(Kensington High School, next day)
(Kath Rence's POV)
(Faculty Office)
"SATCHEL, KATH RENCE, may naisip na ba kayong plano para sa upcoming Mr. Campus Prince and Ms. Campus Princess?" tanong ni Ma'am Nicdao sa amin.
"Meron na po Ma'am, kaso hindi pa po namin napa-finalize."
"Mabuti kung ganun. If you already finalized your plans, then just tell me okay?"
"Yes Ms. Nicdao." at aalis na sana kami sa faculty office pero pinigilan ni Ma'am si Sachi.
"Bakit po Ma'am?" tanong niya.
"Napapansin kong nag-e-excel ka ng husto sa academics, Satchel. Kath Rence, you did a very great job. Good influence ka sa kanya. Just keep up the great work, okay?"
"Yes Ma'am." ang nakangiting sabi ni Sachi.
Haay, masaya ako kay Sachi dahil unti-unti na siyang nakakabawi sa pag-aaral niya. And I'm sure, magiging proud sa kanya si Lola Mart.
And speaking of Lola Mart, okay na sila ngayon, pero naghigpit na sila ng security at kabilin-bilinan nila na wag na wag na ulit papapasukin si Sir Albert. Nalaman din ni Satchel ang nangyari kagabi at muli'y namuhi na naman siya sa kanyang sariling ama. Hindi na lang ako umimik para hindi na madagdagan pa ang sama ng loob na nararamdaman niya.
Lumabas na kami ni Satchel sa office. Haay. Economics class na naman. Yan pa naman ang isa sa kinaaayawan kong subject at mukhang ganun din si Sachi.
Habang naglalakad kami papunta sa room ay nakita kong pinagtsitsismisan na naman ako nina Riri sa gilid ng corridor.
"Omigosh. Kasabay pala siya ni Prince Satchel!" - Riri.
"Oo nga eh. Ano na naman kayang ginawa ng babaing yan?" - Yarra.
"Malamang, ginayuma niya si Prince Satchel." - Carly.
"Sigurado! Mukha naman siyang witch eh!" - Femme.
"Palibhasa kasi, ilusyonada. Akala niya siguro, pang beauty pageant ang itsura niya, eh mukha naman siyang mambabarang!" at nagtawanan silang apat.
Sa sobrang gigil ni Satchel ay susugurin na niya sana sina Riri nang makita naming katabi na ng apat si Rhian at Erich.
Patay. Naloko na.
"Who do you call witch?" - Erich.
"And who do you call ilusyonada and mambabarang?" - Rhian (na naka-closed fist at ready to fight na.)
"W-wala...h-hindi si K-Kath a-ang--"
"SINUNGALING!!!!" pasigaw na sabi ni Rhian.
Nagtakbuhan sa sobrang takot sina Riri palayo sa amin. Gulat na gulat si Satchel sa ginawa ni Rhian habang napabuntung-hininga na lang ako, pano kasi, sanay na akong magkaroon ng bestfriend na laitera at dragonesa.
"Tamang-tama lang ba ang dating namin?" sabi ni Erich sa amin.
"Haay naku Erich, mabuti na lang at dumating kayo, baka kung hindi'y may nabugbog na naman 'tong si Bebeyonce ko." I said.
"Sumosobra na kasi ang baboy na Riri na yun pati na rin yung tatlong alaga niyang biik! Kung awayin ka ba naman nila, ganun-ganun na lang?! Grr, kung hindi lang talaga masamang pumatay, baka kinatay ko na ang apat na yun!" gigil pa ring sabi ni Sachi.
Whoa. Mas matindi pa palang magalit ang boyfriend ko kesa kina Erich at Rhian.
"Relax Sachi. Next time na laitin pa ng mga baboy na yun si Kit-kat, ipapa-death sentence na namin sila sayo." pabirong sabi ni Rhian.
"Siguraduhin nyo lang ha." sabi ni Sachi.
Tumigil lang kami sa pag-uusap nung nag-ring na ang bell. Agad na kaming pumasok sa classroom.
(School Corridor, Lunch break)
(Leonard's POV)
KINAKABAHAN akong naglakad palapit sa locker ng section namin. At dahil kaunti lang ang mga estudyanteng nagdadaan doon ay hindi nila ako napapansin. Nung makalapit na ako sa locker niya ay binuksan ko iyon gamit ang duplicate key na hiniram ko pa sa maintenance office ng school. Nang mabuksan ko na ang steel door ng locker ay tumambad sa akin ang sandamukal na mga bulaklak, chocolates at stuff toys. At sa dami ng mga yun ay halos mapuno na ang laman ng locker niya.
"Kainis naman, saan ko kaya ilalagay ito?" bulong ko sa sarili ko habang nakatitig ako sa bultu-bultong basura na nasa locker niya. Naisip kong ayusin at isalansan isa-isa ang mga nakakalat na bulaklak, chocolates at stuff toys sa kanya-kanya nitong pwesto. Nang makita kong maayos na ang mga kalat ay inilagay ko na ang sulat sa ibabaw ng mga libro niya kung saan madali niya itong makikita. Agad ko ring isinara ang locker at mabilis sa alas-kwatro akong umalis sa locker section.
"Sana naman wag niya akong sapakin pagkatapos niyang mabasa iyon..." ang nanginginig kong sabi habang naglalakad.
Aminado akong gusto ko siya. Gusto ko ang mahabang buhok niya, ang magandang ngiti niya, ang mga tawa niya at maski ang pagiging palaban niya. Pero higit pa sa mga katangiang iyon ay pinakanagustuhan ko sa kanya ang pagiging mabuti at tapat niyang kaibigan sa kapatid kong si Kath Rence maging sa iba pa niyang mga kaibigan. Idagdag pa na maalaga't mapagmahal siya sa kanyang pamilya. Ang mga bagay na yun ang naging dahilan...kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya. Pero dahil wala akong lakas ng loob na magtapat ay idinaan ko na lang sa sulat ang pagpapahayag ng nararamdaman ko sa kanya. Mga ilang araw na rin siguro akong nagpapadala ng sulat at ewan ko lang kung nababasa niya ba yun o itinatapon na niya diretso sa basurahan ang sulat ko. Ngunit kahit ganun ay nananalangin pa rin ako na sana'y mabasa niya ang mga sulat ko...and the same time ay maramdaman niya sa sulat na iyon kung gaano ko siya...kamahal.
(Rome, Italy)
HABANG BINABASA ko ang isang Philippine business newspaper na bigay sa akin ni Yelene ay biglang nadako ang paningin ko sa isang interesanteng article.
"DE VEGA EMPIRE INAUGURATED THEIR NEWEST HOTEL IN TAGAYTAY CITY." ang pagkakabasa ko sa article.
Dahil na-curious ako ay binasa ko ang nilalaman ng article and as I expected, muli na naman akong sumabog sa matinding galit pagkat ang De Vega na tinutukoy sa article ay walang iba kundi ang walanghiyang ex-husband ko.
Sa galit ko ay nilukot ko ang diyaryo at itinapon ko iyon sa basurahan. Muling bumalik sa gunita ko ang mga masasakit na alaalang sinapit ko sa piling niya...mula sa mga pambubugbog hanggang sa pagtataksil niya sa akin...at ang pinakamasaklap pa sa lahat ay nagawa niyang ilayo ang mga anak ko sa akin. Nagawa kong tiisin ang lahat ng hirap at sakit na dinanas ko sa kanya pero mula ng mailayo niya sa akin ang mga anak ko ay inisip kong magpakamatay na lang dahil wala na ring saysay ang buhay ko kapag wala ang mga anak ko sa tabi ko. Ngunit bago ko pa gawin ang binabalak kong iyon ay inunahan na ako ng isang malagim na trahedya na muntik ko nang ikamatay. At ang trahedyang iyon ang nagbigay daan upang pansamantala akong makatakas sa Pilipinas at makapunta dito sa Italy. Ginawa ko ang lahat para makapagpayaman sa Italy sa pamamagitan ng mga boutique na ipinatayo ko sa US, Europe, Australia at Asia, kasama na ang Pilipinas. Ngayon ay isa na ang Casablanca sa mga kinikilalang boutiques sa buong mundo kapantay ang Chanel, Louis Vuitton at iba pang mga sikat na fashion empires. Nakapag-ipon ako ng trilyun-trilyong pera sa loob lamang ng pitong taon at nakilala ako bilang si Diana Lee. At ngayong muling nagparamdam sa akin ang lalaking sumira sa buhay ko at nang-agaw sa mga anak ko ay muli na naman akong nabuhayan ng loob na bumalik sa Pilipinas hindi lang upang bawiin ang mga anak ko...kundi upang ihulog sa impyerno ang hayup na lalaking yun na nanakit sa puso ko...sampu ng kanyang malanding kabit at ng kanilang anak sa labas.
And I'll do my revenge...slowly but painfully for them.
So get ready...
BECAUSE I'M COMING BACK.
I'M COMING BACK...TO RID YOU...
ALBERT DE VEGA AND VIVIAN SALCEDO.