(The White Palace Mansion, evening)
(Erich's POV)
PAGDATING ko sa bahay ay napansin kong tila nakaayos ang sala. Maging ang kusina ay punumpuno din ng mga pagkain. At pansin ko din na maayos ang pananamit ng mga katulong sa mansyon namin.
Anong meron?
Habang iginagala ko ang paningin ko sa paligid ng mansyon ay nakita kong palapit na sa akin si Mommy. At nagulat ako pagkat nakasuot siya ng pulang gown at nakaayos ang kanilang buhok.
"Mommy, anong okasyon? Ba't nakabihis 'ata kayo ngayon?" ang nagtatakang tanong ko kay Mommy.
"Hindi mo pa ba alam, Erich? Ngayon mo na makikilala ang mapapangasawa mo! Kaya sige na, magbihis ka na! Magpaganda ka ha!" at dali-dali na akong itinulak ni Mommy paakyat sa taas. Dahil sa masunurin pa naman akong anak ay agad akong umakyat sa taas.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay dali-dali na akong nagpalit ng damit. Isinuot ko ang kulay blue na cocktail dress na bigay sa akin ni Yhannie. Dahil tinatamad akong mag-ayos ng buhok ko ay tinalian ko na lang ang buhok ko. Nag-apply ako ng konting make-up at nagpabango. And presto! Maganda na ulit ako. Buwahaha.
Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita kong kausap na ni Mommy yung daddy ng future husband ko. Bumaba ako at lumapit sa kanila.
"Erich! Wow. You look so gorgeous." ang humahangang sabi ni Mommy sa akin.
"Matagal na akong maganda, Mommy." sabi ko sa kanila.
"Anyways anak, siya nga pala si Dr. Jordan Manahan, ang daddy ng mapapangasawa mo. Kuya Jordan, this is Erich, my youngest daughter."
"Nice to meet you, hija." ang nakangiting sabi ni Tito Jordan.
"Nice to meet you too, Tito." sabi ko naman.
"Sandali lang at tatawagin ko na ang future husband mo. Maghintay lang kayo dyan ha." at lumabas sandali ng sala si Tito Jordan. Pagbalik niya ay halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko kung sino ang mapapangasawa ko.
"J-JHAKE?!!!" I said very shockingly.
"E-ERICH?!!! WHY ARE YOU HERE?! D-DON'T TELL ME....I-IKAW ANG BABAING PAKAKASALAN KO?!!!" gulat na gulat na sabi ni Jhake.
Muntik na akong mahimatay sa mga nalaman ko kung hindi ako kaagad napaupo sa sala.
"I-ikaw ang...mapapangasawa ko?! Seryoso?!" ang nanginginig kong sabi sabay turo ko sa kanya.
"O-oo eh." uutal-utal namang sabi ni Jhake.
"Magkakilala na pala kayo." sabad ni Mommy sa amin.
"Yes Mommy. Jhake is one of my close friends in school." sabi ko.
"Totoo?" tanong ni Tito Jordan sa kanya.
"Opo Daddy." sagot naman ni Jhake.
"Eh di hindi na pala kayo mahihirapan pang pag-aralang mahalin ang isa't isa, kasi matalik na kayong magkaibigan." ang nakangiting sabi ni Mommy.
"Right, Elaine." sabi ni Tito Jordan.
Haay naku, pinag-ti-tripan nyo ba kaming dalawa, Mommy?
"Siyanga pala, nakahanda na ang pagkain sa mesa. Maghapunan na tayo." anyaya ni Mommy sa amin.
"Sure, Elaine. Halina kayo, mga anak." sabi ni Tito.
Sumunod na kaming dalawa ni Jhake sa dining room.
(Veranda, evening)
(Erich's POV)
"ANG lakas ding mang-trip sa atin ng kapalaran noh, Jhake?" sabi ko sa kanya sabay sipsip ko sa juice na iniinom ko. Nasa veranda kami ngayon at nagkukwentuhang dalawa tungkol sa nalalapit na naming pagpapakasal sa susunod na buwan.
"Oo nga eh. Biruin mo, ikakasal na tayong dalawa. Tsaka titira pa tayo sa isang bahay. Amazing." ang nakangising sabi ni Jhake.
Natawa na lang ako sa sinabi ni Jhake. Oh well, kahit na ayaw ko pang magpakasal ng maaga ay wala na akong magagawa pa dahil napagkasunduan na ito ng mga magulang namin. I need to respect and accept their decision. Tsaka mukhang kapalaran ko na yatang mag-asawa ng maaga.
Haay...
"Jhake, tatanungin kita, wag mo sanang masamain. Nagsisisi ka ba na nagpatali ka sa akin ng maaga?" diretsahan kong tanong sa kanya.
Tumingin siya sa akin at kalauna'y nagsalita siya. "Hindi. Hindi ako nakakaramdam ng pagsisisi. Kasi ikaw naman yung mapapangasawa ko. Hindi ka na ibang tao sa akin dahil magkaibigan naman tayo. Ikaw naman ang tatanungin ko. Nagsisisi ka ba na pumayag kang magpakasal sa akin?"
"Sa umpisa, oo, kasi akala ko, ibang tao yung pakakasalan ko. Pero nung malaman kong ikaw naman pala yung magiging asawa ko ay medyo naging magaan na rin ang pakiramdam ko, kasi kumportable naman ako kapag kasama kita. Tsaka friends naman tayo, so wala akong dapat ikailang." sabi ko sa kanya.
He smiled and blushed slightly.
"Pero nakakailang pa ring magpakasal sa magandang katulad mo." pabirong sabi ni Jhake sa akin.
"Ganun?"
"Yes."
"Sira!" sabay tampal ko sa braso ni Jhake. Tatawa-tawa siyang hinimas ang braso niya.
Haay...dahil maagang nangyari sa amin ang kamalasang ito ay wala na kaming ibang choice kundi tanggapin iyon ng maluwag sa kalooban namin. Sana nga lang ay kayanin ko pa sa mga susunod na araw ang mga mangyayari sa buhay ko ngayong malapit na akong maging si Mrs. Jhake Angelo Manahan.
(Veranda, midnight)
(Jhake's POV)
KATATAPOS ko lang ubusin ang natitirang hiwa ng cake sa platito ko nang mapansin kong tulog na si Erich. Itinabi ko ang platito sa mesa at nilapitan ko siya. Dahan-dahan kong isinandal ang ulo niya sa sofa ng veranda. Pagkasandal ng ulo niya sa sofa ay hinubad ko ang tuxedo ko at ikinumot sa kanya. Habang inaayos ko ang pagkakasuot ng tuxedo ko sa katawan niya ay muli na naman akong tinamaan ng pagkahaling ko sa kanya...pagkahaling na sa kanya ko lang nararamdaman.
"Erich...napakaganda mo talaga...sobra. Kaya siguro minamahal kita ng ganito ay dahil na rin sa ganda mo." bulong ko habang nilalaro ko ang makinis niyang mukha gamit ang daliri ko.
Aaminin ko, matagal na akong may gusto kay Erich, pero natatakot akong magtapat sa kanya dahil ayokong masira ang friendship namin. Tsaka idagdag pang maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya kung kaya naman hindi ako makaporma man lang sa kanya.
Ngunit dahil na rin sa nalaman kong siya ang babaing pakakasalan ko ay nabuhayan muli ako ng loob na iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Gagawin ko ang lahat para maging isa akong mabuting asawa sa kanya, nang sa gayon ay matutunan na niyang buksan ang puso niya para sa akin.
"I love you, Erich." and I gave her a kiss...on her cheeks.