikot ng mata nito at panginginig ng kamay niya. Halatang kinakabahan siya sa pagtatanong ko tungkol sa clues. Huwag niya lang sanang naiwala iyon kung hindi tutuluyan ko na siya.
"Ang clues ano kasi..."
"Bago mo hanapin pwede magdamit ka muna. I'm not bothered with your body kung iyon ang iniisip mo, pero bababa kasi tayo pagkatapos mong hanapin." Nawala ang ngisi niya ng marinig na hindi gumugulo sa isipan ko ang katawan niya. Siguro kanina oo, pero dahil isa akong nurse hindi na bago sa akin iyon, medyo nagulat lang ako ng makita iyon kanina.
Humiga muna ako sa kama habang hinihintay si Klero na makuha ang clues. Lagpas limang minuto rin ang pakikipagtitigan ko sa kisame ng kanyang silid bago niya hatakin ang kamay ko.
Hindi na ako nagulat ng makita ang gulo - gulo at nagkalat na gamit ni Klero. Sa ingay na narinig ko at pagtilapon ng isang puting t-shirt sa mukha ko habang naghihintay sa kanya... sapat na dahilan na iyon upang mahinuhang naging makalat siya sa paghahanap at tila dinaanan ng bagyo ang kanyang silid.
"Tara na sa baba." Hinatak niya ako patayo at patakbong lumabas sa kwarto niya. Hindi na nga inisip ni Klero kung naisara niya ba ang pinto basta basta na lang ako hinatak patungong hagdanan.
Sumalubong sa amin ni Klero pagbaba sina ate Athena at kuya Nathan na masayang nagsusubuan sa may hapag. Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi dahil sa karumaldumal na kanilang ginagawa.
Hindi ako bitter pero nakakaasiwa ang sweet sweetan nilang dalawa. Respeto naman sa single ang label at kakabreak lang sa kasintahan isang buwan ang nakararaan.
Umubo ng peke si Klero upang kuhain ang atensyon ng dalawang dinudumog na ng hantik sa hapag. Nakasulat sa muka ng dalawa ang pagtataka ng kami'y kanilang lingunin subalit napalitan agad ang tinging kanilang ibinibigay. Tumalim ang titig sa amin ni kuya Nathan na animo'y kakainin ng buhay ang isa sa amin samantalang malawak na ngiti naman ang mababakas sa mukha ni ate Athena.
Tinaasan ko sila ng kilay dahil sa kakaiba nilang akto. Ano na naman bang problema ng mga ito at naga-abnormal na naman silang dalawa?
"What's the meaning of that?" Itinuro ni kuya ang kamay namin ni Klero na magkahawak.
"Magkahawak lang ng kamay may kahulugan na agad? 'Di ba pwedeng hinatak lang ako rito pababa ng lalaking ito," itinuro ko pa si Klero para inisin lang si kuya. At sa tingin ko gumana naman dahil sa pagkakakunot ng kanyang noo.
"Tsk!"
Tinawanan lamang siya ni ate Athena dahil sa asta nitong akala mo bata. Ang hirap din minsan intindihin ni kuya, akala mo nagsesecond childhood pero hindi pa naman siya matanda. Siguro matanda na si kuya hindi niya lamang inaamin kay ate dahil natatakot siyang iwanan nito. Baka naman 70 years old na siya at nagpaclone noong bata-bata pa siya para manatiling ganoon ang istura niya.
Ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ang wirdong bagay na naisip ko. Napakalawak masyado ng aking imahinasyon upang sumagi sa utak ko iyon.
"Kain na..." anyaya ni ate sa amin.
"Mamaya na po ate kailangan pa naming asikasuhin ang clues na nakuha namin kahapon," nakangiti kong tugon at hinatak ko na si Klero papuntang sala. Hindi ko na inalintana ang pagtitinginan nila ate at kuya ng banggitin ko ang tungkol sa clues kahit parang may itinatago sila sa akin na kung ano.
"So where's the clue?" tanong ko sa kanya ng makaupo na kami. Inilabas niya ang nakatuping papel at isang maliit na box.
Pinagmasdan ko ang dalawang bagay na nakalapag sa lamesita. Kataka-taka lang na dalawa ang nakalagay na clue sa golden clock. Kung hindi ang papel ang tunay na clue, bakit kailangan pa itong ilagay sa orasan? Nakakapagtakang kailangan pang mayroong ganito kung hindi naman pala ito ang totoo. Ano iyon, panlito lamang?
Napakurap ako ng ilang beses ng maaninag ang pagwagayway ng isang kamay sa aking harapan. Naagaw nito ang aking atensyon upang ibaling ko ang tingin sa pwesto ni Klero.
"Ayos ka lang ba?"
"Ahh, oo... syempre naman."
"Natulala ka kasi kaya akala ko may nangyare na, buti naman wala."
"Hahahaha! Salamat sa pag aalala."
"Wala iyon, kaibigan mo ako 'di ba?"
"Oo naman kaibigan kita. Siya nga pala, binuksan mo na ba ang box?"pag iiba ko sa usapan.
Hindi pa siya nakakasagot ng kuhain ko ang box at buksan ito. Napatitig ako sa laman nito... itong bagay na ito ang laman ng bagay na nagpakaba sa akin? Seryoso ba ito? Isang flashdrive? What the hell!
"Dyreen? Ayos ka lang ba talaga?"
"Sort of..."
"Hindi ko alam kung maniniwala ako, kakaiba mga kinikilos mo."
Ibinaling ko sa kanya ang seryoso kong mukha, "Maniwala ka na ngayon pa lang."
"By the way Klero..." itinuon ko na muli ang tingin sa clues sa lamesita, "Hatiin natin ang pag intindi sa clues na nasa harapan, ayokong magtiwala sa sinabi sa atin ni grandma dahil pakiramdam ko mahalaga ang dalawang clues na nakuha natin. Hindi naman lalabas ang dalawang iyan kung hindi sila mahalaga, right?"
"Oo."
"Good!" ngiti ko at tinapik ang kanyang balikat.
"I'll get the flashdrive. Mas gusto kong intindihin ang bagay na may kinalaman sa technology," seryoso niyang sambit at dinampot na ang flashdrive. I didn't know he's into technology, well mas gusto kong ichallenge ang sarili ko sa pag intindi ng riddles at puzzles ni lola kahit nahihirapan ako.
Itinuon ko na ang aking pansin sa maliit na papel na hawak. What can I see upon opening this paper? Ano na naman kayang pakulo ni grandma ang mayroon dito? Riddle? Puzzle? Code?
Imbis na mabaliw ako kakaisip sa laman nito binuksan ko na lamang ang papel. I can see numbers then colon and the same repetition goes on.
Hindi ko alam kung anong klaseng ngiti ang nasa mga labi ko ngunit isa lamang ang alam ko, this task became more exciting.
"You're creeping me out Dyreen," komento ni Klero na nakapagpa - angat ng aking tingin. "Stop smiling, will you?" nakangiwi niyang pagpapatuloy.
I just grin at him and focus my sight at the laptop he is holding. I raised one of my eyebrow and point the laptop using my lips.
Napakamot na lamang ito. "Ahh, kasi ano... ano kasi, ahhh---"
"Ano?"
"---hiniram ko laptop ni Nathan para magamit ko ang flashdrive. Hindi ko pala dala ang laptop ko sa pagmamadaling takasan sila mama." Ngumiti ito ng alinganin sa akin at umupo sa upuang nasa gilid ng sofa.
"Ok."
Pinagtuunan ko na muli ng pansin ang code na naroroon sa papel.
6:AM:17:3:4:13
19:7:8:17:3:00:18:19:18:4:4:19:00:11:AM:12:15
Clock cipher... Ang code na ginamit dito ay clock cipher. And I don't know what some kind of lucky charm I'd have but this must be my lucky day. Clock cipher was one of my favorite cipher and this is really easy.
"Klero..."
"Hmmm!"
"Pahiram ako ng ballpen."
"Aww!"
Matatalim na tingin ang ibinibigay ko ngayon kay Klero na nakangiti lamang at nakapeace sign sa akin. Inirapan ko siya at pinulot ang ballpen na inihagis niya na sa kasamaang palad tumama sa aking ulo imbis na masalo.
Garden
Third Street Lamp
I guess andiyan nakalagay ang susunod na clue. I should go there and find it.
Tumayo na ako upang umalis ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong paglingon sa gawi ni Klero na aligagang aligaga ang itsura habang tutok na tutok sa laptop at mabilis ang paggalaw ng kanyang mga kamay.
Hindi ako pwedeng magkamali sa aking narinig na boses... hinding hindi dahil boses ko iyon. Paanong nangyare na maririnig ko ang boses ko roon? Paanong ang matagal ko ng ibinaon sa limot na kataga ay maririnig ko uli? Hindi kaya---.
Naagaw ang atensyon ko ng isang malakas na mga pagkatok sa pinto ng bahay. Muli kong ibinaling ang tingin kay Klero na nakatingin na rin sa akin. Nagulumihanan ako sa takot na bumadya sa kanyang mukha ng kami'y magkatinginan.
Inialis ko muna sa isip ang boses na narinig at tumungo na sa pinto upang pagbuksan ang taong halos gibain na ang pinto sa pagkatok.
"Ano ba wag mong sirain ang pinto---" naputol ang pagbulyaw ko ng mabuksan ko na ang pinto.
"Dyreeeeeeeeen," masiglang bati ni Krishna sabay yakap sa akin. Hinampas hampas ko siya ng mahina upang malaman niyang kinakapos na ako ng hininga sa sobrang higpit ng kaniyang yakap.
"Sorry na bebe Dyreen. Nandito lang naman ako para imbitahan kayo sa Vakul - Kanayi Festival sa Sabtang Island. Sa susunod na linggo ito gaganapin at ang alis natin ay sa Biyernes ng susunod na linggo. Siguradong magugustuhan mo ang pistang iyon."
"Paniguradong magugustuhan mo iyon baby Dyreen ko dahil kasama mo ako," pag singit ng isang lalaking hindi ko naman kausap.
"No thanks Krishna. Hindi na lang ako sasama kung kasama ang lalaking iyan," pagsusungit ko habang nakatingin sa lalaking katabi nito na akala mo napakagwapong nilalang sa mundo.
"No Dyreen! I won't let you. Dapat maranasan mo ang isa sa pinakamasayang pista rito sa Batanes. Hindi ako papayag na hindi mo maranasan ito ng dahil sa lalaking ito," seryoso niyang sambit.
"Fine, fine... we will go ok. Happy?"
Tumalon talon pa ito sa harapan ko sa sobrang saya. "More than happy bebe Dyreen. See you next friday. Magiging masaya ka sa festival na iyon promise. Bye!" paalam niya bago hatakin paalis si Jericho.
I hope that I will be happy since that voice of mine are already haunting me right now.
------------------------------
Comment down your reactions and opinions. I do hope that you enjoy this chapter.
Sa mga makakakita po ng kamalian the feel free to message me, thank you po.
Sino di nag akalang sasakalin nga ni Dyreen si Klero? Taas paa, hahahaha char lang. Ready na ba kayong makipiyesta sa Batanes? Or gusto niyo munang lumibot sa Norteng bahagi ng Batan? Ano pang hinihintay niyo riyan basahin na ang next chapter.
•Riyan Kez