Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 67 - CHAPTER SIXTY SIX

Chapter 67 - CHAPTER SIXTY SIX

(St. James Church, evening)

(Jack's POV)

"JACKSON...anak..."

Natigilan ako at nanginginig na tumingin sa kanya.

"S-sino ka?" nangangatog sa takot na tanong ko sa kanya.

"Ako si Elbertson...ang tatay mo." sabi nung lalaki.

What the heck that guy said?

He's my...dad?

Imposible.

Patay na ang tatay ko.

"I-imposible. Hindi ikaw ang tatay ko. Patay na siya." ang magalang na sabi ko pero umiling-iling siya.

"Anak, hindi totoo yan. Hindi pa ako patay. Buhay na buhay ako. At nandito ako ngayon sa harapan mo." ang mahinahong sabi ng lalaking yun.

"Please lang po, wag nyo pong bastusin ang nanahimik na kaluluwa ng tatay ko." pakiusap ko sa lalaki pero laking gulat ko nang may ipakita siyang picture.

"Tignan mo ang picture na ito." at ibinigay sa akin ng lalaki ang picture. Bagama't nag-aalangan ay kinuha ko ang picture. Tinitigan ko itong mabuti at mas na-shock ako nang makita ko ang batang mukha ni Mama na may kalong na bata.

"T-teka...a-ako 'tong batang 'to..." gulat na sabi ko. Tinitigan ko ulit ang picture at mas nagulat ako nang makita ko ang lalaking katabi ni Mama sa larawan.

"I-ikaw ang nasa...picture na ito..." sabay titig ko ng maigi sa lalaking kaharap ko ngayon. Sa sobrang pagkagulat ko ay muli kong tinitigan ang picture. Parehong-pareho ang mukha ng lalaking nasa larawan at lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Ngayon, titigan mo ang nasa likod ng picture." sabi ng lalaki sa akin.

Tinitigan ko ang likod ng picture at nakita kong may nakasulat doon. At noong obserbahan ko ang penmanship ay mas nagulat ako.

"P-penmanship ni Mama 'to ah!" at muli kong tinitigan ang penmanship na yun. Dahil tinablan ako ng matinding curiosity ay binasa ko ang sulat na yun.

- This is the picture of my husband, Elbertson and my son, Jackson. Vivian. -

Nanginginig akong napatingin sa lalaking yun habang unti-unti nang pumapatak ang luha sa mga mata ko. Nakita ko na rin ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.

"P-Papa..." ang garalgal na tawag ko sa kanya.

"Anak ko..."

"Papa!" at sinalubong ko sila ng mahigpit na yakap.

"Jack...anak ko..." sabi nila habang yakap nila ako ng mahigpit. "Na-miss kita. Binatang-binata ka na!" at tinapik nila ang ulo ko.

"Na-miss din po kita, Papa." masayang sabi ko. "P-paano po kayo nabuhay? Ang buong akala ko po'y patay na po kayo."

"Ako? Patay? Hindi ako patay. Buhay na buhay ako. Pinilit kong mabuhay para makasama kang muli." sabi nila.

"Pinilit nyong mabuhay? Anong ibig nyong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanila.

"Dahil kamuntik na akong patayin ng nanay mo." ang pag-amin sa akin ni Papa.

"H-ho? Muntik na kayong patayin ni Mama? B-bakit po?" gulat na tanong ko.

"Dahil kay Albert De Vega. Ayaw niyang malaman ni Albert ang tungkol sa akin kung kaya naman binalak niyang patayin ako. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa sa akin yun ng nanay mo. Malamang ay sobrang nasilaw siya sa magandang buhay na meron ang Albert De Vega na yun kung kaya naman mabilis niya akong iniwan at ipinagpalit sa lalaking yun." ang malungkot pero tahasang pag-amin ng tatay ko.

Napakuyom ang palad ko sa sobrang galit kay Mama.

Napakasama talaga ng nanay ko. Talaga ngang nagawa niya ang bagay na ito.

I really can't believe it!

"G-ginawa talaga ni Mama yun?"

"Oo. Ginawa ng nanay mo yun. Alam kong hindi kapani-paniwala, pero yun ang totoo. Muntik na akong pinatay ng nanay mo." sabi ni Papa.

"Papano kayo nakaligtas?" curious kong tanong sa kanila.

"Gusto mo bang malaman?"

"Kung mamarapatin nyo po sana." sabi ko.

"Tara sa kotse at ikukwento ko sayo." at akbay ako ni Papa habang papunta kami sa nakaparadang kotse sa tapat ng simbahan.

(Esprit's POV)

Habang nakatanaw ako sa mag-amang Elbertson at Jack ay nakita kong shock pa rin ang panganay ko na si Sachi.

"M-Mom...I still can't believe it. Si Mang Elbertson ang tatay ni Jack?" sabi ni Sachi.

"Yes. Nung una ay ayaw kong maniwala sa kanya pero nung may ipakita siyang something document about sa kanila ni Vivian ay naniwala na ako." paliwanag ko sa anak ko.

"Ang buong akala ko'y kapatid ko talaga siya."

"Yun nga rin ang akala ko eh. Kaya nga wag kang magtatanim ng galit sa kanya, kasi katulad natin, naging biktima rin siya ng nanay niya. Tsaka tama rin na ikinanta na niya ang mga kasalanan ng nanay niya. Pinipili niyang gawin ang dapat." sabi ko sa kanila.

Hindi nakaimik si Sachi sa sinabi ko. Agad ko siyang niyakap.

"Anak, kung iniisip mong kasalanan mo ang mga nangyayari sa kanya, nagkakamali ka. Wala kang kasalanan sa kanya. So don't be sad. Instead, bakit hindi ka makipagkaibigan sa kanya? Treat him as your brother."

"Pero...baka hindi na niya ako tanggapin. Marami na kasi akong atraso sa kanya eh..." ang tila naaalangang sabi ng anak ko pero nginitian ko siya sabay akbay ko sa kanya.

"Sachi, kilala ko si Jack. Mabait, masipag at mapagmahal siyang bata, kung kaya naman matutuwa yun kapag nalaman niyang gusto mo siyang maging kaibigan." ang nakangiting sabi ko sa kanya.

"Mommy...I want to apologize to him. Please, help me." pakiusap sa akin ng anak ko.

I smiled and said, "Sure, anak. Ako na ang bahala."

"Thank you po, Mommy! You're the best!" at niyakap ako ulit ni Sachi. I hugged my son back.

Wala na akong mahihiling pa dahil maligaya na ako sa piling ng dalawang anak ko at ng nanay ko. Nawaglit na nga sa isip ko ang pinaplano kong paghihiganti laban kay Albert.

At sa mga nalaman ko kani-kanina lang, napag-isip-isip ko, karma na ang kusang naniningil kay Vivian sa mga kasalanan niya at gayundin kay Albert, kaya ba't ko pa nanaising maghiganti? Tsaka gusto kong makabawi kina Sachi at Chelsie sa mga panahong wala ako sa tabi nila. Gagawin ko ang lahat para maging mabuti akong ina sa kanilang dalawa.

Ngunit sa ngayon ay masaya ako para sa kaibigan kong si Elbertson, dahil sa wakas ay nagkita na sila ng anak niyang si Jack.

Nung hindi na namin sila matanaw ay lumabas na rin kami sa gate ng simbahan at sumakay na sa kotse. I started the engine and drive the car away from the church.

(Aling Bessy's Restaurant)

(Jack's POV)

"At nung gabing yun, ipinadukot ako ng nanay mo sa kapatid niyang si Berto at dinala ako sa masukal na bahagi ng highway. Doon ay sinaktan at binugbog ako ni Berto tsaka binaril ako ng nanay mo. Ang buong akala ko ay sa sintido niya ako napuruhan, pero sa balikat ako tinamaan. Kaya kahit bugbog sarado ako ay pinilit ko pa ring makatakas palayo. May tumulong sa akin na dalhin ako sa ospital. Isang buwan din akong nagpagaling sa ospital na yun dahil na rin sa dami ng pasang tinamo ko. Pagkalabas ko ng ospital ay pansamantala akong pumunta sa Italy para magtrabaho bilang mekaniko. At pinalad ako dahil nakatagpo ako doon ng mabuting amo. Mga anim na taon din ako sa abroad at sa kabutihang palad ay maganda ang kinikita ko hanggang sa nakapundar na ako ng sarili kong mga ari-arian sa Italy. Bago mamatay ang amo ko ay binigyan niya ako ng malaking porsyento sa share ng kompanyang pinagtrabahuhan ko. Ginamit ko ang perang yun para makabalik ako ng Pilipinas at makapagpatayo ng maliit na talyer. At sa loob ng dalawang taon ko dito ay nagkaroon na ng branches sa Metro Manila ang itinayo kong talyer. Nakapagpatayo rin ako ng talyer sa Cavite at Laguna at sa susunod na taon ay magbubukas na rin ang talyer natin sa Batangas, Quezon at Marinaya." pagkukwento ni Papa sa akin.

Bilib na talaga ako sa diskarte ng tatay ko. Yumaman siya sa marangal na paraan...hindi katulad ni Mama na yumaman sa masamang paraan.

"Ang galing nyo naman po, Papa." sabi ko sa kanila.

"Salamat, anak. Ginamit ko ang kaalaman at diskarteng meron ako sa pakikipagsapalaran sa buhay, kaya heto at maalwan ang buhay ko ngayon." sabi ni Papa. "Ikaw naman ang magkuwento, anak. Kamusta ka na?"

"Heto po, miserable ngayon ang buhay ko." malungkot na sabi ko sa kanila.

"Miserable? Bakit? Sinasaktan ka ba ng nanay mo?"

"Opo. Physically and emotionally." at hindi ko na napigilan pang mapaluha. Hanggang sa naramdaman ko ang mahigpit na yakap ng tatay ko.

"Kawawa ka naman, anak. Pagpasensyahan mo kung hindi kita magawang ipagtanggol sa nanay mo." sabi ni Papa. "Sabihin mo, pano ka sinasaktan ng nanay mo? Binubugbog ka ba niya? Ipinapahiya?"

"Pareho po. Mula kasi nang may malaman ako tungkol sa kanila ay unti-unti na akong nilamon ng pagkasuklam ko sa kanila. Nag-umpisa na po akong magrebelde laban sa kanila at yun ang ikinagagalit nila." pag-amin ko kay Papa.

"Naiintindihan kita, anak. Pero matanong ko lang, wag mo sanang masamain, anong nalaman mo tungkol sa nanay mo?" tanong ni Papa.

"Nakapatay si Mama ng isa sa mga katiwala ni Daddy Albert. Aling Ising po ang pangalan ng mayordoma nila. Tsaka po pinalabas nilang patay na ang bunsong anak ni Daddy Albert na si Chelsie kahit na ang totoo'y pinamigay niya yung bata sa isang babae." sabi ko.

"Grabe na talaga yang nanay mo. Wala na siyang patawad. Kahit sino, binabangga na niya." ang mahina pero galit na sabi ni Papa. "Eh alam na ba ni Albert ang mga pinagagagawa ng nanay mo?"

"Hindi pa po. Pero alam na ng foster sister ni Daddy ang sikreto ni Mama."

"Sino naman yang foster sister ng daddy mo?" ang mas na-curious na tanong ni Papa.

"Jane po ang pangalan ng foster sister ni Daddy." I said.

"Eh pano naman nalaman ng kapatid ng daddy mo ang tungkol sa mga ginawa ng nanay mo?"

"Sila mismo ang nakasaksi sa mga ginawa ni Mama. At sinabi nila ang lahat ng iyon sa akin." sabi ko.

Natahimik si Papa sa sinabi ko, pero ramdam ko ang matinding galit na kinikimkim nila para kay Mama.

"Hindi na dapat kinukunsinti yang ginagawa ng nanay mo. Ang dapat sa kanya, makulong!" at marahas na nailapag ni Papa ang basong hawak nila sa mesa.

"Papa, huminahon lang po kayo. Ako na po ang bahala kay Mama." sabi ko.

"Sigurado ka ba dyan? Baka naman mapahamak ka sa gagawin mo." ang nag-aalalang sabi ni Papa.

"Di bale na pong mapahamak ako, basta ang mahalaga'y matigil na ang mga masamang ginagawa ni Mama." desididong sabi ko kasabay ng isang buntung-hininga.

"Basta, mag-iingat ka ha? At kung sakaling magkaproblema ka man, nandito lang ako para alalayan ka." sabay bigay nila ng isang papel sa akin.

"Ano po ito?" tanong ko sa kanila.

"Contact number ko yan. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng makakasama't makakausap." sabi nila.

"Bakit po, Pa? Hindi ko po ba kayo pwedeng makasama palagi?"

"Pwede mo naman akong makasama eh, pero sa tamang panahon. Malakas ang kutob kong mainit pa rin sa akin ang dugo ng nanay mo. Ayokong mapahamak ka nang dahil sa akin, kaya sana'y maunawaan mo ako." ang mapagkumbabang sabi ni Papa.

"Naiintindihan naman po kita, Papa. Basta, mag-iingat po kayo palagi ha?" paalala ko sa kanila.

"Oo naman, anak. Mag-iingat ako palagi. O siya, may ibibigay pa pala ako sayo." at binigyan ako ni Papa ng isang sobre.

"Ano po ito?" tanong ko.

"Pera yan. Mga nasa sampung libong piso ang halaga. Itago mo ito sa bangko. Matuto kang mag-ipon ng pera para may madukot ka sa oras ng kagipitan. Naiintindihan mo?"

"Opo, Papa. Naiintindihan ko po." sabi ko sa kanila.

Pagkatapos naming kumain ni Papa ay pinasakay na niya ako sa jeep na papuntang Carnation Village kung saan nandun ang bahay ni Daddy Albert. Binilinan pa nila ako na mag-ingat palagi at tatawagan ko sila sa ibinigay nilang cellphone number.

Habang bumibiyahe ang jeep na sinasakyan ko ay nakaramdam ako ng kahit papano'y ginhawa at saya dahil nakita ko na ang tunay na tatay ko. Pero hindi pa rin nawawala ang galit na kinikimkim ko kay Mama. Dahil sa mga nalaman ko mula kay Papa ay desidido na akong gawin ang lahat para lang maitama ni Mama ang mga pagkakamaling nagawa nila.

KAHIT AKO PA NA SARILI NILANG ANAK ANG MALAGAY SA KAPAHAMAKAN.