Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 66 - CHAPTER SIXTY FIVE

Chapter 66 - CHAPTER SIXTY FIVE

(Kensington High School, after two days)

(Kath Rence's POV)

AFTER TWO DAYS...

Haay salamat at natapos na rin ang exam! Nakakaginhawa sa pakiramdam!

* feeling successful lvl 100 *

Ngayon na malalaman ang resulta ng 1st Periodical Test namin at bagama't kinakabahan ako ay excited na akong malaman ang resulta ng exam.

(IV-1 Classroom)

(Kath Rence's POV)

PAGDATING ko sa classroom ay sinalubong ako ni Sachi.

"Good morning, wifey ko." ang malambing na bati sa akin ni Sachi sabay halik niya sa pisngi ko.

"Good morning din sayo, hubby ko." bati ko rin sa kanya.

"Alam mo na ba ang result ng test? Medyo kinakabahan kasi ako eh." tanong ni Sachi sa akin.

"Hindi pa eh. Pero tiwala naman akong papasa tayo dyan. Kaya wag ka nang kabahan, ha?" ang pagpapalakas-loob kong sabi sa kanya.

"Salamat ha, kasi palagi mong pinapalakas ang loob ko." and he kissed again my cheeks. "I love you, Katy ko."

"I love you too, Sachi ko."

Kinilig ang buong klase habang naiinggit naman ang iba. Hindi na lang namin sila pinansin.

Hanggang sa dumating na si Ma'am Nicdao kasama sina Kuya Leonard at Yhannie. Agad nagsibalikan ang mga classmates sa upuan nila.

"Good morning, class." bati ni Ma'am sa amin.

"Good morning, Ms. Nicdao." bati naman ng buong klase.

"Okay, so, lumabas na ang test results. At natutuwa ako dahil lahat kayo ay nakapasa sa exam."

Nagpalakpakan kaming lahat.

"Over sixty students, tanging top 10 lang ang ipapaskil ko dito sa board. Carl, can you please post it on the board."

Tumayo naman yung kaklase namin at idinikit ang tarpaulin sa board. At nagulat kaming lahat kung sino ang nag-topnotch sa exam.

"S-Sachi?!! I-ikaw ang topnotcher sa exam?!!" gulat na gulat kong sabi sabay yugyog ko sa magkabilang balikat niya. Habang siya naman ay halos malaglag na ang panga sa gulat.

"A-ako ba talaga?" ang hindi makapaniwalang sabi ni Sachi.

"Waah! Congratulations, hubby ko!" and I hugged him very happily. Nakangiti naman siyang yumakap sa akin.

"You're welcome, wifey ko." sabi niya.

"I'm so proud of you." sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Thanks, wifey ko. Hindi ko magagawa ito kung wala ka, ang pamilya ko at ang mga kaibigan natin. Kayo ang inspirasyon kung bakit nag-aaral ako ng mabuti." he said seriously.

Tilian ng buong klase habang pinagbubulungan kami ng iba.

"Wow, ang galing talaga ni Prince Satchel! He topped the exam!" - Floral.

"Oo nga noh. Ang galing niya." - Fauna.

"Sana ako na lang si Princess Kath Rence para mahalikan ko naman siya..." - Anya.

"Ang galing palang mag-tutor ni Princess Kath kay Prince Satchel..." - Belle.

"Ano, nakain nyo ngayon yang mga sinabi nyo noon kay Kath. Pathetics." sabad ni Rhian, dahilan para biglang mapahiya yung apat.

Haha, so 'eto ba ang sinasabi nilang bad influence? Eto ba?

What a nice move, Kath.

Ang iba pang nag-topnotch sa exam ay sina:

---

KENSINGTON HIGH SCHOOL INCORPORATED

La Cornelia St., Ayala Avenue, Makati City

OFFICIAL LIST OF TOPNOTCHERS FOR FIRST PERIODICAL EXAMINATION (FOURTH YEAR)

(A.Y 2013-2014)

1. Satchel Roswell De Vega (IV-1)

(95.87)

2. Leonard Anthony Tecson Villas (IV-1)

(95.52)

3. Yhannie Cristobal Ilacad (IV-1)

(95.14)

4. Kath Rence Tecson Villas (IV-1)

(94.96)

5. Shellaine Maceda Uy (IV-1)

(94.90)

6. Rhian Elize Brady Pascual (IV-1)

(94.85)

7. Mickey Angelo Adona Castillo (IV-1)

(94.73)

8. Christine Aliya Ferguson Lee (IV-3)

(93.66)

9. Mikki Ann Dizon Pineda (IV-2)

(93.40)

10. Thirdy Rosales Sumang (IV-1)

(93.27)

---

"Wow, Sachi! Pa-Jollibee ka naman dyan!" kantyaw ni Rhian sa kanya.

"Oo nga, magpa-blow out ka naman!" sabad ni Kuya Leonard.

"Blow-out! Blow-out! Blow-out!" ang cheer ng buong klase.

"Sige. Pero mamaya na, pagkatapos ng klase." sabi ni Sachi.

Tilian ng buong klase sa sobrang saya at excitement.

"Congratulations Satchel. You topnotch the examination in whole Senior Department." bati ni Ma'am kay Sachi.

"Thank you po, Ma'am." sabi niya.

"Okay so let's now discuss our new lesson for 2nd Grading Period. Open your book on page 160."

Binuklat na namin ang libro namin at inumpisahan na ni Ma'am ang discussion.

(IV-2 Classroom)

(Bea's POV)

GOSH, where is Yusof? Saan siya nagpunta? Bigla na lang kasi siyang lumabas.

Argh! Ano ba!

Ba't ba ganito ang pakiramdam ko?

Nakukutuban kong may hindi magandang mangyayari.

Hindi pwede.

Kailangan kong malaman kung sino ang malanding umaagaw kay Yusof! Dahil kapag nalaman ko kung sino siya, I'll kill her ass!

Hindi ko pa rin tanggap!

Shit! Shit!

FVCKING SHIT!

"Ang kabanatang tatalakayin natin ngayon ay ang kabanata nina Elias at Salome, blah blah blah..." sabi ni Mrs. Amon.

Hindi ako makapag-concentrate sa klase dahil pa rin sa kakaibang nararamdaman ko.

Hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng classroom. Napalingon kaming lahat at nakita namin si Yusof. Tatayo na sana ako para lapitan siya nang makita kong kasunod niya si Mikki...

At hawak niya ang kamay ni Yusof.

"Good morning guys. Good morning, Mrs. Amon. Sorry, were late." sabi ni Yusof.

W-what the...

D-don't tell me...

"Waaah! Ba't magka-holding hands kayo?!" - Femme.

"I think, sila na. Aww. It hurts. Huhu..." - Marc John.

"Wala na tayong chance..." - Glendel.

"Bakit siya pa? Pwede namang ako na lang..." - Sharra Ann.

"Huhu. Prince Yusof..." - Cheenie.

"In fairness, bagay kayong dalawa!" - Yarra.

FVCK!

BAKIT SA LAHAT PA NG BABAING PWEDENG UMAGAW KAY YUSOF, SI MIKKI PA?!

Damn!

Si Mikki pa na kaibigan ko ang lumalandi kay Yusof!

SHE'S A TRAITOR!

But as what I've been said, kahit sino pa man siya, gagawin ko ang lahat para mapabagsak siya at mapasaakin si Yusof.

"Mikki, Yusof, kayo na ba?" tanong ni Yogo.

"Ha? Ah...e-ehh...k-kasi..." - Mikki.

"Yes. Kami na." at inakbayan ni Yusof si Mikki.

No, no, no, no!

NOOOOOOOOOOOO!

HINDI MAAARI!

HINDI AKO MAKAKAPAYAG!

"HINDIIIIII!!!!!" I shouted.

Nagulat silang lahat, including Mikki and Yusof.

Shit!

Wag kang magpapahalata, Beatrice! Act natural!

"Uhm...I-I mean...hindi ko mapigilan ang sarili ko! Kinikilig ako!" I said, kahit na gustung-gusto kong sabihing, "Mang-aagaw ka, Mikki!", but I can't! Dapat umakto ako na parang walang nangyari, para hindi nila mahalata ang mga pinaplano ko.

* evil grin lvl 100 *

"Ako din! Kinikilig ako! Waah!" - Khendra.

"Ayieeeeee!" kantyaw ng buong klase.

Tss. Mas nakakakilig kung kami ni Yusof! Argh!

Ngayong alam ko na kung sino ang kalaban ko, magiging madali na lang ito.

Pababagsakin kita, step by step, Mikki Ann Pineda.

* evil smile lvl 100 *

(IV-2 Classroom)

(Riri's POV)

BREAKTIME.

Habang abala sa pagkukwentuhan ang mga classmates ko ay tahimik kong pinagmamasdan si Bea, at ang mga kinikilos niya. Matagal na akong may hinala sa babaing ito dahil malakas ang kutob kong may gusto siya kay Yusof. At hindi nga nagkabula ang hula ko. May gusto nga siya kay Yusof.

At mas nahalata ko na siya nang mabasa ko sa mukha niya kanina ang sobrang insecurity at selos dahil sa nalaman niya kina Yusof at Mikki kanina. At mas lalong sumama ang kutob ko sa maaaring gawin ng babaing ito sa mga kaibigan ko.

I need to stop that bitch. Bago pa niya masaktan sina Yusof at Mikki.

Nung lumabas siya ay agad kong tinawagan si Kath Rence sa cellphone ko.

"Kath, si Riri 'to. Can I go to you're house this afternoon?"

- Yes. Bakit, may sasabihin ka ba sa akin? - (Kath)

"Yes. About the newbie here."

- Bea Anderson? - (Kath)

"Bingo. At may nalaman akong hindi maganda sa kanya. Basta, sasabihin ko sayo mamaya. Kita na lang tayo sa bahay ninyo."

- Sige. Mag-usap na lang tayo sa bahay mamaya. Bye. - (Kath)

Call ended.

Pagkawala ng linya ay itinago ko kaagad ang cellphone ko.

Ngayong alam ko na ang tunay na pagkatao ng Beatrice na yun, sisiguruhin naming may kalalagyan ang katulad niya sa school na ito.

* evil smirk *

(Cafeteria, Break time)

(Kath Rence's POV)

HABANG kumakain kami ni Sachi sa cafeteria ay nakita naming palapit na sa amin si Khendra. Kasama niya sina Jack, Joshua at Gianna.

"Hi guys! Tara, kain tayo." yaya ko sa kanila.

"Sige." at naupo na sila sa upuang katabi namin ni Sachi. Pero napansin naming nakatayo pa si Jack.

"Jack, hindi ka ba sasabay sa aming kumain?" sabi ni Joshua.

"S-salamat na lang pero busog pa ako. Sige, aalis na ako." at lalabas na sana si Jack nang biglang magsalita si Satchel.

"Parang may iniiwasan ka yata, Jack." Sachi said sarcastically.

"I-iniiwasan? W-wala. Wala naman akong iniiwasan." ang tila ilag na sabi niya.

"Talaga?" and Sachi smiled very evilly.

Sasagot na sana si Jack nang makita naming galit na pumasok sa cafeteria si Aling Vivian at sinampal ng malakas si Jack. Gulat na gulat kaming lahat, lalo na si Jack.

"M-mama..." ang tila maiiyak nang sabi ni Jack sabay salat sa pisngi niya.

"Ano itong nalaman ko mula sa teacher mo ha! Bagsak ka sa exam mo! Wala ka na talagang ibang idinudulot sa akin kundi puro na lang kahihiyan! Puro na lang kahihiyan!" at akmang sasampalin na sana ulit ni Aling Vivian si Jack nang may sumalag ng kamay niya.

Si Tita Esprit/Diana.

"Anong ginagawa mo sa anak mo?! Pinapahiya mo siya sa harap ng maraming tao! Anong klase kang ina?!" galit na galit na sigaw ni Tita habang sinasangga niya si Jack.

"Wag kang makialam dito! Anak ko 'to kaya karapatan kong gawin ang kahit anong gusto ko sa batang ito!" at pinagbalingan ni Aling Vivian si Jack. "At ikaw, kailan ka ba magtitinong bata ka, ha! Kahit kailan, wala ka nang ginawang tama!" at akmang susugurin na sana ni Aling Vivian si Jack pero naitulak siya ni Tita. Sa sobrang galit ni Aling Vivian ay sinugod niya si Tita at sinabunutan. Dahil hindi na rin makapagpigil pa si Tita ay sinabunutan din niya si Aling Vivian. Taranta naman kaming umawat sa kanilang dalawa.

"Napakawalang-hiya mo talaga, Vivian! Pati sarili mong anak, naaatim mong saktan!" Tita said very angrily habang hawak siya nina Sachi at Gianna.

"Wala kang karapatang pakialaman ako, Diana!" pagalit na sabi ni Aling Vivian. "Halika na, Jack! Mag-usap tayo sa bahay! Ngayon na!" at akmang hahawakan na ni Aling Vivian ang kamay ni Jack pero marahas itong kumawala sa kanila, dahilan para muntik nang ma-out of balance si Aling Vivian at matumba.

"Ayokong sumama sayo, Mama. Ayokong sumama sa masamang tulad mo!" Jack said angrily to her mother. Sa sobrang pagkabigla ni Aling Vivian ay nasampal niya ulit si Jack. Natahimik kaming lahat sa ginawa ni Aling Vivian habang awang-awa na nilapitan ni Khendra si Jack.

"Bastos kang bata ka! Paano mo na nagagawang sagut-sagutin ako ng ganyan?!!" Aling Vivian said very angrily.

"Bakit ko kayo ginaganito?!" paganting sigaw ni Jack. "Kasi napakasama niyo! Paano niyo naatim na manira ng pamilya?! Paano niyo naatim na pumatay ng tao?! At higit sa lahat, paano niyo naatim na magsinungaling?! Wala na ba talaga kayong natitirang konsensya dyan sa puso niyo?! Ha?!"

Natigilan si Aling Vivian sa mga sinabi ni Jack habang nagbubulungan na ang mga estudyante't mga teachers sa paligid namin.

"J-Jack..." ang tila natauhang sabi ni Aling Vivian. "A-anak ko...p-patawarin mo ako..." at yayakapin na sana nila si Jack pero marahas sila nitong itinulak palayo.

"Hindi. Hindi na ako naniniwala sayo. Pagkatapos ng mga ginawa nyong kasalanan, sa tingin nyo...paniniwalaan pa po kita?! Patatawarin pa po kita?! Mama, pinagmukha nyo po akong tanga!" at tumulo ang luha sa mga mata ni Jack.

"A-anak..." ang maiiyak na ring sabi ni Aling Vivian.

"Kung ayaw nyong itama ang mga pagkakamali ninyo, pwes, ako mismo ang magtatama sa mga iyon. Ako mismo ang magsasabi ng totoo sa kanila!" banta ni Jack kay Aling Vivian.

"J-Jack...i-inosente ako...w-wala akong kasalanan..." pagmamakaawa pa ni Aling Vivian pero galit na galit na sumigaw si Jack.

"TAMA NA MAMA!!! TAMA NAAAAA!!!!" Jack shouted frustrately. "PLEASE LANG, WAG NA KAYONG MAGSINUNGALING PA! AMININ NYO NANG NILASON NYO SI ALING ISING AT IPINAMIGAY NYO SI CHELSIE SA IBANG TAO! AT MAY KINALAMAN PA KAYO SA NANGYARI SA TUNAY NA TATAY KO!"

"W-what?! T-tunay na tatay?!" gulat na sabi ni Sachi.

"What does he mean?" nagugulumihanang tanong ni Joshua.

Naiiyak na tumingin si Jack kay Sachi. Isang tingin na nagbabadya pa ng mga susunod niyang sasabihin. "Sachi...hindi ko tunay na ama ang tatay mo. Pero napamahal ako sa kanila dahil mabait silang tao. At wala silang ibang iniisip kundi ang ikakabuti mo. Patawarin mo sana ako kung inagaw ko sayo ang lahat...lalo na ang daddy mo."

"J-Jack..." this time ay maiiyak na si Sachi habang nakatitig siya kay Jack.

"Tama ka ng nadidinig. Hindi ako tunay na De Vega. Isa lang akong impostor." and Jack cried.

Mas lalo kaming nagulat sa sinabi ni Jack.

Hindi siya isang De Vega?

Papanong nangyari yun?

Tsaka...papano pinalabas ni Aling Vivian na anak ni Sir Albert si Jack?

"Jack, hindi totoo yan! Anak ka ng Daddy Albert mo!" pagpupumilit pa ni Aling Vivian pero umiling-iling si Jack, dahilan para mas lalong mahintakutan ang nanay niya.

"Mama, hindi na ba kayo nauumay sa mga kasinungalingang pinagagagawa niyo? Wala na ba talaga kayong konsensya? O sadyang pinatay nyo na yang konsensya niyo? Ang dami niyong atraso sa mga De Vega maging sa akin na sarili mong anak! Sabihin niyo, paano niyo nasisikmurang gawin iyon?! Paano niyo nagagawa ang mga bagay na iyon?!" Jack asked very angrily to his mother.

"Dahil pinoprotektahan lang kita! Ayokong mawala ang lahat ng meron sa atin! Ayokong maghirap tayo! Anak, sana maintindihan mo ako!" katwiran ni Aling Vivian.

"Ako? Pinoprotektahan niyo? Kahit na nakakasakit na kayo ng damdamin ng ibang tao?! Hindi na proteksyon ang tawag dun! Desperasyon na iyon! Desperasyon!" ang nagngingitngit sa galit na sigaw ni Jack.

"Anak...m-magpapaliwanag ako..." at pinilit ni Aling Vivian na yakapin ang kanyang anak pero nagmatigas pa rin ito.

"Hindi niyo na kailan pang magpaliwanag, dahil mga ebidensya na mismo ang nagpaliwanag sa mga kasalanan ninyo." at mabilis na umalis si Jack sa cafeteria.

"Jack, anak! Bumalik ka dito! Please, wag mo namang gawin sa akin ito!" at hahabulin na sana ni Aling Vivian si Jack pero hindi na niya ito naabutan. Tarantang napaupo si Aling Vivian sa sahig habang umiiyak.

Habang nakamasid lang sa kanya ang mga estudyante't teachers ay pansin ko ang hindi na maitago pang galit sa mga mata ni Tita Esprit. Sinikap namin silang awatin pero hindi namin sila naawat. Galit na galit na lumapit si Tita at isang malakas na sampal ang ibinigay niya kay Aling Vivian.

"D-Diana..." gulat na gulat na sabi ni Aling Vivian.

"Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina. Ikaw...nanlason ng isang inosenteng tao! At hindi ka pa nakuntento! Ipinamigay mo pa ang bunsong anak ni Albert sa ibang tao! Vivian, ang buong akala ko pa naman ay mabait kang tao, pero nagkamali ako...dahil wala ka palang kasing-sama! Napakasama mo! Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mong panloloko sa akin! Hindi ka dapat pagkatiwalaan!" sunud-sunod na sabi ni Tita habang duru-duro niya si Aling Vivian.

"Wag mo akong husgahan, Diana! Hindi mo pa ako gaanong kilala!" paganting sumbat sa kanya ni Aling Vivian.

"Talaga? Hindi pa kita kilala. Vivian...kilalang-kilala na kita. Noon pa man." and Tita smiled very evilly.

"A-anong ibig mong sabihin?" ang tila kinakabahang tanong ni Tita.

"Anong ibig kong sabihin? Malapit mo nang malaman kung sino talaga ako. Malapit na." at umalis na sa cafeteria si Tita. Agad siyang sinundan nina Sachi at Gianna. Naiwang tulala at nakatanga si Aling Vivian habang pinagbubulungan siya ng mga tao. Habang kami naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig namin.

Paano nagawa ni Aling Vivian ang mga bagay na yun?

Pati sarili niyang anak, nagawa niyang linlangin.

Bigla ay nakaramdam ako ng awa para kay Jack.

"Kawawa naman siya. Wala akong magawa para mapagaan ko man lang ang dinadala niyang problema." ang malungkot na sabi ni Khendra.

"Grabe ang mga pinagagagawa ng nanay niya. Akala ko pa naman ay mabait talaga si Ma'am Vivian. Pero hindi pala." sabi ni Joshua.

"Hindi natin masisisi si Jack. Nasaktan siya sa nangyari. Ang kailangan niya ngayon ay pang-unawa mula sa atin na mga kaibigan niya." sabi ko.

Kung anuman ang nangyayari ngayon sa buhay ni Jack, sana'y manatili lang siyang matatag at kung sakali mang tuluyan na niyang malaman ang buong katotohanan sa likod ng nakaraan ng nanay niya...sana'y hindi pa rin mawala ang pagpapatawad sa puso niya.

Sana'y mapatawad pa niya ang nanay niya.

At sana'y ang pangyayaring ito na ang maging daan upang magkaayos na silang dalawa ni Sachi.

(St. James Church, evening)

(Jack's POV)

"BAKIT? BAKIT NILOKO AKO NI MAMA? BAKIT NAGAWA NIYA SA AKIN ITO? BAKIT?" ang sunud-sunod na tanong ko kay Sister Melissa. Nasa simbahan ako ngayon at sinadya ko talaga sila sa kanilang opisina. Siya na lang kasi ang mapagkakatiwalaan ko.

"Anak, hindi ko alam na magagawa pala ng Mama mo na pumatay ng tao. Pero hindi ko naman siya kayang husgahan, kasi isa siyang ina. At pinoprotektahan ka lang niya." sabi ni Tita habang akbay nila ako.

"Ang hindi ko lang po matanggap, bakit pati ang tunay na ama ko, nagawa niyang patayin? Ano bang kasalanan ng tatay ko at nagawa niya ang bagay na yun?"

"Hindi ko alam. Pero tiyak na may dahilan siya. Nawa'y sumuko na lang siya sa mga pulis at pagsisihan niya ang lahat ng mga ginawa niyang kasalanan." sabi ni Sister.

"Sister, maraming salamat po at palagi kayong nasa tabi ko. Palagi nyo po akong pinapayuhan at ginagabayan sa mga dapat kong gawin sa sitwasyon kong ito. Siguro, kung wala po kayo, baka nagpakamatay na po ako...kasi po...hindi ko po kayang tanggapin na ang nanay ko ang pumatay sa sarili kong tatay." ang mahina pero taos-puso kong pasasalamat sa kanila.

"You're welcome, hijo. Hindi ka na iba sa amin kasi para ka na naming anak. Magdasal ka lang palagi sa Panginoon at humingi ka ng paggabay mula sa kanya. Ipagdasal mo na rin na sana'y maliwanagan na ang nanay mo sa mga ginawa niyang pagkakamali sa buhay. Sige na, umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng nanay mo."

"Salamat po ulit." at niyakap ko si Sister. Niyakap din nila ako. Nung bumitaw na ako sa kanila ay lumabas na ako ng kumbento. Saktong palabas na ako ng simbahan nang may nakita akong lalaking nakatayo sa gate at nakatitig sa akin. Hindi ko na sana papansin pa ang lalaking yun pero natigilan ako sa sinabi niya.

"Jackson...anak..."