Chereads / Remnants Of The Past / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 4

First Clue

Kasalukuyan akong nakatambay sa terasa ng aking kwarto habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam ang ganitong ambiance. Pakiramdam ko wala akong problemang dinadala. It's too peaceful and calm.

Ikatlong araw ko na ng pamamalagi sa Ancestral Stonehouse ni grandma Ann, so far hindi pa ako nakukunsumi ng todo dahil sa kalokohan ni Klero. Buti na nga lamang hindi pa at sana huwag mangyare dahil kakalbuhin ko talaga siya.

Naalala ko na naman ang muntikang pagkalbo ko sa kanya ng pag usapan namin ang pagpunta sa mga destinations at pagtapos sa tasks.

"Deal." Binitawan ko na ang kamay niya bago dinampot ang papel sa harapan ko.

"So ang first destination natin ayon sa papel na hawak ko ay ang Ancestral Stonehouse." Tumingin muna ako sa kanya bago ibinalik ang tingin sa papel. "So saan pala natin hahanapin ang sinasabi rito na lugar?"

Napatingin ako sa kanya ng makarinig ako ng mahinang pigil na tawa. Wala namang duwende or engkanto rito lalo ng wala kaming kasama so panigurado na sa kanya lamang magmumula ang tunog.

Tinignan ko siya ng masama ng hindi niya na mapigilan ng pagtawa. "Seryoso ka bang apo ka ni grandma Ann, Reen?" paniniguro niya.

"Yes, are you doubting?" masungit kong saad.

"Eh bakit hindi mo alam na itong bahay na ito ang tinutukoy na destination #1. Grandma Ann's house is the Ancestral Stonehouse. I wonder kung bakit di mo alam?" mapang asar niyang usal.

Naningkit ang mga mata ko sa inusal niya. Siya pa lamang ang naghinalang hindi ko kamag anak si grandma. At lalong siya lang ang nang insulto sa akin ng ganito. How can he think that I don't know my grandma well or my grandma doesn't care about me, to let me know what properties she have all over the country. He's  really freaking unbelievable. Nagdududa na tuloy ako kung pumapayag ba talaga siyang magpakabait na at baguhin ang pananaw ko sa kanya o mas gusto niyang bwisitin ako lagi.

Natagpuan ko na lamang ang sarili na nakahawak ng mahigpit sa kanyang buhok samantalang siya ay nagsisisigaw sa sakit.

Napahinto lamang ako ng biglang may malalaking braso ang naglayo sa akin kay Klero. Nakilala ko lang ito ng malanghap ang pamilyar na pabango, nakabalik na pala si kuya Nathan.

"Sandali lang ako umalis at nagsasabong na kayo rito. Bilin ko diba na kalimutan niyo na ang girian niyong dalawa."

Hindi ako umimik pero matalim pa rin ang mga titig na ipinupukol ko kay Klero. He reach my boiling point just by insulting me, how short tempered I am when it comes to him.

"Pasensya na pare, hindi ko naman alam na wild iyang pinsan mo."

Nagpantig ang tenga ko kaya akmang susugod na naman ako sa kanya ng biglang may pumigil na naman sa akin.

"Kuya bitawan mo ako gusto talagang matupi ng lalaking iyan sa walo. Kaya kuya please lang bitawan mo ako at hayaang itupi iyan sa walo." matigas kong angil habang pilit kumakawala sa pagkakahawak nito sa akin.

Pansin ko naman ang pagngiwi ni Klero na dapat lang. Dahil alam kong ramdam sa tono ng boses kong hindi ako nagbibiro at talagang itutupi ko siya sa walo.

"Stop acting a child Dyreen Eleanor Monteverde!" Gigil nitong sigaw.

Oh fudge! The monster is awake so I better shut up and run. Ayokong ginagalit si kuya dahil may sa demonyo ito kapag nagalit at heto siya ngayon nagising ko.

Lumuwag ang hawak nito sa akin ng manahimik ako kaya tumakbo naman agad ako paakyat ng hagdan. I don't want to face his wrath cause that's scary.

Hingal na hingal ako ng makarating sa taas. I run from the first floor so therefore I needed air to breath. It is hard to climb up on stairs since there is gravity that is pulling me down.

Napaharap ako sa kanan ng marinig ang malakas at mabilis na yabag ng mga paa. Ready na sana akong suntukin sa pag aakalang si Klero iyon pero sana itinuloy ko na lang dahil siya nga iyon.

"May second name ka pala Eleanor, ba't di mo sinabi?" Tinitigan ko siya ng masama sa pang aasar niya. Hindi ba obvious na ayoko sa Eleanor dahil ang old school nito pakinggan.

"Wala kang pakialam kung hindi ko sinabi iyon. And don't call me Eleanor ang sagwa pakinggan. I prefer being called Dyreen, Dy or Reen. Just choose among the three but never Eleanor, ok?"

Binuksan niya muna ang pinto ng katapat kong kwarto bago sumagot. "Yeah, yeah got it. I do got it Eleanor." At mabilis na sinarado ng pintuan.

Hindi ko maiwasang mapasabunot sa buhok ko sa tuwing maaalala ko iyon. He have the guts to call me that freaky old school name. Lalo na ang insultuhin niya ang pagkakakilala ko sa lola ko.

I let out my frustrations by simply shouting loud. I need to do that bago pa tuluyang masira ang umaga ko dahil lang sa alaalang iyon. Siguro kung malapit sa sementeryo itong Ancestral Stonehouse baka nakabuhay na ako ng patay sa sigaw ko. The death will freak out because of my earsplitting shout.

"Ang aga aga naman ang ingay mo Eleanor," pasigaw na paninita ng isang boses. I don't even need to look down to see who the hell said that dahil alam kong isang tao lang ang tatawag ng Eleanor sa akin, si Klero.

"Wala kang pakialam jerk kung sumigaw ako rito. You're not my mom or baka gusto mo mag apply pwede naman. You look like my mom who loves to scold me and have an hour homily on me."

"Alam mo kasi Eleanor kung sa akin ok lang naman na magsisisigaw ka riyan na siyang magiging dahilan para makabuhay ng mga patay, pero nakakahiya po sa kapitbahay natin na nagsisisigaw ka riyan. Baka isipin nilang may baliw na nakatira sa bahay ni Lola Ann and worst that crazy person is her granddaughter." Ngisi nito bago ako talikuran.

Napasapo ako sa katangahang nagawa ko. Really Dyreen gusto mo talagang mapatrouble while you're here. At kahit naiinis ako sa paninita at pang aasar ng lalaking talipandas na iyon, may point pa rin siya sa sinabi niya. I can really disturb my neighbor by doing that.

I let out a heavy sigh. I shouldn't do that, baka nga mapagkamalan pa akong baliw ng mga kapitbahay.

Napailing ako sa naisip, why would I listen to that dumbass jerk. Buhay ko ito and I can do the things I usually do. Hindi ko dapat baguhin ang sarili ko dahil sinabi lang ng ibang tao na baguhin ko ito.

Hindi ko na siya inisip at nagpasya na lang lumabas ng kwarto. Tama na ang pagkuha ng negative vibes na inilalabas ng Klero na iyon. All I need to do now is to find the first clue according to the task sa Ancestral Stonehouse.

Walang nakalagay kung anong clue ang hinahanap namin and it really sucks since my grandma loves mystery, logics, codes and puzzles. Mukang gusto niya pa yata kaming gawing detective para lang mahanap namin ang aming hinahanap sa bahay na ito.

The clues are anywhere to be found

Let your heart dive the sea of the ground

Feel the truth that it may throw

Don't be drowned with the pain of the lies they made you grow

Look around for it may be at your front

Look everywhere for the hidden mystery of thyself

Beware for the truth that it beholds

Make thyself comfortable but never get too attached into the ancestral halls

That was the lines of the task #1 under Ancestral Stonehouse. Hindi ko lang maisip kung anong gustong ipahiwatig ng tula. Wala ng nakalagay pa sa task for destination #1 bukod sa tulang iyon.

It is really hard since I'm not that good at analyzing poems and other literature. How can we finished the task kung wala namang nakalagay kung ano ang gagawin namin. Buti pa sa destination #2 mayroon. Gusto talaga kaming pahirapan ni lola.

"Ok, Dyreen Monteverde you have to do this.

'The clues are anywhere to be found

Let your heart dive the sea of the ground

Feel the truth that it may throw

Don't be drowned with the pain of the lies they made you grow

Look around for it may be at your front

Look everywhere for the hidden mystery of thyself

Beware for the truth that it beholds

Make thyself comfortable but never get too attached into ---"

Napatili ako ng biglang may bumangga sa akin. Napapikit na lang ako ng mariin habang iniintay ang pagguhit ng sakit sa aking likod at pwetan. Mga ilang minuto pa ang lumipas at hindi ako nakaramdam ng kahit anong sakit.

Pagmulat ko ay tumambad sa akin ang isang pares ng kulay brown na mga mata. His eyes are twinkling like the stars up above in the night sky. Ang ganda ng mga mata niya, ngayon na lang uli ako nakakita ng ganoong klase ng mata. It feels like he's trying to see and capture my soul.

Hahangaan ko pa sana ang napakagandang mata ng lalaking ito kung hindi ko lamang napagtantong si Klero iyon. And before he can utter a word I give him a headbutt para matapos ang pagpuri ng utak ko sa mata niya.

"What's wrong with you woman?" aniya habang sapo sapo ang kanyang noo na kanina lamang ay hinataw ko ng malakas gamit ang sariling noo.

"Ikaw na nga itong sinalo para hindi ka malaglag kahit ikaw pa ang nakabangga dahil sa paglalakad mo ng pabalik balik, tapos eto ang igaganti mo. Hindi ka ba marunong magpasalamat?" angil nito sa akin habang pinupukol ako ng masasama niyang titig.

"Sorry for that and thank you kasi hindi mo ako hinayaang malaglag at masaktan."

"Wow salamat sa pasasalamat mong sarkastiko ang dating. Your welcome, Eleanor!" sarkastiko niyang sambit bago ako talikuran at humakbang palayo sa tapat ng kwarto niya.

Napakunot ang noo ko ng hindi siya pumasok sa kwarto niya na katapat lang naman namin kanina. Sinundan ko ng tingin ang daang nilalakaran niya at nagtaka ako ng tumigil siya malapit sa pinto ng kwarto ni grandma.

"Saglit lang," pigil ko sa kanya. "At anong gagawin mo riyan?"

Tinitigan niya lang ako ng masama at agad ding binawi ng hindi sinasagot ang tanong ko. Aba ang lakas ng loob nitong hindi sagutin ang tanong ko. Napilitan akong lumapit para makita kung anong pakay niya roon.

Nakita kong bukas ang isang maliit na tukador sa gilid ng maliit na lamesa. Nagugulumihanan man sa kanyang asta ay sumilip na lang ako sa nakabukas na tukador. Nakita ko ang ilang piraso ng gamot at band aid sa loob, gayundin ang betadine at gasa, mayroon ding dalawang bote ng ointment.

Hinawakan ko siya sa braso na naging sanhi sa pagbaling nito sa akin ng may masamang titig. "Bitawan mo ako."

Umiling ako. "Hey I just want to say ---"

Nabigla ako sa pagtabig nito sa kamay ko kaya naman hindi ko nakontrol ang galaw ko at natumba ako sa sahig. Napaungol ako sa sakit ng tumama ang pwetan ko sa konkretong sahig.

"D-dugo..." utal niyang anas na nakapagpatingala naman sa akin. Sinundan ko ng tingin ang itinuturo ng kanyang kamay.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang basag na vase sa tabi ko. Nasanggi ko yata ang vase ng hindi ko napapansin ng biglang tabigin ni Klero nang malakas ang aking kamay.  Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang dugo. Ang mahalaga mapulot at matipon ko ito para wala ng madisgrasya pa sa amin.

Napapikit ako ng may gumuhit na hapdi sa kanan kong braso sa biglaan kong pagpihit pakanan upang damputin ang mga nabasag na piraso ng bubog. Napamura ako ng mahina dahil sa sakit na naramdaman. Ngayon pa talaga. Malas siguro ako ngayong araw.

Hindi ko na ininda ang paghapdi ng sugat ko at pinulot na lamang ang piraso ng mga bubog. Magagamot naman mamaya ang sugat ko kaya hindi dapat magmadali, mas kailangang madaliin ang paglinis sa nabasag namin. Sana nga lang ay huwag magalit si lola sa amin. If I know vases are one of my grandma's obsession at kapag nalaman niya ito paniguradong maikakasal ako ng wala sa oras.

Napatigil ako ng mapadako ang aking tingin sa isang bubog na tila naipit sa pagitan ng dalawang bato. Natatakpan ko kanina ang bahaging iyon at napansin lamang ng makita ang mga bubog malapit doon.

Tinigil ko muna ang pagtipon sa mga bubog na hawak at inusisa ang nakita ko. Paano maiipit ang bubog na ito sa pader ng mga bato kung walang puwang na dapat maiiwan. Ang bawat bato rito na ginamit upang maging pader ay nakadikit ng maayos at pilit sinisiksikan ng pandikit nito. Pinasadahan ko ng aking kamay ang pader na gawa sa pinagpatong patong na bato, inaasahan kong may siwang ngunit wala kaya paanong maisisiksik ang bubog dito pwera na lang kung ---.

'The clues are anywhere to be found

Let your heart dive the sea of the ground

Feel the truth that it may throw

Don't be drowned with the pain of the lies they made you grow

Look around for it may be at your front

Look everywhere for the hidden mystery of thyself

Beware for the truth that it beholds

Make thyself comfortable but never get too attached into the ancestral halls'

"Never get too attached into the ancestral halls."

"Anong sabi mo?"

"Never get too attached into the ancestral halls." Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang huling linyang sinabi, eto lang naman ang ancestral hall at  ang siwang sa dalawang batong nasa harapan ko lamang ang maaaring may pagsiksikan.

Sumilay ang ngiti sa aking labi, nasa siwang na ito yata ang hinahanap namin ni Klero. Hindi na ako nag isip pa at pilit tinanggal ang bubog na nakaipit dito.

Napapikit ako ng mariin sa sakit na idinudulot ng pagbaon ng bubog sa akin daliri. Hindi ko tuloy napigilang mabulyawan si Klero. "Ikuha mo nga ako ng patpat yung kayang ipasok sa maliit na siwang na ito."

Nanginginig na ang aking kamay sa hapdi ng bawat pagbaon ng bubog ngunit kailangan ko talagang alisin iyon. Hindi ko na inintindi ang sakit at hapdi gayundin ang dugong umaagos sa kamay ko, kailangang matanggal ko na ang bubog na ito.

Saktong pagkatanggal ko sa bubog ang siya naman pagdating ni Klero dala dala ang isang katatamtaman sa nipis na kawayan. Daglian ko itong inabot at isiniksik sa siwang.

"Mamaya na iyan, dumudugo ang kamay mo Reen kailangan niyang magamot." 

Hindi ko pinansin ang pag aalala niya bagkus ay sinungkit ko ang siwang na ito. Sana naman ay tama ako ng hinala.

Napangiti ako ng bahagyang umaabante palabas ang isang bato kaya mas pinag igi ko pa ang ginagawa. Napapakagat labi na lang ako kapag nararamdaman ang sakit ng mga sugat ko sa kamay dahil sa higpit ng hawak ko sa kawayan.

Napatawa ako ng makitang kalahati na ng bato ang nakalabas. Binitawan ko na ang patpat at hinila ng dahan dahan ang bato hanggang sa mailabas ko ito ng buong buo.

Nakita ko pa ang nakaawang na bibig ni Klero ng mapalingon ako rito ngunit hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin. Mas mahalagang malaman namin kung ano ang nasa loob kaya agad kong ipinasok ang kamay rito ng hindi nag iisip kung may ahas ba o anong insekto sa loob.

Lihim akong napangisi ng may makapang plastik sa loob. Ng mahawakan ko nang mahigpit ay dali dali ko itong hinila palabas.

Lumitaw sa harapan ko ang isang katamtamang laki na ziplock at may lamang papel sa loob. At napailing na lang ako sa nakitang nakasulat dito.

Good job for finding the first clue in the task of Ancestral Stonehouse. I do hope na hindi kayo nag away para lamang makuha ito, subalit kung magkagayon nga hindi naman ito ang huli at may matututunan din naman kayo. Enjoy diving the depths of the ground and finding what's in your front.

-Grandma Ann

Marahan na lang akong napailing sa sinabi ni grandma, hanggang sa notes ang lalim niya pa rin.

But at least we got our first clue.