(Roswell's Mansion, evening)
(Atty. Martha's POV)
(Dining Hall)
HABANG INIHAHANDA ko ang hapag ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa araw na ito. Hindi ko kasi lubos maisip na ang inakala kong pagkamatay ni Chelsie ay isa palang malaking kasinungalingan. Na nagawa siyang ipagkanulo ng sarili niyang ama para lang sa pansarili nitong interes.
Napakawalanghiya talaga ni Albert.
Pero kahit ganun ang nangyari ay nagpapasalamat pa rin ako dahil makukumpleto na ang pamilya namin. Ako, si Sachi at si Chelsie. Ipinagpapasalamat ko sa Panginoon na dumating si Jane sa buhay ng apo ko at binigyan niya ng tamang direksyon ang buhay ni Chelsie kaya lumaki siyang mabuting tao.
Basta ngayon ay nasasabik na akong makita si Chelsie. Nasasabik na akong makita ang pinakamamahal kong apo.
Habang naglalagay ako ng kubyertos sa mesa ay nakita kong palapit na sa akin si Satchel.
"Lola, mukhang maraming pagkain ngayon ah. May bisita po ba tayo?" tanong niya.
"Yes. A very special visitor." sabi ko.
"Okay. Anyways, darating po dito si Tita Diana. May ibibigay silang something special sa inyo at sa akin. Any minute, darating na siya dito." at umalis na si Sachi sa dining hall. And speaking of Sachi, ano kayang magiging reaksyon niya oras na magkita na sila ng kapatid niya mamaya? Tiyak kong matutuwa siya dahil sobrang miss na miss na niya si Chelsie. And also, nararamdaman kong masaya din si Esprit para sa kanilang magkapatid.
Nung maayos na ang lamesa ay narinig ko ang busina ng kotse na papasok sa mansyon. Saglit akong sumilip sa pinto at nakita ko si Diana na palabas na sa pinto ng kanyang Ferrari at may dalang malalaking bags.
"Good evening, Tita." masayang bati niya sa akin.
"Good evening, Diana. Napadalaw ka. Tara, pasok ka sa loob. Miling, kunin mo itong dala ng Ma'am Diana mo at ilagay mo sa sala."
"Opo, Senyora." at kinuha na ni Miling ang dala ni Diana.
"Anyways, ba't ka napadalaw dito?" tanong ko habang naglalakad kami patungo sa sala.
"Tita, I just want you to inform na napapirma ko na ang mga De Vega sa niluluto kong business deal. Masisimulan na natin ang planong paghigantihan sila."
"Tamang-tama. Sisingilin ko ang Albert na yun sa mga kahayupang ginawa niya sa pamilya ko. Lalo na sa anak ko at mga apo ko." at napakuyom ang mga palad ko.
Napangiti lang si Diana habang nakatitig siya sa akin.
"Anyways, bakit hindi mo kasama yung boyfriend mo?" tanong ko sa kanya, dahilan para mabigla siya.
"Boyfriend?" and she laughed. "Sino?"
"Si Arthur. Di ba, boyfriend mo siya?"
"Tita, magkaibigan lang po kami ni Arthur. At hanggang dun lang po yun." magalang na paliwanag niya.
"Ganun ba? Sayang, bagay pa naman kayong dalawa." sabi ko.
"Kayo talaga, Tita Mart, masyado kayong palabiro." and she laughed. Hindi ko maiwasang mapaghambing si Diana sa anak kong si Esprit mula sa mukha niya hanggang sa ugali at pagkilos niya, parang siyang-siya talaga. Kaya siguro magaan ang loob ko sa kanya ay dahil sa malaking pagkakapareho nila.
"Oh siya, dito ka na rin kumain. Mamaya ay darating na ang iba ko pang mga panauhin."
"Panauhin? Sino naman sila?" nagtatakang tanong ni Diana.
"Malalaman mo na lang mamaya." and I smiled at her.
Bagama't nagtataka si Diana ay nginitian niya rin ako.
"Nasaan pala si Sachi?" tanong niya.
"Nasa bahay ng mga Villas. Mukhang aanyayahin niya si Kath na mag-dinner dito."
"Girlfriend ba ni Sachi yung Kath?" tanong pa niya.
"Oo. Wag kang mag-alala, mabait si Kath tsaka matalino pa. Sa katunayan nga ay siya ang nag-pu-pursue kay Sachi para mag-aral ng mabuti." pagmamalaki ko sa kanya.
"Really? Wow. That's very nice to hear." ang nakangiting sabi ni Diana. "Anyways, may ibibigay pala ako sa inyo." at inilabas niya ang isang malaking box. "Buksan nyo na po."
"Naku, salamat. Nag-abala ka pa, Diana." at binuksan ko ang box. Tumambad sa akin ang isang mamahaling sapatos.
"Wow. That's Jimmy Choo shoes. Paano mo nalaman ang paborito kong brand ng sapatos?"
"Sinabi sa akin ni Sachi nung minsang tinawagan ko siya sa phone." sabi niya.
"Ganun ba? Salamat sa regalo ha." at niyakap ko si Diana ng taos puso at puno ng pasasalamat.
"Walang anuman, Tita." sabi niya.
Natigil kami sa pag-uusap nang dumating na si Sachi kasama si Kit-Kat.
"Lola, dito na po mag-di-dinner si Katy. Tita Diana! Nandito na pala kayo!" and he hugged Diana.
"Hello Sachi! How's your school today?" magiliw na tanong ni Diana.
"Very great, Tita." sabi niya. "Anyways, she's Kath Rence. My girlfriend." sabi ni Sachi sabay akbay kay Kit-Kat.
"Nice to meet you Kath." ang nakangiting sabi ni Diana sabay halik niya sa pisngi ni Kath.
"Nice to meet you too, Tita." sabi naman ni Kath.
"Gusto kita para kay Sachi dahil mabait kang bata. Tsaka good influence ka sa kanya." sabi pa ni Diana.
"Salamat po." and Kit-kat smiled.
"You're welcome. Tsaka ang cute ng pangalan mo."
Napangiti si Kit-kat sa sinabi ni Diana.
"O siya, mauna na kayo sa dining hall at hihintayin ko lang sa labas ang bisita natin." at lumabas ako ng mansyon. Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong may papasok nang puting kotse sa gate.
(Roswell's Mansion)
(Gianna's POV)
"WERE HERE, Gianna."
Iginala-gala ko ang paningin ko sa paligid ng mansyon. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko ngayon. Eto ba ang mansyon ng sinasabi ni Tita Jane na tunay na pamilya ko?
"Dito po ba ang bahay ni Atty. Roswell?" tanong ko habang nakatanaw pa rin ako sa malawak na mansyon.
"Oo, anak. Dito ang bahay ng lola mo." sabi ni Tita. "Halika na, pumasok na tayo sa loob. Kanina ka pa nila hinihintay." at akmang bubuksan na sana ni Tita ang pinto ng kotse pero pinigilan ko sila.
"Bakit anak? May sasabihin ka ba sa akin?"
"Tita...salamat po sa lahat." at hindi ko na napigilan pang mapaiyak dahil malalayo na ako sa taong itinuring kong magulang sa loob ng mahabang panahon. "Salamat po sa lahat ng kabutihang ginawa ninyo para sa akin. Salamat din po sa pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin. Tatanawin ko pong utang na loob sa inyo kung sino man at ano man ako ngayon."
Hindi na rin napigilan pa ni Tita Jane ang kanilang emosyon.
"Gia, walang anuman yun. Bukal sa loob kong tulungan ka. Bukal sa loob kong mahalin ka na para kong tunay na anak. At bukal sa loob kong ibigay sayo ang lahat. Kung pwede lang sanang dito ka na lang sa tabi ko habambuhay...pero hindi maaari dahil may pamilya kang naghihintay sayo. Gianna...salamat sa pagmamahal at pag-aalagang ipinaramdam mo sa akin, kina Trina at Edwin at kay Lola Lucy. Kahit kailan ay hindi namin miminsang naramdamang iba kami sayo. Itinuring mo kami bilang pamilya mo at hindi mo kami binigyan ng sama ng loob kahit isa. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na dumating ka sa buhay namin ng bestfriend ko. Ikaw ang anghel ng buhay namin. I love you, anak." at isang mahigpit na yakap ang ipinaramdam niya sa akin. Luhaan akong yumakap sa kanila.
"Tita...mami-miss po kita." umiiyak kong sabi habang nakayakap ako sa kanila.
"Mami-miss din kita, anak." sabi nila sa akin. "Magpapakabait ka dito ah. Stay pretty, humble and sweet."
"Y-yes Tita..." ang garalgal ko nang sabi habang pinipigil kong wag maiyak.
Nagyakap ulit kaming dalawa ni Tita. Mami-miss ko talaga sila. Sobra.
"Baba na tayo. Kanina pa sila naghihintay. Sabik na silang makita ka." sabi nila.
"Okay po." at bumaba na kami sa kotse. Tinalunton namin ang malawak na daan patungo sa malaking pintuan ng mansyon. At kasabay ng paglalakad namin ay nakaramdam ako ng excitement.
Sino kaya ang tunay kong pamilya?
Nasasabik na akong makita sila.
(Main Hall, Roswell Mansion)
(Kath Rence's POV)
HABANG nagkukwentuhan kami nina Sachi, Mikki, Yusof at Joshua sa sala ay nakarinig kami ng marahang mga hakbang na papasok sa loob, dahilan para bigla kaming mapalingon. At nagulat kami nang makita namin si Gianna na pumasok kasama ang isang babae na sa tantya ko'y mid-twenties to thirties, maganda at maputi. Sinalubong sila nina Lola Mart at Tita Diana.
"Jane, mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa namin kayo hinihintay..." at napalingon si Lola Mart kay Gianna. "S-siya na ba yun? Siya na ba ang...nawawala kong apo?"
"O-opo. K-Kayo po ba ang...l-lola ko?" ang medyo uutal-utal sa hiya na sabi niya, dahilan para bigla kaming mapasinghap sa gulat.
Especially Sachi and Tita Diana.
"Apo?" at naguguluhang lumapit si Sachi kina Lola Mart. "What did you mean in the word 'apo', Lola? May nililihim ba kayo sa akin?"
"Sachi..." at tinapik ni Lola Mart ang balikat ni Sachi. "Yung tungkol sa pagkamatay ng kapatid mong si Chelsie...it's a hoax."
"Hoax? P-papanong nangyaring..." at gulat na napalingon si Sachi kay Gianna. "Y-you mean Lola...buhay ang kapatid ko? At...n-nasa harapan ko siya...ngayon?"
"Yes, Satchel. Buhay ang kapatid mo. At nasa harapan mo na siya ngayon. Gianna is your long lost twin sister." at tuluyan nang napaiyak si Lola Mart.
That makes us very shocked.
"L-Lola...I still cannot understand...p-papanong nangyaring buhay si Chelsie gayong nakita ko pa noon kung paano siya ibinurol at inilibing..." naguguluhan pa ring tanong ni Sachi.
"Kagagawan ng ama mo at ni Vivian ang masamang nangyari kay Chelsie. Pinalabas nilang patay ang kapatid mo." sabay abot ni Lola ng envelope kay Sachi. "Basahin mo."
Binasa ni Sachi ang laman ng envelope at kitang-kita ko ang matinding galit at pagkagulat sa mukha niya.
"H-how dare they do this?! How dare they do this to you?!" at umiiyak na niyakap ni Sachi si Gianna, dahilan para mas ma-shock kaming lahat, lalo na kami nina Mikki at Joshua.
"So...totoo nga! Buhay si Chelsie!" sabi ni Mikki.
"Si Gianna ay si...Chelsie?" - Joshua.
Pero mas nagulantang kaming lahat nang biglang...
"MGA ANAK KO!!!"
Napalingon kaming lahat kay Tita Diana na nakatakip ang kanilang kamay habang tumutulo ang luha sa kanilang mga mata.
"Anak?! Anong anak?" gulat na tanong ni Lola Mart.
Natigilan si Tita Diana sa tanong ni Lola Mart.
"M-m-mama...m-maniniwala po ba kayo kung malalaman ninyong ako si...Esprit?"
That shocks us all.
"E-Esprit? P-papanong...i-ikaw ba talaga ang...a-anak ko?"
Lumapit si Tita kay Lola at hinawakan ang mukha nila.
"Pakiramdaman nyo po ang tibok ng puso ninyo. Ito ang magsasabi sa inyo ng totoo." at inilapat ni Tita ang kamay ni Lola sa bandang dibdib nila. Bagama't nanginginig ay sinunod ni Lola ang sinabi niya. At mula sa pagkagulat ay nakita ko ang sunud-sunod na pagpatak ng luha sa mga mata nila.
"Esprit!" sabay yakap ni Lola kay Tita. "P-papanong nabuhay ka? Ang akala pa naman nami'y...patay ka na..."
"Hindi na mahalaga kung paano ako nabuhay, basta't ang mahalaga ay nandito na ulit ako sa atin. Nakauwi na ako sa mga anak ko." at nilapitan ni Tita Esprit sina Sachi at Gianna na bagama't gulat ay ramdam ko ang pagkasabik nila sa isang ina. "Mga anak...ako 'to...ang mommy ninyo."
"Mommy..." at naluluhang niyakap nina Sachi at Gianna ang mommy nila.
"Anak ko...mga anak ko..." ang paulit-ulit na sabi ni Tita habang yakap niya sina Sachi at Gianna. Kami naman ay medyo naluluha na sa mga nakikita namin pero ramdam ko ang matinding saya sa mukha nina Sachi.
"Kamusta na kayong dalawa? Sobrang na-miss kayo ni Mommy." ang nakangiting sabi ni Tita sabay halik nila sa pisngi ni Sachi. "Patawarin nyo sana ako kung iniwan ko kayo sa loob ng pitong taon. Pangako, hinding-hindi na ako aalis pa sa tabi ninyo."
"Talaga...Mommy?" sabi ni Sachi.
"Oo naman. Hinding-hindi ko na kayo iiwan." at muling niyakap ni Tita sina Sachi. They happily hugged Tita back.
Iba pala ang pakiramdam kapag nakikita kong masaya ang lalaking mahal ko, lalo na sa mga pambihirang bagay na katulad nito. At hiling ko na sana'y wag nang matapos pa ang kaligayahang nararamdaman niya.
"Mommy, paano po kayo nakaligtas? Tsaka...ba't po kayo naging si Diana Lee? Maaari po ba naming malaman?" ang curious na tanong ni Gianna.
"Gusto nyo ba talagang malaman?" sabi ni Tita.
"Yes Mommy." sabi ni Sachi.
"Sige." at inakbayan nila sina Sachi at Gianna papuntang sala. Sumunod naman sa kanila sina Lola Mart at Ms. Jane.