(Kensington High School, weekdays)
(Kath Rence's POV)
(IV-1 Classroom)
BUSY KAMI ni Satchel sa paglalaro ng scrabble nang biglang dumating si Ms. Nicdao. Agad kaming umayos sa mga upuan namin.
"Good morning class." bati ni Ma'am sa amin.
Tumayo kami at magalang na bumati kay Ma'am. Agad kaming naupo sa mga upuan namin.
"Class, as part of the incoming celebration of our 93rd Founding Anniversary, the Theatre Arts Society of this school will have a one week theatre show."
Nagpalakpakan kaming lahat, tanda ng pagsang-ayon.
"At ang title ng magiging show natin ay Miss Saigon."
Nagpalakpakan ulit kaming lahat.
"Miss Saigon...mukhang perfect ka dun, Katy." sabi ni Sachi sa akin.
"Sachi, hindi ako magaling sa theatre arts." sabi ko naman sa kanya.
"Ma'am, sa section po ba natin pipiliin ang mga gaganap sa Miss Saigon?" tanong ni Rhian.
"Hindi eh, kaya nga magkakaroon ng auditions sa mga nais sumali sa Miss Saigon. Actually, may isang campus heartthrob sa Kensington High ang nakapasa sa audition para sa lead role."
Mula sa palakpakan ay biglang nagtilian ang mga babae't mga bakla.
Tss. OA.
"Ma'am, si Prince Satchel po ba ang napili?" ang kinikilig na tanong ng classmate namin.
"Hindi. Si Joshua Khan ng IV-3 ang napili bilang Chris sa Miss Saigon."
"KYAAAAAAA!!!!!" ang tili ng mga babaing classmates namin.
"Si Stephen Curry slash Prince Joshua ang gaganap na Chris! Waah!" - Classmate 1.
"Omigosh! Mag-a-audition na ako! At ako ang mapipili bilang si Kim!" - Classmate 2.
"Ako din noh! Crush na crush ko si Prince Joshua!" - Classmate 3.
Eh di wow. Kayo na talaga.
Kayo na ang reyna ng mga desperada.
Psh.
"Okay class, kung sino man ang interesadong mag-audition ay magpunta lamang sa office ng TAS sa Main Building. Yun lang at magsisimula na tayong mag-lecture. Open you books on page 68."
Binuksan na namin ang mga libro namin at sinimulan na ni Ma'am ang discussion.
(Cafeteria, Lunch break)
(Kath Rence's POV)
KUMAKAIN kami ni Sachi sa cafeteria nang makita naming pumasok sa loob si Joshua, dahilan para bigla siyang pagkaguluhan ng mga fans niya.
"Omigosh, I can't help it! He's so handsome..." - Girl 1.
"Ghad! Why you're so cute, Prince Joshua?" - Girl 2.
"He's so hot talaga!" - Girl 3.
"Avra kadavra, tumingin ka sa akin Prince Joshua!" - Girl 4.
Oo na, siya na ang pogi. Siya na. (Wag sanang magalit sa akin si Yusof! Ahaha!)
Kunsabagay ay talaga namang pogi ang Stephen Curry na 'to (ehehe...), kasi sa kanilang mga Campus Heartthrobs ay silang dalawa ni Yusof ang baby-faced at pinaka-childish sa kanilang grupo, kung kaya naman hindi na kataka-taka kung pati sila ay dinudumog din ng mga babae dito.
Nang makita niya kami ay naupo siya sa tabi ni Sachi.
"Hi guys! Sarap ng foods natin ngayon ah." bati ni Josh sa amin.
"Oo nga eh. Tara, makisabay ka na sa amin." yaya ni Sachi.
"Thanks guys pero hindi pa ako gutom. Bibili lang ako ng softdrinks. Sige." at akmang tatayo na sana si Joshua nang bigla siyang matigilan at matulala. Nagtaka naman kami ni Sachi kung kaya naman lumingun-lingon kami sa paligid at nagulat kami nang makita namin si Gianna na nasa counter at nag-o-order ng pagkain.
"Katy, si Gianna oh." sabi ni Sachi sabay turo niya kay Gianna.
"Oo nga noh." sabi ko naman.
"Kilala nyo pala siya." sabad ni Joshua.
"Yes. PA ko siya. Bakit?"
"W-wala. Natanong ko lang. Sige na, didiretso na ako sa counter." at pumunta na si Joshua sa counter.
Dahil malapit lang ang pwesto namin ni Sachi sa counter ay kitang-kita namin kung paano titigan ni Joshua si Gianna, to the point na ayaw na niyang tigilan pang tignan si Gianna.
Ehem...I smell something curry ah este fishy pala.
Patuloy lang kami sa pakikiusyoso ni Sachi hanggang...
"H-hi, Gianna..." bati ni Joshua.
Salamat naman at nagsalita na rin ang torpeng curry na 'to!
"Hello. Bakit?" tanong ni Gia sa kanya.
"Ahm...may kasabay ka na bang kumain?" tanong ni Joshua.
"Wala pa naman. Bakit, sasabay ka?"
"Kung sasabihin kong oo, papayag ka ba?" sabi ni Joshua.
"Oo naman. Walang problema. Dun na lang tayo sa may bintana kasi mas presko doon." ang nakangiting sabi ni Gianna.
"Okay." nahihiya na kinikilig na sabi ni Joshua.
Nung makuha na ni Gia ang order niyang pagkain ay dadalhin niya na sana iyon nang biglang kunin ni Josh ang tray.
"Bakit?"
"Ako na lang ang magdadala ng tray." alok ni Josh
"Naku, wag na, ako na lang. Kaya ko na 'to." tanggi ni Gia pero kinulit siya ng kinulit ni Josh hanggang sa napapayag din siya sa huli. Si Josh na ang nagdala ng tray ni Gia.
Habang naglalakad silang dalawa papunta sa pwesto sa tabi ng bintana ay kitang-kita ko ang inggit at matinding selos ng mga girls at maging ng mga beki na nasa cafeteria.
Sige lang. Mainggit kayo. Buwahaha...
Nung makarating na sila sa pwesto nila ay ipinaghila ni Josh ng upuan si Gia.
"Maupo ka na, Gianna."
"Thanks, Joshua." at umupo na si Gia.
Naupo na rin si Joshua sa tabi ni Gia.
"Nakakainggit naman yung PA ni Princess Kath Rence noh..." - Girl 1.
"Oo nga. Kasi kasama niya si Prince Joshua." - Girl 2.
"Ang swerte naman niya." - Girl 3.
Mamatay kayo sa inggit. Joshua is for Gianna. And for her only.
Buwahaha.
Nung kumakain na sila ay napansin kong medyo palagay na ang loob nila sa isa't isa. Hindi sila nahihiya ni naiilang kapag magkausap sila at nakukuha nilang magtawanan ng malakas. Mukhang na-LT na nga talaga si Joshua sa PA ko. Dahil malapit ang pwesto namin kina Joshua ay dinig na dinig namin ang usapan nila. Pero bigla kaming natigilan ni Sachi nang may marinig kaming hindi inaasahan mula kay Gianna.
"Nasa bahay nyo ba yung parents mo? Gusto ko sana silang makilala." ani Joshua.
Gianna smiled a bit. "Wala sila sa bahay. Nasa sementeryo na sila."
"Sementeryo? What did you mean?" ang tila surprised na tanong ni Joshua.
"What did I mean?" at huminga ng malalim si Gia. "Patay na ang mga magulang ko."
Natigilan si Joshua sa sinabi ni Gianna.
"G-ganun ba? Condolence ha." Joshua said sincerely.
"You're welcome, Josh. I appreciate it." at ngumiti ulit si Gianna, pero halatang-halata sa mga mata niya ang kalungkutan. Maski si Joshua ay napansin rin iyon.
"Pasensya ka na talaga Gianna, masyado akong tsismoso. Wag ka nang malungkot dyan, sige ka, malulungkot din ang parents mo sa heaven."
Natawa si Gianna sa sinabi ni Joshua.
"Ay, oo nga noh. Kabilin-bilinan nila sa akin na wag akong maging malungkot. Na palagi akong ngumiti. Salamat ha, ipinaalala mo sa akin yun."
"Ganun?" at napakamot sa kanyang ulo si Joshua.
"Oo, sinabi nila sa akin yun."
Kawawa naman pala si Gianna. Wala na pala siyang magulang. Pareho pala sila ng sitwasyon ni Sachi. Ang pagkakaiba nga lang, namatayan ng ina si Sachi.
Natigil lang ako sa pag-iisip ko nang magyaya na si Sachi na bumalik na kami sa classroom.
(IV-2 Classroom)
(Yusof's POV)
"WAAAAAAAAAAAHHHH!!!!"
Haist! Ang ingay naman!
Gigil na gigil na lumapit sa akin si Mikki.
"YU-EF-OW!!!!" sigaw ni Mikki na dinaig pa ang roar ng dinosaur sa Jurassic Park.
"Wag mo nga akong tawagin sa ganyan." I said.
"Hey Mikki, don't shout! Magkatabi kayo ni Prince Yusof. Hindi mo kailangang sumigaw, okay?!" sabad ni Riri.
Inirapan ni Mikki si Riri.
"Ikaw ba ang naglagay ng chewing gum sa upuan ko?!" sabi niya sabay alis niya sa natitira pang nakadikit na chewing gum sa palda niya.
"Nagtatanong ka ba o namimintang?" I silly asked her.
Yung totoo? Ako talaga yung naglagay ng chewing gum sa upuan niya. Bakit, kasi part yun ng pagpapa-cute ko sa kanya. Ang corny noh, pero yun na lang ang natitirang way ko para malaman niya na crush ko siya. As in intense crush to the extend na in love na ako sa kanya. Ang weird mang intindihin pero yun ang pagkaka-intindi ko eh, so pagpasensyahan nyo na lang ang kabaliwan ni author (ehehe...)
(Author Epal: Kabaliwan mo po. Wag mo akong idadamay. Wahaha! xD.)
(Yusof: Ehehe...sorry po.)
Back to my story, kitang-kita ko pa rin ang pangagalaiti ni Mikki. Haay, ang cute cute talaga niya kapag nagagalit siya...
"Umamin ka na nga kasi! Ikaw lang naman ang nang-ti-trip sa akin eh!"
Oo nga pala, three weeks ko na siyang pinagtitripan. Kasi nga, gusto ko siya. Gets?
"Psh. Wag ka ngang mamintang." and I smirked at her.
"Grrr! You jerk!!!" gigil na gigil na sigaw ni Mikki.
"Bakit?" ang nakatawang tanong ko sa kanya.
"Magbabayad ka talaga ng mahal!" she said very angrily.
"Magkano?"
"Mas mahal pa sa buhay mo!"
"Talaga?"
"Talagang-talaga! Grr!"
"Sige. Magkano ang gusto mong ibayad ko? 1 million? 2 million? Wag kang mag-alala, kayang-kaya ko yun." pagyayabang ko sa kanya.
"Ibayad mo sa pagmumukha mong panget ka!"
"No need. Ang guwapo ko kaya."
"Mahangin! Eh feeler ka lang naman!"
"Guwapo naman talaga ako eh." and I smirked at her. "Di ba...crush mo ako?"
I saw her blushed.
"Grr...ang kapal mo din ano! Mas guwapo pa si Steph Curry kesa sayo!"
"Patayin ko si Steph Curry para wala nang mas gu-guwapo pa sa akin."
Ganito talaga kami kung maglambingan ni Mikki. Ang cute namin noh?
Natigil lang kami sa pag-aaway nang dumating na ang teacher namin sa Math. Bumalik na si Mikki sa upuan niya, pero nagbanta siya sa akin.
"Makakaganti din ako sayo, Yu-Ef-Ow." she said evilly.
Hindi na ako nagulat pa sa reaksyon niya, alam ko namang yun ang sasabihin niya. Pero deep inside ay nakukunsensya na naman ako sa mga pinagagagawa ko. Siya kasi eh, masyado siyang manhid. Hindi ba niya nararamdaman na may isang Yusof Amisola Khan na nagkakagusto sa kanya?
Ngunit kahit ganun pa man ay hinding-hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat ng pan-ti-trip na alam ko, basta mapansin niya lang ako....