(Aiyana's Condominium, midafternoon)
(Jane's POV)
(Flashback...12 years later)
NAG-AALINLANGAN akong tumuloy sa magarang mansiyon ng mga De Vega. Sa ibang pagkakataon marahil ay hindi ako mag-aalangan na pumunta roon. Kunsabagay ay dito naman ako lumaki at nagkaisip. Bata pa lang kasi ako nang manilbihan kami ni Inay sa pamilya nila. Dahil sa kabutihang-loob ng mga De Vega kaya ako nagkaroon ng chance na makapag-aral mula elementary hanggang college. Wala ang lahat ng mayroon ako ngayon kung hindi dahil sa tulong nila.
Mabait sa akin ang mag-asawang Don Ismael at Dona Amalia. Si Don Ismael na ang itinuring kong ama dahil hindi ko na nakilala pa ang tunay kong ama. Naroon silang dalawa sa bawat tagumpay at kabiguan na naranasan ko sa buhay. Tinulungan nila ako hanggang sa kaya ko nang tumindig sa sarili kong mga paa.
Wala silang anak na babae kung kaya naman sa akin na nila marahil ibinuhos ang kanilang atensyon at pagmamahal. Nagkaroon pa nga ng tsismis noon na isa talaga akong De Vega dahil sa kabutihang ipinapakita nila sa akin. Ngunit pinabulaanan iyon ni Inay dahil likas na talaga sa mga De Vega ang pagiging mabait at matulungin sa kapwa.
Alam kong wala sina Don Ismael, Dona Amalia at si Kuya Albert kaya naman naiilang ako. Nasa Amerika silang tatlo kasama ang panganay na anak ni Kuya na si Satchel upang makapagbakasyon. Pagpasok ko pa lang sa bahay ay kaagad ko nang narinig ang pag-iyak ng isang bata. Nangunot pa nga ang noo ko at sinundan ang pinanggalingan ng iyak.
"You're late, Jane!"
Nabigla ako nang marinig ang pamilyar na tinig ni Vivian. Si Vivian ang bagong asawa ni Kuya Albert. Kung kaya naman labis akong nagtataka nang papuntahin niya ako sa mansyon.
Hindi ako kailanman nagustuhan ni Vivian at ganun din ako sa kanya dahil isa siyang makasarili at maluhong babae. Kaya lang naman siya naging isang De Vega ay dahil sa isang napakatusong paraan, dahilan para tuluyang masira ang pamilya ni Kuya dahil sa kagagawan nilang dalawa ng babaing ito.
Hinarap ko si Vivian. "I'm sorry, Ma'am Vivian." sabi ko sa mapagkumbabang tinig. "May inasikaso pa ako sa ospital bago magpunta rito."
Lalong lumakas ang pagpalahaw ng bata na karga-karga ng isang babaing hindi ko kilala. Pilit nitong pinapatahan ang bata pero lalo lamang itong nagwawala.
"Make her shut up!" marahas na utos ni Vivian sa babae. "Gosh, when is she going to stop?!" iritang tanong nito.
"Baka nagugutom na ang bata." sabad ko, dahilan para bigla niya akong tignan ng masama. Ngunit kaagad kong naalala na hindi ako dapat inaapi lang basta-basta ng isang malanding kabit na katulad niya, because no one could make me crumple. Even her.
I stood straight. Hindi ko iniwas ang mga mata ko kay Vivian. Siya ang may kailangan sa akin. Ang utang-na-loob ko sa mga De Vega ang dahilan kung bakit ako naroroon. Alam ko sa sarili ko na kahit na gaano kahirap ay tutulungan ko siya.
Kahit na labag pa ito sa aking kalooban.
"You want Chelsie? Take her."
"A-ano?"
Binalingan ko ang babaing may hawak sa babaing Chelsie ang pangalan. She harshly jerked her chin towards me. "Ibigay mo sa kanya ang bata."
Kaagad namang sumunod yung babae. Nanlaki ang mga mata ko nang walang sabi-sabing ilagay sa aking mga bisig ang bata. She was so tiny. I rocked her gently to soothe her. Bahagya naman siyang tumahan sa pag-iyak.
Nang muli akong tumingin kay Vivian ay nakita kong nakangiti na siya. Ngumingiti lang siya ng ganun kapag nakukuha niya ang kanyang gusto. Hindi maganda ang naging pakiramdam ko. At natitiyak kong hindi ko magugustuhan ang susunod niyang gagawin.
"Get rid of her. Wala akong pakialam kahit na ano pa ang gawin mo sa batang 'yan. Ipaampon mo. Itapon mo sa basurahan. Ipamigay mo sa ibang tao. Kahit na patayin mo siya, okay lang sa akin. I want her out of our life. Do you hear me, Jane?! Get rid of that kid!"
Hindi ko alam ang irereaksyon ko sa mga narinig ko. Ni hindi na nga ako makahuma sa sobrang pagkagulat ko. Napatingin ako sa kawawang si Chelsie na kasalukuyang hawak ko. She looked so frail and fragile.
"Now get out of my face."
"Anak ba ni Ate Esprit at Kuya Albert ang batang ito?" diretsahan kong tanong sa kanya.
May anak na sina Vivian at Kuya Albert at sa tantiya ko'y kasing-edad siya ni Satchel at ng batang karga ko. Ngunit isang tanong ang pilit na sumisiksik sa isip ko: Bakit niya ipinamimigay sa akin ang batang ito?
Muling tumalim ang titig sa akin ni Vivian.
"Wag ka nang masyadong maraming tanong, Jane. Just get rid of that monster. I don't want to see her ever again. Umalis ka na ngayon. Wala na akong kailangan sayo. Bening, ibigay mo sa kanya ang mga gamit ng bata."
Kaagad tumalima ang utusan niya.
Sapat nang kasagutan sa akin ang reaksyon ng mukha ni Vivian, dahilan para bigla akong mahabag sa batang hawak ko.
"P-paano mong....a-alam ba ito ni Kuya Albert?!"
"Nauubusan na ako ng pasensya sayo, Jane!"
"Sagutin mo ang tanong ko!" nagtatagis na singhal ko sa kanya. "Hindi mo ako utusan! Ipapaalala ko sayo na kayang-kaya kitang ipakulong sa nais mong ipagawa sa akin! Hindi ako puppet na basta na lang susunod sa mga gusto mo, Vivian!"
Nakita kong muling umiyak si Chelsie. Banayad kong hinagkan ang noo ng bata at kaagad itong nanahimik. My heart went out to the poor child. She did not deserve this.
"Tama, para maidamay mo rin si Albert!" singhal din ni Vivian.
"What?! Y-you mean..."
"Gusto ni Albert na ipatapon ang batang yan kung kaya naman ipinaiwan niya yan sa akin. Ako na daw ang bahalang dumispatya sa batang yan."
Sa sobrang galit ko ay muntik ko nang sampalin si Vivian, pero maagap kong napigilan ang sarili ko dahil sa batang hawak ko.
"H-hindi totoo yan. Hindi magagawa ni Kuya Albert yan!"
"Yun ang totoo! Bunga ang batang yan ng kataksilan ni Esprit kay Albert kung kaya naman gustung-gusto siyang mawala ng asawa ko sa buhay namin!"
Mas lalong nagtagis ang bagang ko sa sobrang galit.
"Napakasama ninyo talaga! Napakasama ninyo!" I said very angrily at her. "Paano ninyo nagagawa kay Chelsie ito?! Hindi ba kayo naawa ni minsan sa kanya?!" at napangisi ako. "Tandaan ninyong dalawa, makakarma rin kayo sa ginagawa ninyo. MAKAKARMA RIN KAYO. I SWEAR TO GOD!" at dinampot ko ang maleta. Inayos ko ang pagkakabuhat kay Chelsie sabay labas ko sa pinto ng pamamahay ng mga De Vega.
Napakasama nila! Mga wala silang budhi! Lalo na sina Kuya Albert at ang impokritang Vivian na yun!
NAPAKASAMA TALAGA NILA!!!
And starting on that day, hindi ko na hinayaan pang umiyak ang batang yun.
(End of Flashback)
Labing-dalawang taon na ang nakakalipas mula ng mangyari iyon.
Labing-dalawang taon na ang nakakalipas mula nang gawin ko ang pagkakamaling iyon sa mga De Vega.
Labing-dalawang taon kong itinago ang katotohanan sa kanila.
Labing-dalawang taon kong itinago sa kanila si Gianna.
Yes.
Gianna Angela Cabrera is Chelsie Ann De Vega.
Siya ang kakambal ni Satchel De Vega at bunsong anak ni Albert De Vega.
Nagawa kong itago si Gianna sa tunay niyang pamilya sa napakahabang panahon at nagawa ring mapaniwala ni Vivian ang mga De Vega na talagang namatay sa aksidente ang bata. She's really a con artist. At ang utu-utong si Kuya Albert ay kinunsinti pa ang kawalanghiyaang ginawa ni Vivian, dahilan para tuluyan ko nang inilayo ang sarili ko sa mga De Vega. Doon nag-umpisa ang matinding pagkasuklam ko sa kanila...lalo na kay Kuya Albert.
Plano ko sanang ibalik si Gianna kay Ate Esprit ng mga panahong iyon pero nabulabog naman ako ng isang nakakagimbal na balita. Namatay si Ate sa isang plane crash malapit sa isang isla sa Surabaya, Indonesia. Hindi na na-recover pa ang bangkay niya. Pero sa kabila ng nangyaring yun ay hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Sunod kong hinanap si Atty. Martha Roswell para ibigay sa kanya ang bata pero parang nilipad lang ng hangin ang pag-asa ko nang malaman kong nasa ibang bansa na si Atty. Martha. At kung saan? Hindi ko alam.
Dahil hindi ko naman alam kung saan ko hahanapin ang mga Roswell ay nagpasya na lang ako na ibigay si Gianna sa bestfriend ko na bagong kasal pa lang noon sa kanyang asawa. Dahil wala nang tsansang magkaanak silang dalawa ay sa kanila ko na ipinagkatiwala si Gianna. Tinanggap nilang dalawa si Gianna at minahal nila ito bilang kanilang anak. Nabigyan nila si Gianna ng isang simple pero maayos na buhay. At dahil talagang napamahal na siya sa akin ay tinulungan ko siya sa kanyang pag-aaral at binigyan ko siya ng mga bagay na gusto niya o di kaya'y kailangan niya. Nung mamatay sa isang car accident ang tumayong foster parents niya ay hindi pa rin ako nawala sa tabi niya. Sinuportahan ko pa rin siya sa pakikibaka niya sa buhay kasama ang nanay ng bestfriend ko na si Nanay Lucy. Nung tuluyan na ring kinuha ng Panginoon si Nanay Lucy at tuluyan ko nang kinupkop si Gianna. At kasabay ng pagbabalik niya sa poder ko ay nangako ako sa sarili ko na itatama ko na ang mga maling nagawa ko.
Dahil ipapaalam ko na sa mga Roswell maging sa mga De Vega na ang Chelsie na inakala nilang patay na ay ipinamigay ni Vivian sa akin at ipinag-utos niyang ilayo ko sa kanila. Wala na akong pakialam pa kahit na tuluyan nang masira ang tingin nila sa akin, basta't ang mahalaga ay may karapatan ni Gianna na ipaglaban ang sarili niya bilang isang De Vega. At magagawa niya lang iyon kung lubusan na niyang matatanggap sa sarili niya na isa siyang Roswell-De Vega.
And I'll do it...as soon as possible.