(Villas's Mansion, next day)
(Kath Rence's POV)
(Kath's Room)
"KATH anak, gising na."
"Hgbgzjzbzjvb..." - Ako.
"Kath.....gising na, may nag-aantay pa sayo sa baba." ang sabi ni Mama sa akin sabay yugyog niya sa balikat ko. "Huy anak! Gising na!"
Mama naman! Please patulugin nyo pa ako kahit 10 minutes lang! Pinuyat kasi ako ng mga sinabi sa akin ni Satchel kagabi eh!
Napansin kong hindi na ako kinalabit pa ni Mama, haay salamat.
Pero...
"Katy, gising na."
WAAAAHHHH!
P-PAMILYAR SA AKIN ANG BOSES NA YUN AH!
Bigla akong nagising at nagulat ako nang makita ko si Satchel na nakaupo sa kama ko at nakangiti sa akin!
Teka...si Satchel nga ba talaga ito?
Malamang ay imagination ko lang yun.
Ipinikit ko ang mata ko for 10 seconds at nang mapadilat ako, kulang na lang ay mapatalon na ako sa kama ko sa sobrang gulat dahil si Satchel nga ang nasa loob ng kwarto ko! Ano kayang kailangan niya sa akin at sumadya pa siya sa bahay namin?
"Good morning, sleeping beauty." bati niya sa akin.
"Waah! Satchel! Ikaw pala! S-sandali lang ha!" at patakbo akong dumiretso sa personal bathroom at CR ko na nasa loob na rin ng kwarto ko at nakita ko nga ang sarili ko na...
Over-sized ang T-shirt.
Magulo ang buhok.
At may panis na laway pa yata.
Naku! Nakakahiya naman kay Satchel at nakita niya akong ganito ang hitsura ko!
Waah! Makaligo na nga sandali!
Haay naku, pwede na akong i-flush sa toilet sa kahihiyang inabot ko ngayon!
(Villas's Mansion)
(Satchel's POV)
HABANG hinihintay kong matapos na maligo si Kath Rence ay ngiting-ngiti ako dahil ako pa lang ang unang nakakita sa kanya na bagong gising pa lang sa umaga.
At ang cute cute pala niya kapag bagong gising siya...
Haay...na-i-in-love na naman ako ng di oras...
Habang nasa loob pa siya ng personal bathroom niya ay nakatingin ako sa isang cute na chihuahua na nasa couch na kulay purple. Pet dog kaya yun ni Katy? Ang cute cute naman ng asong yun. At sa malamang ay napaka-cute ng pangalan niya. Gustuhin ko mang hawakan ang asong yun ay natatakot naman ako. Baka kasi kagatin niya ako.
Natigil lang ako sa pagtitig sa aso niya nung nakita kong bumukas na ang pinto ng personal bathroom at nakita ko na Kath na nakabihis na ng school uniform at medyo basa pa ang buhok niya. Hindi pa niya suot ang salamin at fake prosthetics niya kaya muli ko na namang nasilayan ang tagong kagandahan niya.
"Satchel, pasensya na kung natagalan ako, ahm, nainip ka ba?" she asked.
"Nope. Ang cute pala ng aso mo, pero natatakot akong hawakan, baka mangagat. Ano nga palang name niya?"
Kinuha niya ang chihuahua dog niya at saka ibinigay sa akin. "Toodles ang name niya. Gift 'to ni Daddy sa akin last birthday ko at mag-e-eleven months na siya sa akin. Tsaka wag kang matakot sa kanya, hindi siya nangangagat."
Toodles pala ang name ng aso niya.
What a very cute name....
Hinawakan ko nga at totoo nga ang sinabi niya, maamo at mabait si Toodles. "Oo nga noh Katy. Hi Toodles! Hug mo nga si Daddy." ang malambing kong sabi. Niyakap naman ako ni Toodles at natawa ako nung dinila-dilaan niya ang mukha ko.
Haay....sana ay ako na lang si Toodles para araw-araw akong niyayakap at hinihimas ni Katy.
Nakita kong isinuot na ni Kath ang salamin niya na mala-windshield ang laki at nagdikit siya ng fake prosthetics sa mukha niya. Kinuha na niya kaagad ang gamit niya. "Halika na Satchel, say goodbye na kay Toodles." ang sabi pa niya.
"Goodbye Toodles." and I hugged her dog at saka ko na ito inilapag sa couch niya. Nauna nang lumabas ng kwarto si Katy at sumunod na ako. Ako na rin ang nagsara ng pintuan ng kwarto.
(Villas's Mansion)
(Kath's POV)
"KIT-KAT, mag-iingat kayo ha! Sachi, alagaan mo ang anak ko." ang sabi ni Mama kay Satchel, with matching kindat pa sa akin.
"Yes Tita Czarina. I will." ang matapat namang sabi ni Satchel at saka na kami umalis. Hawak pa nga niya ang bag ko habang papalabas na kami ng gate kung saan naka-park ang kotse niya.
Aba, ano naman kaya ang nakain ni Satchel at bigla siyang nagka-interes na sumabay sa akin na papasok sa school. Siguro ay pinasasabay na siya sa akin ni Lola Mart.
Noong nasa kotse na kami ay binuksan niya ang pinto ng front seat ng kotse.
"Kath, hop in." sabi niya sa akin.
Kahit na ayoko naman talagang sumakay sa front seat ay sumunod na lang ako. Sumakay na ako sa kotse niya at siya pa ang nagsara ng pinto. Binuksan naman niya ang pinto ng driver's seat at sumakay na rin siya. He started the engine and nag-drive na siya papuntang school.
(Kensington High School)
(Kath's POV)
NASA SCHOOL na kami nung bumaba na si Satchel at saka naman binuksan ang pinto ng front seat kung saan ako nakaupo. Bumaba na rin ako kasi hindi ko na matagalan ang pagkailang ko sa kanya.
"S-Satchel...s-salamat nga pala sa paghatid sa akin dito. Sige, mauna na ako." at aalis na sana ako nang bigla niya akong niyakap.
"Okay. Magkita na lang tayo mamaya." and he smirked at me. Kinawayan pa niya ako at umalis na rin siya papuntang gym.
Nang hindi ko na matanaw si Satchel ay naglakad na ako papuntang classroom. Habang naglalakad ako sa corridor ay may humarang na naman sa akin, at kung sino sila, haay, sina Riri lang naman.
"Hoy, bakit kasama mo na naman si Prince Satchel kanina?!" - Riri.
Okay.......saan naman nanggaling yun?
"Wag ka nang mag-deny, ugly nerd, nakita namin kayo!" singhal ni Yarra sa akin.
Eeh?! Sino bang may sabi na mag-de-deny ako? At ano namang ka-deny-deny dun?
"Yeah, excuse me, may klase pa ako eh." at aalis na sana ako kaso hinarang ako ni Femme.
"And you're not really gonna deny it?!"
Kanina lang sabi nila, wag ko daw i-deny tapos ganyan ang sasabihin niya?! Ano ba talaga mga ateng, ang labo ah!
"Eh what's the big deal ba? Parang kasama ko lang kanina eh." inis na sabi ko sa kanila.
"WHAT'S THE BIG DEAL? THE BIG DEAL HAH?! Your with Prince Satchel De Vega! One of the campus heartthrobs in Kensington High!" Carly shouted at me.
"Oh tapos?" ang papilosopong sabi ko. Haay, I don't really get the big deal out of it. Ni hindi nga kami nagde-date ng Prince Satchel nila noh! Tss. Asa.
"It's really impossible! Tapos nung Tuesday, sinamahan ka pa niya sa clinic! Like what was that? Ang panget panget mo kumpara sa amin! Mukha kang basura katabi namin, you know? It's really impossible for him to go out with you! You must have something to convince him to go out with you! Mangkukulam ka! Hah! Spill it!" Riri said angrily.
Sasaktan na sana ako ni Riri nang may boses na umalingawngaw sa direksyon namin.
"Hey horsey bitches!"
Napalingon ako maging sina Riri at muli silang sinapian ng takot nang makita nilang palapit na sa amin sina Bessy Erich at Bessy Rhian.
"P-princess...E-erich..." ang takut na takot na sabi nina Riri.
"Ano na namang ginagawa ninyo sa bestfriend namin?" at inakbayan ni Rhian si Carly na kulang na lang ay himatayin na sa sobrang takot.
"W-wala...w-wala kaming ginagawa sa kanya...." ninenerbyos na sabi ni Riri pero natigilan siya nang makatikim siya ng malakas na sampal mula kay Erich.
"You liar!" sabay sabunot ni Erich kay Riri. "Ang lakas ng loob mo ring magsinungaling ano!"
"P-princess Erich...l-let me go...n-nasasaktan ako..." pagmamakaawa ni Riri sa kanya pero mas nagulat ako nung sinuntok siya sa tyan ni Rhian, dahilan para bigla siyang mapaupo sa sobrang sakit ng tyan niya.
"Riri!" at akmang sasaklolohan na sana siya ng tatlong alipores niya nang itutok ni Rhian ang caliber 45 niyang baril sa kanila.
"P-princess Rhian...w-what's the me-meaning of t-this?!" ang halos mautal-utal na sa takot na sabi nila dahil sa baril na nakatutok sa kanila.
"Move, or else I'll kill her." at itinutok ni Rhian ang baril sa mukha ni Riri.
"Please! Don't kill me! Don't kill us!" pakiusap ni Riri kay Rhian.
"Sige. Bubuhayin pa namin kayo, basta ba wag na wag ninyong tatambangan ulit ang kaibigan namin. Naiintindihan ninyo?"
"Y-yes Princess Rhian."
"Now...GET LOOSE! KUNG AYAW NINYONG PAGBABARILIN KO KAYO!" at akmang pipindutin na ni Rhian ang gatilyo pero agad nagtakbuhan palayo sina Riri. Ako naman ay naiwan na medyo shocked at tulala pa. Nilapitan nila ako at niyakap.
"Okay ka lang ba Kath?" they asked worriedly.
"Ah...o-oo. Okay lang ako. Pero Rhian...totoo ba talaga yang baril na hawak mo?" sabay turo ko sa hawak na baril ni Rhian.
"Eto?" at tumawa siya. "Toy gun lang 'to noh. Ipinanakot ko lang sa mga babaing yun at mukhang effective nga!"
"Haay, akala ko tuloy, totoo na." at napabuntung-hininga ako.
"Haha! Napaka-stupid talaga nina Riri noh! Natakot sila sa toy gun!" ang natatawang sabi ni Erich.
"As you said, Erich!" at tumawa rin ng malakas si Rhian.
"Pero subukan ka pa nilang i-bully at baka totoong kanyon na ang itanim ko sa mga ulo nila." sabi ni Rhian.
"Ah basta, maraming salamat talaga dahil nandyan kayo palagi para ipagtanggol ako." thankful na sabi ko sa kanila.
"Aww, you're welcome sweetie. Kaya lang naman namin ginagawa yun ay dahil loves na loves ka namin." malambing na sabi ni Erich sabay yakap niya sa akin.
"I love you my bessys."
"I love you too, bessy." at nagyakap-yakap kaming tatlo. Sandali lang kaming nagyakapan at agad din naming binitawan ang isa't isa.
"Anyways bessy...ano yung nakita namin kanina?"
"Nakita? Ano namang nakita ninyo kanina?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Don't deny it bessy! Nakita ka naming nakasakay sa car ni Satchel De Vega kanina!" ang kinikilig na sabi ni Erich.
"Oo nga! Tapos kitang-kita rin namin na niyakap ka niya!" sabi ni Rhian sabay tili niya ng malakas.
"Sus! Parang yun lang. Nagsabay kaming dalawa kasi yun ang gusto ng Lola niya." sabi ko naman sa kanila.
"His Lola? You mean Atty. Martha?" tanong ni Erich.
"Oo. Lumipat na kasi si Satchel sa lola niya. Eh nagkataong kapitbahay namin sina Lola Mart kaya hayun. Nagkasabay kami ng bonggang-bongga."
"Waah! Maybe Atty. Martha likes you for his grandson!" kinikilig na sabi ni Erich.
"Siguro, ganun na nga! Sa wakas, magkaka-boyfriend na rin ang Bessy namin!" at nagtatalon sa sobrang kilig sina Erich at Rhian.
"Ha? Ako, gusto ni Lola Mart para kay Satchel?! Tsaka si Satchel, magiging boyfriend ko?! As in boyfriend ko?! Nagpapatawa ba kayo?"
"Were not joking Bessy! Because we feel it! We feel it! At pustahan tayo na baka maybe this week or next week ay bigla na lang manligaw sayo si Satchel!" at muli na namang nagtilian ang dalawang baliw kong kaibigan.
"Kayo talaga, masyado kayong tamang hinala. Ahm anyways my dear bessys, nandito na ba ang ibang mga bessy natin?" tanong ko sa kanila.
"Nandito na si Yhannie. Ewan ko lang kung nandito na rin si Khendra." sabi naman ni Erich.
"Tara na sa classroom." yaya ni Rhian sa kanila.
Akmang lalakad na sana kami papuntang classroom nang biglang sumulpot sa harapan namin si Kuya Leonard.
"Hi Kuya!" bati ko sa kanya. "Saan ang punta mo?"
"Actually, kayo talaga ang pinuntahan ko eh. Kasi si Khendra, nakikipag-away sa babae ni Jimuel. At kahit anong pilit siyang awatin nina Zeric at Yhannie ay hindi nila kaya. I need your help guys." humahangos na sabi ni Kuya.
"WHAAAAT?! MAY IBANG BABAE SI JIMUEL JAVIER?!" Rhian exclaimed angrily.
"Yes Rhian." sabi pa ni Kuya.
"Papano naman nangyari yun?" ang shock na tanong ni Erich.
"Hindi ko rin alam. Tara na't puntahan na natin ang kaibigan ninyo."
Agad kaming tumakbo papunta sa main corridor kung saan may kinukumpronta ngayon si Khendra. Kawawa naman ang bestfriend ko...siguro ganun na lang kasakit ang maloko at maiwanan siya ng boyfriend niya. Pero wag siyang mag-alala dahil nandito naman kami na mga bessy niya para damayan siya sa pinagdadaanan niya ngayon.
(Main Corridor)
(Kath Rence's POV)
PAGDATING namin sa corridor ay nakita namin ang kumpol ng mga taong nakikiusyoso kina Khendra. Pinilit naming dumaan palapit sa kanila at laking gulat namin pagkat nakita naming nakasubsob sa sahig ang diumano'y babae ni Jimuel habang si Khendra naman ay nakatayo't nakapameywang dun sa babae. Agad naming nilapitan si Khenny.
"Khenny, are you okay?" tanong ko sa kanya.
"Okay?" at tinignan niya ng masama si Jimuel. "Sa tingin mo ba'y magiging okay ako matapos ang ginawa ng hayup na 'to sa akin! He's cheating on me!"
Hindi makatingin sa sobrang hiya si Jimuel habang hinila naman ni Rhian ang buhok nung babae at mas nagulat kami ng makita namin kung sino siya.
"Heidi Sandborn?!" Erich said shockingly.
Teka? Heidi Sandborn?
Di ba siya yung girl na tinangkang makipag-shake hands kay Satchel!
Uwaa! Don't tell me....siya ang other girl ni Jimuel!
Nangigigil na sinabunutan ni Rhian si Heidi. "Totoo bang ikaw ang kabit ni Jimuel?" tanong pa ni Rhian sa kanya.
"P-princess R-rhian...l-let me e-explain..." ang takut na takot na sabi ni Heidi pero natigilan kaming lahat nang sampalin siya ng malakas ni Rhian.
"EXPLAIN?! EXPLAIN WHAT?!" at muling sinabunutan ni Rhian si Heidi. "Wala ka nang dapat ipaliwanag pa dahil huling-huli ka na sa akto! Malandi ka rin ano! Pati boyfriend ng may boyfriend, susunggaban mo! Mahiya-hiya ka naman sa balat mo!" at itinulak siya ng malakas ni Rhian pasubsob sa sahig. "At ikaw Jimuel, pano mo nagawa yun sa kaibigan namin?! Minahal ka naman ni Khendra, ginawa naman niya ang lahat para mag-work out ang relationship ninyo, tapos ito ang igaganti mo! Magpapalandi ka sa ahas na yan!" gigil na gigil na sigaw ni Rhian kay Jimuel.
"I-I'm sorry." mahinang sabi ni Jimuel pero sinalubong siya ng malakas na sampal ni Khendra.
"Sorry?! For what?! For hurting me?! Pwes, hinding-hindi na mababawi pa ng sorry mo ang mga masasakit na ginawa mo sa akin! Kaya magmula sa araw na ito, itatak mo na sa isip mo na break na tayo! Naiintindihan mo!" at galit niyang inihampas kay Jimuel ang singsing na bigay nito sa kanya. "Magsama kayo ng malanding yan, tutal eh bagay na bagay naman kayo!" at padabog na nag-walk out si Khendra palayo sa corridor. Agad naman kaming sumunod sa kanya.
Habang naglalakad siya palabas ng school building ay nakasunod kami sa kanya. Hanggang sa tumigil kami sa Autumn Park. Hindi na napigilan pa ni Khendra ang sarili niya, tuluyan na siyang napasubsob sa balikat ko habang umiiyak.
"Why he do this to me? Bakit niloko niya ako? Bakit ginawa niya sa akin ito? Minahal ko naman siya, inalagaan ko naman siya, ginawa ko naman ang lahat para maging masaya siya tapos ganito ang gagawin niya sa akin? Lolokohin niya lang ako! Ipagpapalit niya ako sa isang walang kwentang babae!" ang sunud-sunod na sabi ni Khendra sa amin.
"Khenny, okay lang yan. He doesn't deserve your heart. Isa siyang walang kwenta." sabi ni Erich habang hawak-hawak niya ang likod ni Khendra.
"Tama si Erich. Marami pa namang iba dyan eh. Kaya wag ka nang umiyak." Yhannie said.
"Thank you guys, because you're still here for me...no matter what happen. Kath, sorry nga pala kung napagbalingan kita ng galit ko ha." kalmadong sabi ni Khenny sabay haplos niya sa buhok ko.
"Ano ka ba, okay lang yun. Tsaka pasasaan ba't makaka-move on ka din. Magtiwala ka lang, makakalimutan mo rin siya." sabi ko naman sa kanya.
"Tama si Kath. Kung gusto mo, ireto ka namin kay Jack!" sabi ni Rhian, dahilan para bigla akong matigilan at mapatingin kay Khendra.
Anong ibig sabihin ni Rhian sa sinabi niya kanina?
Si Jack, may gusto kay Khendra?
Mukhang imposible naman 'ata yun.
Pero kasabay ng pagrehistro ng sinabi ni Rhian sa isip ko ay ang pagsingit ng sinabi ni Satchel sa akin kagabi sa mansyon nila.
"May mahal siyang iba. And worst...isa sa mga bestfriends mo pa..."
"May mahal siyang iba. And worst...isa sa mga bestfriends mo pa..."
"May mahal siyang iba. And worst...isa sa mga bestfriends mo pa..."
Waah! Ba't ko ba masyadong dinidibdib ang mga sinabi sa akin ni Satchel kagabi! Pati tuloy si Khendra, napaghihinalaan ko na.
Pero pano nga kung totoo ang sinasabi ni Satchel?
Matatanggap ko ba kaagad yun?
Hindi ko alam.
But I wish...sana'y hindi totoo ang mga sinabi ni Satchel.
Sana'y may pag-asa pa ako sa puso ng crush ko...
Natigil lang ako sa mga pinag-iiisip ko nang hinila na ako nina Erich patayo. Nagyaya na si Khendra na pumunta na kami sa classroom at sumunod naman kaming apat.
(Basketball Gym)
(Satchel's POV)
BUSY ako sa pagwa-warm up nang biglang pumasok sa loob ng gym si Zeric.
"Hey dude. Alam mo na ba ang latest news dito sa school?" bungad sa akin ni Zeric.
"Latest news? Ano yun?" I asked casually.
"Si Jimuel at si Khendra, naghiwalay na." sabi niya, dahilan para bigla akong matigil sa pag-e-ehersisyo at kunut-noo akong napatingin sa kanya.
"Ha? Naghiwalay na? Seryoso ka?"
"Oo. At kitang-kita ng lahat kung ano ang pinag-ugatan ng hiwalayan nila." sabi pa niya.
"Eh ano bang dahilan ng hiwalayan nila? Third party?"
"Bingo!" at napalatak si Zeric.
"Eh sino naman ang malanding kinalantarya ni Jimuel?" tanong ko pa.
"Yung babaing tinangkang magpa-cute sayo. Si Heidi Sandborn. May pagka-flirt pala yun." sabi pa ni Zeric.
"Sinasabi mo pa eh obvious naman." sabi ko sabay kuha ng bola na nakakalat sa gym at nag-dribble. "Anyways," at binulungan ko si Zeric. "Alam na ba ni Jack yung tungkol sa break-up ng dalawa?"
"I dunno. But anytime, malalaman at malalaman din niya yun. Masyado kayang maliit ang eskwelahang ito kaya imposibleng hindi makarating sa kanya ang anumang pangyayari."
I smiled triumphantly at him.
"Hoy, anong ibig sabihin ng mga ngiting yan?" gulat na sabi ni Zeric sabay lapit niya sa akin.
"Malalaman mo rin, Zeric." at nag-shoot ako ng bola sa ring. Pumasok iyon. "Kaya sige na Zeric, lumayas ka na at bumalik ka na sa klase mo."
"Oo na. Sige, aalis na ako." at lumabas na si Zeric ng gym. Naiwan ako na nakatitig sa bolang nasa sahig ng court. Pinulot ko ang bola at tinitigan ko iyon.
"Break na pala sina Khendra at Jimuel?" at bahagya kong hinimas ang bola. "That's a good sign. Tuluyan nang madi-distract si Jack kay Kath at si Khendra na ang pagtutuunan niya ng pansin. And this is my chance para mapasaakin na si Kath." and I smiled triumphantly. Sige, selfish na kung selfish, pero may dahilan naman ang pagiging selfish ko. At si Kath ang dahilan. Kung kaya naman gagawin ko ang lahat, maipaglaban ko lang ang nadarama ko para sa kanya at upang mailayo siya sa taong alam kong sasaktan lamang siya.
Change topic, nung magsidatingan na ang mga teammates namin, including Jack, ay nag-umpisa na ang practice namin.
(Autumn Park, Lunch break)
(Kath Rence's POV)
NAGBABASA ako ng novel ni Gayle Forman na "Just One Year" nang makita kong palapit na sa akin si Jack. Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Kath, saan ka pupunta? Aalis ka na?" tanong niya sa akin.
"O-oo eh. P-pupunta pa ako sa library. Bakit, m-may s-sasabihin ka ba sa akin?" kaswal na tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Pero gusto ko lang sanang itanong, bakit naghiwalay sina Jimuel at Khendra. May alam ka ba kung bakit?" tanong ni Jack sa akin.
"S-siguro...yung Heidi ang dahilan. Kasi siya daw yung other girl ni Jimuel. Ahm...b-bakit natanong mo si Khendra?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Medyo nag-aalala kasi ako sa kanya eh." ang sabi niya, dahilan para bigla akong matahimik at ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng inggit at insecurity sa kaibigan ko na hindi ko naman dapat maramdaman lalo pa't alam ko naman sa sarili ko na imposibleng si Khendra ang tinutukoy ni Satchel sa akin na mahal diumano ni Jack.
"Ah...okay...s-sige, aalis na ako." at lalakad na sana ako palayo pero biglang hinila ni Jack ang braso ko.
"B-bakit? May kailangan ka pa ba sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo ba kung nasaan si Khendra?" tanong niya na bigla kong ikinagitla.
"N-nasa gym yata siya." sabi ko naman sa kanya habang lumalakas ang pagtambol ng puso ko sa sobrang kaba at pag-aalangang nararamdaman ko.
"Salamat. Sige, mauna na ako." at umalis na si Jack. Naiwan ako na alanganin at tila kinakabahan sa mga sinabi niya.
Di kaya tama nga si Satchel?
Si Khendra ba talaga ang gusto ni Jack?
Hindi ko alam.
Dahil tinablan na naman ako ng bwisit na curiosity ko ay sinundan ko si Jack papunta sa gym para makumpirma kung tama ba itong mga hinala ko...na sana naman'y hindi...dahil hindi ko alam kung matatanggap ko ba kaagad ang totoo.
(Gymnasium, Lunch break)
(Kath Rence's POV)
SAKTONG pagpasok ko sa loob ng gym ay nakita kong magkausap sina Jack at Khendra, dahilan para bigla akong magtago sa isa sa mga bleachers ng gym. At mula sa bleachers ay dinig na dinig ko ang usapan nilang dalawa.
"Jack, bakit ganun? Bakit hindi ako mahal ni Jimuel? Bakit si Heidi pa?" ang sunud-sunod na tanong ni Khendra sa kanya.
"May dahilan kung bakit ganun. Kung hindi talaga para sa atin ang taong mahal natin, kailangan natin siyang pakawalan para sa kaligayahan niya. Pilitin mong maging masaya para sa kanya, kahit na nahihirapan ka na. Kaakibat na ng pag-ibig ang masaktan, kaya masanay ka na, dahil hindi laging happy ending ang mga love stories. Basta Khen, kung may problema ka, andito lang ako para sayo." and he hugged her.
"Salamat Jack." she said. "Basta ba wag mo akong iiwan ha? Wag mo akong iiwan tulad ng ginawa ni Jimuel sa akin." ang pakiusap ni Khendra sa kanya.
"Pangako. Hindi kita iiwan. Hindi ako tutulad kay Jimuel..." sabi ni Jack kay Khendra, pero napasinghap ako nang makita kong hinawakan niya ang mukha ni Khendra. "Dahil mahal kita..."
That makes me shock.
Totoo ba ito? Totoo nga ba ang mga hinala ko?
Si Khendra na bestfriend ko...ang mahal ni Jack?
Sa sobrang pagkagulat ko ay naramdaman ko na lang na biglang nanlambot ang tuhod ko, dahilan para bigla akong mapaupo sa sahig. At kasabay nun ay naramdaman ko na lang na parang minamaso ang puso ko...dahil sobrang sakit palang malaman ko mismo mula sa kanya na ibang babae pala ang mahal niya...and worst...bestfriend ko pa. Kunsabagay, ano nga bang karapatan kong mag-react, samantalang in the first place ay hindi na talaga ako mapapansin ni Jack. Dahil kung ihahambing ko ang sarili ko kay Khendra, tiyak na wala't wala akong panama. Tsaka dumagdag pa ang reality na hindi naman makukuhang mahalin ni Jack ang mga katulad ko.
"Don't fall for my stepbrother. Don't fall for him..."
Tama si Satchel. Hindi na lang sana ako na-fall kay Jack...kasi ang hirap palang magkaganito. At hindi ko alam kung hanggang kailan ko mararamdaman ang sakit na ito sa puso ko.
Kahit na parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso kong fragile ay pinilit ko pa rin ang sarili kong titigan sila, kahit na alam kong magmumukha lang akong tanga at katawa-tawa...and unexpectedly...
I SAW JACK KISSING MY BESTFRIEND.
Hindi ko na napigilang mapahagulgol habang nakatitig ako sa kanila.
Ang sakit eh!
Ang sakit na may ibang mahal ang taong mahal ko.
Sana hindi na lang ako nag-expect para hindi ko maranasan ito...kasi ang hirap. Akalain mo yun, siya ang first love ko, and unexpectedly, siya pa ang naging first heart breaker ko. Ang tanga-tanga ko talaga!
Dahil hindi ko na makayanan pang tignan ang mga nakikita ko ay dahan-dahan akong umalis ng gym. At paglabas na paglabas ko ay tumakbo ako papuntang Autumn Park habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko at umiiyak. Pero natigil ako sa pagtakbo nung may yumakap sa akin mula sa likod ko. And I was so shocked nang makita ko ang taong yun.
Si Satchel.