Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 65 - CHAPTER SIXTY FOUR

Chapter 65 - CHAPTER SIXTY FOUR

(Kensington High School, next day)

(Mikki's POV)

"MIKKI, sino yung lalaking kausap mo kagabi?" tanong ni Tita Esprit habang naglalakad kami sa corridor ng school.

"Si Yusof po yun...m-manliligaw ko po..." ang nahihiyang sabi ko sa kanila.

"Alam na ba ng mama mo na manliligaw mo siya?" ang nakangiting tanong ni Tita sa akin.

"Opo. Alam na po ni Mama. Ang akala ko nga po ay magagalit sila pero mukhang tuwang-tuwa pa sila dahil may nanliligaw na sa akin. Ang weird noh?" sabi ko sa kanila.

Oo nga pala, pagkatapos magtapat ni Yusof sa akin ay pormal na rin siyang humingi ng permiso kay Mama na ligawan ako. Ang buong akala ko nga ay magagalit si Mama, pero naging kabaligtaran ng expectation ko ang nangyari dahil botong-boto siya kay Yusof. Maski ang kapatid ko ay aprub din sa impression ni Mama, kung kaya naman legal na makakapanligaw sa akin si Yusof.

And speaking of Yusof...

GRABE, HINDI AKO MAKATULOG SA MGA PINAGAGAGAWA NIYA SA AKIN KAGABI! MUKHANG MABABALIW NA YATA AKO NG WALA SA ORAS!

Kinikilig pa rin ako!

Haay, maikwento nga kina Kath at Riri ang kilig moment ko mamaya!

(School Corridor/IV-2 Classroom/Rooftop)

(Yusof's POV)

"PRINCE YUSOF!"

"You're so pogi talaga! Kyaaaaaa!"

"Please be mine!"

"Ang macho mo, Prince Yusof!"

"Waaaaaah! Ang guwapo mo pare! Mababakla na yata ako ng wala sa oras!"

Tss. Kadiri naman yung lalaking yun, mababakla na daw siya. Sayang, ang macho pa naman niya. (Hehehe...)

But sorry girls and pa-girls, dahil kay Mikki lang itong puso ko.

Pagpasok ko sa classroom ay nadatnan ko si Bea na busy sa paglalaro ng Samsung tablet PC niya.

Wala pa pala si Mikki dito.

"Good morning, Yusof." bati sa akin ni Bea.

"Good morning." bati ko rin sa kanya.

"Yusof...alam mo...hindi ka pa rin nagbago." and she smiled.

Eeh?

"Can we talk?"

"Nag-uusap na tayo ah." iritang sabi ko sa kanya.

Waah! Mikki, nasaan ka na ba?

"I mean...just you and me. Sa lugar na kung saan walang makakakita sa atin."

What did she mean to say?

"Okay. Saan?"

"Halika. Sundan mo ako." at lumabas siya ng classroom. Bagama't nagtataka ako sa kinikilos ng babaing ito ay sumunod naman ako. Pumunta kami sa rooftop ng main building.

Ano naman kaya ang sasabihin niya? At bakit kailangang dito pa niya sabihin ang nais niyang sabihin? Nakakapagtaka siya.

"Were here." sabi niya.

"Okay. Now talk."

"Wag ka sanang matatawa sa sasabihin ko sayo..."

"Ano bang sasabihin mo sa akin? Sabihin mo na." iritadong sabi ko sa kanya.

She catch her breath deeply and looked at me.

"Yusof...will you be my boyfriend?" sabay luhod niya sa harapan ko.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Seryoso ba 'tong babaing 'to sa mga pinagsasasabi niya?

"Sounds funny, right? But I'm dead serious. Will you be my boyfriend?"

"Stop fooling around." this time ay galit ko nang sabi sa kanya.

"Yusof, I'm not fooling you! Mahal na kita since gradeschool pa tayo!"

Gradeschool?

Naging kaklase ko siya sa gradeschool?

I don't remember her.

"Who the hell are you!" pasigaw ko nang sabi sa kanya.

Tumayo siya sa pagkakaluhod niya sa harapan ko.

"Sino ako?" and she smiled. "I'm Trice, the ugly girl you hated and bullied six years ago..."

"T-Trice?!"

(Flashback...six years ago)

"You ugly creature! Stay away from me!"

"No! I won't! Mahal na mahal kita! At gagawin ko ang lahat, mahalin mo lang din ako!"

Ugh! That ugly witch! She's a certified stalker of mine! I hate her!

I hate seeing her monster face! It makes me vomit!

"Hey, Yusof!"

"What, ugly witch?"

"I love you."

"HAHAHAHA! ARE YOU INSANE, UGLY WITCH! IT'S A BIG NO! I HATE YOU'RE PRESENCE! I HATE EVERYTHING ABOUT YOU! SO GET OUT! DIE, UGLY MAMMAL!"

"Y-you hate me that...much?"

"Yes. So get out, loser!"

I saw her tears sliding into her cheeks.

And then she ran away.

Hahaha.

Poor ugly duckling.

(End of Flashback)

"Do you remember me now, Yusof?" sabi niya sabay hawak niya sa magkabilang braso ko.

"T-Trice..."

"Ako nga, Yusof..."

"N-nagbago ka."

I can't believe it.

Ang dating panget at gusgusing bata ay naging isang napakagandang babae.

"Oo, Nagbago ako dahil sayo. I changed myself from you. After hearing those painful words you stabbed at me, I went to Switzerland. Nag-make over ako. Nagpaganda. Napasali sa isang modeling agency at naging isang sikat na model. Ginawa ko ang lahat ng yun dahil ikaw ang naging inspirasyon ko."

"Trice...I'm sorry."

"Yusof, mahal kita...kahit na masakit yung ginawa mong pambabalewala sa akin noon...hindi pa rin nagbago yung nararamdaman ko sayo. Pinapatawad na kita. Hindi kasi kita matiis eh. Ganun kasi kita kamahal. Please...akin ka na lang. Gagawin ko ang lahat para lang maging tayo."

Fvck.

Hanggang ngayon, mahal pa rin niya ako?

Hindi pa rin ba siya nagsasawang paasahin ang sarili niya sa wala?

"Trice...patawarin mo ako kung nasaktan kita noon. Sorry kung naging masama ako sayo noon. Patawarin mo sana ako."

"Okay lang, Yusof. Mahal na mahal kita. Matagal na kitang pinatawad. Pwede bang magsimula tayong muli?"

"What?" gulat na sabi ko.

Is she going to be crazy?

"Yusof Khan...be my boyfriend."

Shit.

Ayoko nang saktan siya dahil nasaktan ko na siya noon.

Pero mahal na mahal ko si Mikki.

Urgh, what should I do?!

"Trice...I'm sorry pero may mahal--"

She laughed.

"Yusof, alam kong mahal mo rin ako. Hindi na ako ang ugly witch na si Trice. Maganda na ako ngayon at alam kong tipo mo ang mga magagandang tulad ko. Now that I'm beautiful...I'm asking you again...do you love me?"

"Trice...patawarin mo sana ako sa sasabihin ko...pero hindi basehan ang pag-ibig sa panlabas na itsura lamang. Maaari ngang maganda ka ngayon, pero hindi ibig sabihin nun ay pupwede na kitang mahalin tulad ng nais mong mangyari. Sorry but I'm in love with someone else."

Natigilan siya sa sinabi ko.

"T-tell me...w-who is she..." ang maiiyak nang tanong niya sa akin.

"Malalaman mo rin balang-araw. Don't cry. I'm not worth of your tears. Makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sayo."

"Yusof...wag mo namang gawin sa akin ito..." at napahagulgol na siya.

Damn.

Ayokong makakita ng babaing umiiyak.

That's my weakness.

"Please...wag ka nang umiyak. Hindi mo dapat iniiyakan ang isang walang kwentang tulad ko." I said.

"Yusof...please...l-love me. Gagawin ko ang lahat...p-please..."

Mas naawa ako sa kanya, pero ayoko nang saktan siya ulit. Tsaka si Mikki ang mahal ko. Ayoko ring masaktan ang babaing mahal ko nang dahil sa akin.

"Patawarin mo sana ako...Trice." at umalis na ako sa rooftop habang naiwan siyang umiiyak doon.

I'm sorry...

Trice.

(Bea's POV)

DAAAAAAMMMMMMNNNNN!!!!!

ANG SAKIT!

ANG SAKIT-SAKIT NG GINAWA NIYA SA AKIN!

Matapos niyang sabihing may iba na siyang mahal...grabe...ang sakit talaga.

Kung nagpakilala na sana agad ako sa kanya, eh di sana'y kami na!

Weak!

Weak!

You're so weak, Beatrice!

FVCKING SHIT.

Ginawa ko na ang lahat para lang maging maganda. Pinilit kong magbago. PERO BAKIT HINDI PA RIN NIYA AKO MAGAWANG MAHALIN!

BAKIT?!!!

Dahil ba sa walanghiyang babaing yun?!

Tell me, who the hell is she?!!

Gusto niya yatang mamatay ng maaga ha! Pwes, kung gusto pa niyang magtagal ang buhay niya, iwas-iwasan na niya si Yusof, dahil sa oras na malaman ko kung sino siya ay baka hindi ako makapagpigil at baka mapatay ko pa siya ng wala sa oras!

Gagawin ko ang lahat, mapasaakin lang si Yusof! Wala akong pakialam kung sino pa ang babaing yun o kahit ano pa siya, basta't ang gusto ko ay mabawi ko si Yusof sa kanya! Kahit na magpatayan pa kami ng hayup na babaing yun!

SO BEWARE TO ME, YOU BITCHES!!!