(Kensington High School, Lunch break)
(Satchel's POV)
(School Cafeteria)
"HEY DUDE! I have a great news!" ang bungad ko kina Leonard, Zeric at Jhake pagpasok na pagpasok ko sa cafeteria.
"What's that?" curious na tanong ni Jhake.
"Classmate ko na ang dream girl ko!" at napatalun-talon ako sa sobrang saya.
"Talaga?!" ang gulat na sabi ni Zeric.
"Yes Zeric. At di lang yan, tutor ko pa siya! Ang saya ko talaga!" I said happily.
"Eh di congratulations dude! Ang galing mo talagang duma-moves!" sabi sa akin ni Jhake.
"Ako pa." and I smiled triumphantly.
"Pero pano naman nangyari yun, gayong kung tutuusin ay nasa third section ka. Tsaka ba't ka binigyan ng approving paper ni Madam Principal?" ang nagtatakang tanong sa akin ni Leonard.
"Because Lola Mart talked to her. At dahil nga kami ang may-ari ng school na ito ay agad-agad niyang pinagbigyan ang request ni Lola. Para saan pa ang pagiging abogado at business tycoon ng lola ko kung hindi siya nakakahingi ng pabor sa mga taong tinutulungan niya." ang pagyayabang ko sa kanilang tatlo.
"As you said Sachi." sagot naman ni Jhake.
"Sayang naman! Sana'y humingi na rin ako ng approving paper kay Madam Principal para ilipat niya ako sa IV-1!" ang nanghihinayang na sabi ni Zeric.
"Para ano? Para makapagpasikat ka kay Yhannie, ganun?" pang-aasar ni Leonard sa kanya.
"Ganun na nga! Haha!" ang mayabang na sagot ni Zeric. Oo nga pala, four years nang patay na patay si Zeric kay Yhannie pero malas lang niya dahil hindi siya type ni Yhannie. Pero kahit ganun ay hinding-hindi pa rin titigil sa panliligaw si Zeric hanggang sa mapasagot niya ang babaing mahal niya. Kaya naman bilib na bilib ako sa "never say die" attitude ng mayabang na 'to.
"Ahm guys, napansin ko lang, nasaan si Jack?" tanong ni Joshua.
Mula sa masaya kong mukha ay napalitan iyon ng inis pagkarinig ko sa pangalan ng "napakagaling" kong stepbrother.
"Nasa planeta ng mga kamote." inis na sabi ko sa kanila.
"Planeta ng mga kamote?!" at tumawa ng malakas sina Yusof at Zeric. "May ganung planeta, Sachi?"
"Oo. At sila ng feelingera niyang nanay ang nakatira doon." ang mapanlait na sabi ko.
"Uy, sobra ka naman. Mamaya, baka marinig ng Daddy mo yan, tiyak na lagot ka na naman dun." paalala ni Jhake sa akin.
"The hell I care? Eh di magalit siya. Wala naman akong pakialam sa kanya." I said sarcastically.
"Sachi naman-" sabi pa ni Jhake pero agad ko siyang inunahang magsalita.
"I gotta go guys. Hahanapin ko pa ang soon-to-be-Mrs. De Vega ko. Bye!" at lumakad ako palabas ng cafeteria.
Paglabas ko ng cafeteria ay saktong nakita ko si Kath Rence na kasama sina Rhian at Yhannie. Muli'y lumakas na naman ang tibok ng puso ko pagkakita ko sa kanya. Nung makalagpas na sila sa direksyon ko ay hindi ko namalayang napaupo na pala ako sa sahig sa sobrang panlalambot ng tuhod ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pagpa-palpitate ng puso ko sa sobrang kilig.
Shit! Ba't ba lagi na lang akong nagkakaganito kapag nakikita ko siya?
Ganito na ba talaga kalakas ang impact niya sa puso ko?
Eversince first year pa lang kami ay gusto ko na si Kath Rence. Love at first sight yata ang nangyari sa akin. Nakilala ko siya sa birthday party ni Erich and she's so regally beautiful on that time. Pero nagbago rin siya ng itsura paglipas ng dalawang buwan mula nung una kaming magkita. Ngunit kahit naging isang ordinaryong campus nerd na lang si Kath ay wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Habang patagal ng patagal ay mas lumalala ang feelings ko para sa kanya. Sinubukan ko mang pigilan ang nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko magawa dahil talagang napaka-special niya sa puso ko. At dahil sa hindi ko na kaya pang itago ang feelings ko ay desidido na akong magtapat sa kanya. Liligawan ko siya at gagawin ko ang lahat para makuha ko lang ang matamis niyang oo na palagi kong pinapangarap sa tuwina.
Nung medyo nakahinga-hinga na ako ng maluwag ay akmang tatayo na sana ako nang bigla kong mabungaran si Kath Rence na nagtatakang nakatingin sa akin.
Uh oh.
Napatingin ako sa sarili ko and....SHIIIIITTTT!!!
Naihi na yata ako sa sobrang kilig!
WAAAAAH!!! NAKAKAHIYA!!! NAKAKAHIYA TALAGA!!!
"K-Kath...n-nakita mo?" ang nahihintakutan kong tanong sa kanya habang lalabas na ang puso ko sa matinding kilig at nerbyos.
"Ang alin?" tanong niya sa akin.
"K-kasi..." at bumulong ako sa kanya. "Kasi naihi ako eh. Hindi ko namalayan."
Gulat na gulat man si Kath Rence ay tinulungan pa rin niya akong makatayo. Nung makatayo na ako ay laking gulat ko nang inabutan niya ako ng PE uniform na nasa bag niya.
"Heto ang PE uniform ko. Suutin mo na. Kasi..." at bumulong siya sa akin. "Mapanghi ka na."
UWAAAAAAAA!!!!!!
SATCHEL DE VEGA, NAKAKAHIYA KA TALAGA!!!!!!
ANO TULOY ANG IISIPIN NG FUTURE WIFE MO SAYO NYAN! ANG TANGA TANGA MO TALAGA!!!!!
KATH RENCE NAMAN KASI EH! KUNG PAKILIGIN MO AKO, GANUN NA LANG KATINDI!
"Ah...eh...s-sorry. Nadagdagan ka na naman ng problema ng dahil sa akin." ang hiyang-hiyang sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba, okay lang yun. Eh ano bang nangyari sayo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"B-bigla akong napulikat kung kaya naman napaupo ako sa sahig. Pero wag kang mag-alala, okay na ako." ang alibi ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun. Ang mabuti pa, mag-shower ka na lang sa dugout ninyo sa gym at isuot mo yan. Tapos pagkasuot mo ng damit ay bumalik ka kaagad dito dahil tuturuan kita ng linear equation sa Math kasi pansin kong nahihirapan kang mag-solve kanina sa klase ni Mrs. Solis. Okay lang ba sayo?"
"Sure! Okay lang sa akin. Wag kang mag-alala, babalik din ako kaagad dito." sabay hawak ko sa kamay niya. "Promise, makikinig ako sayo ng mabuti, basta ba turuan mo ako palagi ha?" I said with matching pouty lips pa.
"Oo naman. Trabaho ko yan eh. Tsaka mahirap tanggihan ang cute na katulad mo." ang nakangiting sabi niya.
Anong sinabi niya?
Mahirap akong tanggihan dahil....cute ako?
Shit.
I blushed hardly.
"Sige, magla-lunch pa kami ng mga kaibigan ko. Mauna na ako ha. Magkita na lang tayo sa library." at dumiretso na siya sa cafeteria. Nakangiti ako habang nakatitig sa papalayong anino niya.
Haay...Lord, kunin mo na ako...
Nung hindi ko na maaninag pa si Kath Rence ay patakbo na akong dumiretso sa gym para maligo and the same time, makapagpa-guwapo na rin para tuluyan na rin siyang ma-in-love sa akin.
* cute smirk *