Chapter 17 - CHAPTER SIXTEEN

(Kensington High School, after one week)

(Kath Rence's POV)

AFTER ONE WEEK, nasanay na rin ako sa presence ni Satchel at natutuwa ako kasi napakabait, pasensyoso at maunawain siya sa lahat ng oras. Tinutulungan ko siya sa mga lessons kung saan siya nahihirapan at siya naman ay lagi akong nililibre ng lunch at meryenda. Napagtanto ko na hindi naman pala siya mahirap na pag-aralang mahalin. Alam na rin ng family ko at ni Lola Mart ang tungkol sa amin at pumayag naman sila, basta't wag naming pababayaan ang pag-aaral namin.

(School Library/Autumn Park)

(Kath Rence's POV)

NASA LIBRARY ako ngayin at nagrereview para sa chapter test namin sa Science nang marinig ko na naman ang mga panlalait sa akin ng apat na kabayo na sila Riri, Femme, Yarra at Carly.

"According to my research, may lahing manananggal daw ang babaing yan!" - Riri.

"Oooh...really? Grabe nakakatakot." - Yarra.

"Kaya nga eh, tapos alam nyo ba, naresearch ko rin na ang great ancestor niya ay isa sa mga pinaka-powerful na mangkukulam! Legendary nga eh." - Femme.

Haay naku, kahit hindi na kayo magbanggit pa ng pangalan dyan eh halata namang ako ang pinapatamaan ninyo! Pano kasi ay kanina pa nila ako tinitignan. 

"Ooh, ahm well, halata naman sa face ng nerd na yan ang pagkakaroon ng lahing paranormal." - Carly.

"Ssh! Ano ba kayo, wag kayong maingay, marinig ka nyan, kulamin ka pa." - Riri.

Wag maingay? Eh rinig na rinig kaya! Kulamin ko talaga kayo eh! Gawin ko kayong si Boobay sa Celebrity Bluff!

"Grabe, ano kayang magic formula ang ginamit ng babaing yan para sabihin ni Prince Satchel na girlfriend niya yang panget na mangkukulam na yan?!" - Yarra.

Tinakpan ko na lang ang tenga ko dahil naiirita na talaga ako sa mga pinagsasasabi nila na  sobrang ewan! Magic formula? Witches? Monsters? Ano sila, Grade One pupil?!

Nakita kong papasok si Satchel sa library, lalo tuloy na lumala ang commotions ng mga anak ni Boobay sa likuran ko.

"Look! What is he doing here?" - Riri.

"Don't tell me he's also after her?!" - Femme.

"Nah uh!" - Carly.

"Good afternoon Katy!" at inakbayan niya ako. He's smiling at me.

"S-Satchel! A-anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Kyaa!!! She just called Prince Satchel in first name only!" - Yarra.

"What is with that girl?!" - Femme.

"Just how many prince's here in this school would she want to put under her control?!" - Riri.

Ano ba yan, ganun na lang ba ka-big deal sa kanila kung magtawag ako ng isang tao sa pangalan lang?! Seesh....Eh kung tawagin din kaya nila sila Satchel, Jack at Kuya Leonard by their first name, hindi naman kasi kailangang lagyan ng "Prince" eh! Hello! Democratic country tayo at hindi tayo nasa sibilisasyon nila Elizabeth II kaya't hindi uso dito ang prince and princess, okay?!

"Let's go Katy, I've got a surprise to you!" at kinuha niyang bigla ang gamit ko at bigla niya akong hinila palabas ng library.

"H-ha?! Te-teka lang Sachi! A-anong sorpresa?"

He smiled and said, "Basta, special 'to." at mas nagulat ako nang piringan niya ng blue na panyo ang mga mata ko.

"S-Sachi!" ang sabi ko na lang pero binuhat niya ako at dinala sa isang lugar na bagama't alam ko ay hindi ko naman ma-describe dahil nga nakapiring ang mga mata ko.

Narinig ko na lang ang tugtog ng harp at violin kasabay ng parang pag-ambon ng confetti or either petals sa paligid.

"Were here!" at ibinaba na ako ni Satchel. Tinanggal na niya rin ang piring ng mga mata ko at nang dumilat ako ay nasa Autumn Park kami...at ang park ay napapalibutan ng petals with matching red carpet pa. At sa may bandang gitna ng park ay naka-set ang isang dining table for two na napakaganda ng pagkaka-decorate. May banda sa bandang gilid na tumutugtog ng harp at violin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang buong park.

"Ano Toodles. nagustuhan mo?" Satchel asked.

"Oo naman. Nagustuhan ko." ang sabi ko naman sa kanya.

"Thank you Toodles!" and he hugged me. I hugged him back.

"C'mon, maupo na tayo at nang makakain na tayo. Don't worry, ako mismo ang nagluto ng mga favorite food nating dalawa." at inalalayan na niya ako papunta sa dining table. Nauna niya akong pinaupo at saka naman siya umupo sa chair na nakapaharap sa akin.

"Talaga, ikaw ang nagluto nito?" 

"Oo naman. Hiningi ko pa nga kay Yaya Medel ang recipe at dahil medyo magaling naman ako sa kusina ay ako na ang nagluto. Actually, kami nina Mikki at Yaya Medel ang nag-ayos sa lugar na ito at very thankful ako kasi na-appreciate mo iyon." ang nakangiti niyang sabi sa akin.

I really touched. Hindi ko akalain na ganito pala niya ako kung pahalagahan.

Aaminin ko, sa umpisa ay hindi pa talaga ako handang buksan ang puso ko kay Satchel. Pero sa mga ipinapakita niyang kabutihan sa akin maging sa pamilya ko ay sobrang naa-appreciate ko iyon, to the point na napapamahal na ako sa mga biro niya, paglalambing niya, at maging sa pagsisikap niyang mag-aral ng mabuti. Kung kaya naman baka anumang sandali ay tuluyan na akong mahulog sa kanya.

Habang kumakain kami ay panay ang kwento niya tungkol sa plano nila nina Yaya Medel at Mikki maging sa pagkain na pinaghirapan niyang lutuin. At worth it naman ang mga naging paghahanda nila dahil masarap magluto si Sachi. Para nga tuloy gusto ko na siyang pakasalan para palaging masarap ang pagkaing kakainin ko. 

"Masarap ba yung luto ko?" tanong niya sa akin.

"Oo naman! Ang dami ko na ngang nakain eh. Tsaka pwede mo nang talunin si Kuya sa pagiging chef." ang nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ganun? Siguro nga." at bahagyang natawa si Satchel. "Pero kapag sinabi ko yun sa Kuya mo, baka bigla na lang niya akong sapakin."

"Grabe ka naman. Hindi naman ganun ka-terror si Kuya Leonard." at natatawa akong sumubo ng karne ng beefsteak. "Sarap talaga!"

"Ahm Katy..."

"Bakit Sachi?" 

"Pansin ko, medyo ilang ka pa sa akin eh." and he held my hand. "Wag ka nang maiilang pa sa akin ha? Boyfriend mo na ako at wala ka nang dapat pang ikailang sa akin. Hmm?" and he touched my face. 

"Yes boss!" with matching salute pa.

"That's my Katy." and he pinch my cheeks. Ako naman ay nakangiti lang sa kanya.

"Bakit Toodles at nginingitian mo ako ng ganyan?" he sweetly asked.

"S-Satchel...I love you." ang hindi ko na napigilang sinabi ko sa kanya. Na-shock siya at kalauna'y napangiti.

"Oh..." at tumayo siya sa upuan niya at  lumapit siya ng todo sa akin, yung malapit na malapit na...at niyakap niya ako ng napakahigpit. 

"I love you too Katy." and he kissed my forehead. "Thank you Katy, you really make me so happy."

"You're welcome Sachi." ang sabi ko naman sa kanya. 

"Katy, shall we dance?" at inialok niya ang kamay niya sa akin.

"S-sure!" at tumayo na ako sa kinauupuan ko. Akbay-akbay niya ako habang tinutungo namin ang ballroom na napapalibutan ng mga magagandang bulaklak at laces sa paligid.

Noong nasa ballroom na kami ay hinapit ni Satchel ang beywang ko habang inilagay ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya. Tumugtog na ang violin at harp ng isang napakasweet na music at nagsimula na kaming magsayaw.

He stares at me attentively habang ako naman ay nakatingin sa mga mata niya...mga matang punumpuno ng kaligayahan dahil sa akin.

"I love you, Kath Rence Villas."

"I love you too, Satchel Roswell De Vega."

He leaned on me and he kissed my lips. Hinalikan niya ako na punumpuno ng pagmamahal at kaligayahan. Medyo matagal din ang halik na iyon bago nagwalay ang mga labi namin.

He hugged me tightly nung matapos na ang tugtog. Naupo kami sa nakalatag na puting tela na nasa park.

"Katy, gusto mo bang kantahan kita? Kahit anong kanta, kakantahin ko para sayo." ang sabi niya sabay labas niya ng gitara na nasa gilid ng puting tela.

"Teka, marunong kang mag-gitara?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Marunong akong mag-gitara. Si Mommy nga ang nagturo sa aking tumugtog ng gitara eh." pagmamalaki pa niya sa akin. Hindi ko maiwasang maawa kay Sachi dahil sobrang nami-miss na niya ang Mommy niya.

"Sige. Kantahan mo ako. Gusto ko yung kanta ni JRA. By Chance yung title nun."

"Okay." at nag-umpisa nang patugtugin ni Sachi ang gitara niya. At kasabay ng marahang pagtugtog niya ay narinig ko for the first time ang malamyos na boses niya.

♪Hi

Girl you just caught my eye

Thought I should give it try

And get your name and your number

Go grab some lunch and eat some cucumbers

Why did I say that?

I don't know why.

But you're smilin' and it's something' I like

On your face, yeah it suits you

Girl we connect like we have bluetooth♪

♪I don't know why

I'm drawn to you

Could you be the other one so we'd equal two?

And this is all based on a lucky chance

That you would rather add than subtract♪

♪You and I

Could be like Sonny and Cher

Honey and Bears

And You and I

Could be like Aladdin and Jasmine

Lets make it happen♪

♪La la la la la la la la

La la la la la la la

La la la la la la la la

La la la la la la la ♪

♪Hey

How've you been?

I know that it's been awhile.

Are you tired cause you've been on my mind

Runnin' thousand and thousands of miles

Sorry, I know that line's outta style

But you

You look so beautiful on this starry night

Loving the way the moonlight catches your eyes and your smile

I'm captivated

Your beauty is timeless never outdated♪

♪I don't know why

I'm drawn to you

Could you be the other one so we'd equal two?

And this is all based on a lucky chance

That you would rather add then subtract♪

♪You and I

Could be like Sonny and Cher

Honey and Bears

And You and I

Could be like Aladdin and Jasmine

Lets make it happen♪

♪Babe

It's been 5 years since that special day

When I asked you on our first date

I guess it's safe to say that♪

♪You and I 

Are better than Sonny and Cher

Honey and Bears

And You and I

Are better than Aladdin and Jasmine

We've made it happen

Singing♪

♪La la la la la la la la

La la la la la la la

La la la la la la la la

La la la la la la la♪

♪Let me say

You look beautiful on our wedding day...♪

Matapos ang kanta ay muli ko na namang naramdaman ang mga labi ni Sachi na masuyong hinahagkan ang mga labi ko. At sa mga nangyari ngayon...ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya...higit pa yata sa pagkahulog ko kay Jack noon...

(Villas's Mansion)

(Kath Rence's POV)

PAGKARATING namin ni Satchel sa bahay galing sa school ay naghanda si Mommy ng meryenda namin. Pinaupo ko si Satchel sa sala.

"Ahm Satchel este Bebeyonce, ano nga pala ang gift mo sa akin?" ang curious kong tanong sa kanya.

Bebeyonce nga pala ang ginawa kong nickname para kay Satchel, para match sa pusa ni Mommy na Bebeyonce ang pangalan at sa palayaw ko naman na Katy. Oh di ba cute? At si mokong naman, hayun, nagustuhan agad nang tawagin ko siyang Bebeyonce.

"Wait Katy at kukunin ko sa bag." at inilabas niya ang isang red box na may tatak na Chanel. Binuksan niya ito at halos mahimatay ako sa gulat dahil purong pilak at diamond na kuwintas ang laman ng box na ito.

"B-Bebeyonce! Y-yan ang regalo mo sa akin?! A-ang mahal naman nyan!" ang halos mahimatay sa gulat kong sabi ko nang makita ko ang kuwintas.

"Yan ang newest version ng Chanel, the new Alpha Necklace. Ang ganda noh?" ang sabi niya at dali-dali na niyang isinuot ang kuwintas sa leeg ko at noong tinignan ko sa salamin ay napakaganda nga. Sobrang ganda.

"A-ang mahal naman nito...." ang nahihiya kong sabi kay Bebeyonce.

"Wala akong pakialam kahit na gaano pa kamahal yan, ang importante ay napasaya kita sa araw na ito. Nababagay ang ganda niya sayo dahil mabuti kang tao. Hindi ako nagkamaling mahalin ka." and he smiled.

Oh...I'm so very touched again...

"B-Bebeyonce...s-salamat."

He smiled at me and he sweetly said, "You're welcome. I love you."

"I love you too..." 

"Ah sige, uuwi na ako ha, ala-sais na kasi eh. Bye Katy."

"Babay din Bebeyonce. Mag-iingat ka sa paglalakad." ang sabi ko naman.

Hinatid ko siya hanggang sa gate ng bahay namin. He gave me a smack at saka na siya lumabas ng gate.

"Bye ! Ingat ka! I love you!"

Noong hindi ko na siya matanaw ay bahagya ko na lang na nahawakan ang mga labi ko...

SHOCKS.

Ngayon ko na lang biglang nalaman...

NA SI SATCHEL ROSWELL DE VEGA A.K.A BEBEYONCE KO ANG FIRST KISS KO!

WAAAHHH!

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay pinilit kong tandaan ang mga pinagagagawa niya sa akin...ang first kiss ko talaga sa kanya ay noong nagtatapat na siya ng feelings niya sa akin, tapos ang sumunod naman ay noong umiiyak ako sa park nang dahil kay Jack at ang pangatlo ay noong binigyan niya ako ng surprise date...

AT TSAKA...

YUNG NGAYON!

NYAAAHHH!

Hindi ko maiwasang kiligin nang dahil sa first to fourth kiss na yun ni Bebeyonce ko!

Aba, aba, aba himala! Kinilig na ako nang dahil kay Bebeyonce ko! 

WAHAHA!

Pero tama na rin ito, tama rin na nandyan siya palagi para tuluyan na akong mahulog sa kanya at nang tuluyan ko na ring makalimutan si Jack.