Chereads / Remnants Of The Past / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 10

North of Batan

Kalalagpas ko lang sa huling baitang ng hagdan ng maabutan kong nag iisa si Klero. Akala ko kasama sila kuya Nathan at ate Athena sa paglilibot namin. Unang beses ko pa lamang ito at ayokong maligaw kami ni Klero.

"Ayos ka na ba? Tara na!" aya nito bago tumalikod at nagsimulang maglakad. Nakakailang hakbang pa lang ito nang lingunin ako nang may bahid ng pagtataka sa kanyang mukha.

"Bakit di ka na gumalaw diyan?" nag aalala niyang tanong. Tila may pumitik ditong kung ano at biglang napangiti.

"Ah alam ko na... nagtataka ka kasi wala sila Nathan. Huwag kang mag alala hindi ko naman hahayaan na maligaw tayo, mas lalong hindi ko hahayaang mawala ka na naman sa piling ko."

"Ano?" taka kong tanong dahil sa hina ng kanyang pagkakasambit sa huling sinabi.

"Sabi ko hindi ko hahayaang mawala ka sa tabi ko, baka kutusan pa ako ni Nathan kapag naiwala kita rito. Maliit man ang probinsya ng Batanes ngunit malawak pa rin ito, pwedeng pwede ka mawala."

"Buti naman alam mong kukutusan ka ni kuya kapag naiwala mo ako. Baka nga hindi lang kutos abutin mo sa kanya, paniguradong bubugbugin ka nun."

Umiling iling na lamang ito sa akin. "Oo na, oo na. Tara na para naman masulit mo ang Isla ng Batan, hindi iyong puro ka na lang hanap ng clues ni lola Ann. Magpakasaya ka naman dito hindi yung hindi ka man lang naging masaya maglibot dito bago tayo pumunta sa kabilang isla."

Muntikan pa akong madapa ng walang pasabi niya akong hinatak. Buti na lamang at nakapagbalanse agad ako bago matumba. Napakacareless talaga ng lalaking ito, hindi man lang inisip ang kahihinatnan ng paghatak niya sa akin. Hindi ko nga napansin na nakalapit na siya at may balak pa akong kaladkarin.

Tumigil kami sa harap ng isang nakaparadang itim na motorsiklo. Inaabot niya sa akin ang isang helmet subalit nanatili lamang akong nakatitig sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa aking pagtitig. Nagpakawala na lamang siya ng isang malalim na buntong hininga. "Dito tayo sasakay kaya naman isuot mo na ito," paliwanag niya at isinuot sa akin ang helmet.

Hindi ako nakahuma sa kanyang ginawa. I was surprised that he do that thing. Walang kaso sa akin ang pagsakay sa motor dahil sanay ako roon hindi lamang ako makapaniwalang makakasakay uli ako sa dami nang taon na lumipas.

"Ayan na, ayos ka na kaya sumakay ka na."

Sumakay agad ako at humawak sa hawakan sa may likod. I missed this feeling.

Napakunot ang noo ko nang lumipas na ang ilang minuto ngunit hindi pa rin kami umaandar. What's wrong with this man? Hindi niya ba alam kung gaano katagal ko na uling gustong sumakay sa motorsiklo tapos maggaganito siya. Kung ako na lang kaya magmaneho para makaalis na kami.

"What's wrong with you? Paandarin mo na ito, gusto ko ng maglibot," reklamo ko.

Bahagya itong lumingon at hinawakan ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng igaya niya ito sa kanyang bewang bago ibalik ang tingin sa harapan.

"Ayan dapat nariyan ang mga kamay mo, wala dapat sa likod mo. Paano kung malaglag ka dahil hindi ka nakayakap sa bewang ko?"

Bahagyang sumikip ang dibdib ko ng marinig ang mga katagang iyon. Hindi ko alam ngunit tila ba napakapamilyar ng mga salitang iyon sa aking pandinig. Para bang narinig ko na ito subalit hindi ko mabatid kung saan.

Napayakap ako ng husto ng magsimula siyang magmaneho na animo'y nakikipagkarera sa hindi nakikitang kalaban. Naiilang ako sa posisyon namin. Hindi ako sanay na nakayakap sa taong nagmamaneho ng motor pwera na lang kung sila kuya ang nagmamaneho. Bagaman hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit pakiramdam ko ayos lamang na ganito ang aming posisyon, pakiramdam ko nangyare na ito.

"Nandito na tayo," ungos niya na nakapagpamilog sa aking mata. Inaya niya na akong bumaba upang makapaglibot.

This is the true epitome of beauty. Para akong nasa isang paraiso. It has a clear view of the wide yet calm sea.

"Nasa Basco Lighthouse tayo, isa sa tatlong lighthouse na mayroon ang Batanes. Six story ang lighthouse na iyan..." itinuro niya ang lighthouse sa hindi kalayuan, "at mayroong 360° view deck sa ikalimang palapag nito. Makikita mo roon nang malinaw ang Basco town proper, Basco port at ang West Philippine Sea."

"Ang dami mo namang alam," komento ko habang papaakyat kami sa lighthouse.

"Hindi naman gaano. Madalas lang akong tambay sa lighthouse na ito ng mamalagi ako rito. Isa sa nagpapakalma sa akin ang tanawin ng dagat."

I almost lost my breath when we reached the top round deck. It may sound cliche but the view was really breathtaking and I'm one of those person's who was enthralled by this view.

"Nagustuhan mo?"

"Oo, this kind of view is what I'm dying for to see."

"Alam ko..." bulong niya.

Nilingon ko siya upang kumpirmahin kung nagsalita siya. "May sinabi ka ba?"

"Wala... bilisan mo na lang pagmasdan ang kagandahang taglay ng lugar na ito para makapunta na tayo sa susunod nating pupuntahan."

Kumuha ako ng ilang litrato at pinilit ko pa siyang magkaroon kami ng litrato habang nadirito bilang souvenir. Nu'ng una tumatanggi pa siya pero kalauna'y pumayag na rin dahil nagtatagal lang kami sa lighthouse.

Kasalukuyan na kaming papunta sa Vayang Rolling Hills. Hindi ko maiwasang idipa ang aking kamay habang nakasakay at ninanamnam ang bawat pagdampi ng sariwang hangin sa aking balat.

"Itigil mo nga ang ginagawa mong pagdipa riyan, baka kung mapaano ka pa. Konsensya ko pa kapag may nangyaring masama sa iyo."

"Sungit!" Ibinalik ko na ang mga kamay sa pagkakayakap sa bewang niya. If I know gustong gusto lang niya na niyayakap ko siya. Hindi pa kasi umamin na crush niya ako, di naman ako magagalit. Normal lang naman iyon---.

"Aray naman!" ang tangi kong nasambit ng mapasubsob ako sa likuran ni Klero dahil sa biglaan niyang paghinto.

"Bakit di ka man lang nag aabisong pepreno ka? Edi sana hindi ako nasubsob sa likod mo," dakdak ko sa kanya.

"Sinabi ko sa iyo hindi ka lang nakikinig sa akin. Baba na at ipapasyal pa kita rito bago pumuntang Japanese Tunnel."

Nanatili akong nakaupo sa motorsiklo kahit pa nakababa na siya. Kumunot ang kanyang noo dahil sa inaasta ko.

Nakapagpakawala ako ng isang matinis na sigaw dahil sa gulat ko ng hablutin na lamang niya ako at ibaba ng walang pasabi. Napaka talaga ng lalaking ito.

"Huwag ka na magpasaway Reen. Just enjoy our trip!" pagsusumamo niya.

"Fine! Siguraduhin mo lang na maganda rito sa hills na ito dahil pagugulungin kita pababa. And I'm not joking around when I say that. Alam mong kaya ko iyon Klero."

Ngumiti ito ng malawak habang tumatango tango sa akin.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa hills na Ilang metro lang ang layo. Hindi ganu'n kahirap ang umakyat. At sobrang sulit na marating ang tuktok nito.

Like the view at Basco Lighthouse the Vayang Rolling Hills also captivated my eyes. Its sight was alluring to everyone that can witness it and I'm not an exception to this.

Katulad din kanina, kumuha ako ng mga litrato upang maging ala-ala. Ang magandang paraiso na ito ay magiging ala-ala na lamang sa akin paglipas nang panahon.

Tumalikod na ako naglakad papalapit kay Klero na nakasakay na sa motor.

"Uwi na tayo."

"May dalawa pa tayong pupuntahan Reen."

"Pagod na ako ih, pwede uwi na tayo?" tanong ko gamit ang malamlam na boses.

"Daanan na lang natin yung isa bago tayo umuwi madaraanan naman natin iyon."

"Pero..."

"Sige na Reen, please!" wika nito ay pinagsalikop pa ang kanyang mga kamay.

Sumusukong tumango ako rito at sumakay na. Hindi talaga ako nakakatanggi sa mga taong nagsasabi ng please. Nakakainis naman.

Mabilis ang naging byahe namin pabalik kumpara sa papunta. Siguro malayo lang talaga ang pinuntahan namin o naging pokus lamang ako sa pagkailang na nadarama kanina. Kung alin man sa dalawa, bahala na lang.

Ipinaling ko ang ulo sa kaliwang bahagi upang malaman kung saang lugar kami huminto. Nagalak ang aking kalooban ng makita ang isang magandang simbahan sa aking harapan. Hindi na ako nagsalita at bumaba na lamang.

Napakatagal na rin simula ng bumisita ako sa simbahan. Ito ang unang simbahang pupuntahan ko rito sa Batanes.

"Tukon Chapel or Mt. Carmel Church." Napalingon ako sa boses na nagsalita, hindi ko namalayang nakababa na rin pala siya.

"Tara sa loob?"

Isang tango ang aking ginawa kaya iginaya niya na ako papasok sa loob ng Tukon Chapel.

Simple lamang ang istruktura nito. Gawa ang kabuuan nito sa bato na marahil ay nanggaling sa kanilang tradisyon, ang bubong ay kulay kahel at mayroon ding mga nakapintang disenyo rito.

"Itinayo ito ng mga mangingisda at binuksan noong ika-3 ng Mayo taong 2008. Ang nakapinta naman sa taas ay ang kanilang patron na masusing isinakatuparan ng Pacita Abad Center for the Art Scholars." Tinignan ko siya at hindi ko inaasahang nakatingin din pala ito sa akin.

Agad niya itong ibinaling sa harap at nagpatuloy, "Ang Tukon Chapel din ay isang magandang pook kung saan makikita mo ang Pacific Ocean at South China Sea."

"Ang ganda ng chapel nila kahit simple lamang ito. Ang sarap siguro sa pakiramdam ang magdasal dito."

"Kung magdarasal ka, magdasal ka na. Hihintayin kita."

Lumuhod ako at taimtim na idinalangin sa Dios ang lahat ng aking mga agam agam at saloobin.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagdarasal ngunit pakiramdam ko umabot ako ng siyam siyam kahit tila hindi naman.

Humakbang ako palapit kay Klero habang iniisip kung gagawin ko ba iyon o hindi. Sa huli ay mas pinili ko na lamang itong gawin.

Niyakap siya nang mahigpit. "Thank you Klero. I'd enjoy our trip." Bumitiw agad ako sa pagkakayakap sa kanya matapos sabihin ang katagang iyon. Hindi pa siya nakakagalaw uli pagkabitiw ko. I must really surprised him by my actions.

"Anything for you, bumabawi lamang ako sa aking mga nagawa," mahina niyang sambit na malinaw kong narinig ngunit mas pinili ko na lamang umarteng hindi ko ito narinig.

What have you done, para gustuhin mong bumawi sa akin Klero?

------------------------

Sana nag enjoy kayo maglakbay sa norteng bahagi ng Isla ng Batan. Ready na ba kayo makipista?  Samahan niyo na sila Dyreen sa Isla ng Sabtang para sa Vakul - Kanayi Festival.

I do hope you enjoy reading this chapter. Thank you!

Lovelots!

•RiyanKez