Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 42 - CHAPTER FORTY ONE

Chapter 42 - CHAPTER FORTY ONE

(Kensington High School, Lunch break) 

(Kath Rence's POV) 

(Theatre Arts Society Office) 

"TRULALUSH BA yung naririnig kong news sa cafeteria kanina?! Si Papa Joshua...nagtapat kay Gianna ng bonggang-bongga?!" ang very shocked na tanong sa akin ni Yogo. 

Nasa TAS Office kami ngayon at sinabi ko na kina Mikki at Yogo ang tungkol sa naging pagtatapat ni Joshua kay Gianna. At tulad ng inaasahan ko ay halos mahimatay na sa gulat ang dalawang kaibigan ko nang malaman nila ang latest news na yun dito sa school. 

"Oo. May nakakita daw sa kanila." sabi ko naman. 

"Uwaa! Ang swerte naman ni Gianna! Nakakainggit naman siya. Sana, sagutin na niya si Joshua." ang kinikilig na sabi ni Mikki. 

"Ano naman ang naging reaksyon ng madlang pips?" curious na tanong ni Yogo. 

"Hayun, halos mamatay na sila sa gulat at pagkainggit." sabi ko naman. 

"Oo nga noh. Apat na ang taken sa mga Campus Heartthrobs. Tatlo na lang ang available." sabi ni Mikki. 

"Isa na ako dun." 

Napalingon kami sa likod at nakita namin si Yusof na nakasandal sa pader at nakangiti sa amin. 

"Haay, ayan na naman ang hambog." inis na bulong ni Mikki. 

"Hi guys! Hi Mikki!" bati niya sa amin. 

"Hello Prince Yusof! Do you want a coffee, tea or me?" ang malanding sabi ni Yogo. 

"Tumigil ka na nga sa kaharutan mo, Yogo!" sita sa kanya ni Mikki. 

"Grabe ka naman Mikki. Parang binibiro lang ako ni Yogo eh galit ka na." sabad ni Yusof. 

"At sino ka naman para sumabad sa amin?" Mikki said sarcastically. 

"Whoa Mikki! Relax, ang puso mo," sabay lapit ni Yusof ng husto kay Mikki. "Baka tumibok na yan para sa akin..." and he smirked cleverly. 

"PERVERT!" ang ubod-lakas na sigaw ni Mikki sabay tulak niya kay Yusof. "Bastos! Walang galang! Hambog!" 

"Sorry naman! Parang binibiro ka lang eh." sabi pa ni Yusof pero inirapan siya ni Mikki. 

"Pwes, hindi biro yun." mataray na sagot ni Mikki. 

"Tama na nga yan, nag-aaway na naman kayo. Kanina pa kayong dalawa eh." iritang sabi ni Yogo sa kanila. 

"Siya kasi eh, masyadong papansin!" sabay turo ni Mikki kay Yusof. 

"Anong ako? Ikaw kaya 'tong nangunguna dyan." depensa ni Yusof. 

"Panay ang away ninyo ah, baka mamaya nyan, kayo pa ang magkatuluyan." pang-aasar ko sa kanila. 

"Kami?! Magkakatuluyan?!" at nagkatinginang pareho sina Mikki at Yusof. "NO WAY!" 

"Anong no way? Yes way!" at napapalakpak si Yogo. 

"Yes way ka dyan! Kung gusto mo, harutin mo na lang ang hambog na yan, baka sakaling magkatuluyan pa kayo!" paasik na sabi ni Mikki. "Tsaka ikaw Kit-kat, kesa pagbuntunan mo ako ng pang-aasar mo, pag-trip-an mo na lang yung boyfriend mo." 

"Over ka naman Mikki. Hindi ka mabiro." sabi ko sa kanya. 

Inirapan lang ako ni Mikki habang nangiti lang si Yusof. And speaking of Josh's twin brother, napansin kong laging kinukulit ni Yusof si Mikki. At may na-se-sense akong kakaiba. Di kaya...may gusto si Yusof sa kaibigan ko? That's what boys do, right? Kahit nga si Sachi ay ginawa ang lahat para lang makuha niya ang atensyon ko, kung kaya naman kabisadung-kabisado ko ang modus ng sira-ulong curry na 'to. 

Eh pano nga kung may gusto talaga si Yusof kay Mikki? 

Nyaaah! 

This is going to be a... 

CLASH! 

Patay. Tiyak na lagot si Mikki nyan 'pag nagkataon. 

Natigil lang ako sa nakakalokang pag-iisip ko nang makita kong pumasok sa loob ang mga napiling cast para sa theater play, kasama na dun si Joshua. Maging ang tatlong judges ay pumasok na rin sa classroom. Kaagad na kaming lumabas nina Yogo, Mikki at Yusof sa room. 

"Okay, so magsisimula na ang audition para sa lead role ng Miss Saigon. Miss, pumasok na na dito." 

Nag-umpisa na ang audition. May mga nakapasa sa judges habang ang iba naman ay bumagsak. At yung iba, dahil sa sobrang kilig nila nung makita nila si Joshua ay hindi na sila nakakanta pa. Iba rin talaga ang nagagawa ng galawang breezy paminsan-minsan. 

xD. 

Natapos ang audition. Nakapili na ang TAS ng magiging Miss Saigon. Subalit hindi satisfied ang mga organizers sa napili nila. Maski si Joshua ay hindi niya type ang napili sa lead role.    

"Ayokong maging Miss Saigon ang babaing yan. Masyado siyang maarte at pa-cute. Palitan nyo siya." direktang sabi ni Joshua. 

"Pero--" at akmang magdadahilan pa ang student director at classmate namin nang biglang may pumasok sa loob ng TAS. 

Si Gianna. 

"I'm sorry kung na-late ako. Pwede pa ba akong mag-audition?" kalmadong tanong niya. 

Saglit na natahimik ang buong office habang nakangiti si Joshua sa kanya. Ang napili namang Miss Saigon ay napanganga sa gulat pagkakita kay Gianna. 

"Wow." at napatakip ang student director sa kanyang bibig. "Eternal beauty. Bagay na bagay kang maging Miss Saigon! Sige na, tanggap ka na!" 

"Pero pano naman ako?" maarteng tanong nung napili nila. 

"Tama si Prince Joshua, napaka-OA mo na nga, papansin ka pa. Tsaka, ang chaka mo! Kaya tsupe, layas ka na dito!" pagtataboy nung director sa babae. 

"But..." kontra pa nung babae pero itinulak na siya ng director palabas ng office. Tinangka pa sanang magreklamo nung babae pero natakot siya nung makita niya kami nina Mikki. Hindi na siya pumalag pa at dali-dali na siyang umalis. 

"Sige na. Magsimula ka na." sabi ng director kay Gia. 

"Pwede bang kanta ni Taylor Swift ang kantahin ko?" magalang na tanong ni Gia. 

"Okay lang." 

Huminga ng malalim si Gianna sabay labas niya ng gitara na nakasukbit sa bag niya. Umupo siya sa isang monobloc chair sa harap ng mga judges. At kasabay ng pag-strum ng gitara niya ay ang pagkalat ng malamyos na boses niya sa buong office. 

♪ Hey Stephen, I know looks can be deceiving 

But I know I saw a light in you 

And as we walked we would talk 

And I didn't say half the things I wanted to 

Of all the girls tossing rocks at your window

I'll be the one waiting there even when it's cold 

Hey Stephen, boy you might have me believingI don't always have to be alone ♪ 

♪ Cause I can't help it if you look like an angel 

Can't help it if I wanna kiss you in the rain, so 

Come feel this magic I've been feeling since I met you 

Can't help it if there's no one else 

Mmm I can't help myself ♪

♪ Hey Stephen, I've been holding back this feeling 

So I've got some things to say to youI've seen it all, so I thought 

But I've never seen nobody shine the way you do 

The way you walk, way you talk, way you say my name

It's beautiful, wonderful, don't you ever change 

Hey Stephen, why are people always leavingI think you and I should stay the same ♪ 

♪ Cause I can't help it if you look like an angel 

Can't help it if I wanna kiss you in the rain, so 

Come feel this magic I've been feeling since I met you 

Can't help it if there's no one else 

Mmm I can't help myself ♪ 

♪ They're dimming the street lights, you're perfect for me 

Why aren't you here tonight? 

I'm waiting alone now so come on and come out

And pull me near and shine, shine, shine ♪

♪ Hey Stephen, I could give you fifty reasons 

Why I should be the one you choose 

All those other girls, well they're beautiful 

But would they write a song for you? ♪ 

♪ Cause I can't help it if you look like an angel 

Can't help it if I wanna kiss you in the rain, so 

Come feel this magic I've been feeling since I met you 

Can't help it if there's no one else ♪

♪ I can't help myself if you look like an angel 

Can't help it if I wanna kiss you in the rain, so 

Come feel this magic I've been feeling since I met you 

Can't help it if there's no one else 

Mmm I can't help myself

Mm I can't help myself

I can't help myself 

Oh, Oh, 

MmMm ♪ 

Palakpakan ng lahat habang si Joshua naman ay halos ma-magnet na ang mga mata sa kakatitig kay Gianna. 

"Wow! Tanggap na tanggap ka na! Ikaw na ang gaganap na Kim!" very impressed na sabi ng isa sa mga judges ng audition. 

"S-salamat po." sabi naman ni Gianna. 

"Ang galing mo talaga, Gia." nakangiting sabi ni Joshua. 

"T-thanks, Joshua." at nakita naming nag-blush si Gianna. 

Haay...ang cute talaga nilang tignan... 

"Okay, so ang gaganap na bilang Kim sa Miss Saigon ay si Ms. Gianna Angela Cabrera." 

Nagpalakpakan ang lahat maging ang mga iba pang nag-audition. Maging kami na nasa labas ay nagpalakpakan din. 

Nung matapos nang ang audition ay nauna na kaming bumalik sa classroom para sa afternoon class namin.