Chereads / Remnants Of The Past / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 3

Proposal

Katatapos ko lang kumain ng agahan katulad ng paanyaya ng pinsan ko kanina ng maabutan niya kami sa nakakailang na pwesto ng hinayupak na si Klero. Ready na uli akong makipag away sa lalaking ngisi nang ngisi sa harapan ko ngayon ngunit pinipigilan ko ang sarili sa bilin na rin ni kuya Nathan.

Napalingon ako sa lalaking kauupo lang sa gilid ko. The ever handsome but shit face cousin, Nathan Salazar.

"So my dear Dyreen, ako ang magbabantay sa inyo ni Lucas alinsunod na rin sa utos ni grandma. No monkey business both of you. Pasalamat kayo na hindi ko kayo isusumbong kay lola tungkol sa mga nakita ko kanina, pero wag na sanang maulit iyon. I'm just kidding when I said I want a twins from the both of you." Seryoso niyang sambit na nagpaikot lang sa mga mata ko. Seriously do monkey business with that jerk, definitely no. I rather die than do some filthy business with him.

"Dyreen listen to me carefully, mamaya na iyang mga sintemyento mo sa iyong utak. You are here cause you escaped from tita and tito same as Lucas he escaped his parents. Grandma tells me that so I had no choice but to look after the both of you."

"So kuya Nathan would you explain to me bakit pumayag si lola na patirahin dito iyang talipandas na iyan?"

"Dyreen watch your words. Mabait iyang si Lucas at matagal na rin siyang dito nakatira. Ang pagtira ni Lucas dito ay isang token dahil sa pagliligtas niya kay lola ng minsang muntikan na siyang madisgrasya," paliwanag ni kuya.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa lalaking nasa harapan ko na ngayo'y nakangiti na lamang samantalang kanina nakangisi ito sa akin. I didn't know he has a soft heart like that, akala ko ay puro kalokohan lang ang alam nito.

"Ok sorry for that kuya pero siguro naman dapat kong malaman kung ano iyong mga task na sinasabi sa papel na ito," ipinatong ko ang isang medyo lukot na 1/2 bond paper sa mesa.

"You have the half of the bond paper?"

Napataas naman ang kilay ko sa pagsasalita ni Klero ngunit napalitan ito ng gulat ng ilapag niya ang isang lukot na 1/2 bond paper sa lamesa.

"Bago kayo magreact ng kung ano ipapaliwanag ko ang papel na hawak ninyo. Isang bond paper lang talaga ang hawak ninyo subalit hinati ito at ang unang bahagi ay ibinigay sa iyo Lucas at ang ikalawa naman ay sa iyo Dyreen. Ang mga iyan ay ---"

"Kuya bakit lugar lang ang nasa papel na hawak ko?" pag uusisa ko sa kanya.

Napasimangot naman sa akin ito, "Ang kulit sabing ako muna ang magsasalita dahil ipapaliwanag ko nga diba."

Napatango naman agad ako sa pagsusungit nito. Kahit kailan talaga ang short tempered ni kuya.

"As what I'm saying ang mga iyan ang gagawin at pupuntahan niyo kapalit ng pagtakas at pamamalagi niyo rito sa Batanes. Grandma will do everything so your families won't ever get a lead that the both of you are here as long as you'll do the task."

"Anong mangyayari kapag hindi namin ginawa ang nakalagay sa papel?" pag - uusisa ni Klero.

Ngumiti ito ng nakakaloko sa amin, "Grandma will send the coordinates of her house in your families. At kahit saan kayo magtago rito walang tatanggap sa inyo. Even the airlines won't allow you to get a plane ticket and the Ivatan Princess won't allow you to get a ticket to ride a boat. That's the influence of our grandma."

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan sa sinabi ni kuya, grandma is really scary. I know that she was scary but what I didn't is that she was a demon like if we don't obey her. We had no choice but to do the task. I mean hindi naman sa hindi ko gusto dahil iyon naman ang ipinunta ko talaga rito pero si Klero... I doubt it.

"Going back sa bond paper na hawak ninyo, ang unang kalahati na hawak mo Klero ay mga task na gagawin niyo rito sa Batanes. Samantalang ang hawak mo Dyreen ang mga lugar na pupuntahan niyo para gawin ang task. Walang time limit ang gagawin niyo pero pinapayuhan ko na kayong gawin ng mabilisan ito dahil ayokong mamalagi ng matagal sa Batanes. I have a family to take care of at namimiss ko na rin ang mga babies ko."

"I miss Diem and Atlas too." sabay naming bigkas ni Klero kaya naman napatingin ako rito. How come he knew my nephews. Who really is he?

"Kuya Nathan paano niya nakilala sina Diem at Atlas?" tanong ko habang nakikipagsukatan ng tingin kay Klero. I feel the tension between us and it feels like there is an imaginary electricity between our eyes.

"Chill lang kids. Si Lucas ay matagal ko ng kaibigan, a childhood friend kaya kilalang kilala ko na siya. Siya rin 'yung sinasabi kong ninong nina Diem at Atlas na hindi makapupunta nang binyag nila." Tumango tango na lamang ako sa paliwanag niya at iniwas na ang tingin sa lalaking nasa harap ko.

Napatingin ako sa tabi ko ng bigla itong tumayo sa pagkaka upo. "So I better leave the both of you here to get along with each other. Better know each other dahil mas madalas na kayong magkakasama. See you around the house Dy, Lucas."

Naglakad na siya paalis ng bigla itong tumigil at lumingon, "By the way hindi pwedeng hindi niyo magkasamang gawin ang mga task, bilin iyon ni grandma. Kaya kung ano man ang girian niyong dalawa itigil niyo na habang maaga pa, mahirap kung walang teamwork sa mga task. I knew it cause I'd been in the same situation before."

Hindi ko na narinig ang huling sinabi ni kuya dahil naisarado niya na ang pinto. Alam kong may sinabi siya at pakiramdam ko mahalaga iyon pero bakit ganoon hindi ko narinig. Arghhh! I hate myself. Dapat pinakinggan kong mabuti ang sinabi niya para di ako nag iisip ng ganito. It must be important.

"Ahm, Reen?" Agaw atensyon nito sa akin kaya naman tinitigan ko lang siya na parang sinasabing 'Ano ba iyon? Can't you see I'm busy thinking right now?'.

Napabuntong hininga siya bago ituro ang nasa likod ko. Sinundan ko naman ng tingin ang itinuturo niya at bigla na lamang akong nakaramdam ng hiya ng mapagtanto kung ano iyon.

Geez, ang mga kamay ko iyon na kasalukuyang nakasabunot sa buhok ko. Ghad! Nakakahiya naman ito at sa harap niya pa talaga. For sure I'm red as a tomato right now because of the embarrassment.

Nakarinig naman ako ng mahinang tawa kaya napatingin agad ako sa kanya. At tama nga ako kay Klero nanggagaling ang mga tawang iyon.

Did he just laugh at me while I feel embarrassed in front of him. Unbelievable man. He's totally a jerk.

"Hep, hep, hep..." pigil niya sa akin dahil mukang alam na niya ang tumatakbo sa isipan ko. And yes he's right dahil baka kung hindi niya ako pinigilan tiyak na kakalbuhin ko siya.

"Maybe we should start a new beginning Reen. Alam kong panget ang una nating pagkakikilala pero mapapalitan naman siguro ang iyong pananaw kung magsisimula tayo ng panibago 'di ba?" Tumango na lamang ako bilang pagsang ayon. Maybe he was right pero hindi pa rin abswelto ang pagnanakaw niya sa first kiss ko.

"To formally introduce myself to you, I'm Lucas Klero Villa the person who once saved your grandma." saad niya bago nilahad ang kanang kamay.

Malugod ko naman itong tinanggap, "I am Dyreen Monteverde the person you will be with in your journey at Batanes." Binitawan ko naman agad ang kamay niya matapos ang pagpapakilala ko.

"So Reen, would you tell me why you are here?"

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba o hindi. Siguro naman mapagkakatiwalaan siya tutal ilang linggo rin kaming magkakasama so better tell him the truth.

"A--"

"Ok lang naman kung hindi mo sasabihin. Let's talk about the destinations and tasks na ibinigay ni Grandma Ann." Pag iiba niya sa usapan.

"Saglit lang naman, I'm willing to tell it. Dapat mo lang naman sigurong malaman since makakasama mo ako for more than weeks or a month," saad ko at tumango tango na lamang ito.

"Umalis ako para hanapin yung nawawalang piraso sa buhay ko. I want to find that missing piece kaya ng mag offer si grandma na pumunta akong Batanes, I grab the opportunity. It feels like I can find it here. At gusto ko ring takasan muna sila mommy dahil kinokontrol na naman nila ako. Akala ko tapos na sila roon, hindi pa pala... kaya naman heto nandito ako."

Tumango tango lang ito sa akin na ikinataas naman ng kilay ko. Ganoon lang iyon. Tatango lang siya tapos walang reaksyon. Oh come on, hindi ba siya magsasalita kung bakit naman siya narito. Well it's not fair kung ganoon nga.

"Sa totoo lang almost a year na akong nakatira sa bahay na ito simula ng alukin ako ng grandma mo. I remember the day that your grandma would be hitted by a fast running car, and gladly I saw it so before she will be hit I immediately pushed her. Nadisgrasya ako no'n pero wala lang iyon kumpara sa sayang naramdaman ko ng mailigtas ko si lola..." My heart melts when I hear the story on how he saved my grandma. Siguro maloko lang talaga siya pero mabuti siyang tao. I should never judge him easily because of what happened earlier but still that's my first kiss and he should pay for what he had done.

"Your grandma shouldered my expenses kahit ang sinabi ko huwag na. Nang mga panahong iyon ay huling araw na ng bakasyon ko rito pero mas pinili kong iligtas si lola dahil alam kong hindi niya deserve ang madisgrasya. She offered me also to stay in her house here, it was a token of gratitude for saving her life. Sa una tumanggi ako pero mapilit si lola kaya napapayag ako. My mom and dad called me several times dahil hindi nga ako nakauwi ng Manila and gladly hindi naman nila ako hinanap so I'm safe here for awhile. Pero tinanong nila ako that time kung nasaan daw ba ako. I lied to them telling that I'm out of the country having a 'bakasyon grande' but I explained that I will still work even I'm overseas. Wala na silang reklamo dahil ang mahalaga lang naman sa kanila ay magtrabaho ako as the heir of the companies we had even though andiyan naman ang kuya ko."

"You wouldn't mind if I interrupt right?" tanong ko sa kanya at marahan naman siyang tumango. "It's nice to hear that story how you saved grandma and received a token of gratitude from her but Klero what I want to know is why are you here now and need the protection of my grandma by accomplising her task?"

Napayuko at napabuntong hininga na lamang siya bago diretsong tumingin sa mata ko, "Last month I decided to go home. And, nalaman kong nagdesisyon sila mama at papa na ipakasal ako sa isang babaeng hindi ko pa nakikita or nakikilala. I told them na ayoko dahil hindi naman iyon ang kagustuhan ko and I insist to them na kay kuya Carlo na lamang nila gawin iyon, pero hindi sila pumayag dahil sa ako raw ang namamahala sa kumpanya. It's a bit unfair sa totoo lang dahil mas lagi nilang pinapaburan si kuya kahit mali na ito, kaya heto ako ngayon sa harap mo at magiging kasama sa paglalakbay dito sa Batanes. I asked the help of your grandma para matakasan ko sila mama at papa and hopefully huwag sana nila akong mahanap. I don't want to marry someone I didn't know."

"You know what, we don't have to be part of the cliche system of the business." sambit ko kaya napatitig siya sa akin na ikinaikot naman ng mata ko. "Yes, you heard it right dumb. Dahil maging ako ipinagkasundo rin at ayoko ng ganoon. I love my freedom and no one can take it away from me even my parents. Kaya what I'm telling you is we don't have to be part of that system. We fight for our freedom together after this journey in Batanes cause they don't have the rights to control us for their own sake."

"Are you proposing a deal Dyreen Monteverde?" mariin niyang tanong.

Napangisi ako ng mapagtanto ang mga sinabi, "If it sounds like that, then I'm doing one."

Inilahad ko ang kamay ko bilang tanda ng pakikipagkasundo. "Deal?"

Napangiti siya at inabot ang kamay ko. Akala ko nga hindi siya magsasalita ngunit mas lumawak ang ngisi ko ng marinig ang isang salitang gusto kong marinig.

"Deal."

-------------------------------

So guys what can you tell about this chapter. Comment your reactions and suggestions. Message me for the corrections.

About the Ivatan Princess, maybe some of you know that it was not operating and the only way to reach the province of Batanes is thru the air. I've done my research and the Ivatan Princess, a small boat that are traveling from Currimao Pier (Ilocos Sur) to Batanes and vice versa  are not operating since a passenger ship, M/V Ivatan Princess have been lost off Calayan Island. So the operation of Ivatan Princess here are purely fictional. Again the only way to reach the Batanes province is thru air.

Enjoy reading and lovelots.

•Riyan Kez