(Kensington High School, next day)
(Kath Rence's POV)
(Gymnasium)
NASA GYM ako ngayon at pinapanood ang practice game nina Satchel at ng mga teammates niya. Habang nakatutok ang mga mata ko sa paglalaro nila ay lumapit sa akin si Gianna.
"Good morning po Miss Kath Rence. Pasensya na po kung na-late ako ng dating." bati niya sa akin.
"Okay lang Gia. Maupo ka." anyaya ko sa kanya. Naupo naman siya sa tabi ko.
"How's your second stay here?" tanong ko sa kanya.
"Okay naman po. Wala na pong nang-aaway sa akin." sabi naman niya.
"Mabuti kung ganun. Naiintindihan nila ang gusto kong mangyari. Ayaw kasi nilang matulad sa babaing tinuruan ko ng leksyon kahapon kaya ganun na lang sila kung manahimik. At dapat lang naman na hindi ka nila inaapi lalo pa't wala ka namang ginagawang masama sa kanila." I said seriously.
"Tama ka Miss Kath Rence."
"Anyways, since ikaw na ang PA ko, madali lang naman ang mga ipapagawa ko sayo eh. Just give me my daily schedules including my photoshoots in Meg, Candy and Femina Magazines tsaka ikaw ang laging magma-manage sa wardrobe needs ko. Understand Gia?" sabi ko.
"Opo Miss Kath Rence." sabi naman niya. "Every week po ba ang schedule ko sa inyo?"
"From Monday to Saturday only." I said.
"Okay po." at isinulat niya ang schedule na sinabi ko sa kanya sa pink notebook niya.
Nung mag-10 minutes break sandali ang basketball team ay lumapit sa akin si Satchel.
"Tapos na kayo?" tanong ko sa kanya.
"Yup. May practice game pa kami mamayang hapon after ng klase natin. Kahit wag mo na akong hintayin, okay lang sa akin." sabi niya habang nakaakbay siya sa akin.
"Sure ka?"
"Yes my princess. Ayokong magabihan ka kasi sa pag-uwi para hindi ka mapagalitan nina Tito at Tita. But don't you worry, libre ako bukas. Wala kaming practice kaya makakapag-date tayo sa labas."
"Sinabi mo yan ha."
"Oo naman." and he kissed my forehead.
"Oo nga pala, siya si Gianna, yung new classmate natin. Siya yung magiging PA ko." sabi ko sabay turo ko kay Gianna na nakatanaw lang sa paligid ng gym.
"Hmm...I think she's a nice girl. Pero mukhang napakatahimik naman niya 'ata." sabi ni Satchel.
"Nature na niya sigurong maging tahimik." sabi ko naman.
Natigil lang kami sa pag-uusap nang mapansin namin si Joshua na lumapit at nakipag-usap kay Gianna. Malugod naman siyang pinaunlakan ni Gia.
"Nakikita mo ba yung nakikita ko Katy?" sabay turo niya kina Joshua at Gianna. "Mukhang na-love at first sight na si Josh kay Gianna."
Natawa na lang ako sa sinabi ni Sachi sabay punas ko sa pawis niya gamit ang face towel na nakasukbit sa balikat ko.
"Water, gusto mo?" sabay alok ko sa kanya ng mineral water na nakalagay sa cooler.
"Yes." sabay kuha niya sa bote ng mineral water. "Pero mas gusto ko pa ang mga labi mo." and he gave me a smack on my lips. Bahagya kaming kinantyawan ng mga teammates niya.
Pero natigil lang sa pagtatawanan ang buong team nang biglang pumasok sa loob si Erich at nilapitan kami ni Sachi.
"Erich, napadaan ka. May kailangan ka ba?" bati ko sa kanya.
"Yes. Pumunta kayo sa corridor, ngayon din!" ang tila excited na kinikilig na sabi niya.
"Ha? Ano namang meron dun?" nagtatakang tanong ni Sachi.
"Basta! Jhake, Yusof and Josh, sumama na rin kayo sa amin!" sabay haltak ni Erich sa aming dalawa palabas ng gym. Agad namang sumunod sina Jhake sa amin.
(School Corridor)
(Kath Rence's POV)
NUNG MAKARATING na kami sa corridor ay laking gulat namin nang makita namin sina Kuya Leonard at Rhian sa tapat mismo ng locker ng bestfriend namin. At mas nagulat kami nang makita naming hawak ni Kuya ang isang pink na letter at susi ng locker ni Rhian.
So, totoo nga ang hinala namin ni Yhannie!
Na si Kuya nga ang mysterious sender ni Bessy Rhian!
"Leonard...I saw it. And don't you dare deny it." ang kalmado pero naninigurong sabi ni Rhian sa kanya.
Pansin ko ang matinding nerbyos na nararamdaman ni Kuya habang nakatitig siya kay Rhian.
"R-Rhian..." ang nauumid na nahihiyang sabi ni Kuya sabay yuko niya kay Rhian.
"Huy Leonard Anthony Villas, hindi ka man lang ba magpapaliwanag dyan? Alam kong gusto mo ako. At ganun din ako sayo! Pero please lang, magsalita ka naman dyan. Gusto kong marinig mismo mula sayo...na mahal mo nga talaga ako." and we saw Rhian blushed in front of my twin brother.
NYAAAAH!!!
IT MEANS...
MAY GUSTO RIN SI RHIAN SA KUYA KO?!!
WAAAAH!!!
THE FEELING IS MUTUAL!
Bahagya ring namula si Kuya sa mga sinabi ng bestfriend namin.
"Huy Leonard, magsalita ka naman dyan!" sabad ni Sachi sa kanila.
"Oo nga! Aminin mo na kasi! Haha!" - Zeric (na nasa tabi na pala ni Sachi.)
"Remember, walang lihim ang hindi nabubunyag!" kantyaw naman ni Jhake sabay tawa nilang anim.
"Oo na! Oo na! M-may gusto nga ako kay Rhian..." and Kuya catched his breath deeply at tumingin siya sa natulala naming bestfriend.
"L-Leonard..." this time, maiiyak na si Rhian sa sobrang pagkagulat and the same time...sa sobrang kaligayahan.
Lumapit si Kuya Leonard at sinapo ang mukha ni Rhian at bahagyang itinaas iyon.
"I love you, Rhian. Noon pa. Akala ko noon eh simpleng crush lang ang nararamdaman ko para sayo. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na sinusundan kita kahit saan ka man magpunta. Hindi nakukumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakakausap at nakakasama. Pero ang hindi mo alam, pang-harap ko lang iyon para makuha ko ang atensyon mo. Dahil sa totoo lang...sayo talaga ako natorpe ng ganito."
Nakangiting hinawakan ni Rhian ang mukha ni Kuya, to the point na gustung-gusto na niyang halikan ang kuya ko.
"Ang dami mo namang sinabi sa akin. Pero salamat...dahil hindi ka nag-deny sa feelings mo para sa akin. Leonard...mahal din kita. Matagal na. Ewan ko lang kung halata mo pero minsan ay medyo pa-obvious na ako, pano kasi, hindi mo man lang maramdaman ang feelings ko para sayo. Minsan nga ay gusto ko nang sapakin ka sabay tanong kung manhid ka bang talaga o sadyang shunga ka lang. Pero sa mga sinabi mo ngayon, medyo nalinawan na talaga ako. Leonard, I'm now officially yours."
"Weh? Di nga? T-totoo?" gulat na gulat na sabi ni Kuya.
"Ay hindi." ang kunwaring naiinis na sabi ni Rhian.
"Rhian naman." at niyakap ni Kuya si Rhian.
"Tayo na. From now on."
"Talaga! Yes!" at niyakap ni Kuya si Rhian. My bestfriend hugged my brother back.
Hindi ko na napigilan pang mapaluha sa sobrang saya habang sina Sachi naman ay masayang masaya para kina Kuya. Pero kung sino man ang pinakamasaya sa lahat, sina Kuya Leonard at Rhian iyon, dahil sa wakas ay natupad na rin ang pangarap nilang maging sila.
"Haay sa wakas, nagkatuluyan na rin si Genius at Amazona." sabi ni Yusof.
"Sinabi mo pa. Ang cute talaga nila. Haay...kailan kaya magiging kami ni Yhannie?" ang nangangarap na sabi ni Zeric.
"Ha? May sinasabi ka ba?" sabad ni Yhannie, dahilan para biglang manigas sa gulat si Zeric.
"W-wala. W-wag mo na akong intindihin." ang uutal-utal na sabi ni Zeric.
"Okay." and Yhannie smiled at him. Hindi naiwasang mag-blush ni Zeric sa sobrang kilig and the same time, sa sobrang hiya na rin.
Hmm...and speaking of Zeric and Yhannie, kamusta na kaya ang 10 ways? Sana'y may resulta na ulit. At kung anumang result iyon ay excited na akong malaman.