(Kensington High School, after one week)
(Kath Rence's POV)
HABANG dumadaan ako sa corridor papunta sa designated room ng IV-1 para sa pre-pageant night ay pansin kong handa na ang mga candidates para sa preliminary round. Prepared na rin ako mula sa damit hanggang sa mga sapatos at accessories pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil baka sa preliminary pa lang ay matalo na ako.
Nung dumating na ako sa designated room namin ni Satchel ay nakita kong naka-prepared na siya.
"Katy, mabuti naman at nandito ka na." sabay yakap sa akin ni Sachi. "Kanina ka pa namin hinihintay."
"Pasensya na ha, kasi si Mommy, pina-manicure at pedicure pa ang kamay ko. Anyways, nasaan na ang mag-aayos sa akin?" sabay linga-linga ko sa paligid ng room.
"Wag kang mag-alala Kit-kat, dahil nandito na kami!" ang nakangiting sabi nina Mikki at Yogo.
"Mikki, Yogo, mabuti naman at nandito na kayo. Ano, simulan na natin?" sabi ko.
"Sige ba!" at pinaupo na nila ako. Si Mikki ang nag-make up sa akin habang si Yogo naman ang nag-asikaso sa buhok ko. Pagkatapos ayusan ang mukha ko ay pinasuot na ako ng dress na binili sa akin ni Lola Mart. Fitted ang dress na yun na kulay pink at gawa sa lace at silk na may mga design pang gems at precious stones.
Nang matapos na akong ayusan ay ikinabit na sa akin ang sash ng IV-1 katulad ng kay Satchel.
"Ayan! Gandara much ka na naman Kit-kat!" - Yogo.
"Salamat." ang nakangiting sabi ko sa kanila.
"Ang galing talaga nating dalawa Yanna! Kit-kat, pwede ka nang tawaging Goddess of Beauty!" - Mikki.
"Naku, hindi naman." sabi ko sa kanila pero inakbayan ako ni Satchel.
"Anong hindi?" at ngumiti si Sachi. "Napakaganda mo. Sobra. Kaya nga nahuhulog na naman ako sayo ng di oras eh."
"Bolero!" sabay tampal ko sa braso niya. "Pero sige na nga, tatanggapin ko na yan. I love you Sachi..."
"I love you more, my queen." at hinalikan niya ako sa noo. Tilian naman sa sobrang kilig sina Mikki at Yogo.
"Ano, labas na tayo? Malapit nang tawagin ang 4th Year candidates." sabi ko sa kanila.
"Sige, halika na." at magkaakbay kaming lumabas ni Satchel sa room. Sumunod naman sa amin sina Mikki at Yogo.
Habang naglalakad kami papuntang school grandstand ay nasa amin ang atensyon ng lahat.
"Grabe...ang ganda ni Princess Kath Rence..." - Boy 1.
"Oo nga. Makalaglag panga talaga..." - Boy 2.
"Tapos idagdag pang napakaguwapo ni Prince Satchel..." - Girl 1.
"Naku, ine-expect kong sila na ang mananalo!" - Girl 2.
Nagkangitian lang kami ni Satchel sabay lakad namin palabas ng corridor. Nakita namin si Heidi sa gilid na halos mamatay na sa inggit dahil kasama ko ngayon ang lalaking hindi niya nagawang maakit ni minsan.
Haha. Take that, bitch.
Nung nasa labas na kami ay nagulat na lang kami nang maraming sumalubong na mga estudyante sa amin, karamihan ay taga IV-1. May dala silang malalaking banners at posters.
"Prince Satchel, Princess Kath Rence, kayang kaya nyo yan! For sure, kayo na ang makakapasok sa top 15 at mananalo ng crown!" - Classmate 1.
"Galingan nyo ha! Mag-chi-cheer kami para sa inyo!" - Classmate 2.
"Salamat guys." sabi ni Satchel. I smiled at them.
"Sige na, padaanin na natin sila!" - Classmate 3.
Pinauna na kami ng mga classmates namin sa grandstand at sumunod na sila.
(Kensington Open Grandstand)
(Kath Rence's POV)
PAGDATING NAMIN sa grandstand ay pinapunta na kami kaagad sa backstage.
"Kaya nyo yan, Satchel and Kath Rence. Marami kaming susuporta sa inyo." sabi ni Ms. Nicdao sa amin.
"Thank you po Ma'am." sabi naming dalawa.
Nung natapos na ang huling section ng 3rd Year Department ay tinawag na kaming dalawa ni Satchel. Agad na kaming umakyat sa stage. Saktong pag-akyat namin ay isang nakakayanig nang sigaw ang bumulaga sa aming dalawa, sa pangunguna ng IV-1 at ng Campus Heartthrobs at Sweethearts. Si Rhian nga ay kinuntsaba pa ang mga fans club ng Sweethearts para maging palakpak brigade. Sa huli, we steal the attention of all.
"GO KATH RENCE! GO SATCHEL!"
"KATH-CHEL! KATH-CHEL!" ang sigaw ng buong IV-1.
Eh? Kath-Chel?! Kami?! Saan naman kaya nila napulot ang gimik nilang yun?
Naglakad kaming dalawa papunta sa microphone. Naunang nagsalita si Satchel.
"Satchel Roswell De Vega, 17, IV-1!"
Halos magwala na ang lahat sa sobrang kilig dahil ang beloved Prince Satchel nila ang nagpakilala.
Okay. It's my turn.
* inhale *
* exhale *
THIS IS IT!
"Kath Rence Tecson Villas, 16, IV-1!"
Mas lalong nagwala ang mga tao sa sobrang excitement. Haay, kung may special awards man para sa best supporter, siguro, ang IV-1 na ang mananalo. Haha!
"Wow! Listen to that crowd! This ultimate royal couple really rocks the stage!" ang humahangang sabi ng emcee.
Haha, ganun? Miss Universe lang ang peg?
Agad kaming bumaba sa stage. Mabilis kaming inasikaso nina Mikki at Yogo.
"Grabe yung pag-cheer sa inyo ng mga tao! Parang Miss Universe ang peg! Ano, Janine Tugonon lang ang peg!" ang humahangang sabi ni Yogo habang ni-re-retouch niya ang mukha ko.
"Sigurado! Tapos tinawag pa nga kayong ultimate royal couple eh!" sabi ni Mikki.
"Oo na, oo na. Sige na, ayusan nyo na kami para sa swimsuit category." sabi ni Sachi.
Agad kaming inayusan ulit nina Mikki at Yogo. Pinasuot nila ako ng kulay puting swimsuit na gawa ng boutique nila Erich habang si Sachi naman ay naka-kulay puting tanktops. Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil nakita ko for the first time ang mala-Sergio Santibanez na katawan ni Sachi my loves ko.
"Hey Katy, pansin kong kanina ka pa nakatitig sa akin ah." sabay lapit niya sa akin. "Gusto mo ba ang sexy figure ko?" sabay kindat niya sa akin.
Waah!!! Jusmiyo! Anong sasabihin ko?! Anong sasabihin ko?!
"Gaad! Ako, gusto ko yang abs mo Papa Satchel!" sabay akmang hahawakan na sana ni Yogo ang abs ni Sachi nang mabilis siyang batukan ni Mikki.
"Hoy, tumigil ka nga sa kalandian mo Yogo! Asikasuhin mo na si Kit-kat!" sabay tulak ni Mikki kay Yogo sa akin. Bigla namang natakot si Yogo kung kaya naman ibinalik niya ang atensyon niya sa akin. Haay, hindi ko maiwasang manghinayang kay Yogo kasi medyo guwapo naman siya, kaso lang, nagladlad na. Kailan kaya siya magpapakalalaki?
Nung maayos na kami ay saktong ang section na namin ang tatawagin para sa swimsuit competition. Naunang rumampa si Satchel at mula sa backstage ay kitang-kita ko na halos himatayin na sa kilig ang mga babaing fans niya. Aba't paano namang hindi, eh pwede nang panlaban sa Mr. International ang katawan niya!
Nung bumaba na sa stage si Sachi ay isang kindat ang ibinigay niya sa akin sabay balik niya sa pwesto kung saan nandun sina Mikki at Yogo.
Okay.
This is it.
Dahan-dahan akong lumabas mula sa backstage at rumampa ako ala-Irene Esser na halos ikapaos na ng mga estudyante sa sobra nilang kasisigaw. Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko'y parang ako lang ang nasa stage at wala akong naririnig. Hanggang sa pagbalik ko sa backstage ay nararamdaman ko pa rin ang feeling na yun. Saka na lang ako nakabalik sa katinuan ko nang marinig ko ang wala pa ring tigil na sigawan sa buong grandstand. Agad akong sinalubong ng mainit na yakap ni Sachi.
"Waah! Kit-kat! Ang galing galing mo talaga!" Mikki exclaimed happily.
"Siguradong pasok na kayo sa Top 15! Wohoo!" - Yogo.
"Haay, wag muna kayong pakakampante kasi may formal attire at evening gown competition pa." sabi ko sa kanila.
"Oo nga, kaya gagawin namin kayong bonggang-bongga! Tara na't i-re-retouch pa namin kayo!" at agad na akong tinulungang magbihis ni Mikki ng evening gown. In fairness, napakaganda ng evening gown na suot ko dahil bukod sa maganda ang kulay at pagkakatahi nito ay napakaganda din ng mga gems at beads na naka-design sa gown.
"Ang ganda ng gown mo Kit-kat! At dahil ganyan ka-ganda ang evening gown mo, mas maganda kung gagawin nating bun style ang hair mo." sabi ni Yogo.
"Tumpak! Kaya gora na tayo! Ayusan na natin siya!" at ni-retouch na ni Mikki ang mukha ko. Si Yogo naman ang nag-ayos sa buhok ko.
Nung matapos na akong ayusan ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin and gosh...napakaganda ko nga. Para tuloy akong naging white version ni Leila Lopes at clone version ni Jin Ye sa Miss Universe.
"Oh my veggies! Gandara mo talaga! Pak na pak!" Yogo exclaims.
"Salamat." I said.
"Wow...Katy...y-you're so...beautiful." speechless na sabi ni Satchel sabay hawak niya sa mukha ko.
"T-thanks..." I said.
Akmang hahalikan na sana ako ni Sachi sa mga labi ko nang humarang si Mikki sa amin.
"Guys, tsaka na kayo maghalikan dyan kapag tapos na ang preliminary competition. Kaya maghanda na kayo dahil susunod na kayong tatawagin, okay?"
"Okay." sabi naman namin. Hmp. Sayang, nabitin ako dun. Pero tsaka na lang, kapag tapos na ang competition. Hehe...
Nung tinawag na ang section namin ay magkasabay kaming lumabas ng backstage. Nauna siyang rumampa at halos maglaway na sa kilig ang mga kababaihan dahil napakakisig niya sa suot niyang black coat and gray tie with matching slacks na kakulay ng kanyang tie. Nung maglakad na siya pabalik sa backstage ay kinindatan niya ako bago siya makababa ng stage. Sumunod na akong naglakad at ginawa ko ang lahat ng itinuro sa akin ni Yhannie kung paano dadalhin ng maayos at kumportable ang gown ko. Habang rumarampa ako ay walang tigil ang palakpakan ng lahat. Hanggang sa pagbaba ko sa stage ay ganun pa rin kalakas ang tilian at palakpakan ng mga audience.
Nung matapos na kaming rumampa sa stage ay sinalubong kami nina Yogo at Mikki. Agad nila kaming binigyan ng meryenda.
"Uy, ang galing nyo kanina. Bilib na talaga ako sa inyo." nakangiting sabi ni Yogo sa akin.
"Salamat." sabi ko.
"Galingan ninyo sa finals ha, dahil siguradong makakapasok na kayo sa Top 15." sabi ni Mikki.
"Naku, sana nga. Ni hindi nga ako satisfied sa mga pinaggagagawa ko kanina eh." at napakamot sa ulo si Satchel.
"Grabe ka naman Sachi!" sabay tampal ko sa braso niya. "Wag kang mawalan ng pag-asa. Makakapasok tayong dalawa sa Top 15, sigurado yun."
"Salamat at nandyan ka palagi para palakasin ang loob ko." and he kissed my lips. Nakangiti sina Mikki at Yogo habang nakatitig sila sa amin. Agad din niyang binitiwan ang mga labi ko at niyakap niya ako ng napakahigpit. Nagtilian sa sobrang kilig sina Mikki at Yogo.
"Gusto mo bang mag-dinner tayo mamaya?" yaya ni Sachi sa akin.
"Sige. Gusto ko sa Jollibee. Masarap ang burger dun." sabi ko sa kanya.
"Okay my queen. Ikaw ang masusunod." at inakbayan ako ni Sachi. Niyakap ko naman siya.
"Kayo na talaga! Kayo na ang pinaka-sweet na couple sa balat ng lupa!"
Napalingon kami at nakita namin sina Kuya Leonard, Rhian, Erich, Jhake, Yusof, Joshua, Yhannie, Zeric at Khendra na palapit na sa amin.
"Haay...ayan na naman ang mga asungot." ang kunwaring naiinis na sabi ni Sachi.
"Hoy, narinig namin yun ah!" sabi ni Jhake.
"Congratulations guys, ang galing ng ipinakita ninyo kanina. For sure, may pwesto na kayo sa Top 15." sabi ni Khendra.
"Salamat Khen." sabi ko.
"Ano yung Kath-Chel fans na nakita namin kanina? Paki-explain nga." sabi ni Satchel.
"Ah, yun? Pakana nina Floral, Fauna at Anya yun. Ewan ko kung saan nila nakuha ang gimik nilang yun pero kahit papano ay nakatulong na rin." paliwanag naman ni Rhian.
"Pero ang cute talaga ng combination ng pangalan ninyo! Kath-Chel, KathChel! Waah! So cute talaga!" sabi ni Erich.
Nagtawanan na lang kaming lahat.
"Teka, parang wala dito si Jack ah. Nasaan siya?" tanong ni Yogo.
"Hindi siya nakapunta kasi nagkaproblema sa bahay nila." sabi ni Khendra.
"Problema?" at napangisi si Satchel. "Imposibleng magkaproblema naman ang mga imoral na yun."
"Sachi." sita ni Jhake. Agad naman siyang nanahimik.
"Okay lang ba siya?" tanong ni Kuya Leonard.
"Hindi ko alam, but for sure, sobrang affected siya." ang nag-aalalang sabi ni Khendra.
Hindi ko maiwasang maawa para kay Jack pero naisip ko kaagad ang sitwasyon ni Satchel, kung kaya naman nanatili pa rin ang concern ko sa boyfriend ko.
Nung magpaalam na agad sina Kuya ay itinuloy na namin ni Satchel ang balak namin na kumain sa labas. But still, I'm distracted.
Ano nga kaya ang problema ng pamilya ni Satchel ngayon?
Sana'y hindi naman siya maapektuhan pa dahil tiyak na malulungkot din ako sa mga pinagdadaanan niya...at maaaring pagdaanan pa niya sa mga susunod na araw.