(Kensington High School, next day)
(Mikki's POV)
NAGLALAKAD ako papunta sa classroom namin nang may kumalabit sa likod ko.
* plook *
Hindi ko pinansin yung nangangalabit, baka nang-ti-trip lang yun.
* plook *
Hindi ko ulit pinansin.
* plook *
"HOY, ANO BA?! HINDI TOUCH SCREEN ANG---" at napatigil ako sa pagsasalita nang makakita ako ng isang magandang babae na nakangiti sa akin.
Seryoso? Sa akin ba talaga nakatingin ito? Ang feeler ko naman masyado.
"E-ehehe...s-sorry...a-anong kailangan mo sa akin?" ang uutal-utal sa hiya na tanong ko sa kanya.
"Saan ang room ng IV-2?" tanong nung babae sa akin.
"Ah, yung classroom namin? Malapit lang yun! Samahan na kita." sabi ko.
"Talaga? Salamat!" and she smiled.
Nagsabay na kaming naglakad papuntang classroom. Pareho kaming tahimik at hindi nagsasalita. Hanggang sa binasag ko na ang katahimikan.
"Ahm...transferee ka ba dito?" tanong ko sa kanya.
"Yes. I came from Cromwell High School. Ikaw?"
"Matagal na akong estudyante dito sa Kensington, since second year pa. Sa public school kasi ako nag-aral nung first year bago ako nalipat dito." sabi ko sa kanya.
"Ah...okay." and she smiled. "Anyways, I'm Bea. Bea Anderson. You?"
"Mikki. Mikki Ann Pineda." pakilala ko rin sa kanya.
"Nice to meet you, Mikki!"
"Nice to meet you too, Bea." at nag-shake hands kaming dalawa.
"Tara na, Bea, baka ma-late pa tayo sa klase." at hinila ko na si Bea papuntang classroom.
(IV-2 Classroom)
(Mikki's POV)
PAGPASOK namin sa room ay sumalubong sa amin ang nagtatakang tingin ng mga classmates namin.
"Ba't ganyan kayo makatingin dyan? Mukha ba kaming halimaw?" tanong ko.
"H-hindi naman sa ganun. Sino yang kasama mo? Newbie?" tanong ni Hannah, isa sa mga classmates ko.
"Yep." sagot ko sabay tingin ko kay Bea. "Halika na, tumabi ka na lang sa akin, wala kasi akong katabi sa upuan eh."
"Sige." at inilagay na ni Bea ang bag niya sa tabi ng armchair ko.
Pagkaupo namin ni Bea ay saktong dumating na rin sina Riri at Yogo. Lumapit sila sa akin.
"Hi Mikki! How's your morning?" bati sa akin ni Yogo.
"Okay naman." sabi ko.
"Sino siya, Mikki? New classmate natin?" sabay pinpoint ni Riri kay Bea.
"Yes. Siya nga pala si Bea. Bea, sila nga pala ang mag-dyowang kaibigan ko, sina Riri at Yogo."
"Nice meeting you, Bea." ang magiliw na sabi nina Riri sabay shakehands nila kay Bea.
"Nice meeting you too, Riri and Yogo." ang nakangiti namang sabi ni Bea.
Natigil kami sa pag-uusap nang dumating na ang first period teacher namin na si Mrs. Pelaez.
"Good morning, class."
"Good morning, Mrs. Pelaez." bati namin sa kanila.
"Okay, so before we go to our new topic, let me check your attendance first." at inilabas ni Ma'am ang kanilang class record. Nag-umpisa na silang magtawag ng mga pangalan.
Hanggang...
"Sorry Mrs. Pelaez, I'm late."
Napalingon kaming lahat at nakita namin si Yusof na nasa pintuan at nakangiti sa amin. Muli'y naghisterya na naman ang buong klase sa sobrang kilig.
"Ooooh!!! Prince Yusof!!!"
"Sa wakas, nandito ka na rin, Prince Yusof!"
"Na-miss kita!"
"Looking for you queen? I'm here!"
"Prince Yusof, akala ko hindi ka na papasok!"
"Prince Charming, go to mama!"
Haay. Ang lalandi na naman ng mga classmates ko. Baka pati ako, mahawa na nyan!
xD.
"Sssh. Silence, class!" sabi ni Ma'am. Nanahimik naman silang lahat.
"Good morning, everyone." sabi niya with matching kindat pa, dahilan para mas lalong kiligin ang mga babae at mga beki.
"Mr. Khan, you're already five minutes late. Saan ka galing?" tanong ni Ma'am sa kanya.
"Sa gym po. Pasensya na po kayo, hindi na po mauulit." ang mapagkumbabang sabi ni Yusof.
"Pasalamat ka, malakas ka sa mga kaklase mo. Sige na, makakaupo ka na." sabi ni Ma'am.
"Salamat po." at umupo na si Yusof sa tabi nina Jack at Jhake.
"Okay, so, kakatanggap ko lang ng text message galing sa adviser ninyong si Ms. Perez. She says that you have a new classmate. Iha, introduce yourself your new classmates."
Tumayo si Bea at pumunta siya sa harapan.
"Good morning guys, I'm Beatrice Anderson, from Cromwell High School. Sana'y maging friends tayo." pagpapakilala niya sa amin.
"Nice to meet you, Beatrice!" sabi ng mga kaklase namin.
"Nice meeting you too, guys." ang magiliw namang sabi ni Bea.
"Okay. Bea, makakabalik ka na sa upuan mo." sabi ni Ma'am. Bumalik na si Bea sa tabi ko.
"Let's now discuss our new lesson. Open your books on page 57."
Binuklat na namin ang mga libro namin at inumpisahan na ni Ma'am ang discussion.
(Girls Restroom, breaktime)
(Bea's POV)
FIRST DAY OF SCHOOL...
May friend na ako! Si Mikki.
Unang kita ko pa lang kasi sa kanya, alam kong mapagkakatiwalaan na siya, kung kaya naman ginawa ko na siyang friend ko!
Sinamahan niya ako sa classroom namin ang fortunately, classmates kami! Ansaya ko talaga!
Maikwento ko nga pala sa inyo yung nangyari kanina, busy kami sa pag-uusap nina Mikki at ng friends niyang sina Riri at Yogo nang biglang....
"Sorry Mrs. Pelaez, I'm late."
Natigilan ako pagkarinig ko sa malamig at napakalamyos na boses na yun. At kasabay ng unti-unti kong paglingon sa kanya ay ang biglang pag-i-is-skipbeat ng puso ko.
OMIGOSH.
IT'S YUSOF!!!
Kinausap pa siya ni Mrs. Pelaez at sa huli'y pinaupo na siya sa seat niya.
Wala pa ring nagbago sa kanya.
He's still handsome and cute as usual...
Pinigilan kong sumigaw at magwala hanggang sa mag-breaktime. Pumunta ako sa restroom. Tamang-tama. Walang tao dito. I breath deeply and then...
"OMIGOOOOOOOSSSSSSHHHH!!! AAAAAHHHHHHH!!!" sigaw ko habang nagtatatalon ako sa sobrang kilig.
Ang guwapo pa rin niya! Talaga!
Almost three years...
Almost three years ko siyang hindi nakita...
Almost three years ko na rin siyang na-miss...
Oh, how I really wish to hug him...
Crush ko si Yusof. Since elementary. Classmate ko kasi siya nung nasa EIAS pa kami. Naaalala ko pa noon, palagi niya akong binubully kasi panget ako. Oo, panget ako noon. Kasi di ako marunong mag-ayos sa sarili ko.
Masaya akong pumapasok noon sa school kahit na always kawawa palagi ako sa kanya. Hindi ako nagagalit sa kanya sa tuwing binubully niya ako. Yun na lang kasi ang tanging paraan para mapansin niya ako.
Guwapo talaga si Yusof. Ka-level niya sa pagiging heartthrob sina Callix Jesh Bernardo, Dennison Chua, Ruki Miyazako at ang pinsan kong si Marcus Anderson. Maraming nagkakagusto sa kanya, mapa-babae man yan, bakla, teacher o maski pa outsiders sa school.
Naaalala ko pa, nung Grade 5 pa kami, nag-confess ako sa kanya ng nararamdaman ko. But unfortunately...basted ako. Dinurog niya ang puso kong fragile. Pinagtawanan pa nga niya ako noon eh, kasi ayaw niya sa panget.
Dahil dun ay hiniling ko sa Mommy at Daddy ko na lumipat na ako ng school. Nag-migrate kami sa Switzerland at doon ko ipinagpatuloy ang pag-aaral ko.
Nagbago ang buhay ko sa Switzerland. Natutunan kong ayusin ang sarili ko. Sumali ako sa modelling workshop at naging model ako ng isang sikat na brand ng pabango.
Ginawa ko ang lahat ng yun dahil kay Yusof. Siya ang inspirasyon ko kung bakit nagbago ako ng ganito.
And now that I'm back, sisiguraduhin kong mapapasaakin na si Yusof Khan.
Mapapasaakin din siya...