(Autumn Park, Lunch break)
(Kath Rence's POV)
NAGLALAKAD-LAKAD ako sa Autumn Park nang mapansin ko si Zeric na nakaupo sa isa sa mga benches habang nagpapatugtog ng gitara. Nilapitan ko siya. Pero habang naglalakad ako palapit sa kanya ay may mga babaing nagbubulungan sa gilid.
"Bago ba siya dito?" - Girl 1.
"Tignan mo, lalapit ba naman siya kay Prince Zeric!" - Girl 2.
"Ang kapal niya!" - Girl 3.
Pinanlisikan ko sila ng mga mata. Nagulat ang tatlong babaing yun at bigla silang nakaramdam ng takot.
"T-teka...s-siya ba yung kapatid ni Prince Leonard?!" - Girl 2.
"D-di ba...p-panget yun?" - Girl 1.
"P-papanong...n-naku...t-takbo na tayo!" at nagulat na lang ako nang bigla silang magtakbuhan sa sobrang takot.
Tsk, tsk, tsk. Ang lalakas ng loob magsalita pero mga duwag din pala.
Natigil lang ako sa paglalakad nang lumapit sa akin si Zeric.
"Hey Zer. What's up?" bati ko sa kanya.
"Mukhang ikaw na talaga ang dating Kath Rence na nakilala namin. Mabuti naman at bumalik na ang confidence mo sa sarili mo."
"Salamat." at ngumiti ako sa kanya. "Anyways, kamusta na yung ginagawa mong pagtulong kay Yhannie? May resulta na ba?"
"Wala pa eh. Pero umaasa pa rin ako na sana'y magka-resulta na." sabi ni Zeric.
Natigil lang kami sa pag-uusap nang mapansin naming biglang nagtakbuhan ang mga estudyante papunta sa isang umpukan na tila may nag-aaway. Bigla akong kinutuban ng hindi maganda kung kaya naman lumapit kami ni Zeric sa mga nag-aaway. At nagulat kami nang makita namin si Yhannie na pinipilit kausapin ni Kyle.
"Ang kapal din ng mukha mong makipagbalikan sa akin noh?! Pagkatapos mo akong itapon, ngayon, pupulutin mo ako! Ano ako, basura?!" ang maanghang na sabi ni Yhannie na nakapagpatahimik kay Kyle.
"I'm sorry Yhannie." ang sabi ni Kyle pero isang suntok ang ipinatikim sa kanya ni Zeric, dahilan para mapabagsak si Kyle sa sahig.
"Sino ka bang pakialamero ka!?" at akmang susugurin na sana niya si Zeric nang sinalubong siya ng malakas na sampal ni Yhannie.
"Y-Yhannie..." ang gulat na sabi ni Kyle.
"Anong feeling na masuntok ng kaibigan ko?! Masakit ba?! Nakaka-degrade ba?! Hah! You deserve it, manwhore! Walang-wala pa yang sakit ng suntok ni Zeric sa ginawa mong panloloko sa akin!" she said angrily.
"Yhannie naman...please bigyan mo ako ng chance. Pangako, magbabago na ako para sayo..." sabi pa ni Kyle pero natikman ulit niya ang sampal ni Yhannie.
"Ikaw? Magbabago? Lelang mo! Kung sa tingin mo ay mapapaniwala mo pa ako sa mga pinagsasasabi mo, nagkakamali ka. Kaya kung ako sayo, kesa aksayahin mo pa ang oras mo sa pamimilit mong balikan kita, ba't hindi mo na lang pagtuunan ng pansin yang kabit mo, tutal eh bagay na bagay naman kayong dalawa!" ang sunud-sunod na masasakit na sinabi ni Yhannie, dahilan para mas lalong hindi makaimik sa sobrang kahihiyan si Kyle.
"Ano ka ngayon Pare, hindi ka makasagot dyan. Totoo naman kasi, diba?" Zeric said sarcastically. "Kaya kung ako sayo, tigil-tigilan mo na si Yhannie. Nagsasayang ka lang ng oras sa kanya."
"Hindi. Hindi ko magagawa yun. Gagawin ko ang lahat, kahit na mapahiya pa ako, basta bumalik lang sa akin si Yhannie." pagmamatigas ni Kyle.
Sasagot na sana si Yhannie pero hinarang ko ang kamay ko sa kanya.
"Yhannie, let me do this. Hayaan mong ako ang makipag-usap sa kanya." at nilapitan ko si Kyle. Napaurong sa sobrang gulat ang lalaking yun.
"Really, ayaw mong tigilan ang bestfriend ko?" and I gave him a very death glare at tulad ng inaasahan ko ay biglang nanginig at napaatras sa sobrang takot si Kyle. "Sige, ipagpilitan mo pa yang gusto mo...tiyak na ako na ang makakalaban mo. Gusto mo bang pulutin na kayo ni Heidi Sandborn sa impyerno?"
"N-no. P-please...I-I will never b-bother Yhannie again. J-just please..." at sa takot niya ay napatakbo na siya palayo. Takang-taka ang mga nakikiusyoso habang gulat na gulat si Yhannie sa ginawa ko.
"T-teka Kit-kat, p-papano mo napaatras ng ganun si Kyle?" shocked na tanong ni Yhannie.
"Oo nga. Maski ako ay nagtataka din." at nagkatinginan silang dalawa. "Don't tell me...bumalik na ang Empress Eye mo!"
"Yup. Bumalik na nga." sabi ko sa kanila. "Anyways Yhannie, ba't pinagsalitaan mo ng ganun yung ex mo, di ba...mahal mo pa siya?" ang tanong ko.
"Dati yun. Pero hindi na ngayon. Nakakadiri kasing maalala eh, lalo na yung mga naging memories namin, that's the worst nightmare ever in my life! Kaya ayoko nang marinig o mabanggit pa ang pangalan ng lalaking yun! Isinusumpa ko ang pangalan niya! I swear!" at inis na umalis si Yhannie. Nagkatinginan na lang kami ni Zeric at kalauna'y nagkatawanan.
"See Zeric. May resulta na." I said.
"Salamat ha, kasi tinutulungan mo ako para maka-move on na si Yhannie. Sana naman ay magawa na niya ang step 2 ng sulat ko sa kanya." Zeric said.
"Kilala ko si Yhan. May isang salita siya. At sinisiguro ko sayong anumang oras ay susunugin na niya ang alaala ni Kyle sa kanya."
"At matututunan na rin niyang mahalin ang isang katulad ko." sabi ni Zeric.
Haay, bilib na bilib talaga ako sa pagtitiyaga at paghihintay ni Zeric kay Yhannie. Para talaga siyang si Satchel. Sana lang ay ma-appreciate din ni Yhannie ang lahat ng efforts ni Zeric para matulungan siyang makapag-move on.