Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 49 - CHAPTER FORTY EIGHT

Chapter 49 - CHAPTER FORTY EIGHT

(Kensington High School, weekdays)

(Kath Rence's POV)

(School Gymnasium)

NASA GYM ako ngayon kasama sina Erich, Rhian, Kuya Leonard, Mikki, Gianna, Yogo at Riri. Nanonood kami ngayon ng practice game sa pagitan ng team nina Sachi at ng team mula sa ibang school. Siyempre, full support kaming lahat kina Sachi.

"Ahm Yogo, tutal eh lalaki ka na ulit, ba't di ka sumali sa basketball team? Matangkad ka naman, so papasa ka dun." sabi ni Kuya Leonard.

"Ayoko, minsan na kasi akong na-trauma sa pagba-basketball. Natamaan ng bola ang balikat ko at muntik na yung na-dislocate." paliwanag naman ni Yogo.

"Ganun ba? Sayang naman." ang biglang nanghinayang na sabi ni Kuya. Natawa na lang kami sa reaksyon ni Kuya.

Habang nanonood kami ay dinig na dinig namin ang malakas na tilian ng mga estudyante.

"Kyaaaaaaaaaaaaa!!! Galing mo number 16!!!"

Huh? Number sixteen? Si Sachi yun ah!

"Waaaaaaaaaaaaah!!! Number 16, crush na kita!!!"

Kawawang bata. Hanggang crush ka lang.

xD.

"Ang galing din ni number 30!"

"Tss. Magaling ba yang panget na Yusof na yan?" inis na bulong ni Mikki. Naghagikgikan kami habang mas lalong nalukot ang mukha ni Mikki.

"Pati rin si number 11!"

"Si Joshua ko yan." ang nakangiting sabi ni Gianna.

"Don't forget, si number 8!"

"Si Jhake yung number 8 ah." sabi ni Erich.

"Go number 10!"

"Oh well, that's Jack." ani Rhian.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAA!!! GO NUMBER 16!!" sabay-sabay na cheer nung mga babae.

Ang sakit na ng tenga namin sa inyo ah.

"GO NUMBER 30, 11, 8 AND 10!!!!"

Kung makasigaw 'tong mga to, parang walang mga tao sa tabi nila.

Psh.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Ang gagaling ninyo!"

"MAGSILAYAS KAYO! NABIBINGI NA KAMI SA INYO!" ang singhal ni Riri sa kanila. Natakot naman ang mga babaing yun kung kaya naman nagsialisan sila at nagtitili sila sa pwesto na malayo sa amin.

"Wow. Ang galing mo talaga, Riri! Napaalis mo sila sa isang sigaw lang!" Mikki exclaimed.

"Eh pano kasi, ang haharot ng mga babaing yun. Nakakabwisit sila. Maglalandian na nga lang sila, maiistorbo pa nila tayo." sabi ni Riri.

"Easy lang, Ri. Ang puso mo." sabay yakap ni Yogo sa kanya.

"Sila kasi eh." ang kinikilig namang sabi ni Riri.

Nung matapos na ang practice game ay nanalo sina Sachi kontra sa kalaban nilang school sa score na 93-88. Pinalapit kami ni Coach Bud sa kanila sa bench ng court.

"Wow Sachi! Ang galing nyo naman! Pampitong panalo nyo na yan sa practice game ah." sabi ko sa kanya.

"Thank you Katy. Hindi ako magiging magaling ng ganito kung 'di dahil sayo. Ikaw kaya ang strength ko." at hinalikan ako ni Sachi sa noo.

"Talaga?" sabi ko with matching puppy eyes sa kanya.

"Talagang-talaga. Kayo ni Lola Mart at Mommy ang strength ko." ang nakangiting sabi ni Sachi sabay tingin niya kay Jack. "Di ba, Jack?"

"O-oo. Tama ka." sabi naman ni Jack.

Dahil naramdaman kong baka may mabuong tensyon sa pagitan nilang dalawa ay binigyan ko kaagad ng mineral water si Sachi.

"Thanks Katy." at hinagkan niya ako sa mga labi ko. Tilian ng mga teammates ni Sachi habang nag-blush na naman ako sa kilig.

Nung bitawan na ni Sachi ang mga labi ko ay siyang pagdating naman ni Khendra. Sinalubong siya ni Jack.

"Khen." and Jack hugged her. "Nandito ka na pala. Kamusta na ang competition mo sa Ireland?"

"Second place ako." ang nakangiting sabi ni Khendra. "Hi guys! Long time no see! Na-miss ko kayo!" ang bati naman niya sa amin.

"Oo nga. Na-miss ka namin." sabi ko naman.

"Mamaya na yung pasalubong ko sa inyo, nasa kotse pa yun eh. Anyways, ba't kasama ninyo si Riri? Tsaka nasaan si Yogo? Kasi may regalo ako sa kanyang pabango na pambabae." sabay linga ni Khendra sa paligid.

"Nasa harap mo na ako, Khen." sabi ni Yogo.

"WAAAAAAH! Y-YOGO?! I-IKAW NA BA YAN?!" ang gulat na gulat na sabi ni Khendra.

"Oo. Salamat sa regalo mong pabango. May maibibigay na ako sa girlfriend ko." sabay tingin niya kay Riri.

"Huh? Girlfriend? What did you mean?" naguguluhang tanong ni Khendra.

"Nagkatuluyan na ang bakla at ang maldita." ang panapos na sabi ni Yusof sabay turo niya sa dalawa.

"WHAAAAAAAT?!!! KAYO NA PALANG DALAWA, BA'T DI KAYO NAGSASABI SA AKIN?!" shocked na sabi ni Khen. Nagtawanan kaming lahat sa reaksyon niya.

"Pasensya na kung di namin nasabi." sabi ni Yogo. "Nasa Ireland ka pa kasi nung sagutin ako ni Riri."

"Eh pano naman naging kayo?" tanong pa ni Khendra.

"Mahabang kwento eh. Amin na lang yun." sabi naman ni Riri.

Haha, parang showbiz lang ang peg ng dalawang 'to ah.

xD.

"Sige na nga, hindi na ako magtatanong pa. Mukhang nakukulitan na kayo sa akin eh. Congratulations!" sabi ni Khendra.

"You're welcome." - Riri and Yogo.

"Since nandito na rin tayong lahat, punta tayong Jollibee! Treat ko kayo!" anyaya ni Khen sa amin.

"Sige ba! Hintayin nyo na lang kaming magbihis tapos punta na tayo." at dali-dali nang pumasok sa dug-out sina Sachi.

(Jollibee, Chamberlain Road, Lunch time)

(Mikki's POV)

NAKAUPO kami sa isang malaking bench malapit sa counter. Sina Kath at Sachi na ang nagprisintang um-order ng kakainin namin.

Habang nasa counter silang dalawa ay busying-busy sa pagkukwentuhan ang mga barkada namin. Ako naman ay busy sa paglalaro ng Tablet PC ko.

"Huy, ano na naman yang nilalaro mo? Clash of Clans?" sabi ni Yusof habang nakatingin siya sa nilalaro ko.

"Mukha bang COC 'tong nilalaro ko?" sarkastikong sabi ko sa kanya. "Common sense din paminsan-minsan ah."

"Grabe ka naman! Parang binibiro lang kita eh." sabi ni Yusof sabay ngiti niya ng nakakaloko sa akin.

GRR! YU-EF-OW!!!!

"Hoy Yusof, pinagbubuntunan mo na naman si Mikki." sita sa kanya ng kapatid niyang si Joshua.

"Oo nga. Pansin ko, lagi na lang kayong nag-aaway. Wag nyong sabihing...may gusto kayo sa isa't isa!" sabi ni Jhake, dahilan para bigla namin siyang mabatukan ni Yusof. Tawanan ng mga kaibigan namin habang halos mapasubsob na sa mesa si Jhake sa lakas ng pagkakabatok namin sa kanya.

"AKO? MAY GUSTO SA PANGET NA 'TO?! AS IN, MAY GUSTO?! PATAWA KA RIN NOH, JHAKE!" inis na sabi ko sabay irap ko kay Yusof. Si unggoy naman ay nakuha pang kindatan ako! Ang kapal!

"Bakit, hindi ba totoo? Crush mo kaya ako." pang-aasar pa ng walanghiya sa akin.

"Ikaw?! Crush ko?! As in crush ko?! Hoy, para sabihin ko sayo, mas crush ko pa si Budong kesa sayo!" gigil na sabi ko sa kanya.

"Eh di patayin ko na lang si Budong para ako na lang ang crush mo." and he smirked at me.

Tawanan ng mga kaibigan namin sa sinabi ni Devil Yusof.

"Huy Yusof, tama na yan. Baka mamaya, ihagis ka pa ni Mikki palabas ng Jollibee." pabirong sabad ni Leonard.

"Leonard, hindi ko lang ihahagis ang panget na 'to palabas ng Jollibee, ipapasagasa ko pa siya sa highway nang mawala yang kayabangan niya!" sabi ko.

"Easy lang, Mikki!" sabay akbay sa akin ni Yusof. "Yang puso mo...baka mahulog na para sa akin yan."

Sa sobrang gigil ko ay naihambalos ko na sa kanya ang tablet PC ko. Mas lalong nagtawanan sina Jhake habang hinihimas-himas ni Yusof ang mukha niyang natamaan ng tablet ko.

Buti nga sayong Yu-Ef-Ow ka. Sana'y maging panget ka na nang hindi ka na pagkaguluhan pa ng mga babae't bakla. Muwahaha...

Habang tawa ng tawa ang mga kaibigan namin ay saktong dumating sina Sachi at Kath na may dalang burgers, sundae, spaghetti, float at fries. Tinulungan ko silang ilapag ang tray sa mesa.

"Teka, anong namang pinagtatawanan ng mga bugok na 'to?" nagtatakang tanong ni Sachi sabay turo kina Jhake na hindi pa rin maawat sa pagtawa.

"Pano kasi, nagbabangayan na naman sina Yusof at Mikki, tapos nung nainis si Mikki ay hinambalos niya ng gadget niya si Yusof. Kaya hayun, ang lalakas ng tawa nila." sabi ni Riri.

Nagkatinginan sina Kath at Sachi at kalauna'y sila naman ang napahagalpak ng tawa.

"Err...did I say something wrong, guys?" gulat na sabi ni Riri.

"Wala naman." sabi ni Yogo.

Nung naawat na ang dalawang shunga sa pagtawa nila ay naupo sila sa bakanteng upuan sa harap namin.

"Tapos na kayong tumawa? Mabuti naman." inis na sabi ko.

"Grabe na kayo ni Yusof! Daig nyo pa si Tom at Jerry sa tindi ng away nyo! Eh ano na naman bang dahilan ng pag-aaway ninyo?" tanong ni Kath.

"COC." sabi ni Rhian.

Nagkatinginan ulit ang shungang magdyowa at muli'y napahagalpak na naman sila ng tawa.

"Hahaha! Dahil lang sa COC, nagkahampasan na kayo! Hahaha!" at halos sumalampak na sa sahig si Sachi sa sobrang kakatawa niya. Kabagin ka sanang panget ka. Muwahaha.

"Hoy Sachi, tama na nga yan, baka mamaya, sumakit pa yang tyan mo sa kakatawa." awat sa kanya ni Kath.

"Eh sumasakit na nga ang tyan ko sa dalawang 'to eh." sabi ni Sachi sabay turo niya sa amin ni Yusof.

Haha. Buti nga sayo Sachi.

xD.

"Tama na nga yang COC na yan! Ang mabuti pa'y kumain na tayo dahil kanina pa ako gutom, okay!" sabi ni Erich.

Mabuti pa nga.

Tumigil na sila sa pagtawa at nagkanya-kanya na kaming kuha ng pagkain namin.

(Kensington High School, mid-afternoon)

(Mikki's POV)

GRRRR!!!

Nakakainis talaga si Yusof Khan a.k.a Yu-Ef-Ow!!!

1. Nilagyan niya ng bubble gum ang armchair ko!

2. Muntik na niyang matabig ang pagkain ko sa cafeteria!

3. Naputikan ang PE uniform ko nang dahil sa sasakyan niya!

4. Napalabas ako ng di oras nang dahil sa kakulitan niya!

5. Sinira niya ang araw ko ngayon!

6. Bwisit siya!

7. Buang siya!

8. Baliw siya!

9. Shunga siya!

10. Guwapo siya.

What the fish!

Siya?! Guwapo?! Talaga bang sinabi ko yun?! As in...sinabi ko yun?!

NO WAY!

Okay. Correction.

10. PANGET SIYA! (ayan ha, naka-capslock pa! xD.)

Urgh! Nakakainis talaga siya! Palagi na lang niya akong pinagtitripan!

Grr...humanda ka talaga sa akin...

YU-EF-OW!

(Kensington High School, mid-afternoon)

(Yusof's POV)

PALABAS NA ng school premises ang kotse ko nang makita ko si Mikki na naghihintay ng masasakyang jeep. Muli'y na-guilty na naman ako nang makita ko siya, pano kasi, sumosobra na rin ako sa pang-aaway sa kanya. Naisip ko tuloy, kapag palagi ko siyang aawayin ay mas lalong mapapalayo ang loob niya sa akin. Ayoko namang mangyari yun kung kaya naman babaguhin ko na ang strategy ko.

From now on, magiging mabait na ako sa kanya.

Saktong paglabas ng sasakyan ko sa gate ay inihinto ko ang kotse sa tapat niya. Nagulat siya nang makita niya ako.

"Ano na namang gagawin mo sa akin? Pagti-tripan mo na naman ako noh?" sarkastikong sabi sa akin ni Mikki.

"Hindi. Sawa na kasi akong pagtripan ka eh." sabi ko naman.

"Talaga? Nagsawa ka na? Mabuti naman." mataray na sabi niya.

"Mikki naman..." sabi ko with matching pouty lips ko sa kanya.

"Hindi mo ako madadaan sa pagpapa-cute mo." at inirapan ako ni Mikki.

Hindi ko maiwasang malungkot sa pagtrato niya sa akin ng ganito. Kunsabagay...kasalanan ko naman kasi.

"Sorry na." ang sincere na sabi ko, dahilan para bigla siyang mapatingin sa akin.

"Anong sabi mo? Sorry? Nagso-sorry ka?" gulat na tanong sa akin ni Mikki.

"Yes. Can't you see?" malungkot na sabi ko sa kanya.

"Wag mo nga akong niloloko, Yusof."

"Hindi kita niloloko, Mikki." at bumaba ako sa kotse ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Y-Yusof..."

"Patawarin mo na sana ako kung palagi kitang inaaway. Sana...mapatawad mo pa ako. Kaya lang naman ako nagpapapansin sayo kasi gusto kitang maging kaibigan." sabi ko habang nakahawak ako sa malambot na palad niya.

"Gusto mo naman pala akong maging kaibigan eh. Bakit inaaway mo pa ako?" tanong sa akin ni Mikki.

"Kasi nahihiya akong sabihin sayo na gusto kitang maging kaibigan." sabi ko sa kanya.

"Ganun ba?" at napaisip si Mikki. "Sige, patatawarin na kita."

"Talaga?"

"SA ISANG KONDISYON." and she smiled evilly.

"Ha? A-anong kondisyon naman yun?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Isang linggo mo akong ihahatid pauwi sa bahay namin, isang linggo mong dadalhin ang bag ko at isang linggo kang magiging alalay ko. Deal?"

"D-deal..." nanginginig na sabi ko.

"Eh ba't mukhang nag-aalangan ka pa dyan?"

"H-hindi! Hindi ako nag-aalangan. Sige na, deal." sabi ko.

"Very good, Yusof. And last condition na lang...can we be friends?"

Napangiti ako sabay sabing, "Friends."

Nagkamayan kaming dalawa, tanda ng pagbabati namin...and the same time...ay pagiging magkaibigan naming dalawa.