Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 59 - CHAPTER FIFTY EIGHT

Chapter 59 - CHAPTER FIFTY EIGHT

(Kensington High School, after one day)

(Jane's POV)

HABANG tinutunton ko ang corridor papunta sa directress office ay nakakaramdam ako ng mumunting kaba sa dibdib ko na hindi ko mawari kung ano ang ibig ipahiwatig nun. Aaminin ko, labag sa kalooban kong gawin ito lalo pa't napamahal na sa akin si Gianna, pero ito ang dapat kong gawin. Dapat nang malaman ang lahat ang tungkol sa nalibing na pagkatao niya.

Nung malapit na ako sa tapat ng directress office ay sandali akong tumigil sa paglakad ko. Humugot ako ng isang malalim na buntunghininga at saka na ako naglakad muli palapit sa opisinang iyon.

Saktong pagtapat ko sa pintuan ng opisina ay nabungaran kong bukas ito at nandoon ang taong gustung-gusto kong makausap.

Si Atty. Martha Roswell.

Bigla akong nagdalawang isip.

Itutuloy ko pa ba ito?

Naisip ko si Gianna, at ang sinabi niya sa akin kagabi lang...

---

(Flashback)

ABALA ako sa paghahanda ng hapunan nang dumating na si Gianna galing sa school. At pansin kong masaya siya.

"Gia, nandito ka na pala. How's your class today?" bungad ko sa kanya.

"Okay naman po, Tita Jane." sabi niya habang hindi pa rin maalis-alis sa mukha niya ang maganda niyang ngiti.

"Mabuti naman kung ganun." and I smiled. "Pero pansin kong kanina ka pa nakangiti. Anong dahilan at nakangiti ka dyan? Don't tell me...may nanliligaw na sayo." tukso ko sa kanya.

Halatang nagulat si Gianna at bahagya siyang nahiya, pero umamin naman siya sa akin.

"Opo. May nanliligaw na po sa akin. Si Joshua." sabi niya habang bahagyang namumula ang mukha niya.

"Wow, talagang dalagang-dalaga ka na. Dalhin mo siya dito sa bahay at nang makilala ko siya."

"Talaga po?" ang gulat na tanong niya.

"Oo naman. Akala mo siguro, tutol ako noh." sabay akbay ko sa kanya. "Siyempre, kung saan ka masaya ay masaya na rin ako. Susuportahan kita kahit saan mo gusto."

"Kahit sa paghahanap ko sa tunay na pamilya ko?"

Natigilan ako pero agad akong nagsalita.

"Oo naman. Susuportahan kita sa kahit anong paraan, kasi mahal kita bilang anak ko." and I smiled at her.

"Salamat Tita. SANA NGA'Y MAKITA KO NA ANG TUNAY KONG PAMILYA.." and she sighed very calmly.

"Wag kang mag-alala, malapit mo na silang makita. Natunton ko na ang tunay mong pamilya." and I hugged her. "Malapit na nating malinaw ang lahat ng gumugulo sa isipan mo."

"T-talaga po?"

"Yes. Malapit na. Gagawa ako ng paraan para makausap ang tunay na pamilya mo."

"Salamat po! Maraming-maraming salamat po, Tita Jane!" and she hugged me. I hugged her back.

PANGAKO. MATATAPOS NA ANG PAGHIHIRAP MO...

ANAK KO.

(End of Flashback)

---

Napapikit ako nang maalala ko na naman ang naging pag-uusap naming dalawa.

Wag. Wag kang aatras, Jane. Nangako ka. Nangako kang hindi mo bibiguin si Gianna. Nangako kang sasabihin mo na ang totoo sa mga Roswell.

Nangako ka.

Muli akong napabuntunghininga.

Kaya mo 'to, Jane. Kaya mo 'to.

Tumingin ako sa paligid ko at nung makahanap na ako ng tiyempo ay pumasok na ako sa opisina. At tama nga ako ng hinuha dahil nakita ko si Atty. Roswell na busy sa kaniang ginagawa.

"G-good morning, Atty. Roswell..." ang medyo ninenerbyos na bati ko sa kanila.

"Yes." at tinitigan nila ako pero nagulat sila nang makita nila ako. "J-Jane..."

Tumangu-tango ako, tanda ng pagsang-ayon.

Mula sa pagkagulat ay galit ang bumalatay sa kanilang mukha.

"Ang kapal din ng mukha mong magpakita dito noh! Pagkatapos ng ginawa ng walang-hiya mong amo sa pamilya ko, may gana ka pang pumasok dito! Lumayas ka na at wag na wag ka nang babalik pa dito!" at itataboy na sana ako ni Ma'am Martha pero napigilan ko ang kamay nila.

"Kahit na may sasabihin akong napaka-importante sa inyo?" at naglaro ang isang ngiti sa mga labi ko.

Natigilan si Ma'am Martha sa sinabi ko.

"W-what do you m-mean?" ang uutal-utal sa gulat na sabi ni Ma'am Martha.

"What did I mean?" at napabuntung-hininga ako. "Tungkol ito sa apo mong si Chelsie Ann De Vega."

"Kay Chelsie?" at muling nagngitngit si Ma'am Martha. "Anong kalokohan yang pinagsasasabi mo?! Patay na ang apo ko at wag na wag mong gagambalahin ang nananahimik niyang kaluluwa!"

"MALI KA. HINDI PA PATAY SI CHELSIE. BUHAY PA SIYA."

That made Ma'am Martha very shocked.

"I-Imposible...h-hindi totoo yang s-sinasabi mo. P-patay na ang apo ko..." sabi niya pero umiling-iling lang ako.

"Totoo yung sinasabi ko. Buhay pa si Chelsie." kampanteng sabi ko.

Namayani ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa muli siyang nagsalita.

"K-kung buhay nga ang apo ko...s-sige nga...p-patunayan mo nga sa akin...ilabas mo siya! Ilabas mo siya!"

"Wag kang mag-alala, makikita mo rin siya." sabi ko sabay labas ko ng envelope sa clutch bag ko. Laman ng envelope na iyon ang lahat ng ebidensyang makakapagpatunay na buhay pa Chelsie maging ang mga kahayupang pinagagagawa ni Vivian. Inilapag ko ang envelope sa mesa ni Ma'am Martha.

"A-ano yang envelope na yan?" tanong niya.

"Naglalaman ng mga pruwebang makakapagpatunay na buhay pa si Chelsie maging ng mga taong naging dahilan para mawala siya ng pagkahaba-habang panahon." sabi ko. "Buksan ko na ito?"

"Hindi. Ako ang magbubukas nyan." at binuksan ni Ma'am Martha ang envelope at tumambad sa kanya ang mga pictures ni Chelsie maging ang mga pekeng dokumentong dinoktor ni Vivian na inutos niyang ipasunog sa akin pero hindi ko ginawa dala ng pangako kong ibabalik ko si Chelsie sa mga Roswell. May larawan din ang pangyayari na kung saan ipinamigay niya si Chelsie sa akin. Kuha ito ng dating guwardiya sa mansyon ng mga De Vega na ngayo'y matinding kaaway na nila. Gulat na gulat si Ma'am Martha sa mga nakikita nila habang nakatitig lang ako sa kanila.

"M-mga hayup sila! P-papano nila nagawa ito sa apo ko?!!" at muling napahagulgol si Ma'am Martha. Agad ko silang nilapitan at inalo.

"Sa totoo lang po Ma'am Martha ay labag sa kalooban kong itago ang katotohanan sa inyo, pero natakot po ako. Ayokong patayin ni Vivian si Chelsie, kung kaya naman itinago ko siya sa loob ng maraming taon. Sa loob ng mahabang panahong iyon ay lumaki siyang maayos at masaya, pero hindi buo ang pagkatao niya dahil sa mga naging pagsisinungaling ko sa kanya. Ayokong dumating sa puntong kasuklaman niya ako dahil sa mga naging pagkakasala ko sa kanya...kung kaya naman itinatama ko na ang mga pagkakamali ko ngayon. Sana'y mapatawad nyo po ako." at napahagulgol na rin ako sa tabi nila. Napatingin sa akin si Ma'am Martha at niyakap nila ako.

"Wala kang kasalanan, Jane. Sadyang ginamit ka lang ng mga hayup na yun para mapagtakpan nila ang mga kasalanan nila sa apo ko. Iha...salamat dahil pinili mo ang tama at makakabuti para sa apo ko. Para sa ating lahat." at pinahid nila ang luha sa mga mata nila. "Nasaan ang apo ko? Dala mo ba siya dito? Gusto ko siyang makita. Nakikiusap ako sayo."

"Estudyante sa paaralang ito ang apo ninyo. Remember Gianna Angela Cabrera..." ang tuluyan ko nang pag-amin sa kanila.

Napasinghap sila sa sobrang pagkagulat.

"Y-yung magandang batang yun...s-siya ang apo ko?" at muling naiyak si Ma'am Martha. "K-kaya pala...a-ang gaan ng loob ko kapag nakikita ko siya..."

"Opo. Siya po si Chelsie."

"Gusto ko siyang makita. Please, dalhin mo siya dito. Gusto ko siyang makita." ang nagmamakaawang pakiusap sa akin ni Ma'am Martha.

"Sige po. Pero may ipapakiusap sana ako sa inyo, Ma'am."

"Ano yun? Sabihin mo. Kahit ano pa mang pabor yan, tatanggapin ko. Kung kailangan mo ng pera, wag kang mag-alala, bibigyan kita, kahit magkano pa yan." at akmang ilalabas na sana ni Ma'am ang checkbook nila pero pinigilan ko sila.

"Hindi ko kailangan ng pera. Proteksyon para sa amin ni Chelsie ang kailangan ko. Ayokong mangyari ang kinatatakutan kong patayin siya ni Vivian para lang mapagtakpan ang mga kasalanan niya. Sana'y mapagbigyan nyo po ako dahil para ito sa kaligtasan nating lahat." at napabuntung-hininga ako. "Kilala ko si Vivian. Tuso siya at gagawin niya ang lahat, mawala lang sa landas niya ang mga taong kinaaayawan niya. Ayokong matulad si Chelsie sa sinapit ni Ma'am Esprit sa babaing yun."

"Alam ko. Wag kang mag-alala, walang makakaalam ng sikreto natin. Itatago muna natin si Chelsie sa lahat at kapag nakahanap tayo ng tamang pagkakataon ay tsaka natin sasabihin sa lahat na buhay ang apo ko." sabi naman ni Ma'am Martha.

"Maraming-maraming salamat po, Ma'am Martha." sabi ko habang nararamdaman ko na ang bahagyang gaan ng kalooban ko.

"Ako nga itong dapat magpasalamat sayo sa lahat ng kabutihang ginawa mo sa apo ko. Tatanawin kong malaking utang na loob ang mabuting pagpapalaki mo sa kanya." sincere na sabi ni Ma'am Martha sabay yakap niya ulit sa akin.

"Wala pong anuman, Ma'am Martha." sabi ko habang nakayakap sa kanila.

Nung matapos na ang pag-uusap namin ay hiningi nila ang bagong cellphone number ko at ibinigay ko naman ang sa akin. At nakiusap ako sa kanila na wag na wag nilang ipapaalam na dumalaw ako sa kanila para hindi masira ang takbo ng magiging plano namin. Nangako rin ako na magkikita na sila mamaya, tulad ng nais kong mangyari.

Pagkalabas ko ng opisina ay ramdam kong nabunutan na ako ng malaking tinik sa dibdib kasabay ng pagbalong ng mga mumunting luha sa mga mata ko.

Salamat...at napatawad na nila ako.

Napatawad na nila ako.