(Kensington High School, next day)
(Yogo's POV)
(School Corridor)
PAGDATING ko sa school ay medyo na-awkward ako dahil naagaw ko ang atensyon ng lahat sa corridor. Halos tumulo na nga ang laway ng mga kababaihan at kabaklaan sa paligid.
"Sino siya? New student? Ang guwapo!" - Girl 1.
"May girlfriend na kaya siya?" - Girl 2.
Meron na. Si Riri.
"Gusto kong mag apply!" - Girl 3.
Eh?!
"Teka, parang artista 'ata siya! Feeling ko nakita ko na siya sa TV!" - Girl 4.
Ganun?
"Baka naman model siya." - Girl 5.
Pwede.
"Baka naman dancer sa gay bar!" - Girl 6.
Anong?!
"Waaaaaah! Dancer siya sa gay bar? Sayang ang kaguwapuhan niya kung mga bakla lang ang makikinabang!" - Girl 7.
Hindi ako dancer sa gay bar, okay?!
"Mga baliw! Di siya mukhang dancer sa gay bar! Mukha siyang next boyfriend ko!" - Girl 8.
Ambisyosa.
"Asaness!" - Girl 7.
Korek ka ate!
"Akin siya!" - Girl 8.
"Hindi! Sa akin siya!" - Girl 7.
"Wag kayong feeling! Ako ang unang nakakita sa kanya!" - Girl 1.
"Unahan na lang tayo!" - Girl 2.
Buwahahahaha. Pag-agawan nyo man ako, may nagmamay-ari na ng puso ko. At si Riri lang yun.
Nung makita ko si Mikki kasama sina Kath at Satchel ay kaagad akong lumapit sa kanila.
"Hi guys! Papunta na ba kayo sa classroom?" bati ko sa kanila.
"Ahm, sino ka ba? Kilala ka ba namin?" tanong ni Mikki.
Eeh?! Hindi ako kilala nina Mikki? Papanong nangyari yun?
Dahil ba sa hindi ako naka-make up at nakasuot ng uniform na pambabae?
Siguro.
"Hindi nyo ako kilala? Ako 'to, si Yogo." sabi ko sa kanila.
"Wag mo nga kaming niloloko, pare. Bading si Yogo, tsaka imposibleng maging lalaki pa yun noh, pano kasi, lalaki ang type nun." sabi ni Satchel.
Napakamot na lang ako sa ulo sabay pakita ko ng ID ko sa kanila. At halos mahimatay na sila sa sobrang gulat nang makita nila ang ID ko.
"WAAAAAH!!! Y-YOGO...I-IKAW BA YAN?! HA?!" ang halos ma-shock na sabi nila sabay sipat nila sa mukha ko at sa picture ko sa ID.
"Oo. Di ba obvious?" ang kunwaring naiinis na sabi ko sa kanila.
"Sa wakas at natauhan ka na rin! Naging lalaki ka na! Pero ang tanong ko lang, anong nakain mo at naisipan mong magbago ng gender?" curious na tanong sa akin ni Mikki.
Saktong pagdaan ni Riri at ng mga barkada niya sa tapat namin ay agad ko siyang hinila at inakbayan. Mas nagulat silang tatlo sa ginawa ko.
"W-What's the meaning of this?" gulat na sabi ni Kath habang turu-turo niya si Riri.
"Alam kong magagalit kayo sa sasabihin ko...pero si Riri ang dahilan kung bakit ganito na ako ngayon. Alam naman ninyo na sa kabila ng pagiging bakla ko ay siya ang nag-iisang babaing minahal ko mula noon hanggang ngayon. Guys, mahal na mahal ko si Riri at sana'y suportahan ninyo ako sa kaligayahan ko." ang mapagkumbabang sabi ko sa kanila. Si Riri naman ay tahimik lang at bahagyang nakayuko, malamang ay nahihiya siya kina Mikki.
"Hindi ka naman namin pinagbabawalan eh. Pero wala akong tiwala dyan sa babaing yan. Yogo, ilang beses ka nang sinaktan ni Riri, tapos magpapauto ka na naman! Gumising ka naman dyan!" sabi pa ni Mikki pero sumabad si Kath.
"Mikki, nakikita kong matagal nang nagsisisi si Riri sa mga ginawa niya kay Yogo. Tsaka nararamdaman kong gusto na niyang humingi ng tawad sa ating lahat. Hindi lang niya magawa dahil natatakot siyang baka pangunahan natin siya. Aaminin ko, nagsisisi na ako sa mga panahong gumanti ako sa mga pang-aapi nila sa akin at gusto ko na ring makipag-ayos sa kanila. Kaya imbis na husgahan natin si Riri, ba't di natin siya bigyan ng chance para magbago? Tsaka nakikita ko na mahal na mahal niya si Yogo." ang nakangiting sabi ni Kath.
Napatingin si Riri kay Kath at nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
"Kath...kahit na wag mo na kaming patawarin...okay lang sa amin. Kasi kumpara sa mga ginawa mo sa amin, mas dobleng sakit ang ipinadama namin sayo." ang umiiyak na sabi ni Riri.
"Mali ka Riri." and Kath hold her hands. "You deserve to be forgived."
"Kath...patawarin mo sana kami nina Femme kung binully ka namin sa loob ng dalawang taon. Matagal na sana naming gustong humingi ng tawad sayo pero natatakot kaming baka mahusgahan mo kaagad kami, kasi alam naming ikaw ang tipo ng taong hindi na marunong magpatawad. Pero nagkamali kami ng akala...kasi na-realize namin na talagang mabait ka. Sana...mapatawad mo pa kami." ang mapagkumbabang paghingi ng tawad ni Riri sa kanya.
"Princess Kath, sorry ha. Hope you still forgive us." - Femme.
"And treat us as friends." - Carly.
"Patawarin nyo na sana kami." - Yarra.
"Matagal ko na kayong pinatawad." ang nakangiting sabi ni Kath.
Mula sa simangot na mukha nina Mikki at Satchel ay napalitan iyon ng ngiti.
"Alam nyo, ayan ang matagal ko nang gustong sabihin ninyo sa girlfriend ko. Pasalamat kayo't mabait siya. At dahil pinatawad na kayo ni Katy, pinapatawad ko na rin kayo. Di ba, Mikki?" at napatingin si Satchel kay Mikki.
"Yes, Sachi. Basta ba, wag na kayong uulit ha?"
"Pangako. Hindi na kami uulit." sabi nina Riri, Femme, Carly at Yarra.
"Riri, sana alagaan mo na si Yogo. Wag mo na siyang sasaktan ulit ha, kasi kapag ginawa mo pa ulit iyon, hindi na ako magdadalawang-isip na itapon ka sa Philippine Trench." ang pabiro pero sincere na sabi ni Mikki.
"Salamat, Mikki. Pangako, aalagaan ko na ang puso ni Yogo. Minsan ko na siyang nasaktan at ayokong maulit muli iyon. Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para makabawi lang ako sa kanya." nakangiting sabi ni Riri.
"So, friends?" at inalok ni Mikki ang kamay niya kay Riri.
"Yes. Friends." at nagkamayan silang dalawa. Naki-shake hands din sina Femme kay Mikki. Sina Kath at Satchel ay nakangiti sa amin.
"Tapos na ang problema, so group hug na tayo!" sabi ko.
Masaya kaming nag-group hug. Hanggang sa napansin kong dumoble na ang dami ng mga naki-group hug sa amin. Noong tignan ko ay nakita ko sina Rhian na nakikiyakap sa amin.
"Hoy, ba't nandito kayong mga asungot kayo?" gulat na tanong ni Mikki kina Rhian.
"Bakit, masama bang maki-join sa inyo?" sabi ni Erich.
Natawa na lang kami at muli'y nakiyakap kami sa isa't isa.
Haay salamat naman at okay na rin ang lahat. Okay na sina Riri at ang mga kaibigan ko at wala nang kokontra pa sa relasyon naming dalawa.
Ah basta, happy na ako.
Happy na si Yogo Singh.
(IV-2 Classroom)
(Riri's POV)
"GRABE, si Yogo pala yung guwapong lalaking yun! Di ko siya nakilala!" - Classmate 1.
"Oo nga! Bading siya dati, pero ngayon, tignan mo pang-heartthrob na ang dating!" - Classmate 2.
"Pero kasama niyang pumasok si Riri kanina! Hindi kaya--?" - Classmate 3.
"Oh no! Don't tell me...sila na?! Ano ba yan! Nag-uumpisa pa lang akong magkagusto kay Yogo, naagaw na agad ni Riri!" - Classmate 2.
"Ang lupit din ni Riri noh! Una, yung mga campus heartthrobs, tapos ngayon naman si Yogo!" - Classmate 1.
"Pero naagaw ni Gianna si Prince Joshua diba? Malay mo maagaw din natin si Yogo sa kanya!" - Classmate 3.
Anong?!
Grr! Nanggigigil na ako. Nanggigigil na ako!
Akmang tatayo na sana ako para turuan ng leksyon ang tatlong tsismosang yun nang pigilan ako ni Yogo.
"Bakit Yoe? Sumosobra na sila eh." sabi ko pero nakita kong tumayo siya.
"Don't worry Ri, ako nang bahala sa kanila." sabay kuha ni Yogo sa juice na iniinom ni Carly.
Nilapitan ni Yogo yung tatlong tsismosa. Napatigil sila sa pagtawa nung makita nila ang boyfriend ko.
"Uhm...Y-Yogo..." ang nahihiya na kinikilig na sabi ng tatlong bruha.
He gave them his sweetest smile...sabay buhos ng juice na hawak niya sa kanila.
"Oh my gosh! Bakit mo kami binuhusan?!" ang tarantang sabi ng tatlong yun.
"Kasi ang lalandi ninyo. Para kayong mga linta." prangkang sabi ni Yogo, dahilan para matahimik ang tatlong tsismosang yun. Nilayasan din ni Yogo ang mga babaing yun.
Pare-pareho silang nagpupunas ng mga basa nilang uniform at hindi malaman ang gagawin kung kaya binigyan na lang nila ako ng masasamang tingin.
Tinaasan ko lang sila ng kilay. Sus hanggang tingin lang naman yang mga yan sa akin eh.
"Next time na marinig ko pang pinag-uusapan ninyo kami, I swear, hindi lang juice - ay correction - strawberry juice ang matitikman ninyo. Zonrox na! Understand?!" ang mataray na sigaw ko sa kanila.
Takut na takot na tumango ang tatlong yun.
"Ano, Yoe, bilib ka na ba sa akin?" pagyayabang ko sa kanya.
"Wow. Ikaw na talaga, Riri. Ikaw na ang queen bee ng school na ito." ang halos mapanganga sa gulat na sabi ni Yogo.
"Oo. Talaga. At hinding-hindi makakapayag ang queen bee na 'to na agawin ka nila sa akin." sabay yakap ko sa kanya. "I love you, Yoe."
"I love you too, Ri." and he kissed my forehead. Tilian at palakpakan ng mga classmates namin habang nagkangitian na lang kaming dalawa ng boyfriend ko.
Aminado akong malaki ang nagawa kong kasalanan kay Yogo, pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nakuha pa niya akong tanggapin at mahalin muli sa kabila ng mga pagkakamali ko noon. At hinding-hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong ibinigay niya sa akin. Aalagaan ko siya, mamahalin ko siya at ibibigay ko ang lahat para maging masaya lang siya sa piling ko.