Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 63 - CHAPTER SIXTY TWO

Chapter 63 - CHAPTER SIXTY TWO

(De Vega Group of Companies, afternoon)

(Vivian's POV)

PAPASOK na sana ako ng opisina kasama si Diana nang mapansin kong sarado ito. Sinubukan kong buksan pero hindi ko naman mabuksan.

"Malamang ay naka-lock ang pinto nyan." sabi ko habang pinipilit kong pihitin ang pinto.

"Ganun ba? May susi akong dala." at inilabas ni Diana ang susi sa bag niya. Siya na rin ang nagbukas ng pinto ng office.

Pagbukas ng pinto ay pansin kong nakasara ang ilaw ng office.

"Sarado ang ilaw. Mabuksan na nga." at binuksan ko ang ilaw. Pero laking gulat ko nang tumambad sa akin ang isang magulong kwarto na may nakapaskil na mga larawan ng pagkamatay ni Elbertson, paglason ko sa mayordoma ng mga De Vega na si Ising at ang sapilitang pagtataboy ko sa anak ni Albert na si Chelsie sa pamamagitan ni Jane. Napasigaw ako sa sobrang pagkagulat.

"HINDI! HINDIIIIII!!!!!!!!" at natataranta kong isinara ang pinto ng opisina. Gulat namang lumapit sa akin si Diana.

"Bakit Vivian? May problema ba?" takang tanong sa akin ni Diana.

"W-wala. Wala akong problema...w-wag mo akong alalahanin..." ang uutal-utal sa takot na sabi ko sa kanya.

Ayokong malaman ni Diana ang sikreto ko.

Ayokong magbago ang tingin niya sa akin.

Ayoko.

"Ganun ba? Ba't di mo na buksan yang opisina mo?" at akmang papasok na sana sa loob si Diana nang pigilan ko siya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Diana.

"Me-medyo magulo pa kasi sa loob eh. A-aayusin ko muna sandali. M-makakapaghintay ka ba?" ang tila natatarantang sabi niya sa akin.

"Sige. Makakapaghintay naman ako." sabi ni Diana.

"Salamat ah." at dali-dali na akong pumasok sa loob ng opisina. Isinara ko ng maigi ang pintuan maging ang mga bintana. Inihanda ko kaagad ang basurahan at pinagtatanggal ko ang mga pictures na nakadikit sa pader ng opisina. Nang matanggal ko na ang mga pictures ay nilinis ko ang buong opisina. Medyo natagalan din ako dahil sobrang magulo ang opisina.

Nung matapos na akong maglinis at mag-ayos ng mga kalat ay pinapasok ko na si Diana sa loob. Napalinga-linga siya sa buong opisina.

"Wow. Ang ganda at ang laki ng office mo ah." sabi niya habang inililibot niya ang paningin niya sa paligid.

"Thanks. Yung anak ko ang nag-ayos ng office para sa akin. Pangarap niya kasing maging architect at interior designer kung kaya naman tinutulungan niya ako paminsan-minsan sa mga gawain dito sa office. Kaya nga proud na proud ako sa anak ko." ang nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ang swerte mo naman sa anak mo..." and she smiled. "Sana magkaroon din ako ng anak na katulad niya."

"Ano ka ba, Diana? Siyempre, magkakaanak ka rin balang-araw...kapag naging kayo ni Arthur." sabi ko.

"Ikaw talaga Vivian, puro ka biro. Magkaibigan lang kami ni Arthur." sabi niya.

"Pero bagay kayong dalawa. Tsaka nahahalata kong gusto ka niya."

"Ewan ko sayo, Vi." at tumawa siya.

"Anyways, lalabas lang ako saglit ah. Magpapakuha lang ako ng drinks kay Nida."

"Sige. Hihintayin kita dito." sabi niya.

Lumabas ako ng opisina pero laking gulat ko nang biglang tumambad sa harapan ko ang isang taong ayaw na ayaw ko nang makita...

"Hi Ate Vivian. Do you miss me?"

"J-Ja-Jane..."

(De Vega Group of Companies, Vivian's office)

(Esprit/Diana's POV)

HABANG nasa loob ako ng opisina ay kitang-kita ko ang reaksyon ng pagmumukha ni Vivian pagkakita niya kay Jane. Talagang bilib na ako kay Jane dahil higit siyang mas nakakakilala sa mga De Vega, lalo na kina Vivian at Albert. Tamang-tama lang ang pagdating ni Jane para maumpisahan ko na ang plano ko.

Mula sa pinto ay kita at dinig ko ang pag-uusap nilang dalawa.

"A-anong ginagawa mo dito?! S-sinong nagpapasok sayo dito?!" ang unti-unti nang pagsigaw ni Vivian habang pilit niyang pinagtatakpan ang takot na nararamdaman niya.

"Bakit ganyan ang paraan ng pag-welcome mo sa akin? Ayaw mo na ba akong makita?" tanong niya habang nakapameywang siya sa harap ni Vivian.

"Kung anuman ang dahilan ng pagpunta mo dito, kalimutan mo na yun! Lumayas ka! Ngayon din!" utos ni Vivian pero nginitian lang siya ni Jane, dahilan para mas lalong mangigil sa galit si Vivian.

"Wala kang karapatang palayasin ako. Remember...I'm still the adopted daughter of Ismael and Amalia De Vega."

"At ako ang asawa ni Albert! Kaya may karapatan akong gawin ang gusto ko sa pamilyang ito! Kaya lumayas ka na! Now!" singhal ni Vivian sabay haltak niya sana kay Jane pero marahas.

"Sige, palayasin mo ako nang ibuking ko na ng tuluyan ang sikreto mo! Remember, Chelsie..." and Jane smiled very sliely, dahilan para mas lalong mahintakutan si Vivian.

"T-tumigil ka! I-ikaw ang may kasalanan sa pagkamatay niya! I-ikaw!" ang natatarantang sabi niya.

"Wag mong ipasa sa akin ang kasalanan mo! Wala akong kinalaman sa pagkamatay niya!" paganting sigaw ni Jane.

"Lumayas ka dito, Jane! Lumayas ka! At wag na wag ka nang magpapakita pa dito!" she said very angrily.

"Hindi mo na ako kailangan pang ipagtabuyan, dahil gagawin ko. Pero kung inaakala mo'y lusot ka na sa mga atraso mo sa pamilya ko...nagkakamali ka. Dahil unti-unti kong gagawing impyerno ang buhay nyo ng anak mo...kay Elbertson." at tumalikod na si Jane. "Kaya mag-ingat ka sa binabangga mo. Di mo alam, baka isang araw...bigla na lang mawala sayo ang lahat." at naglakad na si Jane palayo. Naiwan si Vivian na nakatanga at halos hindi na makapagsalita pa sa sobrang gulat.

What a perfect scene.

* evil grin *

Expected kong babalik si Vivian sa loob ng opisina pero nakita kong may tinawagan siya sa cellphone niya.

"Jonas, hanapin mo ang kasalukuyang tinitirhan ni Jane Diaz. At alamin mo kung buhay pa ang batang pinamigay ko sa kanya noon. Naiintindihan mo? Mabuti." at ibinaba na ni Vivian ang cellphone niya.

Agad kong tinext si Jane.

- Jane, umalis ka na sa Aiyana, ngayon din. Pinapamanmanan ka na ni Vivian sa private investigator niya. Dun ka muna sa condo unit ko pansamantala. Hindi ka ma-ta-trace dun ni Vivian o ng kahit sinong galamay niya. -

I send the message.

Walang isang minuto ay nag-reply si Jane.

- Sorry, pero hindi ako tutuloy sa condo mo, Ate. May plano ako. So better watch out. -

Imbis na kabahan ako sa klase ng message niya ay bigla-bigla na lang naglaro ang isang kampanteng ngiti sa mga labi ko.

Hmm...ano kayang susunod na plano ni Jane?

Hindi na ako makapaghintay...

* evil grin *

(Villa De Vega, evening)

(Vivian's POV)

NAPAKAMALAS TALAGA NG ARAW NA ITO!!!

NAPAKAMALAS TALAGA!!!

Hayup na Jane Diaz na yan! Sinira niya ang araw ko! Tapos ang lakas pa ng loob niyang pagbantaan ako!

Pwes, kung inaakala niyang matatakot niya ako sa mga pagbabanta niya, nagkakamali siya! Hinding-hindi ako makakapayag na sirain niya ang buhay namin ng anak ko! Hinding-hindi!

Natigil lang ako sa pagdadabog ko nang biglang dumating ang ina ni Albert, dahilan para mas lalo akong mainis. Malamang ay kaya sila nandito ay dahil nagsumbong na sa kanila ang magaling nilang ampon.

"Nasaan sina Albert?" tanong ni Mama sa katulong naming si Timmy.

"Nasa office po si Sir. Tatawagin ko lang po saglit si Ma'am." at humakbang si Timmy palapit sa akin.

"Ma'am, nandito po si Senyora Amalia." sabi niya sa akin. "Mukhang gusto po niya kayong makausap."

"Alam ko! Kaya sige na! Umalis ka na!" pasigaw na sabi ko kay Timmy. Kaagad siyang umalis.

"So, ganyan na pala ang paraan ng pakikitungo mo sa mga tao sa pamamahay na ito. Wala ka pa rin palang pinagbago. Mapagmataas ka pa rin hanggang ngayon." ang sarkastikong salubong sa akin ni Mama.

Hindi ako nakaimik sa sinabi nila.

"Nasaan si Jack?" diretsahang tanong sa akin ni Mama.

"Nasa school po." sagot ko.

"Eh si Sachi?"

Sasagot pa sana ako nang biglang sumabad si Jane na nasa likod na ni Mama.

"Pinalayas ng babaing yan." sabay pinpoint ni Jane sa akin.

"Hindi ko pinalayas si Satchel!" pasigaw kong sabi sa kanya.

"Kung di nyo pinalayas si Sachi eh nasaan siya ngayon? Sabihin mo nga, nasaan siya ngayon?" ang tila nanghahamon na sabi ni Jane.

"Jane!"

Napatingin si Jane sa pintuan at nakita niya si Albert. Agad lumapit si Albert sa akin.

"Wala kang karapatang pagbintangan si Vivian, naiintindihan mo?" ang maawtoridad na sabi ni Albert.

"Tinatakot mo ako, Kuya Albert?" ang nanlilisik na sabi ni Jane, dahilan para biglang mapapitlag sa sobrang pagkagulat si Albert. "Baka gusto mong sabihin ko kay Mama ang mga pinagagagawa ninyo kay Sachi..."

"Anong ginawa nila kay Sachi?" sabad ni Mama.

"Pinaalis lang naman nila si Sachi. And worst...sa mga Roswell siya tumutuloy ngayon."

That makes Mama shock.

"T-totoo ba yun?! P-pinalayas mo ang anak mo! Ha?!" ang halos hindi makapaniwalang tanong ni Mama kay Albert.

"M-mama, let me--" hindi na nakapagsalita si Albert nang sampalin siya ni Mama ng napakalakas.

"Walanghiya ka talaga! Paano mo ito nagawa sa anak mo! Ganyan na ba katigas ang puso mo para kay Satchel, ha?! Hindi ka na ba talaga naawa sa anak mo?!" ang sunud-sunod na sigaw ni Mama. Hindi makaimik si Albert sa sobrang hiya. "Sabihin mo, paano mo mababawi ang anak mo ngayong nasa mga Roswell na siya?! Sabihin mo, paano mo nagawa ito sa kanya?!"

"S-sorry, Mama." ang nagpapakumbabang sabi ni Albert pero sinampal lang siya ulit ni Mama.

"Hinding-hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa ninyo sa apo ko! Halika na Jane! Umuwi na tayo! Baka lalo lang sumulak ang dugo ko sa mga hayup na 'to!" sabay labas ni Mama sa mansyon. Akmang aawatin na sana siya ni Albert nang pinigilan siya ni Jane.

"J-Jane..." sabi ni Albert.

"Pano yan, Kuya...mukhang malapit na kayong tamaan ng karma. Kunsabagay...kasalanan nyo naman kasi." and she smiled very evilly. "Sige, mauna na ako. Nice to see you again...filthy creatures." at inirapan niya kaming dalawa sabay alis niya sa mansyon. Naiwan si Albert na nakatanga habang ako naman ay malalim na napapaisip sabay kutob ko ng hindi maganda.

Ano kayang pinaplano ng babaing ito?

Kailangang malaman ko kaagad bago niya ako maunahan.

Bago pa niya tuluyang masira ang mga plano ko...