Chereads / Remnants Of The Past / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 5

Don't Call Me Eleanor

Nalukot ang muka ko ng marinig ang mga sermon ni kuya Nathan sa aming dalawa ni Klero. Can't I just take a break, nakakukulili sa tenga ang panenermon niya.

"Aray naman!" singhal ko kay Klero ng madiinan niya ang paglilinis ng sugat ko.

"At ngayon aaray aray ka riyan Dyreen Eleanor. Kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga na pinilit pa ring alisin ang bubog gamit iyang kamay mo edi sana hindi mas malalim ang iyong sugat. Hindi ko alam kung saan ka pinaglihi nila tita at ganyan katigas ang ulo mo. Sa pagkakaalala ko mababait naman sila Daphne at Kristoff, ampon ka yata kaya ka ganyan." Sinamaan ko siya ng tingin ng sabihin niya iyon. I was the carbon copy of my mom so how could he tell that I am adopted.

Itinaas nito ang kanyang kamay habang ngingiti ngiti lang sa akin. "Sorry for that, alam kong carbon copy ka ni tita. I'm just joking little Ele."

Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. He really knows how to pissed me off big time. Alam niyang ayaw na ayaw ko ang palayaw na iyan kahit kailan. Sino ba ang may gusto niyan by the way.

"Ok, ok. I'm just joking around napakaseryoso mo naman kasi Dy. You really need some fun in your bones para naman maging masaya ka."

Inirapan ko siya bago ngumiti ng matamis. Napansin ko ang ilang beses na paggalaw paitaas at paibaba ng Adam's apple nito. Oh! So he's scared of me.

"H-hoy Dy, wag mo 'kong ngingitian ng ganyan. Even you can scare the hell out of me with that smile, I still have the ace. One dial and grandma can blow your protection." pagbabanta nito na nakapagpatigil sa akin. I'll just continue this kapag wala na siyang balang pwedeng ipanlaban sa akin. But for now mananahimik muna ako rito habang ginagamot ni Klero ang mga sugat ko. But that doesn't change the fact that he's scared of me at advantage ko iyon sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas at binitawan na ni Klero ang kamay ko. "It's done, sa susunod wag mo ng uli gagawin iyon. Hindi ka man lang nag iisip bago ka magdesisyon." Pangaral niya.

"Yeah, yeah whatever at least nakuha natin ang clue na tinutukoy ng poem. And I guess so marami pa tayong hahanaping clue sa loob ng bahay na ito."

"I agree with you Ele mukang marami pa tayong hahanaping clue." sambit niya habang nakatingin sa papel na kanina lamang nasa loob ng ziplock.

Naikuyom ko na lamang ang kanang kamao para maitago ang inis sa pagbanggit niya ng Ele. Wala akong pakialam kung ang bilis kong mainis ngayon. What I know is ayokong tinatawag ako sa palayaw na iyon nakakarindi lang. Actually I didn't know the exact reason why pero ayokong may tatawag sa akin ng ganoon.

Napakurap ako ng biglang may pumitik sa harap ng mata ko. "Nakikinig ka ba Ele?"

Napasimangot na lang ako sa sinabi niya. "How many times I'm going to tell that I don't want to be called Eleanor, Ele or what so ever nickname from that old school name. Mahirap ba iyong intindihin?"

"Eleanor don't throw tantrums now. Kailangan nating magtulungan para malaman kung anong isinasaad sa clue na i--" nahinto siya ng ibagsak ko ang kamay sa lamesa. Well enough is enough and I'm too pissed off.

I pursed my lips at badabog ng tumayo. Ayoko na lang makipagtalo dahil hindi rin naman nila maiintindihan. They will never understand what is the reason dahil kahit ako hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

Narinig ko pa ang pagpigil ni Klero sa akin ngunit nagbingi bingihan na lamang ako at umakyat na sa hagdanan. I had enough for this day at hindi ko na kaya pang makipagtalo sa kanila. If they think that I'm being childish then be it. Bahala sila sa buhay nila.

Napapikit na lang ako ng pabagsak akong humiga sa kama. Dinama ko ang kalambutan nito na siyang nagpakalma sa akin kahit papaano. Pahinga talaga ang kailangan ng mainit kong ulo.

Honestly hindi ko talaga alam bakit ayaw na ayaw ko sa Eleanor. Seems like a good name but still old fashioned. My mom and my cousins used to call me Eleanor or Ele but I started to hate it since we fly to US.

Hindi ko rin alam kung bakit? I don't know any reasons why I should hate that name this much. All I know is one day when my mom called me using that name I nearly destroyed every single thing I see.

This is really frustrating. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I can't even understand myself why I am acting like this. I know that throwing tantrums earlier is such a childish act but I can't help it. Nagagawa ko na lang bigla iyon kapag sinasabi nila ang nickname kong iyon. I just don't know why I despise that nickname.

Napabuga na lang ako ng hangin. Ayoko na lang mag isip kung bakit. I will just stress myself and then what, I will clutch my chest afterwards because of the pain inside. Baka mas lalo lang akong mainis.

"Ok Dyreen, relax... just relax." paulit ulit kong bulong sa sarili. I need this encantation to help myself be relax.

Naputol ang konsentrasyon ko ng may kumatok sa pinto. Napabangon agad ako upang tignan kung sinong damuho ang umabala sa aking pagrerelax.

Pagbukas ko bumulaga sa akin ang isang taong ayokong makita. Walang anu ano'y sinara ko agad dahil ayoko ngang makausap ni makita ang lalaking iyon. Masyado na siyang maraming kasalanan sa akin.

"Sandali lang naman Elea--- este Reen," pigil nito sa pagsara ko ng pinto.

"Umalis ka na dahil ayoko kitang makita kahit makausap. Gusto ko ng peaceful na pamumuhay ngayong araw." Bwelta ko habang patuloy sa pagsara ng pinto at wala akong pakialam kung masaktan man siya. Serves him right.

"Awww! Awww! Aray ko!" daing niya bago ko tuluyang maisara ang pinto.

"Wala ka bang konsensya at nagawa mo sa akin ito?" Sigaw niya.

"Wala, kung ikaw lang naman ang pagbibibigyan. Umalis ka na iniistorbo mo ako."

Hindi pa ako nakakabalik sa kama ng mapatigil ako dahil sa mga pagbayo niya sa pinto ko. Madilim na ang aura na inilalabas ko dahil sa pagkainis na nararamdaman.

Walang sabi sabing binuksan ko ito dahilan upang magdive siya sa konkretong sahig ng aking kwarto. Gusto kong matawa sa itsura niyang nakataas ang pang upo habang plakda ang muka ngunit pinigilan ko dahil nga inis pa rin ako sa kanya.

"Ilang isda nahuli mo?" Nagmadali siyang bumangon ng marinig ang tanong ko.

"Tatlo tapos nakakawala lahat kaya wala na," tatawa tawa niyang turan. Hindi ko maiwasang paikutin ang aking mata dahil sa pagbibiro niyang napakamais.

"Ok ka na diba? Makakaalis ka na sa kwarto ko." Iminuwestra ko pa ang kamay ko na pinapaalis siya subalit umiling lang ito.

"Alam mo kasi Reen kailangan nating pag usapan ang tungkol sa first clue. Kailangan mong malaman ang laman ng ziplock na natagpuan natin sa hall nitong bahay."

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Ilang minuto lang din itong nakatitig sa kamay ko bago natauhan. "Wala akong candy Reen, kumuha ka na lang sa baba." Gusto ko siyang itapon sa malapit na dagat at lunurin, napakaslow niya.

"Mali ba ako? Ano bang hinihingi mo?" taka niyang tanong.

"Yung ziplock... asaan ba at ng makita ko ang nakalagay. Kaya ko namang hanapin ang clue kahit hindi ka kasama."

Napailing siya sa akin. "Hindi pwede. Nakalimutan mo na ba ang bilin ni lola Ann na sinabi ni Nathan. We should be together when finding those clues or else our freedom and protection will blown up."

Napapadyak na lang ako sa inis ng maalala ang sinabing iyon ni kuya. Bakit ba kasi ibinilin ni lola iyon, edi sana hindi ako naiinis ng ganito dahil kasama ko ang lalaking ito.

"Fine!" pagsuko ko. "So nasaan nga ang ziplock?"

"Na sa ibaba, sa may lamesa sa kusina." Tumango ako at nagmadali na upang bumaba. Hindi ko na siya inintay dahil inis pa rin ako sa kanya. Hindi madaling mawala ang inis ko kaya magdusa siya.

Pagbaba ko sumalubong sa akin ang nakangiting muka ni kuya Nathan. "So napababa ka nga ni Lucas."

Inirapan ko lang siya at umupo sa upuan ko kanina.  I have no time playing with their games. I'm still pissed off kaya wag na nilang dagdagan pa.

"Good job bro, napasunod mo ang --- Aww!" reklamo ni kuya ng bigla ko siyang hampasin gamit ang kaliwa kong kamay.

"What's your problem Dy, nagsasabi lang naman ng  --- Aray, sheet masakit Dyreen." Inirapan ko na lang siya bago itigil ang paghampas ng ilang beses sa braso niya.

"Saan na ang note ng first clue natin?" tanong ko kay Klero at bahagya naman niyang inabot sa akin ang ziplock.

May dalawang piraso ng papel sa loob. Ang note ni lola ang una na nakasulat sa bond paper at ang ikalawa ay sa bond paper din. Napatigil ako ng masalat ang ikalawang papel, hindi siya bond paper. Matigas ito at medyo glossy. Sinuri ko pa ito at natuklasang ito ay isang water color paper. Papel na ginagamit kung watercolor ang gamit na medium ng artist.

Nakakapagtaka lang na sa ganitong uri ng papel isinulat ang unang clue.  Sa bond paper na lang sana para less gastos.

Ng tignan ko ang kabuuan ng papel, nakasulat sa gitna ang isang two stanza poem at may background ito na pinaghalo halong kulay ng black, violet, blue, pink at white. Ang background ay tila galaxy ang tema.

"Look wide and see an elegant and united persons it must be

For they're wearing beautiful clothes with aesthetic rose

Burning passion inside their eyes

As they possess within, the aura of folks

Give attention to the colors they foresee

Make them wonder at the theme they wanted to be

Express yourself through colors of light

Use dark to stain the ground that seems right" basa ko sa  tula.

Pinaulit ulit ko ang pagbasa sa tula habang nakatingin pa rin sa papel na pinagsulatan nito. Galaxy ang background nito ngunit parang wala namang kinalaman ang tula sa galaxy. Napakalayo nga ng kaugnayan nila, hindi, hindi siya malayo kasi wala namang kaugnayan.

"Reen may nakita ako ng itaktak ko ang ziplock." Napalingon ako kay Klero matapos niyang sabihin iyon. Tinignan kong mabuti ang nasa kamay niya. Mga brush strands na may kulay.

Pinulot ko ang isa sa mga nasa kamay ni Klero at pinilit tanggalin ang kulay na nakabalot dito. Madali ko lang nagawa iyon ngunit anong mayroon sa brush strands na iyon sa 1st clue na mayroon kami. Binalikan ko lang tingin ang papel at pinasadahan ng aking kamay ang galaxy na background nito. Magaspang ito, kaya tiyak kong ipininta lamang ito.

"Pinta?" mahina kong bulong sa sarili.

"Pinta? Anong kinalaman ng salitang iyon Reen."

Hindi ko inintindi ang sinabi niya at binasang muli ang 2nd stanza ng poem. Colors? Theme? Light? Stain? Ang lahat ng iyan itinuturo ang isang painting.

Iginala ko ang mga mata ko ngunit bigo akong makakita ng painting dito.

"Klero maghanap ka ng painting sa bahay na ito. Iyon ang tinutukoy sa 2nd stanza ng tula."

Hindi ko na inalam kung umalis siya at kung saan nagpunta para maghanap ng painting, nagpokus ako sa 1st stanza. Hindi ko maintindihan kung anong mayroon sa 1st stanza at may kaugnayan siya sa 2nd stanza.

Look wide and see an elegant and united persons it must be

For they're wearing beautiful clothes with aesthetic rose

Burning passion inside their eyes

As they possess within, the aura of folks

Anong ibig mong sabihin? Anong mayroon sa iyo para iugnay ka sa isang painting?

"Reen may mga painting sa living room." Napatigil ako sa pag iisip ng marinig galing kay Klero iyon. Napasapo ako sa noo ng makalimutan kong mayroon ngang painting doon.

Bitbitbit ang papel sumunod ako kay Klero papuntang sala. Doon ko nakita ang iba't ibang painting. Maliliit lamang ang mga iyon na sa tansiya ko ay hindi lalagpas ng sampu. Mayroong talon, bundok, dagat, bulaklak, pamilya, magkasintahang nanonood ng paglubog ng araw at... sandali pamilya?

Napabalik ang tingin ko sa painting ng isang pamilya. Ilang minuto ko pa itong tinitigan bago napagtantong kami ang naroon. Ipininta ito nang ako ay anim na taong gulang pa lamang. Buhay pa si lolo Lenard nang panahong ipininta ito.

"Iyan ba ang tinutukoy sa clue?" Umiling lang ako bilang sagot.

"Bakit titig na titig ka riyan?" usisa niya.

"Pamilya namin ang nakapinta rito. Nakakatuwang dito pala ito dinala simula ng mawala siya sa aming bahay."

"Namimiss mo na ba sila?"

"Oo, lalo na ang mga lolo at lola ko kaso si grandma Ann na lang ang buhay at si grandpa Len matagal na siyang namayapa." turo ko sa lalaking katabi ni grandma. "At sila grandma Allyza at grandpa Josh nasa ibang bansa naman at hindi pa rin umuuwi rito sa Pilipinas." turo ko naman sa babae at lalaking may edad na katabi ni papa.

"Soon after this puntahan mo ang mga lola at lolo mo. You should spend more time with them."

"Thank you, pero wag mong isiping ayos na tayo dahil sa ganyan mo. We still aren't." sambit ko at dumako na ang paningin ko sa katabing na painting nito.

"Saglit Reen..." napalingon ako ng tinawag niya ako. "Iyong painting ng pamilya niyo, napansin ko lang na bawat damit niyo may nakalagay na roses at iba iba pa ang kulay. Mahilig ba kayo sa roses or may meaning sa inyo iyan?"

Tinitigan ko ang mga damit namin at nakita ko ang mga rosas doon. "I remember that I asked grandma about those roses in our clothes. Sabi niya sa akin roses is the symbol of our family. Sinabi niya rin kung bakit pero hindi ko rin naintindihan dahil masyado pa akong bata nang mangyare iyan."

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin pa rin sa painting ng pamilya namin. Roses. May rosas kami sa aming mga damit. Binalikan ko ng tingin ang papel na hawak. 'Their wearing beautiful clothes with aesthetic rose.' Hindi kaya ito ang hinahanap namin?

"Klero bilisan mo kunin mo iyong painting, malakas ang kutob kong nandiyan ang susunod na clue na hinahanap natin."

Itinuro niya pa ang painting ng pamilya namin. "Iyan?" Tumango ako rito kaya walang alinlangan niya itong kinuha.

"Paano mo naman nasabing nariyan ang hinahanap natin?" tanong niya habang inilalapag sa maliit na mesa ang painting.

Umupo muna ako sa upuan bago magpaliwanag. "Simple lang, ang sinasabi sa ikalawang stanza na 'Give attentions to the colors they foresee

Make them wonder at the theme they wanted to be

Express yourself through colors of light

Use dark to stain the ground that seems right' sinasaad sa mga keywords na iyan ay isang painting. From the colors and theme, same with the stain at the ground. The stain is somewhat a marked on something but it is also associated with painting. Stain somewhat means to use a special liquid to change color of something. Therefore I conclude that the stanza is pointing a painting."

"At bakit naman iyang family portrait niyo ang kinuha natin samantalang may iba pa namang painting dito sa sala?" Halos mapaikot ko ang aking mata sa tanong niya, it isn't obvious? The poem states it pero mukang kailangan ko pa ring ipaliwanag.

"Look wide and see an elegant and united persons it must be, from that line mahihinuha mo ng maraming tao na elegante at may pagkakaisa ang itinutukoy nito. Sa mga painting na nandirito, ang family portrait lamang namin ang pasok sa description na iyan. For they're wearing beautiful clothes with aesthetic rose, tinanong mo sa akin kung mahilig kami sa rose dahil napansin mo ang rosas sa aming damit. Our clothes in the portrait are all fascinating and it have roses in it. The aura of folks, ang kasama namin sa portrait ay kapamilya namin. Folks means relatives. If you will sum up the whole poem, it tells us our family portrait." Tumango tango lang ito sa akin na at kitang kita sa ekspresyon niya na tila nagagalingan ito sa paliwanag ko. Seriously?

"Baliktarin mo na iyan ng makita natin ang clue."

Ng gawin niya ito nakita namin ang nakadikit na papel sa likod nito. Kumurba ang labi ko sa saya. We get two clues in just one day, what an achievement! Ibig sabihin nito magtatagal pa kami rito.

"Thank you for cooperating with me Eleanor." Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Hindi talaga siya marunong makinig.

"For the last time Mr. Lucas Klero Villa don't ever call me Eleanor." banta ko bago padabog na lumisan.