(Kensington High School)
(Satchel's POV)
HABANG NAKIKITA kong naglalakad palayo si Jack kay Kath at napakalagkit ng tingin niya kay Jack ay lalong tumindi ang galit na kinikimkim ko sa stepbrother kong mang-aagaw.
Sinadya kong wag umalis at magmatyag kay Kath pero bigla na lang nagpakita ang walanghiya at nakuha pang tulungan si Kath. At malakas ang pakiramdam ko na anumang sandali ay nagpapahiwatig na siya kay Kath.
No.
This cannot be happened!
This cannot be happened!
Hindi ako makakapayag na pati si Kath Rence ay bigla na lang agawin ng hayup na Jack na yan! Hinayaan ko nang agawin niya ang Daddy ko, ang career ko at ang pangarap kong maging basketball player...
Pero kung pati si Kath Rence ay aagawin din niya sa akin, ibang usapan na yan.
Dahil hinding-hindi ako papayag na pati ang babaing pinakamamahal ko ay tuluyan rin niyang agawin sa akin. Kung mangyari man yun, kakalimutan kong may stepbrother ako. Kakalimutan kong may pamilya ako na kailanma'y hindi ako inintindi. Kakalimutan ko ang lahat...makuha ko lang si Kath Rence.
Over my dead body.
(Gymnasium)
(Satchel's POV)
NOONG MAKABALIK na ako sa gym ay nakita ko si Jack na kasama nila Jhake, Yusof at Joshua na nagpapraktis. Dahil hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko ay galit na galit akong lumapit kay Jack sabay hila ko sa kwelyo ng damit niya.
"T-teka, S-Sachi, anong problema? Tsaka ba't-" hindi ko na siya pinagsalita, sa halip ay pinadapo ko ang kamao ko sa pagmumukha niya.
"Satchel!" sigaw ni Jhake sabay awat nila sa akin pero hindi ako nagpaawat. Itinulak ko si Jhake palayo sa akin at muli kong sinuntok si Jack.
"S-Sachi, ano na naman bang kasalanan ko sayo?!" sigaw ni Jack habang nakahawak siya sa pisngi niya na bahagyang may dugo gawa ng pagkakasuntok ko.
"Kasalanan?! Marami! Maraming-marami ka nang kasalanan sa akin! Una, inagaw ninyo ng malandi mong nanay ang tatay ko! Pangalawa, inagaw mo ang atensyon ng tatay ko na dapat ay sa akin lang! Pangatlo, inagaw mo ang pangarap ko na maging basketball player! At pagkatapos, pati si Kath Rence, aagawin mo din sa akin! Ang kapal talaga ng mukha mo!" at akmang susugurin ko ulit si Jack pero laking gulat ko nang sinuntok niya ako sa mukha ko.
"Sachi, matatanggap ko pa na tawagin mo akong mang-aagaw. Pero ang tawagin mong malandi ang nanay ko, aba, hindi ko na matatanggap yan! Wala kang karapatang tawaging malandi si Mama!" pasigaw na sabi niya sa akin.
"Talaga?! Sa tingin mo ba, hindi panglalandi ang pakikiapid niya sa Daddy ko?! Hindi ba panglalandi ang paninira niya sa pamilya ko?! Sa tingin mo ba, hindi panglalandi yun?! Hah?!" at dinuro ko ang mukha niya. "Palibhasa kasi, may pinagmanahan ka. Malandi ka na nga, mang-aagaw ka pa!"
Natahimik si Jack maging ang mga teammates namin. Hanggang sa nakita ko ang mga luha na pumatak sa mga mata niya.
"Sachi, ba't ka ba ganyan?" at hindi na napigilan pa ni Jack na mapaiyak. "Ba't napakasama mo sa amin ni Mama, gayong ginagawa naman namin ang lahat para lang makuha namin ang kalooban mo..." ang sabi pa niya pero sa sobrang galit ko ay nasuntok ko na naman siya, dahilan para mapatumba na siya sa sahig.
"Wag na wag mong babaligtarin ang totoo. Ang nanay mo ang kabit at ang Mommy Esprit ko ang legitimate wife ng Daddy ko! At ikaw, anak ka lang sa labas. Tandaan mo yan!" at hindi ko na rin napigilan pang mapaiyak sa sobrang sama ng loob sa kanya, kay Daddy at sa nanay niya.
"Sachi..." at akmang lalapitan niya ako para yakapin pero muli ko siyang itinulak pasubsob sa sahig.
"Pwes, para sabihin ko sa inyo ng nanay mo, kahit ano pang gawin ninyo sa akin, hindi pa rin ninyo mababago ang reality na kabit ang nanay mo at ang Mommy Esprit ko ang legitimate wife ng Daddy ko! At ikaw, anak ka lang sa labas. Tandaan mo yan!" at hindi ko na rin napigilan pang mapaiyak sa sobrang sama ng loob sa kanya, kay Daddy at sa nanay niya.
"S-Sachi..." ang sabi niya pero padabog akong umalis sa gym. Agad akong sinundan ni Jhake.
Pero nung makahakbang na ako palayo sa gym ay hindi ko na mapigilan pang mapaiyak.
"Damn, damn, damn! I hate this life! I hate it!" ang paulit-ulit kong sigaw sa kawalan.
"Sachi, wag kang magsalita ng ganyan. Hindi totoo yan." ang kalmadong sabi ni Jhake pero umiling-iling ako.
"Yun ang totoo. Sira na ang pamilya ko. Sira na ang pagkatao ko. At sira na rin ang pangarap ko." and I sighed. "Pero ayokong pati ang puso ko ay tuluyang masira. Ayokong mawala si Kath sa akin. Mahal na mahal ko siya at alam mo yan."
"Alam ko. Pero sana, kung anuman yung galit na nararamdaman mo kay Jack at sa nanay niya, mabuti pang pakawalan mo na yan, dahil patuloy lang na magiging miserable ang buhay mo kapag pinairal mo pa rin yang katigasan ng puso mo." paalala sa akin ni Jake.
"Matagal nang naging bato ang puso ko." at napatingin ako sa kanya. "Pero hindi para kay Kath Rence."
"I know." and Jhake sighed. "Pero ano yung sinabi mo kanina, si Jack...may gusto kay Kath?"
"Oo. Malakas ang pakiramdam kong may gusto siya kay Kath. At hinding-hindi ako papayag na pati siya ay tuluyan ding maagaw ni Jack sa akin." at muli'y nagtiim ang mga kamay ko sa sobrang galit.
"So ano nang plano mo nyan? Makikipagkumpitensya ka ba kay Jack?"
"Yes. At sinisiguro kong ako ang mananalo sa aming dalawa. Kung hinayaan ko siyang makuha ang lahat ng meron ako noon, ibahin niya si Kath Rence, dahil hinding-hindi ako makapapayag na maagaw siya sa akin ni Jack. Tandaan mo Jhake, akin lang si Kath. Akin lang siya." and I smiled evilly at him.
Gusto mo pala ng kompetisyon, my dear stepbrother...
Pwes, game ako dyan. At kung inaakala mong malalamangan mo ako, nagkakamali ka.
Because I will make a first move.
At sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa puso ni Kath.
MAY THE BEST MAN WIN...JACK.
* evil grin lvl 100 *