Chereads / Remnants Of The Past / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 8

Kasal, Sakal?

"A-anong ginawa mo sa vase ni lola?"  sigaw ko sa kanya habang nakaturo sa basag na vase sa sahig.

"Hindi ko sinasadya Ele..." nauutal siya at nanginginig, "hindi talaga Ele. Hindi ko sinasadya."

"Hindi ko sinasadyang masanggi at mabasag ang vase. Please Ele wag mo ako isusumbong, pagagalitan ako nila mama. Please Ele." Pagmamakaawa niya habang tumutulo ang butil butil na luha galing sa kanyang mata.

Nilapitan ko siya at pinunasan ang kanyang mga luha. "Tahan na! Hindi kita isusumbong, aakuin ko ang kasalanan mo para di ka mapagalitan nila tito at tita. Tahan na ----"

Pamilyar ang kisame na namulatan ng aking mata. Napapikit pikit pa ako bago naulinagan nang mabuti ang paligid. Ang mga kasangkapan at mga muwebles sa paligid ay pamilyar para akong nasa kwarto ko. Namilog ang mga mata ko nang mapagtantong nandirito nga ako sa aking kwarto.

Akala ko ba nasa isa akong mansyon at may batang lalaki na malabo ang mukha na nakabasag ng vase ni grandma Ann. Tinawag pa nga ng bata ang batang ako ng Ele. At bakit inako ko ang kanyang kasalanan? Sino kaya iyon? Totoo kayang nangyare iyon o panaginip lamang? Marahil panaginip lang.

Bumuga na lang ako ng hangin at inalis sa isipan ang panaginip. Hindi naman siguro mahalaga ang isang iyon para pagtuunan ng pansin. Dahan dahan akong umupo sa kama nang biglang bumukas nang malakas ang pinto.

"Oh my gosh Dyreen pinag alala mo kami!" sigaw ni ate Athena at patakbong lumapit sa akin bago ako niyakap nang mahigpit.

"Ano bang nangyare? Nakatulog ba ako habang hinahanap yung clue? 'Di ba kanina magkasama kami ni Klero sa sala habang kinukuha ang orasan para---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng tila binuhusan ako ng ilang timba nang malamig na tubig sa aking likod. Napaawang pa ang aking bibig ng maalala ang mga nangyare kanina. Hindi naman siguro iyon nangyare.

Nagsisimula ng balutin ng takot at kaba ang aking dibdib. Pilit kong pinapayapa ang kalooban sa pag iisip na hindi naman talaga iyon nangyare, paniguradong nasobrahan lamang ako sa pag iisip. Subalit hindi pa rin nito mabawasan kahit papaano ang negatibong pakiramdam.

Kumalas na sa pagkakayakap si ate na hindi ko naman pinigilan kahit gusto ko. Pakiramdam ko may kasalanan akong nagawa kaya dapat manatili akong nakayakap sa kanya subalit iwinaksi ko ito sa aking isipan.

"Reen ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Klero.

Ngumiti ako ng pilit upang hindi nila mahalata ang kaba at takot na unti unti na akong kinakain. "Oo naman. Hindi naman siguro nangyare ang ala alang pumasok bigla sa aking isipan. Marahil bunga lamang iyon ng aking malikot na isipan."

"Ano ba iyon Reen?"

Huminga muna ako ng malalim, "Natabig ko raw ang golden clock ni grandma na kinalikot mo Klero. Grabe hindi ko alam na ganoon na kalawak ang imahinasyon ko para maisip ang ---"

"Totoong nangyare iyon," putol niya sa aking pagsasalita na ikinalaki ng aking mata.

Ibig sabihin hindi iyon bunga lamang nang malawak kong imahinasyon at totoo itong nangyare. Ang takot at kabang sumisibol kanina ay tuluyan nang naghari sa aking pagkatao. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nararamdaman ko na rin ang panlalamig at panginginig ng aking kamay.

Mariin kong ipinikit ang mga mata umaasang isa lamang itong panaginip. Dyreen gumising ka na masamang panaginip lang iyan. Gising na, nananaginip ka lang.

Nanlumo ako nang imulat ko ang mga mata. Totoo ito! Totoong nabasag ko ang orasan at hindi isang panaginip lamang. Nasa reyalidad ako at wala sa panaginip kaya kahit anong pikit ang gawin ko hindi ako magigising, sa kadahilanang totoo ang lahat ng ito.

Muli kong ipinikit ang aking mata at nagpokus sa akin paghinga. Kailangan kong kumalma upang makagawa ako ng matinong hakbang. Hindi pwedeng nagpapatalo ako sa takot na nadarama. Hindi ako ganito at hindi ako pwedeng maging ganito.

I will never allow fear invade my system. Dahil kung pahihintulutan ko ito ako lamang ang maghihirap sa bandang huli. And I will not permit it to happen.

Nang maramdaman ko ang pagkalma ng aking kalooban dahan dahan kong binuksan ang aking mata. Napansin ko agad ng pagtitig nila ate Athena at Klero sa akin na wari'y nagtataka sa aking ikinikilos. Sinuklian ko na lamang sila ng isang ngiti upang malaman nilang ayos lamang ako at hindi na sila dapat pang mabahala.

"Si kuya Nathan?"

"Nasa iba---"

"Ba't mo ako hinahanap?" pagsulpot ni kuya Nathan dahilan upang maputol niya ang sinasabi ni ate Athena.

"Pahiram phone tatawagan ko si lola. I will tell her that I broke the golden clock," mahinahon kong paliwanag.

"Sandali lang kukunin ko ang laptop ko, tinawagan ko na si lola gamit iyon. Doon na lamang kayo mag usap." Umalis na siya para kuhanin ang kanyang laptop.

"Sigurado ka na bang sasabihin mo ang nangyare kay lola Ann? Pwede ko namang sabihing ako ang nakabasag habang kinakalikot ko ang orasan. Aakuin ko na lang ---"

Hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi n Klero nang makita kong umiikot ang mga nasa paligid. Napahawak ako sa noo ng hindi tumigil ang pag ikot at ng may marinig akong mumunting boses sa isipan ko.

"Ele wag na, ok lang sa aking mapagalitan basta wag lang ikaw. Huwag mo na akuin ang kasalanan ko Ele." humihikbi nitong turan.

"Hindi. Ayokong mapagalitan ka ni grandma. Aakuin ko ang kasalanan mo. Ako ang nakasanggi ng vase. Ako ang nakabasag niyan. Ako ang may kasalanan."

"Pero Ele..."

"Wag ka mag alala sa akin, magiging ayos ako -----"

"Reen? Reen?" yugyog nito sa akin.

"Reen? Reen?" patuloy ang pagyugyog niya sa akin na mas nakadaragdag pa ng aking pagkahilo.

Pinilit kong itaas ang mga kamay upang pigilan ang walang hiyang yumuyugyog sa akin, kahit pa pakiramdam ko sinipsip ang lahat ng aking lakas. Matagumpay ko namang napigilan ang taong naging sanhi ng pagkahilo ko pang lalo na ngayon ay patuloy binibigkas ang pangalan ko.

"Pwede manahimik ka muna. Dinaragdagan mo lamang ang sakit na nararanasan ko!" Iritable kong sambit.

Nakahinga ako ng maluwag nang manahimik na ang kapaligiran. Binitawan ko na rin ang kamay ng taong hawak ko kani kanina lamang. Kailangan kong magrelax ngayon upang maayos kong makausap si grandma mamaya.

Ayoko munang pagtuunan ng pansin ang biglaang pagsakit ng aking ulo at pag ikot ng paligid, maski ang boses ng mga batang iyon sa akin isipan. Ang mahalaga ngayon mawala ang pagsakit ng aking ulo para makapaghanda ako sa muling pagsakit nito.

Paniguradong sasakit uli ito kapag nagkausap na kami ni grandma. Patong patong na sermon ang aabutin ko sa kanya dahil nabasag ng kanyang magaslaw na apo ang orasang ipinapasa sa bawat henerasyon ng aming pamilya.

"Ayos ka na ba apo ko?" usisa ng isang tinig na kahit nakapikit ako makikilala ko.

Isang salita lang ang namutawi sa bibig ko ng maimulat ang mata. "Grandma."

"Ako nga Dyreen," nakangiti nitong hayag. "Kumusta ka na riyan? Maayos ba kayong dalawa ni Klero?"

"Ayos lamang po kami rito grandma Ann," sabat ni Klero at kumaway pa sa harap ng laptop.

"Mabuti naman kung ganoon, gusto ko talagang malaman na ---"

"May kasalanan po akong nagawa grandma," pag amin ko rito.

Sumeryoso ang kanyang muka at itinaas ang kilay. "Ano iyon Dyreen Eleanor?"

Tila nagkaroon ng bara ang aking lalamunan para mapalunok ako ng ilang ulit dahil sa kabang nararamdaman. Pinatay ko na ito kanina bakit nabubuhay ka uli ng dahil lang sa tono ng boses n grandma.

"Tititigan mo na lang ba ako Dyreen Eleanor Fernandez Monteverde?"

Napalunok pa ako uli sa kaba. Magsalita ka na Dyreen, binigkas na niya ang iyong buong pangalan kaya sumagot ka na.

Lumunok pa ako ng isang beses upang mawala ang pagkatuyo ng aking lalamunan.

"Grandma..." panimula ko, "nabasag ko po ang golden clock kanina dahil sa bara bara kong pagkilos. Alam ko pong kasalanan ko ang mga nangyare kahit hindi ko po iyon sinasadyang matabig. Patawarin niyo po kung ako lamang ang makakabasag ng isang bagay na iningatan ng maraming henerasyon upang maipasa sa panibago. Paumanhin po ng dahil sa kagaslawan ko nasira ko ang isa sa pinakiniingatan na bagay ng ating pamilya. Patawarin niyo po sana ako."

Isang malakas na tawa ang bumasag sa katahimikang namayani nang halos lagpas limang minuto rin. Napahawak ako sa balikat ni Klero dahil sa labis na gulat sa inaakto ni grandma. Ayos lang ba siya?

Normal bang pagtawanan ang kagimbal gimbal na pangyayareng aking isiniwalat? 'Di ba dapat nagagalit na siya sa akin dahil nasira ko ang isa sa mga bagay na mahalaga sa aming pamilya. Dapat ay sinasabi na niyang mag impake na ako at umuwi sa Manila. Ano ito at tila siyang siya pa si grandma na nasira ko ang orasan?

"I'm glad that you still carry the lesson we taught you. Nakakatuwang matapat ka pa rin apo ko at marunong ka pa ring aminin ang kasalanang iyong nagawa kahit alam mong may kaakibat ito na kaparusahan. Iniisip mo pa rin lagi ang tama at mabuting gawin."

"Alam kong kinakabahan ka sa golden clock subalit hindi ako magagalit na iyo itong nasira apo. Ang pagsira lamang Doon ang bagay na dapat gawin upang makuha ang tunay ninyong pakay. Ang golden clock na iyong nasira ay isa lamang replika at ang tunay ay nakatago rito sa inyong bahay. Mabuti na lamang at ikaw ay naging matapat sa akin, aking apo. Ako ay nagpapasalamat doon. Paalam na! Sana sa susunod nating pag uusap ay sa personal na. Mag iingat kayo palagi riyan." Bilin niya bago matapos ang tawag at tuluyan ng mawala sa screen ng laptop ang muka ni grandma.

Hindi mapagsidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko isang napakalaking tinik na nakabaon ng malalim sa aking kaibuturan ang naalis. I feel free with no worries to think about.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko at niyakap ng walang pakundangan ang katabi. Hindi ko na naisip kung sino ito basta gusto ko lang ipakitang masaya ako. And one of it is to hug a person.

"Ehem! Baka gusto mo ng bumitaw sa pagkakayapos mo kay Klero, Dyreen?"

Napabitaw ako sa pagkakayakap ko kay Klero. Napatawa na lamang ako sa inasal ni kuya Nathan. He and his malicious mind are not really a good combination.

"I told the both of you that no monkey business. Ano itong ginawa niyo sa harapan ko?" masungit na sambit ni kuya Nathan habang matalim ang pagkakatitig sa amin ni Klero.

Napakagat ako sa aking labi upang mapigilan ang kakawalang tawa ng makaisip ako ng kalokohan. Iniangat ko ang kanang braso at ipinatong sa balikat ni Klero. Mas sumingkit pa ang mata ni kuya Nathan dahil sa aking ginawa.

"Seriously Dyreen?! Gusto mo bang isumbong ko kayo at ng mawala ang proteksiyon niyo para maikasal agad kayo? Atat naman na yata kayong ikasal na dalawa ih." pagbabanta niya sa amin.

Tinawanan ko lamang ito. "Alam mo kuya ang high blood mo agad. Friendly hug lang iyong ginawa ko at walang malisya iyon. Iyang utak mo lang ang nag iisip ng ganoon. And since Klero is my friend therefore I can hug him like what I did to my other friends."

Nakataas pa rin ang kilay nito sa amin at nakatingin ng may pagdududa.

"Ganito kasi iyan kuya... alam kong pasaway ako na bata pero marunong naman akong sumunod sa mga bilin at utos ng mga nakatatanda sa akin, especially if it came from grandma. Mahal ko si grandma at hindi ko kayang suwayin ang utos niya."

"Tama naman si Dyreen hon. Kilala nating pasaway iyan pero kahit ganoon pa man alam niya pa rin ang kanyang mga limitasyon at hangganan. We should trust them, especially Dyreen." Pagsang ayon ni ate Athena sa akin, palihim itong kumindat na ikinangiti ko na lamang.

"Fine!" pagsuko nito. "But still, I will keep an eye on the both of you. At kapag may hindi kayo sinunod, ihahatid ko kayo sa magulang niyo ng maipasakal kayong dalawa. Hindi biro iyon dahil talagang magaganap ang sinabi ko." Pagbabanta niya at hinatak na paalis si ate sa aking kwarto.

"Sakal? 'Di ba dapat kasal iyon?" nagugulumihanang turan ni Klero.

Slow talaga kahit kailan.

"Tama lang ang sakal dahil isasakal tayo ng mga butihin nating magulang sa taong hindi naman natin mahal at ang malala pa kung may sinisinta itong iba. Imbis na kasal, sinasakal nila tayo sa isang pagsasamang kahit kailan hindi tayo magiging maligaya."

"Sabagay ayoko ngang masakal sa taong pinili ng magulang ko para lang sa ikauunlad ng aming negosyo."

"Pareho tayo ng iniisip, tayo na lang kaya ang magpasakal?" biro ko.

Bumilis ang pintig ng puso ko sa biglaang pagseryoso ng kanyang mga tingin. Hindi ito normal kumpara sa kanyang laging ginagawa.

"Gusto mo ba?" pabulong niyang tanong.

Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa paraan ng mga tinging kanyang ipinupukol, tila hinihigop ako ng kanyang mga mata. Nilulunod niya ako ng dahan dahan at hindi ko alam bakit ako nagpapatianod.

Gustuhin ko mang igalaw ang mga kamay upang pigilan ang unti unting paglapit ng kanyang mukha ay hindi ko nagawa. Parang naestatwa ako sa kinaroroonan at walang pahintulot na gumalaw. Napapikit na lamang ako ng ilang pulgada na lamang ang lapit ng kanyang muka.

Dyreen gumalaw ka naman. Hindi pwedeng manakawan ka uli ng halik ng lalaking ito sa ikalawang pagkakataon.

"Biro lamang Reen," wika niya na nakapagpadilat sa akin.

Tatawa tawa itong tumakbo paalis na naging dahilan ng pagsiklab ng aking inis. Talagang nakuha niya pang mang asar at gawin iyon. Walanghiya talaga siya! Naikuyom ko ang mga palad sa sobrang gigil na nadarama.

"Gagooooo ka Klero! Huwag kang magpapakita sakin dahil papatayin kita sa sakal!"