(Kensington High School, mid-afternoon)
(Mikki's POV)
NAGLALAKAD ako palabas ng school nang biglang tumigil sa harapan ko ang isang motorsiklo. Tinanggal ng rider ang nakakabit na helmet sa kanyang ulo at nagulat ako pagkat si Yusof pala yun.
"Oh, Yusof! Napadaan ka. May kailangan ka ba sa akin?" bati ko sa kanya.
"Wala naman. Uuwi ka na ba?" tanong niya sa akin.
"Oo eh."
"Hatid na kita." anyaya niya sa akin.
"Naku, wag na. Tama na sa akin na isang linggo mo akong hinatid-sundo sa bahay. Tsaka mukhang nakakaabala na ako sayo." maayos na pagtanggi ko pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Sige na, pagbigyan mo na ako. Nasanay na akong ihatid-sundo ka eh. Tsaka masaya ka kasing kasama. Hindi ako nabo-boring palagi kapag nandyan ka." at ngumiti siya ng makahulugan, dahilan para bigla akong mag-blush.
Ba't kaya bigla akong na-conscious sa sinabi ng Yu-Ef-Ow na 'to? Di naman ako nagkakaganito noon kapag kausap ko siya ah.
* feeling confused *
Natigil lang ako sa pag-iisip ko nang maramdaman kong sinuutan na ako ng helmet ni Yusof.
"Hatid na kita." at isinakay na niya ako sa kanyang motor. Pagkasakay ko sa motor ay sumakay na rin siya at pinaandar na niya ang makina.
"Kumapit ka sa akin. Baka mahulog ka." sabi niya sabay lagay niya ng kamay ko sa tummy niya.
Waah! Namamanyak na naman ako ng di oras!
Nung pinaandar na niya ang motor ay napakapit na lang ako sa tummy niya para hindi ako mahulog.
(Roswell's Mansion)
(Mikki's POV)
"WERE here." sabi niya sabay tanggal niya ng helmet niya. Tinanggal ko na rin ang helmet sa ulo ko sabay sabit sa manibela ng motor niya.
"Thank you ha." sabi ko sa kanya.
"You're welcome." he said.
"Sige, pasok na ako sa loob." at papasok na sana ako sa loob nang bigla akong pigilan ni Yusof.
"Bakit?"
"Goodnight." he said.
And unexpectedly...he kissed me on my cheeks.
Magsasalita na sana ako nang tumalikod na si Yusof at sumakay na siya sa motorsiklo niya.
Habang nakita kong humaharurot palabas ng mansyon ang motorsiklo niya ay naiwan akong nakatulala at hindi makaimik sa sobrang pagkagulat.
Until...
* dug dug *
* dug dug *
* dug dug *
* dug dug *
My heart skips a beat.
Shit.
Ano 'tong nararamdaman ko? Ba't di ko maintindihan?
Di kaya...
Mahal ko na si Yusof?