Chapter 7
Golden Clock
Ikaapat na araw na ito ng Kulay Festival. At sa mga araw na nagdaan hindi pwedeng hindi ako aasarin ng Jericho na iyon. At mas nakapagdaragdag pa ng inis ko ang kaalamang sila ang may ari ng katapat na bahay . Nakakainis sobra!
Walang araw na nagdaang hindi ako pwedeng mainis sa pinaggagagawa ng Jericho na iyon. Flowers and freaking cheesy lines everyday from him really sucks. Anong akala niya sa akin makukuha sa ganoon? Well sorry to burst his bubbles but I'm not that kind of woman.
Pasalamat na lamang akong nariyan si Klero para pigilan akong mapatay ang lalaking iyon. Hindi ko matagalan ang ugali niya. Naiirita ako sa mga ipinapakita niya. Nasobrahan sa kahanginan, gwapong gwapo sa sarili niya, napakayabang to the point na hindi ko alam kung totoo ba yung mga pinagyayabang niya.
"Ang lalim ng iniisip natin." Natigil ako sa pag iisip ng marinig ang boses ni Klero. Hindi ko na lamang siya nilingon at patuloy na pinagmasdan ang ganda ng kalikasang nakahain sa aking mata.
Bigla itong umupo sa aking tabi kaya naman napilitan akong umusog ng kaunti para magkaroon siya ng espasyo. "Care to share with me what you're thinking? Bati na tayo 'di ba?"
"Sort of, I think so..."
"Hindi pa ba tayo ayos Reen? Galit ka pa rin dahil tinawag ka naming Elea--- I mean sa pangalan mong iyon. Pasensya na Reen, inaasar ka lang naman namin pero hindi ko alam na ganoon ang epekto sa iyo ng pangalang iyon. Pasensya na uli."
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Hindi lang ako makapaniwalang may ganitong side si Klero. He's so sincere at damang dama ko iyon. Sino ba naman ako para hindi tanggapin iyon? I've experience the worst yet I've forgive them, why I wouldn't to a just simple misunderstanding like that.
Ngumiti ako ng matamis sa kanya. "Forgiven already... simula pa lang ng Kulay Festival napatawad ko na kayo. Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. I've learned that way back I'm highschool. Nag enjoy lang ako na nakikita kayong nahihirapan and I'm sorry for that Klero. I have that habit to enjoy the suffering of others and I freaking hate it since I can't stop myself. I'm sorry too Klero."
Nagulat ako sa aksyong ginawa niya. Hindi na ako nakapagreklamo dahil sa bilis ng pangyayare. I just found myself hugging him back.
"Ahm Klero..."
"Let's just stay like this for a while Reen. I just want to hug you. Gusto ko lang maramdaman mong nandito lang ako para sa iyo. I maybe a mischievous one but I can be a someone you'll hold on to."
Ilang minuto pa ang nagdaan bago siya kumalas sa akin. Sumilay ang isang ngiti mula sa kanyang labi bago tumayo at umalis.
Bago siya tuluyang nakalayo narinig ko ng malinaw ang kanyang sinabi kahit mahina lang. "Thank you for allowing me to hug you again Reen. I miss that."
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa narinig. Napahawak na lamang ako sa dibdib ng maramdaman ang bilis ng pagpintig ng aking puso. Hindi ito normal. At hindi ko dapat ito nararamdaman sa katulad niya.
What's with that hug? What's with that line? Why do you need to do that Klero? Who you really are? You're too mysterious.
Ipinilig ko ang aking ulo. Why would I be bother by his actions and personality? Hindi ko naman dapat siya kilalanin ng lubusan. Magkakasama lang kami ng isa o dalawang buwan at pagkatapos maghihiwalay na rin. We can be friends here but I know it will not last long.
Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbabago ng mood ko ng biglang makita ang papalapit na si Jericho. Kumakaway kaway pa ito sa akin habang may dalang tatlong pulang rosas.
Hindi ako ngumiti at kumaway pabalik bagkus umalis na ako sa kinauupoan at tinalikuran ito. Daglian akong pumasok sa loob ng bahay upang hindi na niya maabutan pa. He just ruined my day by his mere appearance.
Masyadong makapal ang muka niya at mataas ang bilib sa sarili kaya kahit anong diretsang pagtanggi ko walang epekto. Makapal na yata ang balat niya para sa ganoong mga salita. He should encounter the devil in me para matigil na siya.
Pasalampak akong umupo sa matigas na may kalambutan na sofa dahil sa foam na nakapatong dito. Hindi ko alam ang itsura ng mukha ko basta ang alam ko naiirita talaga ako kapag nakikita ang makapal na lalaking iyon. Hinablot ko na lamang basta basta ang unan sa tabi at mahigpit itong niyakap upang mayroong mapagbuntungan ng inis na nadarama.
"Muka ka namang pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura mo Dy?"
Hindi ko nilingon ang nagsalita at mas niyakap nang mahigpit ang malambot na unang tangan. "Can't help it ate Athena. Lagi na lamang akong ginugulo ng Jericho na iyon. I turn him down and yet he still continue to pest my life."
Sasagot na yata si ate ng makarinig kami ng magkakasunod na katok sa pinto.
"Titignan ko lang kung sino, mamaya na kita sasagutin," sambit niya at nagtungo na sa pinto.
"Ate kung ang lalaking peste sa buhay ko man iyan, huwag na huwag mong papapasukin. I don't want to be a murderer. Tamang si Klero na lang ang bumibwisit sa buhay ko, ayoko ng madagdagan pa." Nagthumbs up lang siya bilang tugon sa akin.
"Harsh!" komento ng isang boses.
"I don't care if I'm harsh. Ganito ako at wala kang magagawa roon Klero. Just accept the fact na ganito ang ugali ko at hindi mo mababago iyon even you bother the whole me with that freaking hug."
"At bakit naisali ang pagyakap ko sa iyo sa usapang ito? Nagkomento lang naman ako," wika niya bago tumabi sa akin.
Natutop ko ang sariling bibig dahil sa kadaldalan. Aish! Nakakainis talaga minsan ang bibig ko. Hindi marunong ipreno ang mga dapat sabihin.
"Wala ka na roon. Anong gagawin natin sa ikalawang clue? Gusto ko nang bilisan ang pagtapos sa destination one natin," pag iiba ko sa usapan.
"I already crack the riddle ikaw na lamang ang hinihintay ko," pag amin niya.
"Eh bakit hindi mo ako sinabihan? I should had help you figure it out. Hindi lang naman ikaw ang gagawa sa mga task. I'm also ---"
"Hep... hep... hep. Huminga ka muna." Hindi ko alam pero sinunod ko ang sinabi niya.
"Ngayong kalmado ka na ipapaliwanag ko sa iyo kung bakit di ko muna sinabi. Naalala mo nang magalit ka sa amin ni Nathan?"
"Correction hindi ako nagalit, nainis lang ako. Hindi ko na kayang magalit pa."
"Ok, nang mainis ka sa amin. Binasa ko 'yung ikalawang clue na nahanap natin. Naintindihan ko agad iyon kaso lamang hindi mo naman kami pinapansin kapag kakausapin ka namin kaya hindi ko muna sinabi sa iyo."
"Eh bakit hindi mo sinabi nang ayos na tayo? Ayos na tayo nang simula ng Kulay Festival."
"'Di ba nga sinungitan mo pa ako noon? Kaya nga hindi ko pa sinabi sa iyo. Naisip ko ring dapat maenjoy mo itong piyesta na ito dahil ito ang unang piyesta na mararanasan mo sa Batanes. Ayoko lang na masira ng paghahanap ng mga clues iyong festival vibes na mayroon ka."
Hindi ko magpaliwanag ang nararamdaman, tila napakasaya ko kasi may isang taong umiintindi sa akin. May iba pang taong handang umintindi sa ugali ko. May iba pang handang intindihin ka at hayaang maging masaya. They're too rare.
"Salamat."
"Wala iyon. Ano? Lets get the next clue?"
Nginitian ko ito bilang pagsang ayon.
"Saglit lang kukunin ko muna sa itaas yung nahanap nating clue para naman makita mo rin," pagpapaalam niya.
Hinayaan ko na lamang siya umalis at hindi na lamang nagsalita.
"I see that Dy," pang aasar ng babaeng kauupo lang sa tabi ko.
"It's not what you think ate Athena."
"So ano bang dapat na isipin ko Dy?" tudyo niya.
Huminga ako nang malalim bago sagutin ang tanong niya. Ayokong makaramdam ng inis nang biglaan. I don't want to feel this kind of irritation, especially towards her.
"Wala ate... wala," bulong ko.
"Sige sabi mo ih maniniwala na lang ako sa iyo," sarkastiko nitong hayag.
Napapikit na lamang ako sa narinig kong tono ng kanyang pananalita. Knowing the attitude of ate Athena... hmmm, I know that she don't believe in me. Malakas ang kutob niya at iyon ang ayaw ko sa kanya. Ang bilis niya makatunog ng mga pangyayare.
Nilingon ko agad ang taong marahang tumapik sa aking balikat. Malawak itong nakangiti sa akin, hindi, sa amin pala ni ate Athena.
Tinanggap ko ang nakarolyong papel na inilahad niya at maingat na binuklat ito. Kakaiba sa paningin ko ang uri ng papel na ginamit, parang pamilyar sa akin ang uri nito tila parchment paper.
'I run but I cannot walk, I sometimes sing but never talk, I lack arms but I have hands, I lack a head but I have a face.'
"This one is easy as a pie kids, I bet you get it within a minute. Still, good luck in searching. Just enjoy diving the depths of the ground and finding what's in your front."
-Grandma Ann
Pinigilan ko ang pagngiti ng mapagtantong madali ang tanong. Tama nga siya madali nga lang ito kaysa sa mga unang tanong.
Pabalya kong inabot kay Klero ang papel bago dahan dahang naglakad patungo sa iisang orasan na nakita ko sa loob ng bahay na ito.
It looks old but the color still shines like gold. A kind of antique stuff in this Ancestral Stonehouse, grandma's golden clock. Most of its part was made of glass so I need to be more careful in handling it.
Naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay ng tuluyang mahawakan ang orasan. Dumikit pa ang mangilan ngilang alikabok sa aking kamay na naroroon sa orasan. Marahan at puno ng pag iingat ko itong inalis sa pagkakasabit sa dingding. Dama ko ang patuloy na pagtulo ng butil butil na pawis galing sa aking noo na hindi nakakatulong sa kabang umuusbong sa aking dibdib.
Tila tumigil ang oras nang mga sandaling iyon dahil sa bagal ng aking paggalaw. Hindi ko man sadya ang tila pagong na pagkilos bagamat inaalala ko lamang ang kaligtasan ng antigong orasan na aking tangan. Hindi ko maaatim na dumulas sa aking mga kamay ang isa sa mga bagay na nabuhay na nang matagal.
Tuluyang nawala ang kamay na pumipilipit sa aking dibdib nang matagumpay kong maiabot kay Klero ang orasan. Halos mapaupo ako sa sahig sa labis na tuwa. Makakahinga na ako ng maluwag dahil kanina pakiramdam ko ako ay sinasakal ng tatlong tao.
"Ok ka lang Reen? Para ka namang nakipaglaban sa daan daang kawal sa itsura mo ngayon," tatawa tawa ito.
Ipinagsa walang bahala ko na lamang ang pantutukso niya dahil hindi naman makakabuti kung patuloy na lamang kami mag aaway. Paniguradong mahigit sa isang buwan pa kami magkakasama kaya mas mabuting makisama na lang ako at maging mabait. I don't want to create a barrier with the person I'm with, throughout this journey.
Inilapag niya ang golden clock sa maliit na lamesa sa may sala at umupo sa tapat nito. Mabilis ko siyang nilapitan nang mawala na ang panginginig na sumakop sa aking sistema. Tumabi ako sa kinaroroonan niya upang makita ang binubutingting niya.
"Hey, handle it with care! Mas matanda pa sa iyo ang orasan na iyan. Hindi ka pa nga yata ipinapanganak buhay at gumagana na iyan," bulyaw ko sa kanya.
"Easy, Reen! Alam ko ang ginagawa ko... sa halos isang taon kong pamamalagi rito ako ang umaayos ng mga bagay bagay dito. I know to handle this clock properly and with care." Patuloy pa rin ang kanyang pagbutinting dito at hindi na ako pinansin pa.
"Sana nga alam mo ang ginagawa mo, dahil malalagot tayo kay grandma Ann kapag nasira mo iyan. Ilang henerasyon na rin ang nagmay - ari ng ---"
"Nakuha ko na," pagputol niya sa sinabi ko habang hawak ang nakarolyong papel.
Unti unting namilog ang mga mata ko hanggang sa manlaki ang mga ito na tila hindi makapaniwalang nakuha niya ang piraso ng papel. Nang tumingin ako sa golden clock buo pa rin ito at walang sira sa kahit anong bahagi.
"What are you talking about again, Reen?"
"Hmpp... wala, wala akong sinasabi."
Tinawanan lang niya ako na para bang sinasabing 'wala ka kasing tiwala sa akin'. Inismiran ko na lang siya at hinablot nang walang pag iingat ang nakuhang clue mula sa mga kamay niya.
Napakabilis ng mga pangyayare at hindi ko ito inaasahan. Pumailanlang sa tahimik na bahay ang malakas na tunog ng pagkabasag ng isang bagay.
Unti unting lumukob sa sistema ko ang takot at umusbong ang kabang kaninang napatay ko na. Nanginig ang mga tuhod ko at nanghina sa nakita sa sahig ng bahay. Nawalan ako ng lakas magsalita ni ang gumalaw. Hindi ito maaari.
"What have you done Dyreen Eleanor Fernandez Monteverde?" galit na sigaw ni kuya Nathan habang nakatingin sa pira pirasong bahagi ng golden clock.
------------------------------
Anong masasabi niyo sa clumsiness ni Dyreen? Patay tayo riyan ang antique golden clock ni grandma Ann ay nabasag, paano na ito?
Sana po ay magustuhan niyo siya. Feel free to message me if you spot some wrong grammar, typo or any errors. Thank you!
Love lots!
•Riyan Kez