(Hotel McGrath Grand Cafe, evening)
(Esprit/Diana's POV)
PAGDATING namin sa malaking entrance ng hotel ay bumaba na ako sa kotse. Bahagya kong inayos ang pulang gown at Versace wallet ko.
"Kita-kits na lang tayo mamaya, Esprit." sabi ni Cynthia sabay sara niya sa pinto ng kotse.
Pag-alis ng kotse ko ay dahan-dahan na akong naglakad papasok sa loob.
Alright.
This is it.
* evil grin *
Pagpasok ko sa malaking cafe sa loob ng hotel ay nakita kong palapit na sa akin si Arthur. And he's so handsome in his suit.
"Good evening, Diana." bati niya sa akin.
"Good evening." nakangiting sabi ko sa kanya. "Nandito na ba sila?"
"Wala pa eh. In any minute, baka dumating na sila." sabi naman niya. "Halika na. Maghintay na lang tayo sa dining table." at inalalayan na niya ako papunta sa dining table for four.
Ayos. Mukhang umaayon ang lahat sa plano ko.
* evil grin *
Habang tumitingin ako ng pagkain sa menu na nakapatong sa mesa ay napansin kong nakatitig lang sa akin si Arthur, dahilan para bigla akong mailang. Nagkunwari na lang ako na hindi siya nakikita kahit na ang totoo'y patingin-tingin din ako sa kanya.
Hanggang...
"Habang tumatagal, napapansin kong lalo kang gumaganda, Diana." sabi niya.
"Bakit? Ngayon mo lang ba napansin na maganda ako?" pagbibiro ko sa kanya para mapagtakpan ko ang bahagyang pagkailang ko.
Natawa si Arthur sa biro ko.
"You're so funny, Diana. Pero hindi ako nagbibiro. Talagang maganda ka." and he hold my hand. "Napakaganda mo."
That makes me blush.
"T-thanks." ang flattered na sabi ko sabay iwas ko sa mga mata niya.
Nung may lumapit na waiter sa amin ay saktong dumating na sina Albert at Vivian.
"Good evening, Dianna and Arthur. Sorry kung na-late kami." sabi ni Albert.
"Nope, it's okay. Kararating pa lang namin dito." sabi ko.
"Wow, ang ganda naman nyang suot mo, Dianna. Binili mo ba yan sa isang sikat na designer?" tanong ni Vivian habang nakatitig siya sa pulang fishtail gown ko.
"Nope. From my boutique. Personal kong dinisenyo ang damit na ito at isa ito sa mga best seller na damit sa mundo. And this is one of my favorite gowns." pagmamalaki ko sa kanya kasabay ng isang mapamintas na ngiti.
"Magkano naman yan?" tanong pa niya.
"Kung sa US, nasa 47 thousand dollars ito. Pero kung dito sa Pilipinas, nasa 50 to 60 thousand pesos ito." sabi ko pa sa kanya. "Bakit, bibili ka ba nito?"
"Yup. Mukha kasing bagay na bagay sa akin yan eh." sabi niya.
Pathetic.
Kahit magbihis ka pa ng purong ginto, hindi ka pa rin magiging maganda sa paningin ng lahat.
"Sige, ipapa-deliver ko na lang yung damit sayo." sabi ko.
"Really? Oh, thank you, Diana. You're so great." ang natutuwang sabi niya.
And you're the worst, Vivian.
* evil grin *
"C'mon ladies, let's take an order." ang pag-iibang sabi ni Albert. Um-order na kami ng pagkain sa waiter na kanina pang naghihintay sa amin. Agad na umalis ang waiter at pumunta sa kusina ng cafe.
"Anyways, tungkol sa pipirmahan kong investment sayo, gusto ko sanang mag-launch ng isang fashion show ng mga damit na galing sa boutique ko sa isa sa mga hotels ninyo. And I want to pick some young models here in the city. Payag ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Yes, sure. Bakit naman kami tatanggi? Basta't kikita ng malaki ang hotel namin, papayag kami dyan." sabi ni Vivian.
Tss. Mga gahaman talaga kahit kailan.
"Salamat. Wag kayong mag-alala, ang organizer ko na ang bahala sa mga detalye ng show. Anyways, sino nga pala ang mga kilala ninyong young models dito?"
"Karamihan sa kanila ay high school students pa. Nag-aaral sila sa Kensington High School." sabi ni Albert.
"May kilala ka ba kahit sino sa kanila?" tanong ko pa.
"Actually, meron. Pero mas maganda kung personal kang pumunta sa Kensington para makausap mo yung directress." sabi ni Vivian.
"Sige. Salamat sa suggestion. Kasi maraming mga fashion blogger sa Asia ang humihiling sa akin na maglunsad ng fashion show ang Casablanca in order for them to know about the latest clothes in our boutique." sabi ko.
Alam ko ang tungkol sa Kensington High School. Pag-aari iyon ng pamilya namin at doon nag-aaral si Satchel.
Nung dumating na ang order namin ay nagkainan na kami kasabay ng pirmahan ng kontrata sa pagitan ko at ng kompanya ni Albert. Ngiting tagumpay ako dahil sa wakas ay matutupad ko na ang plano kong unti-unting sirain silang dalawa.
* super evil grin *
Nung matapos na kaming kumain ay yayayain na sana ako nina Vivian na uminom sa smoking bar ng hotel pero magalang akong tumanggi at nagpasabing uuwi na ako. Kasama si Arthur ay umuwi na ako pabalik sa bahay ko sa Stradford Von Avon Village.
Sa wakas, mag-uumpisa na akong pabagsakin kayo...
Albert and Vivian De Vega.